23

148 8 2
                                    





OH MANDY
by: sha_sha0808

Chapter 23

Unedited...

"Mandy, gumising ka na. Nasa labas na si Aron," pagpukaw ni Cheska sa anak.

"Inaantok pa ako." Kinuha niya si Pooh at itinakip sa mukha dahil nasisilaw sa sikat ng
araw nang buksan ng ina ang bintana.

"Nagmamadali siya dahil may lakad pa ang
tao."

"Palakarin mo na siya."
"Mandy naman. Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang nag-iinarte!"

"I'm sleepy, Mom."
"Kapag hindi ka raw bumaba, siya na ang aakyat sa 'yo para gisingin ka."

Napabangon si Mandy sa sinabi ng ina. Para itong ahas na pinasabugan ng nuclear bomb
sa tainga habang natutulog.

"S-Saan na siya?"

"Sa baba. Bilisan mo na. Dalawang oras lang
ang pagtuturo niya."

"Bakit ba kasi si Aron ang kinuha ninyo ni Daddy? Wala na bang iba?" reklamo niya at
isinuot ang fluffy slipper saka lumapit sa closet.
"Wala na. Pasalamat ka nga, may nagtiyaga pa sa 'yo!"

"Mas na-appreciate ko kapag wala na talagang magtiyaga, Mom." Pumasok na siya
sa banyo para magpalit ng pang-swimming.

"Urgh! I hate him!" Tili ni Mandy nang maalala ang nangyari sa stock room noong
isang araw. Matapos nun ay hindi na sila nagkita o nagkasalubong pa ni Aron dahil
todo iwas ang ginawa niya.
Long sleeve one piece na two inches above the knee ang haba ang pinili niyang isuot.
Siya ang tipo ng taong ayaw i-expose ang balat sa mga tao. Unless, kung kinakailangan
talaga.

"Akala ko, hindi ka na bababa!" tinatamad na
sabi ni Aron na nakaupo sa gilid ng pool. Kanina pa siya naiinip.
Padabog na lumusong si Mandy sa pool at tumingala sa kaniya na hinihintay ang
sasabihin nito.

"Bumaba ka na e hindi ka pa nga nakapag- warmup."
Tahimik na umahon na naman ito saka nag- aalalang umping jack. Hinayaan lang ni Aron
ito sa ginagawa dahil mukhang umurong ang dila ng dalaga.

"Subukan mong mag-stretching," sabi niya nang mapansing kung anu-ano na ang pinaggawa nito. Sinunod naman ni Mandy ang sinabi niya.

"Baba na sa pool," mayamaya'y sabi ni Aron kaya mabibigat ang mga paang lumapit siya
sa pool.

"Mandy? Kapag malunod ka, sumigaw ka
naman para maisalba kita," bilin ni Aron dahil
wala talagang balak na magsalita ang dalawa.

"Try mo munang mag-bubbling exercise."

Lumapit si Mandy sa gilid ng pool at kumapit sa hand bar. She inhales through her mouth and exhales when her face is
under water. Nang hindi makatiis, bumaba na si Aron para turuan ito ng basic floating. Iyong hinahawakan niya ang paa para lumutang.

"Face down floating. Hug your feet using your both hands, lulutang ka niyan kahit
three seconds lang." Ginawa naman iyon ni Mandy pero nagpa-panic siya kaya mabilis
na tumayo. Hanggang dibdib lang naman niya ang tubig kaya hindi siya natatakot.

"Floating na nakatihaya na," sabi ni Aron pero hindi kumikilos si Mandy.

"Huwag kang matakot, nandito naman ako, hindi kita hahayaang malunod."

"Nilunod mo na ako minsan," sagot niya nang hindi na makatiis.

"Nandito ang parents mo kaya hindi kita lulunurin," sabi ni Aron. "Tumihaya ka,
hahawakan kita."

"Ayaw--kyaaah!" Bago pa siya makatutol, hinawakan na siya ni Aron sa balikat at
dalawang paa kaya napatihaya siya. Kitang- kita pa nga niya ang magandang ulap.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon