36

476 20 0
                                    


CHAPTER 36

Unedited...
"Bakit ganiyan ang mukha mo, Kuya?" tanong ni Jairah nang pumasok si Aron sa bahay nila.
"Ano ba ang meron sa mukha ko? Uy, nasaan ang kakambal mo? May sasabihin ako kay Tai-Tai."
"Ninakaw na naman ni Sky!" sagot ni Jairah.
"Kuya? Maganda po ba?" nakangiting tanong ni Jairah na itinaas ang paa sa ibabaw ng mesa.
"Bumili ka na naman ng sapatos?" Speaking of shoes, si Mandy ang naaalala niya at walang chance para mabilhan niya ito ng sapatos.
"Bigay 'to ni Liam. Wala naman po akong pera na pambili dahil kulang ang allowance ko."
Napasimangot si Aron. Nadamay na si Jairah sa pagiging adik ni Mandy sa sapatos kaya nauubos ang savings nito.
"Kung asawahin mo na lang kaya si Liam para hindi na mahirapan sina Mommy!" suhestiyon niya. Ang pinakaayaw niya, ang babaeng gastadora. Mabuti pa nga si Taira, matipid pa.
"Para ano? Para hindi na siya sagutin ni Mandy? Alam mo kuya, napupuna na kita. Si Mandy na lang kaya para hindi ka na maghabol kay Julie!" Mas piliin na lang niyang si Mandy maging sister-in-law kaysa kay Julie dahil matagal na pala itong manloloko. Kahit pamilya nila, pinapaikot lang nito.
"Huwag mo naman akong itulak sa impiyerno!" sagot niya. Hindi langit ang magiging buhay niya sa piling ni Mandy.
"Ala mo, pareho talaga kayo ni Mandy. Impiyerno rin ang sa isip niya kapag kasama o makita ka!" natatawang sabi ni Jairah. Ang sarap pag-trip-an ng dalawa, parang mga bulkang sasabog kapag marinig ang pangalan ng isa't isa.
"Kung may pupuntahan ka, umalis ka na!" sabi niya at tinalikuran ito. Impossible na maging sila ni Mandy dahil maliban sa abot hanggang langit ang galit sa kaniya, mauubos ang pera niya dahil sa pagiging adik nito. Hindi lang basta-basta ang presyo ng mga pinapabili. Baka isang buwan pa lang silang magkasintahan, namamalimos na siya sa kalye.
Dumiretso siya sa kuwarto niya. Pagkapasok ay hinubad ang saplot at hubad na pumasok sa shower room. Hinayaan lang niyang umagos ang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Gusto niyang mag-isip, wala siyang maiisip. Lahat na lang ng kamalasan sa buhay, naranasan niya.
Iyong parang may kulang sa kaniyang pagkatao pero hindi niya alam kung ano. Gusto niya maging masaya pero hindi niya alam kung paano. Gusto niyang umiyak pero sa tuwing gagawin niya ito, umuurong ang kaniyang mga luha.
Nang magsawa na sa pagbabad ay tinapos na niya ang paliligo saka lumabas ng shower room na tanging puting towel lang ang nakatakip sa bewang niya.
Napasulyap siya sa cabinet na ang laman ay mga lumang gamit niya. Lumapit siya at binuksan ito. Unang bumulaga sa mga mata niya ay ang lumang bola. Kinuha niya ito saka muling isinara ang pinto ng cabinet at naupo sa king-sized bed. Naalala niya noong unang araw na malaman niya ang totoong pagkatao.
"H-Hindi ko po kayo mommy?" inosenteng tanong ng anim na taong gulang na si Aron habang nakatingala kay Aira, ang babaeng itinuring niyang tunay na ina.
Naupo ito sa tabi niya at inakbayan siya, "Para sa akin, ikaw ang unico hijo ko, mahal na mahal ka ni Mommy Aira, okay?"
"P-Pero hindi i-ikaw ang mommy ko," naiiyak na sabi ni Aron.
Hinawakan siya ni Aira sa magkabilang balikat. "Tandaan mo, ako ang mommy mo at baby kita, okay?" Hinalikan niya si Aron sa noo. Unang pagkakita pa lang ng bata sa kaniya, 'mommy' na ang tawag nito sa kaniya. Magaan ang loob niya sa bata kahit na bunga pa ito ng pagkakasala ng kasintahan niya na ngayon ay asawa na niya.
"P-Patay na raw ang mommy ko." Pinahidan niya ang mga luha.
"Oo, wala na siya. Kasama na siya ni Papa Jesus kaya dapat, magiging happy ka na para sa kaniya. Huwag kang malungkot, dito pa rin kami ng daddy mo at ang kambal na mga kapatid mo, magpamilya tayo."
Bumukas ang pinto at pumasok si Tyron na may bitbit na kulay green na bola. Nabalitaan niyang inamin ng mga magulang niya sa bata na wala na ang tunay na ina nito. Hindi naman kasi habambuhay ay puwede nilang ilihim ang katotohanan kay Aron lalo na't nakakarinig na ito sa ibang tao.
"Hey, kid!" bati ni Tyron saka ipinasa sa kaniya ang mamahaling bola.
"P-Para po sa akin ito?" masayang sabi niya at niyakap ang bola.
"Yes!"
"Bili mo po? Salamat!" Napangiti si Aron sa galak na nakasulat sa mga mata ng anak. Kapag magbigay siya ng mga laruan o damit, na-a-appreciate nito.
"No," sagot niya, "Binili 'yan ng Mommy Stephanie mo noong malaman niyang baby boy ka."
Kahit na napilitan lang, sinamahan niya si Stephanie na mag-shopping para kay Aron. Nang makita nito ang bola, excited na binili niya. Ang sabi, gusto raw nitong makitang naglalaro ang anak ng basketball balang araw kagaya niya.
"Kaya ingatan mo 'yan, iyan lang ang laruang nabili ng mommy Stephanie mo para sa 'yo," malungkot na sabi niya saka napasulyap kay Aira. Hindi na ito nagkaroon ng chance na bumili ng mga gamit ni Aron dahil bago pa man mag-isang buwan ang anak nila, binawian na ito ng buhay.
"Opo, iingatan ko po," pangako niya.
Hinaplos ni Aron ang bolang wala nang hangin dahil sa matagal na panahon. Oo, masaya silang magpamilya. Wala siyang maireklamo sa Mommy Aira niya pero lingid sa kaalaman ng lahat, may kirot pa rin sa puso niya. Gusto rin niyang mayakap ang tunay na mommy niya. Gusto niyang makausap ito at maging proud ito sa achievements niya pero wala na dahil kahit ano mang gawin niya, hindi na niya mababalik ang buhay nito na maagang binawi ng Panginoon. Kahit gaano man kasama sa paningin ng lahat, ina pa rin niya iyon. Utang niya ang buhay niya rito at kahit matindi ang galit ng ama niya, ipinaglaban at binuhay pa rin siya nito.
"Pst! Ang maldita kasi ni Mandy kaya nagkasala ako sa 'yo, Mommy!" bulong niya.
" Balita ko, pinaiyak mo si Mandy?" tanong ni Aira. Nasa mansion sila ng mga Villafuerte dahil kaarawan nina Sky kaya nandito rin sina S
Cheska at Ann.
"H-Hindi ko naman po sinasadya e," natatakot na sagot ni Aron. Wala pa siyang pinaiyak na kalaro, si Mandy pa lang at nalulungkot din siya. Hindi naman niya sinasadyang mapagsalitaan ito ng masama. Hindi nga niya inaasahan na iiyak ito pero nagalit lang talaga siya.
"Mag-sorry ka, hindi tama na nang-aaway ka at nagpapaiyak ng babae" payo ni Aira,"Kahit na ano man ang ipinapakita ng kalaro mo sa iyo, kapag babae, huwag mong patulan, umiwas ka na lang."
" S-Sorry po," paumanhin niya saka tumayo para lapitan si Mandy na nakaupo sa isang tabi. Himala, nag-iisa yata itong nakaupo sa isang tabi.
Ang cute nito, kasing cute ng hawak nitong barbie. Bumagay din ang blue shoes sa blue na bestida at ponytail. Inarapan siya nito nang magtama ang kanilang paningin pero sa halip na mainis, mas lalo siyang humanga kay Mandy. Bagay kasi na magmaldita ito. Nahihiya siyang lumapit pero kailangan niyang humingi ng sorry.
"H-Hi," bati ni Aron pero isang nagbabagang mga mata ang ipinukol sa kaniya ni Mandy. "Hindi ka ba maglalaro?"
Hindi ito nagsasalita at napansin niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ng barbie. Galit nga ito sa kaniya.
" Ayaw mo bang makipaglaro kina Sky?"
Hinarap siya ni Mandy at tinaasan ng kilay, "Para ano? Hindi ako nakikipaglaro sa mga dukha at salbaheng bata!" pagtataray nito kaya nagulat siya.
"Hindi naman sila dukha!" pagtatanggol ni Aron. Hindi niya gusto ang sinabi nito.
"E di pulubi!" pagsisinuplada nito, "Mahirap sila!"
"Ano ba ang mali kung mahirap lang sila?" Napipikon na siya. Ang talas ng dila ng batang kaharap. Akala niya, mabait ito pero lumalabas din pala ang pagiging matapobre kahit na bata pa. Siguro nagmana ito sa nanay na walang gaanong kaibigan. Minsan naririnig niya ang mommy nito na nilalait ang Tita Ann niya.
" Hindi ako nakikipaglaro sa mga mahihirap!"
"Ang sama pala ng ugali mo!" sabi ni Aron kaya tumayo si Mandy.
"So? Hindi ko naman kayo kinakaibigan kaya wala kang pakialam! Hindi rin naman mabuti ang ugali mo!" pagtataray niya saka itinulak si Aron at tumakbo na palapit sa mga magulang nito.
"Sorry, Mommy Stephanie," bulong niya habang nakatitig sa maliit na butas ng hawak na bola. Hindi na niya ito ginagamit sa paglalaro. Itinago na niya ito sa cabinet at hindi pa sinubukang dalhin sa labas dahil natakot siya na baka pagalitan ng kaniyang ama. Ang laki kasi ng butas ng bola nang tumama ito sa kahoy na may pako nang itapon noon ni Mandy.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon