OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 63
Unedited...
"Puwede bang magawa 'yon kaagad?" tanong ni Aron na nakaupo sa terrace nila. Alas singko na ng hapon at kakauwi lang niya mula sa paghatid kay Mandy, "Yes, emergency lang. Sorry, nakalimutan ko sa dami ng inaasikaso ko," sabi niya sa kausap. Ngayon pa lang siya magpapagawa ng cake dahil ang design ay ngayon lang natapos ng pinsan ng kakilala niya. May mali rin naman siya, hindi niya kaagad sinabi na this week na niya kailangan, "Yes, please. This Sunday morning kung puwede."
"Kuya?" tawag ni Jairah habang palapit sa kaniya na may bitbit na tray, "sino po ang kausap mo?"
"I'll call you tomorrow, thanks again," pasalamat niya sa kakilalang bakeshop owner at tinapos na ang tawag.
"Wala, kaibigan ko lang," sagot niya at kinuha ang isang hiwa ng seedless watermelon.
"Ah, babae o lalaki?" usisa nito.
"Kailan ka pa naging interesado sa mga kausap ko, Jai?"
Ngumiti ang kapatid at kumagat sa watermelon, "Alam mong sa ating tatlo, ako na lang po ang walang boyfriend and alam mo na, baka may ipakilala ka sa akin na friends mo," aniya kaya naningkit ang mga mata ni Aron.
"Huwag mong ipilit kung wala pa talaga! Nagmumukha ka lang na desperada! Para mo nang binebenta ang sarili mo!" sagot niya. Magkaedad lang sila pero mas nauna siya ng isang buwan sa kambal.
"Si Taira may asawa na tapos ako, kahit boyfriend wala? Ipakilala mo na kasi ako sa kausap mo! Malay mo, baka mag-click kami!" naka-pout na sagot ni Jairah.
"Babae 'yon! Tomboy ka ba?" napailing na sagot ni Aron.
"Babae pala ang kausap mo? Akala ko talaga, lalaki e," humagikhik na wika ni Jairah at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Doon ka na nga sa loob! Istorbo ka!" pagtataboy ni Aron. Kakausapin pa niya ang iba niyang kaibigan para kumustahin kung okay lang ba ang lahat.
"Talagang istorbo ako? Hmp!" pagtatampon wika ng dalaga at padabog na pumasok sa loob ng bahay.
Tatawagan na sana niya si Black nang tumunog ang cellphone niya, si Mandy ang tumatawag.
"Mandy?" sabi niya.
"May iba ka pa bang inaasahang tawag?" tanong nito sa kabilang linya. Masyadong apektado ang utak niya kaya hindi niya mabasa ang tonk ng pananalita nito.
"W-Wala naman. Bakit napatawag ka?"
"Gusto ko lang sanang kumustahin ang boyfriend ko kung nakauwi na dahil kahit text, wala akong natanggap. Baka sira lang ang cellphone ko kaya hindi makatanggap ng messagse galing sa 'yo at kay Daddy lang."
"Mandy, nakalimutan ko, sorry talaga," paumanhin niya. Ayaw niyang magsinungaling kaya nagdadasal siya na sana ay tapusin na nito ang tawag. As much as possible, ayaw niyang magbigay ng rason para paghinalaan siya nito.
"Okay lang, alam ko namang pagod ka. Matutulog na rin ako dahil pagod ako kaya hindi na tayo mag-video call mamaya," sabi ni Mandy na pinasigla ang boses.
"Ako rin, pagod din kaya sabay na tayong matulog nang maaga. I love you," sabi ni Aron.
"I love you too. Mahal na mahal din kita, Aron ko," sagot niya saka tinapos ang tawag.
Nanghihinang naupo siya sa kama. Wala nang ko sa pangalan niya. Mandy na lang ang pagbigkas ni Aron. Sa tono ng mga sagot nito, alam niyang tinatamad itong makipag-usap sa kaniya. Maybe nawawalan na ito ng ganang makasama siya. Kanina, nagmamadali pa itong umuwi.
"Ang sama mo!" naiiyak na sabi niya at nahiga sa kama saka niyakap si Pooh.
Tumunog ang cellphone niya kaya binasa niya ang text message mula kay Jairah.
May kausap si Kuya sa phone bago lang, babae]
Nanginginig ang mga kamay niya habang nagta-type ng i-reply kay Jairah.
[ Bantayan mo siya mgdamag kung aalis!]
"Hayop ka, Aron!" sigaw niya at isinubsob ang mukha kay Pooh. Kaya pala "number busy" kanina dahil may kinakausap ito. Siguro tatawagan ulit niya at mag-usap sila magdamag.
Nang alas siyete na, wala nang text o tawag mula kay Aron kaya inayos niya ang sarili at bumaba.
"Kumusta ang klase?" tanong ni Cheska habang kumakain na sila.
"Okay lang," walang ganang sagot ni Mandy.
"May problema ba?"-Oliver
"Wala."-Mandy
"Nag-away na naman ba kayo ni Aron?" usisa ng ina. Ganito ito kapag may problema sila ng binata, matamlay kumilos at magsalita.
"Mom? Sooner or later, baka maghihiwalay kami ni Aron," pagtatapat niya. Mas mainam na alam na ng mga ito.
"Nababaliw ka na ba? Paano mo nasabi?" tanong ni Cheska.
"Wala naman. Baka lang naman. Mas mabuti nang handa!" giit niya.
"Kumain ka na nga lang, kung anu-ano ang iniisip mo!" ani Oliver.
"E, paano kasi kapag hindi na niya ako mahal? Mapipilit ko pa ba siya?"
"Tama na nga 'yang drama!" saway ni Cheska.
Tumahimik si Mandy at ipinagpatuloy ang pagkain. Hanggat kaya niya, ayaw niyang ipaalam sa mga ito na nasa panganib ang relasyon nila. Isa pa, walang maniniwala sa kaniya na may babae si Aron. As of now, hinala pa lang naman at kailangan niya ng confirmation. Hindi puwedeng ganito.
"O? Tapos ka na?" tanong ni Cheska nang tumayo ang anak. Nakailang subo pa lang ito, wala pa nga yatang limang subo.
"Wala na po akong gana, matutulog na po ako, pagod ako," paalam niya at tinalikuran ang mga ito. May chocolates pa naman siya sa mini-ref sa kuwarto niya kaya iyon ang kakainin niya kapag makaramdam ng pagkagutom at pagkahilo.
Pagdating niya sa kuwarto, binuksan niya ang cellphone pero wala pa ring text galing kay Aron kaya tinext na niya si Jairah.
[Ano na? 2log na ba siya?]
Ilang sandali pa ay nag-reply na ito.
[Di pa, busy sa laptop kanina pero narinig kong lumabas siya sa kwarto nya]
[Sundan mo]
Matapos ang labinlimang minuto, nag-send si Jairah ng photos ni Aron sa terrace na nakatayo at nasa tainga ang cellphone.
Hindi na siya nag-reply dahil nauubusan na siya ng sasabihin. Naupo siya sa gilid ng kama at niyakap ang mga tuhod. Ang sakit naman ng ginagawa sa kaniya ni Aron.
Ilang sandali pa ay may ipinadala namang video si Jairah na mukhang sa malayo pa nito kinuha para hindi mabuko ni Aron.
Umiyak na siya. Nagkipag-video call ito sa kung sino man na nasa laptop nito.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumasok sa paaralan dahil hindi naman siya nakatulog.
"Bakit ang kapal ng makeup mo?" tanong ni Aron nang puntahan siya sa classroom.
"Mas okay na 'to kaysa sa mukha ko ang makapal!" sagot ni Mandy na naniningkit ang mga mata.
"May kumalaban na naman ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Aron.
"Wala naman! Ikaw lang naman ang kalaban ko sa buong buhay ko!" sagot ni Mandy pero hindi nakatingin sa kaniya, "what time ka natulog?"
"H-Ha? Maaga pa. Mga nine yata," sagot ni Aron. Malamang, maaga pa itong natulog kagaya ng sinabi nito kaya wala siyang dapat ipag-alala.
"Ah, maaga pa nga. Mabuti naman at hindi ka napuyat sa pag-video call dahil hindi tayo nag-usap kagabi," sabi ni Mandy at pinag-aralan ang mukha ng binata. Napansin niya ang pagkaiwas ng mga mata nito pero agad namang ibinalik sa kaniya para ipakita ang pagdadrama. As if na makapagsinungaling ito sa kaniya.
"Oo nga e, mamayang gabi, video call tayo," sagot ni Aron. Aminado siyang guilty siya sa usapan nilang ito. Tinawagan pa niya ang mga magulang para makita ang nabiling singsing na nagustuhan naman niya. Excited na nga siya at sigurado siyang magugustuhan ito ni Mandy.
"Huwag na, sa bahay ka naman matutulog, 'di ba?" sagot ni Mandy at naikuyom ang kamao. Friday ngayon at ngayon lang nakalimutan ni Aron ang araw na ito. Ito pa naman ang special day nila. Napakagat siya sa ibabang labi para huwag umiyak. Napaka-emosyonal yata niya ngayon. Ang sakit lang e! Wala sa kaniya ang utak ni Aron at wala na ba itong ganang makatabi siya sa kama dahil sa ibang babae?
"Oo nga pala. Excited ako sa video-call kaya nakalimutan kong Friday ngayon," sagot ng binata.
"Pahiram ako ng cellphone mo," sabi ni Mandy, "wala pa ang teacher kaya gusto kong maglaro."
"M-Mabilis lang ha. Ngayon ang uwi nina Daddy, baka ma-lowbat," wika niya at ibinigay kay Mandy ang iPhone kahit na labag sa loob. Baka magduda na ito kapag sabihin niyang lowbat siya.
Matapos ang tatlong minuto, isinauli sa kaniya ni Mandy ang cellphone kaya nakahinga siya nang maluwag.
Pagtingin niya, may mensahe mula kay Sky. Mabuti na lang dahil hindi pa nabuksan ni Mandy.
[Kita tayo 2pm]
"Pumunta ka na sa classroom mo, baka nandoon na ang teacher mo," amo Mandy kaya hinalikan niya ito sa pisngi bago umalis. Magpapagawa siya ng small toys na kasinglaki ng kamao kay Sky para kasama sa mga lobong ihuhulog nila oras na mag-propose na siya kay Mandy. Marami kasing bata ang dadalo sa party. Saktong may major subject si Mandy sa ganiyang oras kaya hindi ito makalabas. Magski-skip na lang siya sa klase.
1:30, nag-text si Mandy kay Aron na nasa classroom na siya at mag-uumpisa na ang guro nila.
"Ma'am? Matagal pa ba tayo?" tanong ng taxi driver kay Mandy.
"Maghintay ka lang, sandali na lang. Huwag ka na pong magreklamo, dalawang libo ang flag down ko!" sagot ni Mandy na mukhang mabait naman ang driver.
Napatingin siya sa gate, palabas na ang itim na porsche ni Aron, "Kuya, sundan mo ang sasakyang na 'yan!" sabi niya sa driver kaya sinundan naman nito. Mahigit trenta minutos siyang nag-aabang sa paglabas ng kasintahan. Nabasa niya ang text ni Sky pero minarkahan niya ng unread para hindi mahalata ni Aron.
Tumigil ang sasakyan nito sa isang coffee shop na pagmamay-ari ng mga Villafuerte. Bumaba siya at pumasok sa KFC na nasa tapat ng coffee shop na pinasukan ni Aron para makita ang paglabas nito.
"Lumabas kayo, bata!" pagtataboy ng guard sa dalawang batang pulubi na nakapuslit nang mag-CR siya.
"Nagugutom na po kami!" sagot ng batang lalaki na punit-punit ang damit na wala pang tsinelas.
"Palabasin na nga po ninyo! Ang pagkain namin, madumihan!" nandidiring sabi ng teen star na kasing edad nina Anndy at Christine dahil lumapit sa table nila ang dalawang bata. Wala namang ginagawa kundi nakatingin lang sa pagkain nila.
"Pasensiya na po, ma'am," paumanhin ng guwardiya.
"Gosh! Alcohol, please!" maarteng paghingi nito sa personal alalay, "Nasaan na ba ang mga magulang ninyo at ganiyan kayo?"
"Nasa kulungan po," sagot ng nakakatandang batang lalaki na nasa walong taong gulang. Ang nakakabatang kapatid niya ay anim na taong gulang pa lamang.
"Oh my! Baka adik din kayo?" bulalas ni Sharmyn at halos iubos na ang alcohol sa mga kamay.
"Hoy, mga pulubi!" tawag ni Mandy sa dalawang bata kaya lumapit ang dalawa sa kaniya, "Kunin ninyo itong pagkain sa mesa ko at lumipat kayo sa kabilang mesa, ayaw kong makita kayong mga dukha sa harapan ko!" sabi niya at inabot ang spaghetti, "Shit! Huwag ninyong hawakan ang kamay ko! Nandidiri ako!" maarteng sabi niya na muntik pang mabitiwan ang plato.
"Salamat po!" pasalamat ng batang lalaki at hinila ang kapatid sa kabilang mesa.
"Sa labas na lang kayo kumain," sabi ng guwardiya. Trabaho lang naman niya ito dahil siya ang malalagot sa may-ari.
"Ang layo naman nila sa tao bakit sa labas?" tanong ni Mandy. Wala naman gaanong costumer.
"Bawal po kasi sa amin na--"
"Babayaran ko ang maglilinis ng mesa at upuan at magbibigay ako ng pambili ng air freshener after nilang kumain!" taas noong sabi ni Mandy.
"Bakit mo sila papakainin? Ang dumi nila at ang baho pa! Isa pa, kaya siguro nakulong ang mga magulang dahil mga drug addict!" maarteng tanong ni Sharmyn.
"Isang mapanghusgang salita mula sa anak ng pinakamalaking drug dealer ng bansa!" pakipagsagutan ni Mandy. Senador ang ama nito pero nasangkot sa pagpuslit ng ilang container ng shabu mula sa China.
"Ano ang sabi mo?" galit na singhal nito saka tumayo.
"Subukan mong lumapit at ibabaon ko sa 'yo ang takong ng sapatos na 'to na mas mahal pa kaysa sa buhay mo!" matapang na pagbabanta ni Mandy na mahigpit ang hawak sa kanang sapatos na iniregalo sa kaniya ni Aron, "Nagmumukhang malinis tingnan dahil sa panlilinlang ng ama sa bayan!"
Dumukot siya ng pera sa hermes bag at ibinigay sa guwardiya, "Tatlong libo para sa maglilinis ng upuan at mesa. Isang libo para sa air fresher at anim na na libo para sa pagkain na gustong kainin ng dalawang pulubi na anak ng drug adik dahil sa ama ng maarteng babaeng ito!" taas noong sabi niya saka lumabas na nang makitang nakasakay na si Aron sa sasakyan nito.
"Shit!" sambit ni Sky nang patungo na siya sa Exit door ay nakasalubong niya si Mandy na matalim ang mga titig sa kaniya, "a-ano ang ginagawa mo rito, Mandy?"
"May itatanong ako kaya maupo muna tayo!" kalmadong sagot ni Mandy.
"Nagmamadali ak--"
"Usap tayo bago ako mag-iskandalo rito, Sky Villafuerte!"
"S-Sige..." kinakabahang pagsang-ayon ni Sky at hinila ang isang silya para kay Mandy.
"Ano ang sikreto ninyo ni Aron?" diretsahang tanong ni Mandy.
"Wala--"
"Huwag kang magsinungaling dahil kakalbuhin ko si Taira!" pagbabanta ni Mandy.
"Inimbitahan ko lang naman si Aron na magkape dahil matagal na kaming hindi nagkikita," sagot ng binata. Sana lang ay kumagat si Mandy.
"Huwag na tayong makipaglokohan! Aamin ka o susunugin ko ang toy factory mo?" pababanta ni Mandy.
"Haist!" namamawis na si Sky. Para siyang sinasalang sa hot seat. Napakatalas talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to, "si Aron kasi, balak niyang magpatayo ng business na hindi mo alam..." ayun, idinetalye na niya ang lahat ng nalalaman kay Mandy tungkol sa business. Sana lang ay maniwala ito para hindi sila mabuko dahil kung hindi, malalagot siya kay Aron at higit sa lahat, masisira ang pinaghahandaang nilang proposal.