CHAPTER 25
Unedited...
"Himala, hinatid ka yata ni Liam kahapon?" sabi ni Cheska habang kumakain sila.
"Ganu'n talaga kapag dyosa ka," sabi ni Cheska na nakangiti. Matapos nilang magkape, hinatid na siya ni Liam. Gusto pa sana nitong mamasyal sila sa Glorietta pero tinatamad na siya.
"You like him?" Oliver asked.
"Maybe," hindi siguradong sagot ng dalaga, "We do have a lot in common."
"Common?" Cheska raised her right brow. "Like what?"
"Shoes," Mandy answered while smiling. "We both love shoes."
"What else?"
"Another shoes!" she rolled her eyes, "More shoes!"
"So? Gusto mo na siya because of shoes?"
"Yes, minsan ka lang makahanap ng lalaking gusto rin ang gusto mo," sagot ni Mandy. Hindi naman sa gusto niya talaga ang Navarro shoes dahil bago pa lang ito but the personality of it's owner makes her love the shoes.
"We've talked about sa kung paano niya napatayo ang Navarro shoes tapos kung ano ang hindrances niya noon."
Ipinagpatuloy lang nila ang pagkain. Mabuti na lang dahil matiyaga si Liam sa pagsagot sa mga katanungan niya tungkol sa sapatos.
Nang matapos kumain ay idinaan siya ni Oliver sa paaralan bago dumiretso sa opisina.
Matapos ang first subject, pumunta siya sa tambayan para ayusin ang sarili.
"Mabuti naman at nakita kita," sabi ni Jairah nang pumasok. "Nandito ka lang pala. Alam mo bang kung saang lupalop na kita hinanap?" Pagod na pagod ang mukha nito.
"So? Nakarating ka na ng Marawi sa kakahanap sa akin?"
"Mandy naman! Seryoso, kanina pa kita hinahanap. May nagpapabigay pala sa 'yo," sabi ni Jairah at ibinigay ang isang box sa kaniya.
"Ano 'to?"
"Malay ko, baka bomba?" sagot ni Jairah na napahawak sa dibdib. "Basta binigay lang ng lalaking may black lamborghini na nasa labas ng gate. "Liam daw ang name niya. In fairness, ang pogi niya!" puri ng dalaga.
"Si Liam? My gosh!" tili ni Mandy saka binuksan ang box na naka-gift wrap pa.
"Waaaah. Shoes!" masayang sabi niya saka niyakap ang pulang sapatos. "Oh my!" Sinukat niya ito. Saktong sakto sa mga paa niya. "It fits! Oh my gosh!"
"Wow, ang ganda ng design ha," puri ni Jairah. Three inches ang takong nito at kumikintab pa sa bago na kapag magaling lang magdala ang sumusuot, makakakuha ito ng atensyon.
"Ano ang brand?" tanong ni Jairah at kinuha ang kanang sapatos para tingnan. "Navarro shoes?"
"Yes!" sabi ni Mandy. "I think, this is a new product at hindi pa nailabas sa market."
"So? Siya pala ang anak ng may-ari ng Navarro shoes?" The shoes was made from the skin of the world's finest alligators. Sa Italy ang main branch nito kaya papasikat na.
"Yes, he's the one who manages their family's businesses," she replied. Ang cute ng sapatos at super like na like niya. Though, aminado siyang hindi ganun kaganda kagaya ng Louis Vuitton pero dahil branded at papasikat na, bet pa rin niya. "Umalis na ba si Liam?"
"Nasa labas pa. Sabi niya, kung wala ka raw gagawin, baka puwedeng mag-snack muna kayo sa Starbucks!"
"Talaga?" bulalas ni Mandy. "May billboard ba?"
"Wala! Asa ka naman!"
"CEO siya tapos walang billboard?" nakasimangot na sabi ni Mandy kaya tumawa si Jairah.
"Sorry ka na lang, wala ka sa bucketlist niya!" biro nito.
"At least hindi siya scammer!" pagsisinuplada ni Mandy saka iniligpit muna ang sapatos at lumapit sa pintuan.
"Where are you going?"
"To Liam! May date kami!" excited na sagot ng dalaga.
"Na ganiyan ang ayos mo?"
"Bakit ba? Ang ganda ko kahit na ganito ang ayos ko!" sagot ni Mandy.
"Yung buhok mo, parang sinakluban ng kaldero!"
Biglang umusok ang sungay ni Mandy nang mapasulyap sa malaking salamin sa gilid ng pinto ng kuwarto ni LL.
"Bullshit!" she cussed. "Bakit hindi ako naglagay ng hair extension?" naiiyak na sabi niya saka wala sa sariling napaupo muli sa sofa.
"So? Magpapa-hairdo ka muna? It takes 30 minutes."
"Argh! Don't talk to me!" naiinis na sagot ni Mandy at ginulo ang buhok. Baka magulat si Liam sa maiksi niyang buhok. Nagpa-hair extension siya kahapon kaya ang lakas ng confidence niyang makipagkita rito.
"P-Pwede bang pasabi sa kaniya na bukas na lang? Promise, bukas talaga. Sabihin mong nahihilo ko," pakiusap niya kay Jairah. Hindi siya puwedeng makita ni Liam na ganito. Nag-ienjoy pa siya para maputol kaagad ang whirlwind romance nila.
"Okay," sagot ni Jairah at tumayo. Saktong pupuntahan niya ang katropa niyang nasa Chowking kaya palabas din siya. Hinanap lang talaga biya itonv si Cheska dahil akala niya, nasa classroom pa ito.
Paglabas ni Jairah, nagmartsa naman palabas si Mandy para hanapin ang lalaking salarin kung bakit ganito ang buhok niya. "Mapapatay kita, Aron!" bulong niya habang naglalakad.
"Nasaan si Aron?" tanong niya kay Joyce nang pagpasok sa classroom ng mga ito ay nakasalubong naman niya ang tatlong magbarkadang papalabas.
"Hindi mo alam? Ano'ng klaseng girlfriend ka?"
"Kung ayaw mong madamay sa init ng ulo ko, sabihin mo sa akin if where the hell is he?" she shouted kaya natahimik ang mga kaklase nilang nasa loob ng classroom.
"N-Nasa gymnasium," nauutal na sagot ng kaibigan ni Joyce.
"Sasagot din pala kayo, ang dami pa ninyong satsat!" Nagmartsa na naman siya palabas ng classroom para tumungo sa gymnasium. Pagpasok niya, natutulog si Aron sa pinakadulo na malapit sa bintana. Kaunti lang ang estudyante at mostly ay players lang.
"Gising!" hiyaw ni Mandy at sinipa ang binata kaya para naman itong naputukan ng dinamita sa boses ni Mandy.
"Damn! Ano ang ginagawa mo rito?" salubong ang mga kilay na tanong niya nang tumayo. Wala pa siyang tulog mula kagabi dahil may test sila kanina sa first subject.
"Alam mo ba kung ano ang perwisyong ginawa mo sa buhay ko, ha?" singhal na naman ni Mandy na kumukulo na ang dugo sa kaharap. Malapit nang sasabog ang ulo niya.
"Ano na naman ba ang nagawa ko?" Naiinis na siya. Wala talaga siyang maalala. Sa katunayan, ito pa nga ang namerwisyo sa kaniya kahapon. Mabuti na lang dahil mabait si KC sa kaniya at mukhang napansin nito ang pagkamataray rin ni Mandy kaya siya pa rin ang pinaniwalaan. Pero iba ngayon. Pera, pangarap at kinabukasan niya ang mawala kapag hindi matuloy ang proyekto dahil sa pagiging taklesa ni Mandy.
"Magtatanong ka pa? Alam mo ba ang perwisyo ng pagputol mo sa buhok ko? Nakakasakit ka na!" gigil na gigil na sumbat niya. Kung damit lang sana nito ang ginupit sa kaniya, mabilis lang siyang maka-move on pero ang buhok? Hindi naman yata makatarungan iyon?
Poker face na tinitigan ni Aron ang dalagang kaharap. Maiksi ang buhok na hindi pa umaabot sa balikat at may bangs pa. Sa pagkaalala niya, wala siyang kasalanan kung bait nagkaroon ito ng bangs. Hindi naman ito pangit sa ayos pero baka hindi lang sanay si Mandy sa maiksing buhok kaya ganito na lang ang pag-alburuto nito.
"Bakit? Cute ka naman ah," puri ni Aron at napangiti nang mapansing nangingilid ang mga luha sa nga mata nito.
"Shutup!"
"Cute ka talaga, Mandy. Ikaw kaya ang human version ni Dora," pang-asar niya kaya napanganga ang dalaga.
"I hate you!" ubod lakas na sigaw nito at palahaw na umiyak. As in ang tindi ng mga luha nitong lumabas sa mga mata niya.
"H-Hindi mo ako n-naintindihan dahil hindi mo naranasan ang maputulan ng b-buhok!" Pinahidan niya ang mga luha gamit ang mga daliri sa kaliwang kamay.
"P-Palibhasa a-akala mo, okay lang ang lahat pero sa akin, hindi! B-Bakit ang buhok ko pa? H-Hindi naman ako ang nagpunit ng damit mo. A-Aaminin ko naman 'yon kung ako e!" humihikbing sabi niya at napaupo na. Nakatitig lang si Aron kay Mandy. Kahit sina LL na naglalaro, nagtataka sa nangyayari dahil hindi naman ugali ni Mandy na umiyak sa harap ng mga tao.
"M-Mandy..." Naaawa siya at the same time, natatawa dahil para itong pulubing bata sa tuwing umiiyak.
Tumingala ang dalaga sa kaniya. "A-Alam mo bang si Liam lang ang lalaking nakakaintindi sa akin? S-Siya ang una-unahang lalaking nagpakita ng interest sa akin? P-Pero paano ko siya haharapin kung g-ganito ang buhok ko? P-Paano niya ako magugustuhan dahil sa g-ginawa mo? W-Wala ka nang awa!" Pinahidan na naman niya ang masaganang mga luha. Ayaw tumigil sa pagdaloy e. Gusto niyang iuntog ang ulo dahil buwan o taon ang bibilangin niya bago tuluyang humaba ang kaniyang buhok.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Aron bago magsalita, "Alam mo, maikli o mahaba, may buhok ka man o wala, kung gusto ka ng taong iyon, hindi siya mahihiyang isama ka sa lahat ng lakad niya."
"P-Pero ayaw ko ng maikling buhok! Ayaw ko ng ganito! Nakaka-low moral!" sabi niya at napatakip sa mukha gamit ang mga palad.
"G-Gusto ko si Liam!" bulong ni Mandy.
"Eh kung gusto mo siya, magpakatotoo ka!"
"Paano ako magpakatotoo kung pinutulan mo na ang buhok ko!" singhal ni Mandy.
"Pinaiyak mo si Mandy?" sigaw ng kaklase niya.
"Hanep! Ikaw lang ang nakagawa niyan, Kuya Aron!" sigaw ni Lee Patrick at nagtawanan pa ang quadruplets.
"Tumayo ka na, Mandy. Hindi ka na maganda tingnan diyan. Ayusin mo nga ang sarili mo!" saway ni Aron na umaasang walang mga babaeng papasok sa gym dahil kung meron, iskandalo na naman ang abutin nilang dalawa.
"How can I fix myself if noon pa lang, sinira mo na?" tanong ni Mandy at tinalikuran si Aron.