17

204 12 0
                                    


CHAPTER  17

Unedited...
"Ano ang nangyari?" tanong ni Aron nang pagdilat ng mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Aira ang nakita.
"Kuya..." sabi ni Jairah at lumapit sa kaniya.
"Mabuti naman at gising ka na, anak," naiiyak na sabi ni Aira at niyakap siya. "Akala ko, hindi ka na magigising."
"Ano ho ang nangyari?" naguguluhang tanong niya at bumangon. "Bakit may IV fluid ako?" Tatanggalin na sana niya ang IV needle na nakatusok sa kanang kamay niya pero pinigilan siya ng ina.
"Mom? Bakit nasa hospital ako?" Bago pa makakilos ang ina ay tinanggal na niya ang karayom at tumayo.
"Anak, magpahinga ka muna, pagod ka pa sabi ni Doc." Tila bingi si Aron at lumapit sa pintuan pero pagkabukas niya ay kaagad na isinarado ang pinto nang makita ang reporters na nag-aabang sa labas.
"What is the meaning of this? Bakit may mga reporter sa labas?"
"W-Wala ka ba talagang naalala, Kuya?" nag-aalalang tanong ni Jairah kaya natigilan ang binata at pinagmasdan ang dalawang babaeng nasa harapan.
"Ang huli kong naalala ay nagpa-press con si--fuck!" Nanghihinang naupo siya sa medical bed. "S-Sabihin ninyong nanaginip lang ako," mahinang sabi niya at napahilamos sa mukha. "Panaginip lang iyon, 'di ba?"
"Na inanunsiyo ninyo ang relasyon ninyo kaninang umaga?" tanong ni Aira kaya nanlumo si Aron.
"Wala kaming relasyon!" Lumakas na ang boses niya at tumayo saka hinarap ang kapatid. "Nasaan ang lintik mong kaibigan?"
"H-Hindi ko po alam," kinakabahang sagot ni Jairah at nagtago sa likuran ng ina. Mukhang si Naruto na ito na palabas ang pinakahuling buntot nito.
"Nasaan na ang baliw na babaeng iyon?" Nanginginig ang buong katawan niya. Ne hindi niya pinansin ang dugong dumudulo sa kanang kamay.
"Anak, huminahon ka muna."
"Huminahon?" bulalas ni Aron. "Paano ako huminahon eh sinira niya ang buhay ko!"
"Hindi ba ninyo napag-usapan na aminin sa publiko?"
"Mom, for Pete's sake, wala kaming relasyon!" Mainit ang lahat ng paligid niya kahit na malakas pa ang aircon. Kailangan niyang mapatay si Mandy para mabawasan ang galit niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa sina Mandy at ang magulang nito.
"Aron, mahal kong Aron!" naiiyak na sabi nito at binuksan ng malaki ang pinto para makita sila ng reporter sa labas. "Mabuti at gising ka na!" Kumuha pa ito ng tisyu sa bag at pinahidan ang mga luha. Nang mapansin ni Tyron ang nagbabagang mga mata ng anak ay isinara niya ang pinto.
"Hindi mo ba ako patatahimikin?" Lalapitan na sana niya si Mandy para ibalibag sa dingding pero hinarangan siya ng ama.
"Relax, Aron." Tinulak ni Tyron ang anak para hindi maabot si Mandy na ngayon ay nakatago na sa likuran ng ama.
"Daddy, sabi sa inyong delikado talaga siya," sumbong ni Mandy at yumakap pa sa bewang ng ama.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Mandy! Ano ang pumasok sa utak mo at iyon ang sinabi mo?" Wala na siyang pakialam kunb maririnig sila sa labas o kung ano ang sabihin ng kanilang mga magulang basta maipalabas lang niya ang masamang enerhiya sa katawan dahil kung hindi, sasabog siya.
"Anak," tawag ni Aira at hinawakan sa balikat si Aron. "Huminahon ka, pag-usapan natin ito." Ngayon lang niyang nakita na ganito kagalit ang anak. Mula noon, kalmado ito.
"Mom? I can't! Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yan!" Dinuro pa niya si Mandy na sarap dukutin ng mga mata.
"See? Sabi sa inyong papatayin talaga ako ni Aron," parang batang sumbong ng dalaga.
"Shutup!" singhal ni Cheska sa anak at hinampas ito sa balikta.
"Kyaaah. Daddy si Mommy, sinasaktan ako!" Isinangga niya ang katawan ng ama para hindi siya maabot ng ina.
"Ayusin mo ang lahat ng gulong ito at humingi ka ng tawad kay Aron!" Utos ni Cheska. Never pa niyang nagawa ang ganito sa talambuhay niya kahit na galit siya noon kay Oliver.
"My ghad!" bulalas ni Mandy at napasiksik sa likod ng ama. "Inayos ko na nga! Nagpa-presscon na ako para matapos na ang lahat ng ito. Ano pa ba ang kulang ko?"
"Ano ang kulang?" singhal ni Aron. "Itatanong mo sa akin? Alam mo ba ang pinagsasabi mo kaninang babae ka?"
"Yes!" taas noong sabi ni Mandy at hinarap si Aron. "Ginawa ko ang gusto mo. Nagpatawag ako ng reporters at ako ng bayad para malinis na ang gusot. Ano pa ba ang gusto mo?" nakapamewang na sabi niya. Nakikinig lang ang kanilang mga magulang habang si Jairah ay busy sa kaka-text.
"Iyon ba ang solusyon mo? Ang sabi ko, linisin mo ang pangalan ko!"
"Ginawa ko na!" giit ni Mandy. "Ang sabi mo, ayusin ko ang pumutok na balita tungkol sa relasyon natin kaya naayos ko na! Wala nang problema dahil alam na nilang maayos na ang pagsasama natin! Ano pa ba ang kulang?!"
"May relasyon ba talaga kayo?" sabat ni Aira.
"No/No!" sabay na sagot ng dalawa.
"Tungkol saan ang presscon, Mandy?" tanong ni Cheska na kulang na lang ay sabunutan ang anak.
"Sa maganda at malinis na pangalan namin!" maarteng sabi ng anak.
"Paano kami magkabalikan ni Julie kung ipinagsigawan mong wala na kami?"
"Bakit? Kayo pa ba?" balik-tanong ng dalaga at nakipagtitigan kay Aron.
"Haist! Magkano ba ang bayad mo sa sarili mo para sirain ako, ha?" singhal niya.
"Libre lang! Ba't naman ako magbabayad sa sarili ko? Tanga naman neto!"
"Maldita ka talagang babae ka!" sigaw ni Aron na nandidilim na ang paningin sa galit. Kung wala lang ang mga magulang nila, baka kanina pa niya napatay si Mandy.
"Stupid ka naman!"
"Tama na!" sabat ni Oliver na tumaas na ang boses. Minsan lang siyang magalit kaya alam ni Mandy na seryoso na ang ama.
"Kasi daddy--"
"Lumabas ka, Mandy!" Utos ng ama na hindi na magpahawak sa kaniya.
"Fine!" sabi ng dalaga at lumabas na.
"Miss Mandy, kamusta na ang kasintahan mo?"
"Okay na ba si Aron?"
"Ano ang nangyari?"
Sunod-sunod na tanong ng reporter kaya kumalma si Mandy at ngumiti sa mga ito.
"Relax, he's fine now. Don't panic," pagpakalma niya sa mga kaharap. "Basta ako, kalmado lang kami, family ko, relatives ko, at mga friends ko. Excuse me, give space sa dyosa," sabi niya saka maarteng naglakad palayo sa mga ito.
"Ano ang balak mo?" tanong ni Tyron sa anak na pinapakalma ang sarili.
"Paano ko mababawi ang reputasyon ko kung sinira na ng babaeng iyon?" Mainit pa rin ang ulo niya. "Salamat, Mom," pasalamat niya nang abutan siya ng ina ng malamig na mineral water.
"Hijo, pasensya ka na sa anak namin," paumanhin ni Oliver na siya ang nahihiya sa inasal ng anak.
"I'm sorry, Tito Oliver, Tita Cheska pero as of now, hindi ko mapapatawad ang anak ninyo," pag-amin niya. Hindi pa talaga dahil hanggang ngayon, kumukulo pa ang dugo niya.
"We understand you," sabi ni Cheska na naaawa sa binata. Malalagot talaga ang anak niya mamaya sa bahay.
"I need space," pabulong na sabi ni Aron. Kailangan niyang mag-unwind.
"Mauna na kami," paalam ni Cheska at hinila na ang asawa palabas.
Ang doctor na papasok sana kanina ay sinenyasan ni Aron na huwag muna silang istorbohin.
"Uuwi na ako," sabi ni Aron at tumayo.
"Kailangan mo pang magpatingin da doctor," natarantang sabi ni Aira.
"Tulog at pahinga ang kailangan ko, Mommy," sabi ni Aron saka binuksan na ang pinto. Ne hindi niya pinansin ang mga reporter na nakasunod sa kaniya. Tuloy-tuloy lang siya sa sasakyan ng mga magulang.
Pagdating sa bahay, dumiretso siya sa kuwarto at agad na naghubad ng saplot saka pumasok sa shower room. Ilang minuto niyang ibinabad ang hubad na katawan sa bathtub at kung anu-ano ang sinusubukang isipin pero wala siyang maisip. Ang nandidilat na mga mata ni Mandy ang nakikita niya at ang pagpilantik ng mga kamay nito habang nag-aarte sa harap ng camera kanina.
Nang mapagod ay nagbanlaw na siya at lumabas sa kuwarto na nakahubadl habang tinutuyo ang basang katawan at buhok. Kahit paano, medyo nakatulong ang malamig na tubig para maibsan ang init ng katawan.
Napasulyap siya sa cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. May ilang mensahe na galing sa mga kaibigan lalo na sa triplets ng mga Villafuerte na kino-congratulate siya pero ang nakaagaw ng pansin niya ay ang mensahe galing kay Julie.
"Congrats, wishing you all the best!"
Agad na tinawagan niya si Julie. Nakadalawang ring pa lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Julie, ang tungkol sa amin ni Mandy--"
"Okay lang, Aron, naintindihan ko. Napanood ko ang presscon ninyo, congrats pala!" Masaya ang boses nito kaya wala sa sariling napaupo siya sa malaki at malambot na kama.
"J-Julie--"
"May gagawin pa ako, good night!"
Magsalita pa sana siya pero pinatay na ng dalaga ang tawag niya.
"Masaya ba siya dahil sa wakas, nakalaya na siya?" malungkot na tanong niya sa sarili. Bakit parang balewala lang kay Julie ang lahat? Hindi na ba talaga siya nito mahal?
Pagbukas niya ng TV, itinapon niya ang remote sa dingding. Sila ni Mandy ang laman ng balita.
"Fuck! Malilintikan ka talagang Mandy ka sa akin!" sigaw na naman niya. Mula nang makilala niya si Mandy, hindi na yata nito pinahinga ang puso sa galit at wala itong balak tumigil hanggat hindi siya makapatay ng tao!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon