34

224 11 0
                                    

CHAPTER 34

Unedited...
"Mandy, bakit isasama mo pa ako?" tanong ni Jairah.
"Kasi ayaw kong makausap nang matagal si Liam," sagot ni Mandy.
"Ano ka bang klaseng ka-date? May chaperone pa!"
"Sumama ka na lang kasi!" pagpupumilit ni Mandy at kinaladkad ito palabas ng gate.
"Si Kuya 'yon, 'di ba?" tanong ni Jairah nang makita ang kapatid kasama si KC. "Kuya!"
"Bakit nandito kayo?" tanong ni Aron at napasulyap kay Mandy na kahit hindi nakatingin sa kaniya, salubong na naman ang kilay nito.
"May date kasi sina Liam at Mandy kaya isasama ako," sagot ng kapatid.
"Let's go na!" Hinila na ni Mandy palayo si Jairah.
"Mandy?"
"What?"
"Hindo ka ba nagseselos?" Wala lang. Naisipan lang niyang itanong dahil alam ng lahat na may relasyon sila ni Aron. Tumigil si Mandy na naka-poker face.
"Bakit mo natanong?"
"Kasi 'di ba, alam ng lahat na may relasyon kayo?"
"So?"
"Wala lang. Malay mo, nagkagusto ka na pala sa kuya ko?" Pakipagsapalaran niya. Kahit siya, hindi niya nai-imagine kapag magkatuluyan ang dalawa. Baka pati bubong ng bahay, tatapon kapag mag-away ang dalawa. O hindi kaya ay susunugin ni Mandy ang bahay nila kapag magtalo sila ni Aron. Sa ugali ng dalaga, hindi malabong mangyari nga iyon.
"Gusto mong malaman ang totoo?" seryosong sabi ni Mandy kaya natigilan si Jairah, "Pero pakiusap, huwag mong ipagkalat, Jairah."
Luminga-linga si Jairah sa paligid. Malapit na sila sa gate pero malayo naman ang mga estudyante sa kanila.
"Ano iyon, Mandy?"
"Alam kong mapagkatiwalaan ka naman kahit na hindi kita itinuturing na kaibigan e," sabi ni Mandy at isang malalim na buntonghininga ang ginawa kaya mas lalong na-excite si Jairah. Tama kaya ang nasa isip niya?
"Sige, makakaasa kang walang ibang makakaalam, peksman!" Itinaas niya ang kanang kamay bilang tanda ng panunumpa.
"Ang kuya mo kasi, mabait siya sa totoo lang, nakikita ko iyon. Tahimik minsan, pero nakipaglokohan din sa inyo kapag kinakailangan kaya marami ang babaeng nagkakagusto. Ganoon naman talaga ang habulin at idagdag pa ang pagiging athletic nito, 'di ba? Sino ang hindi mafa-fall?"
Nanlaki ang mga mata ni Jairah. Tama ba ang narinig niya? Pinuri nito ang kuya niya? And take note, seryoso pa talaga si Mandy.
"I-Ibig sabihin, may gusto ka rin kay Kuya?"
Hinarap siya ni Mandy at tinaasan ng kilay, "Pero sa kabila ng ganoong ugali, hindi ninyo alam, may pagkademonyo siya, mukhang nagsga-shabu at killer talaga siya! Nilunod na niya ako!" galit na sabi ni Mandy. Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Jairah kaya mas lalo siyang nainis.
"At kahit siya pa ang pinakasikat na lalaki sa buong mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa kuya mo dahil nakita ko na ang ugali niyang kampon ng kasamaan!"
Padabog na nag-martsa siya palabas ng gate. Wala siyang gusto kay Aron at wala siyang pakialam kung sino ang kasintahan nito. Selos? Pakialam niya. Kahit magtalik at maghalikan pa ang mga ito sa harapan niya, wala talaga siyang pakialam, really. Isa lang itong demonyo na hinulog galing sa impyerno para maghasik ng lagim sa buhay niya.
"Hi!" nakangiting bati ni Liam na nakasandal sa kotse kaya marami ang napapatingin sa kanila. Ang guwapo nito sa white polo shirt with brown trouser.
"Hello!" tinatamad na sagot ni Mandy.
"Hi, Jairah!" bati ni Liam sa dalagang tumabi kay Mandy. Maganda si Jairah pero wala siyang nababalitaang may karelasyon ito.
