33

1.6K 60 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Kyaaaaah!" tili ni Mandy nang pagmulat ng mga mata ay katabi na niya si Aron.
"Damn!" Napatayo si Aron bigla sa pagkagulat. "Ang aga-aga, nanggigising ka!" Napasulyap siya sa wall clock na nasa itaas ng TV, alas sais pa lang ng umaga.
"B-Bakit katabi kita?" tanong ni Mandy at napayakap sa sarili. Maluwag na panlalaking puting tshirt ang suot niya.
"Lasing ka kagabi kaya iniwan ka ng quadruplets dahil hindi mo na kayang maglakad dahil sa kalasingan!" sagot ng binata. Inaantok pa talaga siya.
"B-Bakit nakahubad ka? B-Bakit damit mo na ang suot ko?" naiiyak na tanong ni Mandy at naupo muli sa kama dahil nahihilo pa siya. "G-Ginahasa mo ako?" kinakabahang tanong niya. Hindi malayong mangyari iyon dahil papatayin nga siya ni Aron.
"Mahiya ka naman sa paratang mo!" nakasalubong ang kilay na sagot ni Aron at kinuha ang damit na nakasambay sa couch at isinuot.
"Ginahasa mo talaga ako!" singhal ni Cheska at tumayo saka pinaghahampas ang binata.
"Ouch! Putiks, tama na!" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Mandy saka itinulak ito pahiga sa kama kasama ang katawan niya. "Kung gagahasain kita, hindi iyong tulog ka!"
"Umalis ka sa ibabaw ko!" Pinagtutulak niya ito pero ang bigat ng katawan ni Aron. "Alis sabi!"
Tumayo naman si Aron at hinarap ito. "Mahiya ka sa katawan mong buto na lang ang natira! Ba't kita gagahasain? Sumuka ka kagabi at ayaw mong pabuksan ang aircon!"
"Hindi ako sumuka!"
"Deny ka pa!"
Natahimik si Mandy. Naalala niyang nagising nga siya at sumuka pero akala niya, panaginip lang iyon.
"Uuwi na ako!"
Three inches above the knee ang damit ni Aron kaya nagmumukhang bestida sa kaniya.
"Ihatid na kita," sabi ni Aron, "Maliligo lang ako, amoy suka mo ako!"
"Amoy suka ka naman talaga noon pa!" panunuya ni Mandy.
"Dahil sa 'yo!" giit ni Aron.
"Noon pa!" ayaw rin patalo ng dalaga, "Hindi ba't sinalo mo ang isinuka ni Jerome? Yuck!" maarteng dagdag niya at napahawak pa sa bibig na tila nasusuka.
"Dito ka lang, magsa-shower lang ako."
"Uuwi na ako! Magta-taxi ako!"
"Sa ugali mong 'yan, hindi malabong magahasa ka ng taxi driver kaya okay lang, umuwi ka nang mag-isa!" Pumasok na si Aron sa maliit na shower room ng kuwarto at naligo. Hindi na rin masusuot ni Mandy ang damit nito dahil puro suka.
Paglabas niya, nakasimangot na nakaupo ito at bubulong-bulong. "Ang tagal mo! Maliligo ka lang, ang tagal mo!" reklamo ni Mandy.
Wala pa ngang 15 minutes, tapos na siya tapos sasabihing ang tagal niya? Binilisan na nga niya ang paliligo. Sa shower room na rin siya nagbibiro ng green na tshirt at ragged jeans.
"Baka gusto mo munang maligo?" Kinuha niya ang suklay sa bedside table saka nagsuklay.
"Sa bahay na! Iuwi mo na ako sa amin!" Tumayo ito at naglakad patungo sa pintuan. Payat si Mandy nagmumukhang bata ito tingnan sa suot na damit niya.
Inilapag niya ang suklay at sinundan si Mandy. Paglabas nila, may mga naglilinis at nag-aayos sa table.
"Good morning, sir!" bati ng mga tauhan niya at napasulyap kay Mandy.
"Morning!" bati rin ni Aron na nakasunod kay Mandy pero biglang tumigil ang dalaga at humarap sa mga tauhan niya.
"Kayo!" Ayan na naman ang kilay niya, nag-goo-goodmorning sa mga tauhan niya. "Huwag ninyo akong tingnan na para bang magdamag kaming nagtalik, walang nangyari sa amin!" pasigaw na sabi ni Mandy kaya napapikit si Aron. Hindi talaga nito kayang itikom ang bibig.
"Halika na!" Hinila niya si Mandy palabas.
"Pagsabihan mo ang mga tsismoso't tsismosa mong tauhan!" nanggigigil na sabi ni Mandy.
"Huwag ka na kasing magpaliwanag! Wala namang maniniwala sa 'yo!" sabi ni Aron at dinala ito palapit sa kotse niya saka pinapasok sa front seat. Umikot siya sa driver's seat.
"Talagang walang maniniwala na papatulan kita!" giit ni Mandy.
"Isuot mo na ang seatbelt mo!" Pinaandar na niya ang engine.
"I hate you!" sabi ni Mandy saka isinuot ang seatbelt. Naiinis talaga siya kay Aron. Naalala niya ang nangyari kagabi na mas pinaniwalaan na naman nito si Julie. Hindi malayong nagkabalikan na ang dalawa kaya wala siyang pakialam! Mula ngayon, hindi na siya makikialam. Para ano?
"I hate you, Stupidman!" Mabuti na lang dahil nakapreno si Aron dahil sa pagkagulat sa pagkasigaw niya. Ang tinis pa naman ng boses niya na para bang makakabasag ng salamin ng sasakyan. "Ikaw ang malaking dagok sa buhay ko! Isa kang napakamalaking ewan!"
"Alam ko!" Tumaas na rin ang boses ni Aron at napahigpit ang pagkahawak sa manibela. "Alam kong galit ka sa akin at kahit kailan, hindi ka na magiging mabait sa akin kaya hindi mo na kailangang isigaw dahil tanggap ko na 'yan!" Muli niyang pinatakbo ang sasakyan at binilisan niya ang pagpatakbo.
"Mabuti naman!" wika ni Mandy pero muli na naman nitong itinigil ang pagmaneho.
"Bumaba ka!" sabi ni Aron.
"Tanga ka ba? Ihatid mo na ako sa amin!"
"Bumaba ka sabi eh!" Utos ni Aron pero itinaas ni Mandy ang middle finger ng kaliwang kamay.
"Talk to my middle finger!" Hindi siya bababa lalo na sa suot niya at kapag pilitin siya nito, sisigaw siyang carnapper si Aron.
Walang nagawa ang binata kundi ipagpatuloy ang paghatid kay Mandy. Pagkarating nila sa bahay ng mga Lacson, pinapasok muna siya ni Ann.
"Tita!" bati ni Aron at humalik sa pisngi ng babaeng itinuturing din niyang ina.
"Pasok ka muna, na-miss kita!" sabi ni Ann saka niyakap si Aron.
"Bakit ganiyan ang suot mo, Mandy?" tanong ni Cheska. Nagkakape sila sa veranda nang malamang nandito na ang anak.
"Nasukahan ko," tinatamad na sagot ni Mandy, "I need a cup of coffee!" Hinilot niya ang sintido dahil nasusuka na naman siya.
"Ouch!" daing ni Mandy nang batukan ni Cheska.
"Ikaw ang aayaw-ayaw na pumunta tapos ikaw pa ang pasaway? Paano na lang kung wala ang quadruplets? Paano na lang si Anndy? Sino ang maghahatid sa kaniya?"
"Mommy naman! Ikaw ba naman ang maka-encounter sa mga istupidong tao--aray!" Nanggigil na kinurot siya ng ina sa hita.
"Ikaw, umayos kang bata ka! Pinapabayaan mo ang batang pinsan mo? Ikaw ang matanda sa kanila pero ikaw pa ang pasaway?" Nanginginig ang katawan ni Cheska sa galit. Kinuha nito ang cushion pero mabilis na tumakbo si Mandy sa likod ni Aron.
"A-Aron ko, inaaway ako ni Mommy!" parang batang sumbong niya at ginawang panangga ang malaking katawan ng binata.
"Cheska, huwag mo nang pagalitan si Mandy," saway ni Ann.
"Palibhasa hindi sa'yo nagpapasaway!" galit na sabi ni Cheska.
"A-Aron..." naiiyak na sabi ni Mandy at niyakap pa ang likod ng binata. "S-Sasaktan ako ni Mommy, oh!"
"Tita, okay naman po ang quadruplets at hindi naman po namin pinabayaan si Anndy. Hindi ko na rin po pinasama si Mandy sa kanila para iwas gulo," mahinahong sabi ni Aron pero kahit siya, natatakot din kay Cheska.
"Bahala kayo!" Padabog na iniwan sila ni Cheska.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Ann, "Magpapahanda lang ako ng breakfast natin."
"Hmp! Kala mo kung sinong mabait, mas masakit pa nga ang ginagawa mo kaysa sa paghampas ni Mommy!" pagsisinuplada ni Mandy at lumayo kay Aron. Ang mga hila nito, paglunod sa kaniya at paggupit ng buhok niya. Lahat ng iyon ay hindi niya makakalimutan.
"E, ba't ka nagpapakampi? Ang galing mo ring umarte, ano?" sabi ni Aron. May pagka-bipolar din itong si Mandy.
"Alam ko kasing mas artistahin ka kaysa sa akin sa harap ng ibang tao!" depensa ng dalaga, "Pero kapag tayong dalawa na lang, nagiging kampon ka ni Satanas!"
"Bunganga mo!" saway ni Aron, "Wala ka talagang preno kaya napapahamak ka e!"
"Pakialam mo?"
"Wala akong pakialam! Bahala ka sa buhay mo!" sabi ni Mandy.
"Mandy, may bisita ka!" sabi ni Oliver na papasok kasama si Liam.
"Good morning, Mandy!" nakangiting bati ng binata na may bitbit na box.
"Morning, Liam!" biglang umiba ang timpla ng modo nito. "Para sa akin ba 'yan?" Sabay turo niya sa bitbit. Hindi na niya kailangang hulaan, sapatos ito.
"Ah, yes!" nakangiting sabi nito saka inabot sa dalaga, "Pumunta ako sa bahay ninyo pero sabi ng katulong, nandito kayo kaya dumiretso na ako."
"Talaga? Wow! Ang bait mo naman!" Binuksan niya ang box saka isinukat ang white glitter shoes. "Ang ganda!" puri ni Mandy kaya masaya si Liam. Si Mandy ang tipo ng babaeng mapupuri nito ang gawa mo kapag magustuhan pero kapag hindi, pasensiyahan na lang, puro panlalait ang iyong matitikman.
"Bagay sa paa mong puro ugat!" sabat ni Aron kaya umusok na naman ang ilong ni Mandy.
"Ang sarap din itusok ang takong nito sa makapal mong mukha!"
"Mag-uumpisa na naman ba kayo?" tanong ni Oliver at iniwan ang tatlong nakaupo sa sala.
"Ang aga mo naman yata, may lahi ba kayong Chinese?" tanong ni Aron kay Liam na katabi ni Mandy.
"May pupuntahan lang ako kaya idinaan ko lang ang regalo ko kay Mandy," sagot ni Liam, "And yes, half Chinese ang daddy ko."
Tumayo si Aron, "Maiwan ko muna kayong dalawa, tutulungan ko sina Tita Ann sa breakfast natin."
"Kanina ko pa hinihintay na umalis ka, hindi mo na kailangang magpaalam!" naiinis na sabi ni Mandy pero tinaasan lang siya ng kilay ni Aron.
"Alam ko at hindi mo na rin ako kailangang ipagtabuyan, Mandy!"
"Mabuti naman at nagkaliwanagan tayo, Aron!"

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon