CHAPTER 15
Unedited...
"Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ni Jairah kay Mandy nang pagpasok niya ay hindi ito nagsalita para kamustahin o makipagkuwentuhan sa kaniya. "Naputulan ka ba ng dila?"
"Ate Mandy? Pasyal kayo bukas sa bahay!" masiglang sabi ni Lee Patrick nang pumasok silang quadruplets.
Napakunot ang noo nila nang hindi umimik ang pinsan. Sa halip ay kinuha nito ang piatos at binuksan gamit ang gunting na nasa center table.
"Ate Mandy?" alanganing wika ni John Matthew pero kain lang ito nang kain habang nakatingala sa kanila.
"May lagnat ka po ba?" tanong ni John Matthew. Gusto niyang hawakan ang leeg nito pero natatakot siya. Baka bigla na lang siyang sunggaban at kalmutin dahil mukhang sinaniban ng piping ispiritu.
"Hala, Ate Mandy?" ani Jacob at tinapik siya sa balikat.
"Tawagan na kaya natin sina Tita Cheska?" suhestiyon ni Jairah.
"Magpapatawag na ba tayo ng albularyo?" sabi ni LL. Nakatitig silang quadruplets kay Mandy na masama na ang tingin sa kanila.
"Pwede bang tumahimik kayong lima," mahinahong sabi Mandy kaya nanayo ang balahibo ng limang kaharap. Si Jairah ay napaatras at nagtago sa likuran ng apat na pinsan.
"S-Sandali, natatakot na sabi ni John Jacob at napahawak sa kuwentas ni Lee Patrick na may krus.
"Hindi ako nasasaniban," wika ni Mandy na para bang may tahe ang bibig at pinipilit lang na magsalita. "Alam ba ninyo ang less talk, less mistake?"
"S-Sure ka, Ate Mandy?" nagdududa pa ring tanong ni Jacob.
Tumayo si Mandy at nginitian ang lima. "Sure ako."
"Ano hong nanyari sa 'yo?" tanong ni John Matthew kaya hinarap siya ni Mandy.
Ngumiti ang dalaga at bumulong sa kanila. "Will you please, do not disturb my silent moment?"
Nagkatinginan silang lima na para bang may masamang ispiritu sa kanilang harapan. "Guys, do not talk to me, okay?" kalmadong pakiusap ng dalaga saka lumabas at pupunta sa last subject ngayong umaga.
Pagpasok niya sa classroom, sinalubong siya kaagad nina Jersel.
"May babayaran tayo sa tshirt, isang libo," paniningil nito sabay lahad sa kaniya ng kamay.
"Nakabayad na ako," sagot ni Mandy.
"Hindi pa kaya."
"Nakabayad na. Si Mommy ang magbabayad kaya maghintay ka," walang ganang sagot niya.
"Deadline na kaya ngayon," sabat ni Anilou kaya isa-isa niyang tinigan ang tatlo.
"Nakikita ninyo itong mahabang buhok ko? Extension lang ito," sabi ni Mandy pero kontrolado ang boses. "Kapag mapikon ako mamaya, tanggali ko 'to para itali sa leeg ninyong tatlo! Kaya tabi! Dadaan ako!"
"Ang utang ay utang!" Tumaas na ang boses ni Jersel. Si Mandy na lang kasi ang hindi pa nakapagbayad at siya ang magbabayad kapag may kulang.
"Wala akong pera," sagot ni Mandy at itinulak si Anilou saka dumiretso sa upuan.
"Hindi ka ba talaga magbabayad?" sinundan siya ni Jersel kaya poker face na tiningala siya ni Mandy.
"Huwag mo akong sigawan kung ayaw mong ingudngod ko sa semento 'yang bunganga mong parang puwet ng manok!"
"Ayaw mong masigawan? Puwes, magbayad ka!" sigaw ni Jersel na nakapamewang pa sa harapan niya kaya umakyat ang lahat ng dugo ni Mandy sa ulo.
"Huwag mo akong sigawang impakta ka!" malakas na sigaw ni Mandy sabay tulak kay Jersel at napapaypay sa sarili. "Woah! Ang sarap ng feeling, my ghad!" maarteng sabi niya na para bang natanggalan ng busal sa bibig. Kanina pa niya tinitiis ang sumigaw e.
"Ano? Lalaban ka? Nakabayad na nga kami sa patatahian ng damit! Kung hindi ka lang tanga at kalahati!" Wala na. Tumaas na ang boses niya. Abot hanggang Marawi.
"Bakit ka sumisigaw?" mahinang tanong ni Jersel na biglang umurong ang dila. Matapang naman siya pero kapag ganito ang mga mata ni Mandy na parang baboy ramo na ano mang oras ay manlapa, nauulol siya.
"Nanahimik ako kanina, sinisigawan mo ako tapos ngayong lalabanan na kita, ayaw mo? Ano? Sigaw pa!"
Kahit karayom na mahulog sa sahig, maririnig mo na yata dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Walang ne isang nagsalita o kumilos dahil sa takot. Kahit ang mga lalaki ay nakatingin lang kay Mandy na kasing taas ng Mt.Apo ang kilay.
"Nakakaloko! Sinisira ninyo ang bangs ko!" sabi niya sabay flip ng buhok saka naupo sa silya at napasulyap sa bintana. Mabuti na lang dahil hindi niya nakita ang mukha ng lalaking kinaiinisan niya.
Napahawak siya sa dibdib. As in gumaan talaga ang pakiramdam niya. Iyong parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi kagaya kanina, dinaig pa niya ang may pinakamalaking boobs sa bigat ng dinadala.
Buong araw na wala nang sumubok na makipag-usap pa kay Mandy kaya nanahimik na ang dalaga sa isang tabi. Tinatamad siyang marinig ang maingay na mga kaklase sa tuwing wala pa ang guro kaya earphone lang ang katapat.
Patakbo siyang tumungo sa parking lot nang matapos ang klase dahil kanina pa raw naghihintay ang ama.
"Daddy! Na-miss kita!" masayang bati niya at hinalikan ang ama saka inayos ang seatbelt.
"Kamusta ang pag-aaral?" tanong ni Oliver.
"Okay lang po," sagot ng dalaga at sumimangot na naman.
"Si Aron na naman ba ang rason ng pagkasimangot mo?" tanong ni Oliver. Kapag ganitong lukot ang mukha ng anak, alam na niya ang sanhi.
"Change topic," pabulong na sabi ni Mandy at tumulis ang bibig.
"Hindi ba talaga kayo magkasundo?" Palabas na sila ng gate kaya nakahinga nang maluwag ang dalaga. Mula nang mag-transfer dito si Aron, sumikip na ang CTU sa kaniya.
"Bawal paghaluin ang tubig at langis," sagot ni Mandy at binuksan ang stereo.
"Alam mo ba, ayaw rin sa akin noon ng mommy mo," pagkukuwento ni Oliver.
"Hanggang ngayon, Dad," pagtatama ng dalaga kaya napailing ang ama. Sa lahat ng puwedeng mamana ni Mandy kay Cheska, ang pagkamaldita pa talaga nito.
"Pero kahit ganoon ang mommy mo, mahal ko pa rin siya." Ilang beses man niyang sinubukang mawala ang pagmamahal sa asawa pero ayaw talaga.
"Ah, you know what, dad?" Humarap siya sa ama at pinagmasdan ito sa mukha. Guwapo pa rin ito at hindi maikailang habulin ng mga babae. Lamang, bantay sarado ito sa ina niya. "Pareho kayo ni Aron."
"Really? Mahal mo na rin siya?" tukso ng ama.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Mandy. "No, dad. Pareho ho kayong tanga!" Tanga naman talaga si Aron. "Kahit na niloloko na, sige pa rin kasi mahal. Pagmamahal ba ang tawag do'n? Katangahan 'kamo!"
"Kapag magmahal ka, kaya mong magpakatanga," sabi ni Oliver. Ilang beses na ba siyang pinagsabihan ng anak na tanga? Hindi na mabilang. Tanga na kung tanga pero mahal niya ang ina nito.
"Kapag magmahal ka, siguraduhin mong hindi ka gagawing tanga ng mahal mo. Iba ang katangahan kaysa sa pagmamahal!" giit ng dalaga.
"I just love your mom," he said.
"Really? May parade ang mga stupid bukas, invited ka ni Aron!"
"You know what?" Tumigil siya sa pagmaneho dahil sa stop light. "I wish you could find a man who could shut your mouth down!"
"Your wish is just a wish, dad! Keep your wish alone. Wala kang genie!"
Nagkuwentuhan pa silang dalawa. Hindi naman na-o-offend si Oliver. Minsan natutuwa pa nga siya kapag lumabas na ang pagkapikon ng anak. Iyong palabas na ang kaluluwa nito sa balat.
Pagdating sa bahay nila, nagbihis muna si Mandy sa kuwarto saka naupo sa veranda.
"I hate my life!" she whispered. "Kami itong may swimming pool pero ako itong hindi marunong lumangoy."
"Huwag kang mag-alala, tuturuan ka na sa Saturday ng trainer mo," sabat ni Cheska mula sa likuran niya.
"Bakit ba kasi tinuruan mo akong hindi lumangoy? Kung may phobia ka sa tubig, hindi mo na sana ako dinamay pa!" Naiinis siya sa ina. Masyado itong maarte pagdating sa tubig. Naiintindihan naman niya ito pero sana ay hindi na siya dinamay pa.
"Kaya nga naghanap na kami ng magtuturo sa 'yo eh."
"Para ano pa?"
"Para pumasa ka dahil bagsak ka sa swimming class mo!" sabat ng ina. Nakausap na niya ang guro nito ay kahit na anong gawin ay ayaw talagang magpaturo ni Mandy. Hindi mo ito mapipilit dahil kapag ayaw, ayaw talaga.
---------------
The next morning, maaga pa siyang ginising ng ina.
"Aalis kami ng daddy mo, pupunta ang trainer mo kaya be good, okay?"
"Mom? Ayaw ko!" tanggi niya na hinahanap ang fluffy slippers.
"Two hours lang naman kaya umayos ka! Nakakahiya na hindi ka marunong lumangoy," ani Cheska. "Swimmer ang boyfriend mo tapos ikaw, dinaig pa ng grade one?"
"Wala akong boyfriend!"
"Inanunsiyo mo na ngang kayo ni Aron tapos i-deny mo?"
"Hindi ko siya boyfriend!"
"Ano ang gusto mong palabasin? Sinungaling ka? E lahat ng taga CTU at Westbridge, alam na kayo na?" Ibinalita pa nga sa TV ang sinabi ni Mandy at may kasamang pang video.
"E di sabihing break na kami!"
"Masyado ka naman yatang easy to get? Bago lang ninyo, break na kaagad?"
"Wala nga kaming relasyon ni Aron!"
"Bahala ka!" pagsuko ni Cheska at lumabas na dahil kanina pa siya hinihintay ni Oliver.
Naligo muna si Mandy saka bumaba para kumain.
"Senyorita, nasa pool na po ang magtuturo sa 'yo, kanina ka pa niya hinihintay," sabi ng katulong na kakapasok lang. May tatlo silang katulong at may kani-kaniyang gawain.
"Pakisabing maghintay siya!" sabi niya. Wala talaga siyang balak na magpaturo kaya kakausapin na lang niya ito para takutin at sabihin sa nga magulang na naturuan siya.
Matapos niyang kumain ay lumabas siya para puntahan ang trainer. Napaatras siya nang makita niyang nakaupo ito sa gilid ng pool.
"Magbihis ka na ng damit mo dahil may lakad pa ako," walang kabuhay-buhay na sabi ni Aron habang nakatingala sa kaniya.
"Walang hiyang buhay 'to!" bulong ni Mandy at naikuyom ang kamao saka tinalikuran si Aron.
Mabilis na tumayo ang binata at hinatak ito pabalik. "Where do you think you are going?"
"Get off your hands from me!" sigaw ni Mandy at tinulak ito pero hinatak siya ni Aron pabalik sa pool. "Ayaw kong matutong lumangoy!" sigaw niya. Mas lalong ayaw niya lalo na't ito ang magtuturo sa kaniya. "I hate my parents! I hate them!" Nagwawala na siya pero malakas si Aron.
"Ayaw mong matuto? Puwes, malunod ka!"
"Kyaaaaah!" tilo niya nang tinulak siya ni Aron sa tubig.
Nakatitig lang si Aron sa dalagang nalulunod at sinisikap na umahon sa 6 feet na tubig. Alam niyang natatakot na ito. Kung hindi na lang kaya niya tulungan para tuluyan nang mawala sa landas niya? Nang mapansin niyang hindi na ito umahon ay tumalon siya tubig.
Nang hatakin niya ito paakyat, nanginginig na ito sa takot na kumapit sa balikat niya para hindi malunod.
"P-Papatayin mo ako!" umiiyak na sabi ni Mandy.
Hinawakan siya ni Aron sa bewang para hindi lumubog dahil sobrang likod.
"I-Isusumbong kita kay Daddy," humihikbing sabi niya.
"Mula ngayon, kapag magturo ako, sumunod ka dahil oras na magsinuplada ka pa, lulunurin na talaga kita nang tuluyan!"
Dinala na niya ang dalaga sa gilid ng pool. Iyak pa rin ito nang iyak dahil sa takot.
"W-Wala akong nagawang kasalanan pero bakit binigay ka ng Diyos sa buhay ko?" singhal ni Mandy.
"Magbihis ka na at turuan na kita!"
"Ayaw ko!"
"Isa!" pagbilang ni Aron. Hindi siya siya nagbibiro. Lulunurin na talaga niya si Mandy kapag magmatigas pa ito.
"F-Fifteen minutes," humihikbing sabi nito saka pumasok sa bahay para magpalit ng swimsuit. She has the worst trainer ever!