"Hello, huwag na lang kaya akong sumama," nakasimangot na wika ng dalaga.
"Sumama ka!" Pinandilatan siya ni Mandy kaya wala siyang nagawa kundi sumakay nang pagbuksan sila ni Liam sa backseat. Ayaw rin naman ni Mandy na maupo sa unahan.
Pagdating nila sa mall, bumili muna sila ng pagkain at si Liam na ang pumila para bumili ng ticket sa sinehan.
"Ang ganda naman ng shoes mo," puri ni Jairah. Ngayon lang niya napuna dahil sa mga taong nakatingin sa suot ni Mandy.
"Yes, bigay ni Liam!" pagmamalaki niya sa white shoes na suot, "Picture-an mo nga, ang ganda eh!" maarteng sabi ni Mandy at ibinigay ang iPhone kay Jairah. "Sa paa lang naka-focus!" sabi niya. Sinasadya niya para mainggit ang mga nasa paligid na mga mukhang social climber.
"Ang ganda ng shoes niya, mukhang mamahalin!"
"Oo nga, saan kaya niya binili? Baka milyon ang halaga? Mukhang yayamanin!"
"Baka class A lang? Marami naman diyan na magaling lang magdala at hindi halatang peke!"
Kumulo na naman ang ulo ni Mandy sa narinig. Siya? Magsusuot ng fake? Never!
"Hindi 'yan fake, si Mandy 'yan at si Jairah, mayaman 'yan sila, friends!" sabi ng mahilig sa shoes na palaging inaabangan ang pagbenta ni Cheska ng sapatos online.
"Gosh! Siya ba ang sinasabi mong anak ng binibilhan mong adik din sa shoes?" Nag-uusap na ang grupong nag-aabang din ng kaibigan nilang bumili ng ticket.
"Liam!" malakas na tawag ni Mandy kay Liam na papalapit na sa kanila kaya napalingon ang mga babaeng pinag-uusapan sila. Ang iilan ay nanlaki ang mga mata nang mamukhaan angm batang CEO ng Navarro enterprises.
"Pasok na tayo," sabi ni Mandy at hinila na si Jairah papasok sa Cinema 1.
Sa unahang row sila sa itaas naupo dahil ayaw na raw ni Mandy na maglakad. Nasa gitna nila si Liam.
"Mandy!" nakasimangot na sabi ni Jairah kaya nagmulay si Mandy ng nga mata. Maliwanag na sa palibot at ang iba ang bumababa na. "Dito ka na lang ba?"
"Tapos na ba?" tanong ni Mandy.
"Pauwi na nga sila eh!" naiinis na sagot ni Jairah. Si Liam naman ay ngingiti-ngiti lang. Buong movie, nag-uusap sila ni Jairah pero itong si Mandy, tinulugan sila.
"Psh! Ayaw ko nang manood ng movie, ang boring!" Mula noon hanggang ngayon, nakakatulog siya. Sumama lang naman siya para sa date kuno nila ni Liam. Tumayo siya at naunang naglakad palabas.
Nagyaya pa si Liam pero sabi niya, uuwi na siya. Sakto namang pumunta rin ang ama niya kaya nakisabay na siya sa pag-uwi. Si Jairah ay hinatid na ni Liam. Bahala na silang dalawa, hindi naman siguro papatayin ni Liam si Jairah. Si Aron lang ang may killer instinct.
"How's your date?" tanong ni Oliver sa anak.
"Fine!"
Napailing siya. Sa ganitong tono ni Mandy, mukhang alam na niyang wala talaga.
"Anak, wala ka bang natitipuhan?"
"Marami, alam mo iyon, dad!"
"Hindi sapatos ang tinutukoy ko. Kailan mo balak mag-boyfriend?"
"Bata pa ako at kahit nasa kuwarenta na ako, hindi pa rin ako mag-boyfriend!" Hindi siya kagaya ng teenagers na puro lovelife ang nasa isip. Parang mga tanga lang ang mga nakikita niya sa social media na monthsary, weeksary, daysary, at minutesary. Parang mga timang lang para sa kaniya.
"Masarap ang magmahal," ani Oliver.
"Mas masarap ang hindi na magmahal pero may pang-shopping!" giit ni Mandy. Kahit kailan, hindi siya naiinggit sa mga nagmamahalan o magkasintahan. Never niyang pinangarap iyon. Lumaki siya bilang si Cinderella dahil sa mga sapatos pero never niyang maging kagaya nito na may Prince Charming. She finds it weird!
Napatingin siya sa malaking billboard ng sikat na loveteam ngayon. Mula bata pa sila, sila na ang magka-loveteam at kasama ng mga ito sa pag-mature ang mga fans nila. Kaedad nga lang niya ang mga ito pero hindi siya fan. For what? Speaking of childhood, may naalala siya, isang alaalang kahit kailan, hindi niya makakalimutan.
" Sky, sasama sa inyo!" bibong sabi ni Mandy na anim na taong gulang. Kakauwi lang nila mula sa Barcelona dahil 5th birthday party ng mga pinsan niya.
"Talaga? Sige!" sabi ni Sky at hinawakan ang mga kamay ni Mandy. Kakakilala lang nila pero close na sila kaagad dahil sila naman ang magkakaedad.
"Mandy, halika," yaya ni Blue at hinawakan din si Mandy sa kabilang kamay.
"Uy, ikaw si Black, 'di ba?" masayang tanong ni Mandy sa kapatid nina Sky at Blue. Tumango lang ang bata.
"Tara, laro tayo sa playground!" yaya ni Mandy kaya sumama ang triplets sa kaniya.
Pagdating nila, marami ang batang naglalaro kaya sumali sila sa habulan. Tawa nang tawa si Mandy kasama ang iba pang mga bata. May kapatid siya pero hindi naman sila ganoon ka-close dahil bata pa ito.
"Uy, ganda, laro tayo!" yaya ng medyo matabang batang lalaki kasama pa nito ang payatot.
"Sige!" masiglang sabi ni Mandy. Siya ang batang masiyahin at walang alam kundi ang makipagkaibigan. Ne hindi nga kasi siya inaalagaan ng mommy niya kaya sa mga batang kaedad niya siya bumabawi.
Lahat ng bata ay nakikipagkaibigan sa kaniya. Pakiramdam niya, isa siyang espesyal na bata na gustuhing maging kaibigan ng lahat.
Napatingin siya sa batang lalaking nakaupo sa swing at naglalaro ng hawak nitong bola at nilapitan ito.
"Hi!" masiglang bati ni Mandy, "Laro tayo!" Nginitian niya ito pero hindi siya pinansin kaya inagaw niya ang bola. "Kapag kinakausap kita, sumunod ka!" sabi niya at inagaw saka itinapon ang bola sa malayo kaya sumingkit ang mga mata ng batang lalaki.
"Hindi lahat ng bata ay gustong makipagkaibigan sa 'yo!" galit na sabi ni Aron. "Nakikipag-friends lang sila sa 'yo kasi mayaman ka! Pero hindi ka nila gusto!"
"H-Hindi totoo 'yan!" naiiyak na sabi ni Mandy. "Mahal nila ako!"
"Kasi mayaman ka!" sabat ni Aron at nilapitan ang tumalbog na bola.
"Ang sama mo!" Sinundan niya ito at sinigawan, "I hate you!"
Humarap ang bata na naka-poker face lang, "Papansin ka lang! Akala mo gusto ka ng lahat? Hindi ka naman talaga nila gusto! Sino ang magkakagusto sa ugali mong pabibo?"
"Mahal nila ako!"
"Naniwala ka naman sa kanila?" Tinalikuran na siya ni Aron.
"I h-hate you! I h-hate y-you!" Pinahidan ni Mandy habang nakatingin kay Aron na papalayo sa kaniya.
"Mandy, wala na ba talagang pag-asang bumalik ang dating baby ko?"
Napukaw siya sa paggunita ng nakalipas nang magsalita ang ama.
"What do you mean, daddy?" tanong ni Mandy.
"Nasaan na ang sweet Mandy ko?"
"Dad naman! Ano ba ang pinagsasabi mo?" nakasimangot na sagot niya.
"Kami lang ba talaga ang mahal mo? Kailangan mo ring mag-asawa balang araw."
"Opo, kayo lang nina Mommy ang mamahalin ko," sagot ni Mandy. Wala siyang kaibigan, hindi siya marunong magmahal at ayaw niyang may magmahal sa kaniya that's why she is suffering from philophobia, fear of falling in love

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon