22

229 14 1
                                    

Title: Oh Mandy
Author: Sha_sha0808
Chapter 22

"Dolce and Gabanna, Miu Miu, Louis Vuitton, Prada, Stuart Weitzman, Walter Steiger, Jimmy Choo, Christian Louboutin, name it at meron ako pero ang Made in Marikina--"

"Meron ka na rin no'n!" sabat ni Aron habang nagmamaneho. Kanina pa ito talak nang talak at naririndi na siya. Ang tinis pa naman ng boses ni Mandy.

"I hate you!"

"But I love you."

Isang makamandag na titig ang ipinukol niya kay Aron.

"Kailan ka pa natutong paglaruan ang pag-ibig?" naiinis na tanong niya. Kaya nga hindi na siya naniniwala sa mga lalaking nagsasabi ng "I love you" dahil parang normal na lang iyon na madulas sa dila nila.

"When you started playing it," he replied.

"I never was!"

"Yes, you did!"

"I didn't!"

"At ano ang sa tingin mo nang paglaruan mo ang relasyon namin ni Julie? Kung hindi dahil sa 'yo, kami pa sana!" Binilisan ni Aron ang pagpatakbo. Naalala na naman niya ang mag eksenang minamasaker ni Mandy ang pag-attempt niyang magpaliwanag kay Julie. Kung kailan masolo niya ito, saka naman parang kabute na biglang sumusulpot ang dalaga.

"Seryoso ka pa rin sa kaniya gayong two timer siya? No wonder, you're always be a stupid man!"

"Hindi siya two timer!" giit ni Aron. "Hindi lang kami nagkaintindihan ni Julie!"

"Stupid!"

"Ikaw lang nagsasabing stupid ako!" Pinapainit na naman nito ang ulo niya. Kahit gaano katibay ang depensa niya, napipikon din siya.

"E di you're my stupid man!"

Biglang nagpreno si Aron. Inaasahan na ito ni Mandy kaya hindi siya natinag.

"Hindi ka ba titigil sa pagtawag sa akin ng ganiyan?"

"Not until hindi mo inaamin sa sarili mo na that stupidman fits you!"

"Hindi ka ba tinuruan ni Tita Cheska at ng mga guro mo na rumespeto sa kapwa mo?" May bumusina na sa likuran nila kaya muli niyang pinaandar ang sasakyan.

"Tell me, Aron, how can I respect a stupid man like you? Kung ikaw mismo, ginagawa ka nang tanga, paano pa kita irerespeto?"

"So? It makes you na mabuting tao na dahil tanga ako?"

"Wala akong sinabing ganun! My point is, tanga ka!"

"Walang taong tanga!" Tumaas na ang boses ni Aron. Sa lahat ng pinakaayaw niya, ay ang tawaging tanga at galing pa talaga sa babaeng walang ginawa kundi ang sirain ang buhay niya.

"Yes, all men are equal. But how come, you were created stupid?" Bahala ito kung sumabog. Ano pa ba ang bago? Nakakainis lang kapag bumait ito. Iyon talaga ang nakakapanibago.

"Bitch! Keep your mouth shut! Hindi ko nais na marinig 'yang bunganga mong walang ibang sinasabi kundi puro kamalian ng iba! Pakilagay sa lugar ang talas ng dila mo, Mandy!"

"You don't like my sarcasm? Fine! I also don't like your stupidity, Aron!"

Si Aron na lang ang tumahimik dahil kapag magpatuloy pa siya, baka mapatay na talaga niya si Mandy sa loob ng sasakyan niya.

Nang makarating sila sa bahay, bumaba kaagad si Mandy.

"Hoy! Ang iniyakan mong sandal!" tawag ni Aron at hinabol ito.

"Solohin mo 'yang sandal mong walang kuwenta!" sabat ni Mandy. Bumukas ang gate at lumabas sina Cheska at Oliver na naisipang maglakad-lakad sa labas.

"Magandang hapon po," bati ni Aron.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon