40-41

2K 74 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 40-41

Sana lang hindi magkabaliktad ang names.
Unedited...
"Ano ito?" tanong ni Aira sa anak.
"Picture po," patay-malisyang sagot ni Aron at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Totoo na ba ang relasyon ninyo ni Mandy, Kuya?" tanong ni Jairah.
"Ewan ko," sagot ng binata.
"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Bakit parang wala ka sa sarili?" tanong ni Aira.
"Haist! Nagugutom po ako kaya mamaya o bukas na lang tayo mag-usap," naiiritang sagot ng binata. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Basta gusto niyang manahimik sa isang lugar. Napasulyap siya sa ama na magamang kumakain. Mabuti pa ito, hindi siya kinakausap.
"Tapatin mo nga kami, may gusto ka ba kay Mandy at nagawa pa ninyong mag-selfie habang naghahalikan?" seryosong tanong ni Aira na tumigil na sa pagkain. Mahirap na at baka tawagan o sugurin sila ni Cheska. Mas mabuti na iyong handa.
"Hindi ko po alam na nag-selfie siya. I just kissed her, Mom."
"Si Mandy rin ang nag-utos na burahin mo ang pictures ninyo ni Julie?" sabat ni Jairah na hindi malabong mangyari iyon. Kilala niya si Mandy, gagawa at gagawa ito ng paraan para makuha ang gusto.
"Paano n'yo nalaman? Updated yata kayo sa posts ko sa Instagram?"-Aron.
"Nasa diyaryo kayo. Alam mo namang mainit kayo ngayon lalo na't nali-link din si Mandy kay Liam," sagot ni Aira. Bata at mayaman si Liam at mabilis na lumago ang negosyo nito kaya binabantayan ng nasa business world lalo na't bachelor pa ito. Si Aron naman ay sa Sports.
"The fuck!" bulong ni Aron. Hindi pa niya nakausap si Julie. Ano na lang ang iisipin nito? Na tuluyan na niyang itong binura sa buhay niya? No, Julie has been part of his life at kahit paano, special pa rin ito sa kaniya.
"Ikaw pa talaga ang nag-upload ng photo, ha," ani Jairah. Hindi niya alam kung matutuwa kapag magkatuluyan ang ang dalawa o maiinis. As in hindi niya ito inaasahan.
Tumigil na si Aron sa pagkain. Naiinis siya! Kung puwede lang sanang ibalik ang mga litrato. Paano na lang niya ipaliwanag kapag may magtanong?
"Bakit ganiyan ka? Sino ba ang pinoproblema mo? Si Mandy o si Julie?" usisa ni Aira.
"Wala ho," sagot ni Aron.
"Kuya? Mahal mo pa ba si Julie? O mahal mo na si Mandy?"
"Hindi ko alam." -Aron
Kung puwede lang, ayaw na niyang mag-isip. Masyado pang maaga para sabihing inlove na nga siya kay Mandy.
"Ibig sabihin, may gusto ka kay Mandy?" bulalas ni Jairah.
"Haist! Tama na nga!" Tumayo na siya. Para siyang nasa hot seat sa dalawang babae.
"Kuya, sasabay na ako sa 'yo!"
"Kay Daddy ka magpahatid!" Tuloy-tuloy siya sa garahe. Mamaya pa ang klase niya pero pupunta na lang siya sa paaralan para mag-practice. This Summer na ang Olympic kaya kailangan niya mabilisan ang paglangoy ng kahit limang segundo.
Matapos ang halos kalahating minuto, nasa paaralan na siya. Napupuna niyang siya ang pinagtitinginan ng lahat. Ang dami kasi ng nakakita ng kalandian nila ni Mandy kahapon. Sa locker room siya dumiretso para kunin ang swimming uniform tapos tumungo sa pool. Saktong alas siyete pa lang kaya may dalawang oras pa siyang pag-ensayo.
May mga kasamahan na siyang nagpa-practice.
"Mabuti naman at maaga ka," sabi ng coach nila nang matapos siyang magbihis at lumapit sa kanila.
"Seryoso na ba talaga ang relasyon ninyo ni Mandy?" tanong ng kasama niyang sinabayan siya sa pag-warm up.
"Ayaw kong pag-usapan," tugon niya.
"Ang suwerte mo sa kaniya, dude!" wika ng lalaking may crush kay Mandy.
"Kung hindi lang masama ang ugali!" natatawang sabat ng isa nilang kasama. Tatlo pa lang sila at masasabi niyang kahit paano, may nabuo na silang samahan.
"Huwag na ninyong ipaalala," sabi niya saka nag-dive at pumunta sa kabilang dulo gamit ang free style. Ilang beses siyang pabalik-balik. Ganito siya kapag ayaw niyang mag-isip. Inaabala ang sarili sa paglangoy.
Pagkatapos pagurin ang sarili, umahon na siya dahil may mga estudyanteng pumasok at ang iingay pa ng mga ito. Naligo siya at nahihiya na tapos pumunta sa classroom.
"Morning!" bati ni Joyce.
"Good morning!" bati rin niya, "Huwag mo akong tanungin tungkol sa amin ni Mandy, wala akong maisasagot." Inunahan na niya ito nang bumuka ang bibig.
Tumawa si Joyce at hinampas siya sa braso, "Alam mo namang talk of the town kayo ngayon kaya siyempre, curious ako."
"Curiousity kills," sagot ni Aron.
"Sabi mo eh." Napailing na lang si Joyce. Oo nga't kinakausap siya ni Aron pero hindi sila ganoon ka-close. Tahimik kasi ito at walang gaanong kinakausap. Ang suwerte pa nga niya dahil madalas itong nakikipag-usap sa kaniya.
After ng klase, pumunta muna siya sa cafeteria para kumain dahil kaunti lang ang nakain niya kanina. Hindi niya nakita ang quadruplets kaya tahimik ang mundo niya. Sila lang naman ang malakas mang-asar.
Kung hindi kaya siya lumipat, sila pa kaya ni Julie? Maaagaw kaya ito ni Jerome sa kaniya? Ipinilig niya ang ulo. Hindi na niya dapat isipin iyon lalo na't humingi siya ng pahintulot kay Mandy na mahalin ito.
Hindi rin niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Basta kapag kaharap niya ito, iyon ang pumapasok sa kaniyang isipan. Ilang beses niyang sinubukang mawala o ibaling sa iba ang atensyon niya dahil ayaw niya kay Mandy. Hanggat maaari, ayaw niyang mahalin ito. Is it possible na kaya niyang pigilan ang sarili?
"Back to earth, Aron, back to earth!" Natauhan siya nang may nagsalita sa kaniyang harapan, si Mandy.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya at pinagmasdan ito, nakasimangot na naman.
"Wala ka yata sa katinuan? Sinaniban ka na naman ba?"
"May iniiisip lang ako."
"Kung masama ang loob mo dahil pinabura mo ang pictures ninyo ni Bakeshop, ibalik mo!"
"Nabura ko na nga, 'di ba?"
"Unfollow mo 'ko!" Utos nito.
"Hindi ako nakikipaglaro, Mandy!" Magmumukhang tanga lang siya kapag gawin niya iyon gayong marami na ang nakakakita.
"E nakakainis ka!"
"Pumunta ka lang dito para sabihing nakakainis ako?"-Aron
Tumahimik si Mandy na tila may iniisip.
"Magsho-shopping ako mamaya, samahan mo 'ko!"
"Mag-shopping kang mag-isa mo!"
"Anong klaseng boyfriend ka? Akala ko ba, mamahalin mo 'ko?" sumbat ni Mandy, "Baka nakalimutan mo, hindi ko hiniling na mahalin mo ako!"
"Hindi pa ako sigurado kasi hindi ko gusto ang ugali mo," prangkang sagot niya. Wala siyang problema sa mukha nito pero marami ang rason kung bakit hindi niya puwedeng mahalin ito. Pero sa tuwing mag-away sila, isa lang ang gusto niya, to love her.
"Ginagawa mo lang pala akong panakip butas!"
"No!" mabilis na sabi ni Aron. Kahit kailan, hindi niya ito ginawang panakip butas.
"Ayaw ko na, kay Liam na lang ako magpapasama, at least, wala akong kakumpitensiya at gusto niya ako," nagtatampong sabi niya.
"Hindi ko naman sinabing panakip butas ka lang! Huwag mo nga 'yang isipin!" naiinis na sabi niya.
"Panakip butas lang ako! Iyon ang ipinapakita at ipinaramdam mo!" giit ng dalaga.
"Ikaw lang ang nag-iisip niyan!" depensa ni Aron.
Kinuha ni Mandy ang cellphone at may tinawagan.
"Hello, Liam?" nakangiting wika nito na nakatingin sa kaniya.
"May time ka ba mamayang hapon? Puwede bang magpasama?"
Nakikinig lang si Aron sa usapan nila. Sarap hatakin ng cellphone nito at itapon sa pader.
"Talaga?" Lumiwanag ang mga mata nito, "Yehey! Magsho-shopping ako. Alas kuwatro ng hapon, ready na ako. Sunduin mo na lang ako, ha? Bye!"
Tinaasan niya ng kilay so Aron na nagbabaga ang mga mata. Wala siyang pakialam. Kung ayaw niyang samahan siya, nandiyan naman si Liam.
"Tawagan mo siya ulit, sabihin mong huwag ka nang samahan, nandito naman ako!" Utos ni Aron.
"Tinanggihan mo na ako kanina!" sagot ni Mandy at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Naguguluhan pa ako kanina!" rason ni Aron, "Ang bilis mo namang tumawag kay Liam! Hindi ba puwedeng bigyan mo muna ako ng kahit limang minuto lang para makapag-isip?"
"Wala na. Nandiyan na si Liam! Magsama kayo ng Bakeshop mo!"
Hindi na kumibo si Aron pero galit siya! Nanginginig pa nga ang buo niyang katawan dahil sa inis. Hindi niya inaasahang si Liam ang alukin nito.
"Hmp!" Inirapan siya nito bago tumayo at lumabas ng canteen. Palibhasa sanay na sinusunod ang gusto.
---------
Alas kuwatro ng hapon, nag-text si Liam na nasa labas na siya kaya nagmamadaling lumabas si Mandy. Ne hindi nga niya pinansin si LL nang makasalubong.
"Hi!" bati ni Liam.
"Hello!" masiglang bati ni Mandy sa guwapong binata. Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba kahit na pinaparinggan siyang two timer.
"Let's go?" yaya ni Liam.
"Sasakyan mo ang gagamitin natin?" tanong ni Aron kaya napalingon sila.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Mandy.
"Hindi ba't niyaya mo ako na samahan kita?" inosenteng balik-tanong ng binata.
"Nandito na si Liam!"
"E di tatlo tayo!" Binuksan ni Aron ang frontseat saka sumakay. Ang dalawa ay nakatunganga sa ginawa nito.
"Tara na," yaya ni Liam at pinagbuksan si Mandy ng pinto sa likuran.
Habang nasa biyahe, hindi nag-uusap ang tatlo. Binuksan lang ni Liam ang stereo.
Pagdating sa mall, hinawakan ni Liam ang kanang kamay ni Mandy at hinila sa isang boutique. Nakasunod naman si Aron sa kanila na nakapamulsa.
"Ano ang bibilhin mo?" tanong ni Liam habang nakatingala si Mandy sa mga damit.
"Wait lang," sagot ng dalaga.
"Mandy?" tawag ni Aron, "Gusto mo 'yon?" sabay turo niya sa damit na may design ni Pooh, "Mahilig ka kay Pooh, 'di ba?"
"Kyaaah! Oo, Gusto ko!" tili ni Mandy. Nang dahil sa malaking stuff toy, nahumaling na siya kay Pooh.
"Ah, masakit ang kamay ko, puwede mo bang makuha ang damit para kay Mandy?" pakiusap ni Aron kay Liam. Nasa itaas ang damit.
"Sure!"
"I think, kailangan mong bitiwan ang kamay ni Mandy para maabot mo iyon," suhestiyon ni Aron kaya binitiwan ni Liam saka lumapit sa sales lady para ipaalam na kunin niya ang damit.
Sinamaan ito ng tingin ni Mandy pero patay malisya lang si Aron.
"Bakit ka sumama?" tanong ni Mandy.
"Para kapag sinasaksak mo ako ng harapan, makalaban naman ako!" sagot ng binata.
"I hate you!" bulong ni Mandy.
Hinawakan ni Aron sa magkabilang pisngi si Mandy saka bumulong, "Hate me now, love me later, Mandy ko!" Sabay kindat dito.
Padabog na lumapit si Mandy kay Liam. Siya? Mamahalin si Aron? Asa ito!
Si Liam ang nagbayad. Hindi naman nakialam si Aron. Para ano na gagastos siya? Isang suot lang naman ito ni Mandy.
"Punta tayo sa Navarro shoes," yaya ni Liam.
"Sige!" excited na sabi ni Mandy kaya hinayaan lang ni Aron na mauna ang dalawa basta hindi ito nawawala sa paningin niya. Mabuti na lang dahil may bitbit na paperbags si Liam kaya hindi ito nakakahawak kay Mandy.
Pagpasok nila, napatingin ang costumers sa kanila.
"Hala, buyer si Mandy?" manghang wika ng babaeng asawa ng congressman.
"Oo, Mommy, nakita ko sa Instagram niya, ang gaganda ng ibang suot niya kaso out of stocks na raw," nanghihinayang na sagot ng dalagang anak nito. Kilala ang mag-inang Cheska at Mandy with high standard of fashion pagdating sa sapatos kaya kapag may isuot ang mga ito, makakaasa kang matataas ang kalidad at well, parang in ka na rin sa mayayamang angkan dahil kaya mo silang pantayan.
"Pili ka kung ano ang gusto mo, libre ka na," sabi ni Liam kaya masaya namang pumili si Mandy. Lahat naman yata ay maganda sa mga mata niya pero kailangan pa rin niyang pumili ng mas maganda.
"Psh!" Nakakasuyang pinagmasdan ni Aron sina Mandy at Liam, "Business is business! In order to succeed, you must business your fuckin' business!" bulong ni Aron.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon