2

247 11 0
                                    

CHAPTER 2

Unedited...
"Mom? Could you please, talk to registrar's office later?" pakiusap ni Mandy habang nag-aayos ng eye shadow.
"Ano na naman ang ginawa mo?" wala sa modong tanong ni Cheska. Mula nang pumasok ito sa CTU, palagi na lang silang pinapatawag pero si Oliver ang palagi niyang inuutusan.
"I want to drop him!"
"Drop who?"
"Aron!" To the highest level na ang boiling point ng dugo niya nang sambitin ang pangalan ng binata.
"Sa Westbridge naman siya nag-aaral."
"Nah! Lumipat ang bakulaw sa CTU!" Pabagsak na inilapag niya ang makeup kit.
"Really? Why?"
"Because of her sister. Sumali si Jairah sa sorority at alam mo ba, ako ang pinagbintangan niyang nagyaya sa kapatid niya. As in, what the fuck? I'm not even a member of those stupid sororities! I can handle my enemies alone!" Nawalan na siya ng ganang ayusin ang sarili.
"Hayaan mo na, umiwas ka na lang. Try to be friends with Aron, mabait naman siya," sabi ni Cheska. Wala naman siyang nakitang mali kay Aron. Mabait ito at magalang. Ewan lang niya sa anak kung bakit ganito katindi ang galit niya sa binata.
"Why do you keep on insisting na mabait siya, when in fact, he's not?" she screamed. When she met him, her entire world was broken.
"He is!" Cheska insisted.
"Mom, he is not! He is a living monster! He's no good and never will be!"
"Exaggerated ka na sa pag-describe kay Aron. Ano ba ang ikinagalit mo sa kaniya at nawawala ka sa sarili kapag makita mo siya?" Sambitin niya ang lahat ng pangalan sa harapan ng anak pero huwag lang si Aron dahil masisira ang araw nito.
"I hate him! He hates me! That's all I know!" Tumayo siya at dinampot ang bag na nakapatong sa dresser.
"May uniform ang CTU," paalala ni Cheska nang mapansin ang suot na damit ng anak.
"I have my own version of what you called uniform! See? I am in uniform!" sabi ni Mandy at parang modelo na umikot sa harapan ng ina.
"So, that's what you called uniform, huh? What are you representing this day?" Noong teenager siya, nagsusuot naman siya ng uniporme ng CTU kahit paano kapag sumpungin siya pero itong anak niya ngayon, wala talaga.
"Panda, Mom! A cute and huggable panda!" she answered. She loves her black and white striped dress. Pinabili pa niya ito sa ama mula sa Paris.
"Mas bagay sa 'yo ang girrafe!"
"Panda! I so love panda!" she insisted.
"You have a good fashion skills!" wika ni Cheska. Sometimes good, sometimes worse fashion design she had ever seen in her entire life.
"Thanks Mom, I'm your daughter, remember?"
"I wish you were not!"
"As if na gusto naman kita para kay Daddy," sabat ni Mandy. Very vocal siya sa ina na ayaw niya ito para sa ama but it doesn't mean na ayaw na niya itong maging ina. She respects her so much and she also adores her father. She hopes na sana ay makatagpo siya ng lalaking kasing mapagmahal ng kaniyang ama. Kasing tanga at kasing uto-uto ng ama. Yes, she called him tanga at uto-uto pero sa utak lang niya dahil mapapatay siya ng kaniyang ina. Paano kasi, hindi ito makalaban sa kanilang ina.
"Umalis ka na bago pa kumulo ang dugo ko sa 'yo!" pagtataboy ni Cheska.
"Mom? Pahiram ako ng prada shoes mo." Err! Bet niya ang bagong sapatos ng ina. Nagtatampo nga siya sa ama kung bakit hindi rin siya binilhan. Ang sabi nito, hindi naman daw siya nagpasabi.
"Not my shoes, Mandy!" Pagdadamot ni Cheska. Kapag ipunin ang lahat ng sapatos nila, walang panama si Miss Imelda Marcos.
Naiinis na bumaba si Mandy at nagpahatid sa driver dahil umalis na raw ang ama niya kanina pa para ihatid ang kapatid niya.
Pagdating niya sa paaralan, tinaasan niya ng kilay ang mga estudyanteng nakakasalubong niya. Wala namang mabuting estudyante sa mga mata niya. Lahat ay mga palaka. Maliban na lang sa mga kamag-anak niya. Ganito rito sa CTU, lamangan ang labanan. Wala na yatang ginawa ang mga estudyante maliban sa pakikipagpalstikan. Kung sino ang mayaman, doon sila. Kapag mahirap ka, huwag kang mag-aral dito sa CTU. There's no place for poor students!
"Grabe, ang cute ng bagong transferee!"
"Oo nga! May girlfriend na kaya siya?"
"What's his name again?"
Mga usapang hindi nakaligtas sa tainga ni Mandy. Basta usapang transferee, alert ang utak niya diyan, 24 oras.
"Hindi naman siguro ang kalabaw na 'yon ang pinag-uusapan nila!" bulong niya. Huwag lang talaga niyang malaman dahil malalagot ang mga ito sa kaniya.
"Kyaaaah. Siya 'yan, 'di ba? Ang guwapo niya!" tili ng isang estudyante kaya sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito.
Okay, huminga siya ng malalim. Sasabog na siya. Sa dinami-rami ng tilian, ito pa talaga ang sumalubong sa kaniya. Puwede naman ang quadruplets.
"Shit! Nasaan na ba ang apat na 'yon?" tanong niya sa hangin para masapawan naman itong papalapit sa kaniya na busy sa kakatext.
Ipinagpatuloy niya ang taas noo niyang paglalakad. Never siyang yuyuko sa makakasalubong. Pareho lang naman silang hindi nakatingin sa isa't isa lalo na si Aron. Busy ito sa kakatext sa kasintahan dahil kanina pa hindi nagre-reply kaya labis siyang nag-aalala. Wala na siya sa Westbridge para puntahan ito sa classroom ano mang oras na gustuhin niya.
"Yabang!" bulong niya nang malagpasa ito.
"Kyaaah. May girlfriend na kaya siya?" tili ng isang babae sa grupong madadaanan niya.
"Malamang! Sa guwapo niyang 'yon, wala? Pustahan, hindi na mabilang ang babae no'n!" wika ng bakla kaya tumigil si Mandy at hinarap ang mga ito. Ang mga mata niya ay para bang isang espada na humihiwa sa katawan ng lima.
Natahimik naman sila at nagkunwaring may ginagawa kaya ipinagpatuloy na ni Mandy ang paglalakad. Ang pinakaayaw niya ay pinupuri nila ang isang demonyo sa buhay niya.
"Kapag may girlfriend man ang mokong na 'yon, hindi magtatagal dahil siya ang pinaka-boring na tao sa buong mundo!" sigaw ng isip at sinaksak si Aron sa isipan. Actually, pang milyon na beses na niya yatang pinatay ang binata sa isip niya. Sadyang nabubuhay lang talaga ito sa tuwing magkita sila. Hindi kasi maiwasan na magkaroon ng family gatherings lalo na sa mga Lacson. E mahal na mahal pa ito ng Tita Ann niya dahil noong bata pa si Aron, si Ann ang nagsilbing ina niya.
"Ate Mandy? Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni John Matthew nang makasalubong niya.
"Magpatawag nga kayo ng ispiritista! Maraming maligno ang gumagala sa paaralang ito!"
"Naniniwala ka roon? Wala naman po," sagot ni John Matthew.
"Meron! Nakasalubong ko kanina! Nagtetext pa nga e!"
"Wala namang maligno ate e," wika ni JM.
"Meron! Pangalan niya ay Aron!" giit ni Mandy.
"You can point a finger to me, but there's three pointing back."
Napalingon si Mandy sa lalaking nagsalita sa likuran niya. Hindi nga siya nagkamali, bumalik si Aron.
"So? Totoo namang maligno ka!" Hindi talaga siya magpapatalo. Wala nang rason para mag-deny o magpalusot pa siya dahil kaya niyang tumira paharap. Para ano pa't naging anak siya ni Cheska. Oh, thanks to her mother, tinuruan siya kung paano lumaban at hindi magpatalo.
Blangko na naman ang mukha ni Aron. Seriously, wala siyang balak na makipagtalo kay Mandy. She is the epitome of a real bitch. Mas ikinabahala niya ang kasintahang si Julie dahil ne reply, wala. Ayaw pa naman niyang payagan ito kagabi na pumunta sa party ng barkada kaya nagtampo ito sa kaniya.
"Palayasin mo nga siya sa CTU, Jacob," pakiusap niya sa pinsan.
"Will you please shut your mouth, Mandy?" Tumaas na ang boses ni Aron kaya medyo nagulat ang ibang nakarinig. Wala pang ibang tao na nagtaas ng boses kay Mandy. Meron noong first day ng klase pero nang malaman nilang apo ito ng may-ari ng paaralan, biglang umurong ang dila nila. May pina-kickout na ito para sample sa mga kakalaban sa kaniya.
"Kung ayaw mong marinig ang boses ko, lumayas ka sa paaralan namin!" Itinuro pa niya ang malaking gate ng CTU.
"Ate Mandy," mahinahong saway ni JM. Pinagsisisihan talaga niya kung bakit nakasalubong pa niya ang dalawa. Badtrip na nga siya kay LL, dagdagan pa nila. Gusto sana niyang punain na terno silang naka striped pero mas pinili niyang isaisip na lang dahil baka siya pa ang masabugan mamaya.
"Bitch!" napipikon na sabi ni Aron. Ngayon, napukaw na naman ni Cheska ang inis niya. Sino ba ang hindi? Wala na yata itong ginawa sa buhay niya kundi sirain ang modo niya. Kung hindi lang masama ang pumatay, maybe, years ago, nasa ilalim na ito ng hukay. Ito ang taong hindi niya pagsisisihan kapag pumatay siya.
"Moron!" singhal ni Mandy kaya napabuntonghininga si John Matthew. Kailan pa kaya matapos ang war ng dalawang 'to.
Napansin ni Aron na marami na ang nakiusyoso kaya walang imik na tinalikuran niya ang dalawa. Maha-highblood lang siya kay Mandy.
"Ayaw na kitang makita!" ubod ng lakas na sigaw ng dalaga kaya napatigil si Aron. Abot na yata hanggang Westbridge University ang boses nito.
"Mukhang araw-araw mong isisigaw 'yan," sagot niya saka tinalikuran ulit kaya ayun, nagtatalak pero isinarado na niya ang tainga at kunwari ay walang narinig. Kapag patulan niya ito, abutin sila ng magdamag at wala sa linya ni Mandy na magpatalo. Kung sabagay, taon na nga ang inabot ng away nila. Away na habang tumatagal, nakasanayan na niya.

A/N:
Alam mo 'yon? Hindi ko alam ang apelyido ni Mandy? My ghad! May apelyido o wala, ang mahalaga maging Rodriguez siya! Lol.
Pinalitan ko ung port ni Mandy. Hindi kasi bagay si Seohyun magmaldita, ang bait kasi ng face niya. Hehehe. ✌ ✌

Parang first story q yata to na K-star ang main port... E sa nabihag ng lalaking yan ang kalandian ko e. My ghad! May abs kasi siya. Hahaha. Naakit ang maharot kong puso. Pahubarin natin sa mga susunod na chapter. Hehehe... Gahasain natin ang abs niya. Lol.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon