OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 44-45
Unedited...
"Bigyan mo kasi siya ng chance para malaman mo na seryoso siya. Kalimutan mo na ang past," sabi ni Cheska habang nasa veranda sila ni Mandy at nagmemeryenda. Alas otso 'y medya pa lang ng umaga kaya hindi pa ganoon kainit dahil makulimlim.
"Sinisikap kong kalimutan pero hindi kasi gano'n kadali iyon. Akala ko nga, okay na kami pero masakit pa rin ang mga pinagsasabi niya kay Julie tungkol sa akin. Kailangan ba talagang ipahamak ako para lang bumalik ang bakeshop na 'yon sa buhay niya? Wala akong kasalanan kung bakit niloko siya ng bruhang 'yon! Kapag ba hindi ako umuwi, sila pa rin? Magiging tapat 'yon? Shit sila!" galit na sabi niya saka nanggigigil na hinawakan ang basong may laman ng orange juice.
"Kung hindi mo kasi inaaway at pinapahiya si Aron, hindi sana kayo magkakaganito. Akalain mo 'yon? Mahal ka pala niya?"
"Mom, listen, hindi niya ako mahal at hindi niya ako kayang mahalin kaya huwag kang maniwala sa kaniya!"
"What if nakaya niya? Lahat ng tao, puwedeng magbago. Why don't you give him a chance?"
"Chance? For what? For hurting me again? Hell, no!" Never niyang hahayaan itong saktan siya ulit. Tao lang siya, hindi siya bato para hindi matamaan ng masasakit na salita.
"Pero ininsulto mo rin naman siya kaya patas lang kayo. C'mon, Mandy, just a last chance."
"The fuck sa last chance na 'yan, Mom!"
"Do you love him?" Cheska.
"What? Ako? Mahal siya?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa ina na para bang magkaibigan at magkaedad lang sila.
"Why not? Hindi mo pa siya mahal e, naghahalikan na nga kayo at sa mata ng mga tao, magkasintahan kayo?"
"Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay tama. Hindi lahat ng na-captured ng camera na nakangiti ay masaya. Social media is one of those bullshit liars, Mom!" depensa ni Mandy.
Natigilan si Cheska. Ilang segundo ang nakalipas nang ihampas nito ang walang lamang plato sa ulo ng anak.
"Ouch! What was wrong with you?" Napatayo si Mandy at napahawak sa ulo. Gusto niyang gumanti. Gusto niyang hampasin ng baso ang ina pero hindi niya kaya. Ina pa rin niya ito at kahit ganito sila mag-usap, hindi nawawala ang respeto niya rito. Isa pa, kapag magpisikalan sila ng ina, patay sila kay Oliver. Tahimik lang 'yon pero kapag magalit, nawawalan sila ng daily budget.
"Sinungaling ang social media pero nagawa mo pa ring mag-post ng naghahalikan kayo? Hindi mo pa siya mahal? Ano ang purpose mo na inilagay mo 'yon?"
"Si Aron ang nag-post nu'n!"
"Huwag kang magsinungaling! Letse ka! Ikaw ang nag-selfie!" Sino ang maniniwalang si Aron ang nag-post no'n e alam ng lahat na magwawala si Mandy kapag malaman na iyon ang ginawa ng binata.
"E, ano ang masama? Nag-kiss lang naman kami!"
"Paano kung magkaroon ka ng boyfriend? Iyong seryoso talaga? Ano ang sasabihin nu'n kapag makita ang pictures ninyo ni Aron?"
"Wala. Hindi naman ako magbo-boyfriend at wala akong ibang hahalikan kundi si Aron lang. Loyal ang lips ko kaya huwag kang mag-alala!"
"E di mahal mo na nga siya!"
"Hindi nga sabi!" Tumaas na ang boses ni Mandy. Hindi talaga niya mahal si Aron. "Magkaiba kahulugan ng loyal sa mahal!"
"Shut up! Umalis ka sa harapan ko bago pa kita masapak!" pagtataboy ni Cheska sa anak. Malapit na siyang highblood-in. "Siya nga pala, mag-ayos ka dahil mamayang gabi, pupunta tayo sa bahay nina Lola Patch, magpapasukat tayo para sa isusuot natin next week sa family interview."
Yearly, nagkakaroon silang mga Lacson ng live interview sa isang TV channel tungkol sa family nila. Their lifestyle, preferences at lalo na sa business nila kung paano lumago at kung paano pinanatiling mataas ang net kaysa sa ibang business family sa Pilipinas.
Tinalikuran niya ang ina at pumasok sa kuwarto. Nahiya siya at inabot si Pooh na kasing laki lang niya noong bata pa siya at niyakap nang mahigpit.
Tinitigan niya ang mukha nito, "Sana kagaya mo, maayos din ako ni Aron," bulong niya saka pinahidan ang mga luha. Muli niyang niyakap ito. Si Pooh ang palaging nandiyan sa kaniya. Ito ang palagi niyang karamay sa tuwing nalulungkot at wala siyang karamay. Ito lang ang nakakaalam ng tunay na siya, ang mahinang si Mandy.
"I wish she was here. I wish na buhay pa siya," bulong niya. Si Patch ang nagbigay sa kaniya ng regalong ito. Napangiti siya at tumingala sa kisame. Kahit na wala na ang Lola Patch niya, binigyan pa rin siya ng comfort zone.
"I miss you, Lola Patch,"nakangiting bulong niya bago tuluyang hinila ng antok.
----------
"Mandy!" Napabalikwas ang dalaga nang niyugyog siya ng ina para magising.
"Inaantok ako, Mom!" sabi niya at niyakap nang mahigpit si Pooh.
"Gising sabi!" Hinila ni Cheska si Pooh kaya napaupo si Mandy.
"Bitiwan mo si Pooh ko!" nakasimangot na sabi niya.
Sininghutan ni Cheska ang hawak, "Ang baho naman nito!"
"Wala kang pakialam! Akin na 'yan, Mommy!" Inaagaw niya ito pero itinago ni Cheska sa likod, "Mamili ka, itong si Pooh ang susunugin ko o ang mga sapatos mo?" seryoso niyang sabi kaya natahimik si Mandy. Si Pooh ang naging matalik niyang kaibigan. Ito ang naging karamay niya at hindi siya makakatulog kapag hindi niyayakap ito. Ang amoy nito ang naging sleeping pills niya gabi-gabi at hindi siya makakatulog kapag niyakap si Pooh.
"Lalabhan ko 'to. Ang baho na!" sabi ni Cheska. Ne minsan, wala siyang naalalang pinalabhan ito ni Mandy.
"Huwag!" mabilis na pagtutol niya, "H-Huwag mong labhan si Pooh," naiiyak na sabi niya. Ayaw niya! Kahit na madumi o mabaho na ito, ayaw niyang palabhan dahil mag-iiba na ito sa tingin niya.
"Mandy naman! Ang itim na niya at ang baho pa!"
"Amoy ko naman 'yan! Hindi kayo ang gumagamit kaya ako ang masusunod! Labhan mo lahat pero huwag si Pooh ko!"
"Ibilad na lang natin siya para mabawas-bawasan ang baho niya."
"Ayaw!"
"Susunugin ko ang sampung pares ng sapatos mo!"
"Ang sama mo!" Mandy
Wala siyang nagawa kaya pumayag siyang ibilad sa araw si Pooh. Iyak pa nga siya nang iyak.
"Bumaba ka na dahil may bisita ka!" sabi ni Cheska nang makabalik. Bakit ba sa pagkabaho ni Pooh, giliw na giliw ang anak niya sa pagyakap dito.
"Ayaw kong bumaba, pakisabing tulog ako!"
"Bahala ka. Sabihin ko na lang kay Liam na bukas na lang niyang ibigay ang dala niyang limang pares ng mga sapa--"
"Pasabing bibihis lang ako!" sabi ni Mandy at mabilis na tumakbo sa shower room, "Thirty minutes, Mom!"
Matapos niyang maligo ay bumaba na siya pero napasimangot nang si Aron ang madatnan.
"Nasaan na si Liam?"
"Wala naman siya rito," sagot ng binata at tumayo, "Mandy, sorry sa mga nabasa mo. Alam kong hindi tama ang mga pinagsasabi ko noon pero nadala lang ako ng galit ko at matinding frustration sa breakup namin ni Julie," paliwanag niya.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag, wala na sa akin iyon basta huwag mo na akong kausapin!"
"M-Mandy, sorry," hinging paumanhin niya habang palapit kay Mandy.
"Huwag kang magsabi ng patungkol sa iba kung sa bandang huli ay hihingi ka rin lang pala ng sorry!" sabi ni Mandy.
"Sorry for hurting you and sorry for loving you at the same time," malungkot na sabi ni Aron habang nakatitig kay Mandy. Marahang tumawa ang dalaga.
"Loving me? How can you say na mahal mo ako when all this time, pagkamuhi ang natatanggap ko mula sa 'yo?" sumbat ni Mandy, "Gano'n ka ba magmahal? Luha ko ba ang katumbas ng pagmamahal mo?"
"S-Sorry for always hurting you. Alam kong mali ang mga pinagsasabi ko. Oo, inaamin kong hindi maganda ang mga pinagsasabi ko sa 'yo," nahihirapang sabi ni Aron. Kung nahihirapan man ito, mas nahihirapan na siya lalo na't ayaw nitong maniwala na gusto na niyang baguhin ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Mandy, "Kung ayaw mong maniwala sa lahat ng sinasabi ko, sana man lang, maniwala ka sa isinisigaw ng puso ko, and that is I love you!"
"Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo!"
"Alam ko," malungkot na sagot ni Aron, "Just accept my apology and let's move on, Mandy."
"How can I move on if ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?"
"I-I'm sorry, Mandy." Niyakap niya ang dalaga. Gustong magpumiglas ni Mandy pero hindi niya nagawa. Sa halip, tumulo ang masagana niyang mga luha. Nakatayo lang sila habang yakap siya ni Aron. Naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. Kagaya niya, umiiyak din si Aron, "A-Alam kong mali ang pinagsasabi ko sa 'yo. A-Alam kong mahirap paniwalaan ang paghingi ko ng paumanhin p-pero sana hindi pa huli ang lahat."
"B-Bakit ngayon lang, Aron? B-Bakit sa mahabang panahon, n-ngayon ka lang humingi ng sorry? P-Paano kita papaniwalaan kung masyadong malalim na ang sugat na idinulot mo hindi lang sa puso ko kundi sa buo kong pagkatao?" Takot talaga siyang magtiwala. Pakiramdam niya, lahat ng tao ay ayaw sa kaniya. Iyong kapag may gagawin o sasabihin siya, mali sa paningin ng iba. Pinapakisamahan lang siya ng nasa paligid dahil obligasyon ng mga ito na pakisamahan siya para hindi maging bastos.
"Hindi mo ako dapat na mahalin. Mali ito. Maling-mali. Wala tayong pag-asa," pagtatapat ni Mandy. Inaamin niya, ramdam niya ang kaseryosohan sa paumanhin nito.
"If loving my mortal enemy is forbidden, I don't want to apologize just to make it right. Just keep it wrong, until I die!" he said seriously.
"Stupid!" she chuckled.
"If falling in love with you makes me more stupid, okay, I am your stupidman!" Walang araw na hindi niya naririnig dito ang salitang "stupid", "tanga" at kung ano pang panlalait sa pagkatao niya. Masakit? Naman! Sino ba ang hindi masasaktan kapag harap-harapang apakan ang pagkatao mo?
"Umalis ka na nga!" Marahang tinulak niya si Aron at pinahidan ang mga luha, "Words are just words! Madaling sabihin, mahirap gawin at ipakita. Gusto kong paniwalaan pero iba ang itinatak mo sa mura kong isipan. Bakit mo ginagawa ito? Dahil nagu-guilty ka? Dahil alam mong noon pa man ay may kasalanan ka? Gusto mo akong mahalin, para ano? Para maibsan ang dalahin mo sa buhay? I'm sorry, pero hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo dahil noon pa man, nakatatak na sa isip ko na hindi mo ako kayang mahalin! Iyon ang sinabi at pinakita mo sa akin kaya patawad din! Hindi ganu'n kadaling mag-move on at mag-let go lalo na't hindi lang araw, linggo, buwan o taon kundi dekada na ang nakalipas!" mahabang sabi ni Mandy.
"H-Hayaaan mong iparamdam ko sa 'yo ang mga sinasabi ko. H-Hangga't iyan ang iniisip mo, hindi mo mararamdamang totoo ang mga pinagsasabi at ipinapakita ko," nababalot ng kalungkutan ang puso niya habang nakatitig sa dalaga. Mahirap paniwalaan ang isang katulad niya na nauna ang pang-insulto kaysa sa tunay na nararamdan niya pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.
"Kapag mapatunayan mo sa akin na totoo ang sinasabi mo, iiwan mo na ako, 'di ba?" Tinaasan niya ng kilay si Aron. Dapat lang na hindi siya magtiwala rito.
"Mali ka," pagtutol ni Aron, "Oras na maniwala ka, o kahit na hindi ka man maniwala, hindi kita bibitawan. Maliban na lang kung makita kong may mahal kang iba!"
Bago pa siya ipagtabuyan, nauna na niyang talikuran si Mandy at lumabas ng mansion.