CHAPTER 5
Unedited...
"Huwag ka na ngang sumama sa akin! Stay away from me!" pagtataboy ni Mandy. Kakaupo lang ng kaibigan sa harapan niya at inilapag ang in-order na pagkain.
"I hate you! Hindi ka na nasanay kay Kuya," she rolled her eyes and take a sip from her pomelo juice.
"I hate you more for having a monster brother!"
"Kapag kayo ang magkatuluyan niyan, ipapasarado sa quadruplets ang buong CTU," biro ni Jairah kaya ang mukha ni Mandy ay parang nagkaroon ng invisible na sungay. Umuusok na naman ang ilong nito.
"Stupid brother of yours!" Galit siya kay Aron dahil nang umuwi sila mula sa mansion ng Lacson noong isang araw, binawasan ng ina ang baon at kinuha pa nito ang dalawang sapatos niya. E iyon pa naman ang gusto niyang isuot this week pero wala na. Hindi naman makaangal ang ama dahil kontrolado ito ng ina.
"But he is mabait, you know? Try mo kasi na makipagbati sa kaniya at nang maging tahimik ang mundo nating lahat," Jairah suggested. Palagi na lang nagugulo ang family bonding nila dahil sa dalawa kaya minsan, hindi na sumasama si Aron kapag malaman nitong kasama si Mandy.
"Tahimik naman ang mundo ko. Ginulo lang ng stupid kuya mo!"
"Wala akong mapapala kapag kayo ang kasama ko," sabi ni Jairah. Lahat ng panglalait sa kuya niya ay narinig na niya mula kay Mandy. Hayop, gago, monster, stupid, moron at kung ano pang maisipan nito. Noong una, nasaktan siya pero nang tumagal, kagaya ng kapatid, nasanay na rin siya. Si Aron naman ay wala lang. Tahimik naman ang kuya niya pero alam nilang kumukulo rin ang dugo sa tuwing makikita si Mandy.
"Talk to him! Pakiusapan mo na umalis sa paaralan namin!" Naiinis na utos ni Mandy. "Kasalanan mo kasi 'to e. Kung hindi ka sumali sa sorority, sana hindi lumipat ang kuya mo!"
"Malay ko ba na malaman nila," sagot ni Jairah. Nag-ingat naman siya pero malakas lang talaga ang pang-amoy nina Kuya Aron at Daddy Tyron niya.
"Himala, nandito yata kayo kumain?" Sabi ni Jersel na palapit sa kanila kasama ang dalawang alipores. Bagong leader ito ng Alpha Khi Omega.
"Wala namang masama kung makihalubilo ang reyna sa katulad mong dukha!" pabalang na sagot ni Mandy. Kaklase niya ito at ayaw talagang magpatalo ng babae dahil sila raw ang mayaman sa buong Japan dahil isang mafia boss ang ama. As if natakot naman si Mandy. Wala pa nga silang alam na ang mga Jawaki ang pinakamalakas na mafia sa Japan.
"Me, pulubi?"
"Yes, as in pulubi ka pa sa lahat ng pulubi!"
"Duh, mas mahal ang gamit ko sa 'yo!" Dalawang ipinakita pa nito ang white gold bvlgari ring na iniregalo ng ama niya noong kaarawan.
"Old stock!" said Mandy.
"Really? Inggit ka lang!"
Tumaas ang kilay ni Mandy. "Why should I? Naaawa nga ako sa mga mamahaling gamit mo, biglang lumuluma nang isuot mo! My ghad! Ang mahal ng presyo pero sinuot lang ng taong mas madumi pa sa basura! Hustisya please!" Ipinaypay pa niya ang mga kamay sa mukha na para bang naiinitan.
"Aba't--"
"Umalis na kayo sa harapan namin!" Biglang tumayo si Jairah nang hindi na makatiis. Ang yabang ng grupong ito.
"Bakit? Lalabanan mo kami?" nakapamewang na tanong ng kasama ni Jersel na nanghahamon ang mukha. Pagalit na tumayo si Mandy at namewang din.
"Bakit? Manaksak ka gamit 'yang baba mo at mangbomba gamit ang paputok na na pimples mo?" balik-tanong ni Mandy na tumayo na rin at taas noong tinaasan ng kilay ang mga ito pero sinigurado niyang with poise pa rin siya.
Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa kanila. Minsan na nga lang siya kumakain dito sa cafeteria, binu-buwesit pa ng Jersel na ito.
Dinampot ng isang mataba ang upuan.
"Bakit? May angal kayong dalawa?" tanong niya na nagbabadya ang kamay na itapon ang upuan kina Mandy at Jairah.
"My ghad! Saan ka nakakita ng baboy na nagbubuhat ng bangko?" bulalas ni Mandy. "Guard? 'Yong lechon, bumaba sa mesa! Nawawala raw ang apple niya!"
Mas lalong uminit ang ulo ng tatlo pero natahimik sila nang pumasok ang disciplinary officer at sa likuran nito ay si Aron na hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa kapatid.
"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ng officer kaya muling naupo sina Mandy at Jairah. Ang mataba ay ibinaba na ang upuan.
"Lilipat lang kami sa table nila kaya kumuha ako ng ekstra na upuan," palusot nito.
"Duh! Ihahampas niya sa amin ang upuan, sir," sabat ni Jairah.
"Excuse me? Para ano?" Pinandilatan siya ng mataba.
"Para masaktan kami, malamang!" pagsisinuplada ni Mandy pero nakataas ang kilay niya kay Aron.
"Jairah, sumama ka sa akin," walang emosyon na sagot ni Aron kaya napakagat sa ibabang labi ang kapatid. Alam kasi nito na kapag ganito ang boses ni Aron, sukdulan na ang galit nito lalo na't nag-iiskandalo na sila ni Mandy.
"You can ask the students here, sir! Wala kaming ginagawang masama nang lumapit ang mga pulubi sa amin at namalimos ng pagkain!" ani Mandy. Wala naman talaga siyang ginagawa. Nananahimik siya kanina nang istorbohin ng mga ito. Alangan naman pabayaan lang niyang insultuhin siya?
Nasa pintuan na si Aron kaya tumayo na si Jairah para sundan ito.
"Kuya!" tawag niya nang patungo ito sa locker room. Tumigil si Aron at humarap sa kaniya.
"Hindi ba't sabi ko sa 'yo na huwag ka nang sumama kay Mandy? Ganito ba ang palagi ninyong ginagawa? Gulo?"
"Hindi ah!" todo tanggi ni Jairah. Minsan lang naman siya napapasabak kapag madamay sa sorority war.
"Hindi mo ba talaga siya puwedeng layuan?"
"Kuya, wala naman kaming ginagawa ni Mandy. Mabait naman siya!" depena niya sa kaibigan. Oo nga't wala itong sinasanto pero kapag umiwas ka naman kay Mandy, hindi naman ito nang-aano. Sadyang ayaw lang talaga nito sa taong hindi nito nagustuhan.
"Bad influence siya sa 'yo!" giit ni Aron. Mula noon, palagi na niyang sinasaway ang kapatid para layuan si Mandy pero ang tigas ng ulo nito.
"Kuya naman! Try to know her, hindi siya ganun kasama kagaya ng iniisip mo!" Napapadyak na siya ng paa.
"Tama na! Basta ayaw ko nang makita kang kasama si Mandy, tapos!" Tinalikuran na ni Aron ang kapatid na nakasimangot. Alam niyang nagkakaroon ng gap ang relasyon niya rito dahil kay Mandy pero wala siyang magagawa. Hindi mabuting kaibigan si Mandy para sa kapatid niya.
Pumunta siya sa locker room para kunin ang isusuot sa swimming nang mapansing bukas ito kaya mabilis na bunuksan niya ito at napanganga nang makitang punit ang uniporme.
"Sino ang gumawa nito?" galit na bulong niya at pinagmasdan ang nasa paligid pero ang pandak na kaklase nina Mandy ang nakita niya namay kinukuha sa locker nito.
"May nakita ka bang bumukas nito?" tanong niya.
"Wala 'tol! May pumasok dito kaninang magbarkada pero hindi na sila nakalapit diyan," sagot niya kaya naikuyom ni Aron ang kamao. Wala siyang maisusuot sa practice dahil sinabotahe ang isusuot niya.
Galit na itinapon niya ang uniporme sa pinakamalapit na basurahan at hinanap si Mandy. Ito lang ang kilala niyang puwedeng mang sabotahe ng gamit niya.
Sakto namang makakasalubong niya ito na hindi rin maipinta ang mukha.
"Halika nga rito!" Bago pa makahulma ang dalaga ay hawak na niya ang kanang kamay nito.
"Bitiwan mo akong hayop ka!" singhal ni Mandy na nagpupumiglas pero ang higpit ng pagkakahawak ni Aron. "Ano ba! Sisigaw ako!" Pinagtitinginan na sila pero parang walang narinig si Aron.
"Bitiw sabi!" Pinaghahampas na niya ang binata pero wala pa rin. Galit ito. Sobrang galit dahil may balak yatang durugin ang mga buto niya.
Nang maipasok siya nito sa locker room, agad na isinara ng binata at ini-lock ang pinto. Sila na lang ang tao rito dahil lumabas na ang kaklase ni Mandy.
Namumula ang kamay niya nang bitiwan ni Aron kaya isang nakakamatay na tingin ang ipinukol niya rito.
"Ano ba ang problema mo? Ba't ka nangangaladkad?"
"Bakit mo pinunit ang mga isusuot ko sa swimming?" mahina pero puno ng galit na tanong ng binata na mas lalong naningkit ang singkit na mga mata nito.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Mandy.
"Sagutin mo ako! Bakit mo pinunit?" muling tanong ng binata.
"Fuck you ka! Mga bente!" singhal ng dalaga. Hindi niya alam ang tinatanong nito.
"Ayaw mo akong sagutin?" Lumapit si Aron sa basurahan at tinapon ang laman sa harapan nila. "Ano ang ibig sabihin niyan?" Punit na ang swimming trunks nito.
"Malay ko," inosenteng sagot ni Mandy.
"Huwag ka nang magkunwari! Ikaw ang gumawa niyan!"
"Ang kapal ng mukha mo! Kapag may mangyari sa 'yo, ako pala ang sisihin mo?" singhal ni Mandy. Wala siyang kinalaman dito.
"At sino pa ang gagawa nito?"
"Malay ko? Basta hindi ako! Kapal ng mukha mo para pag-aksayahan kit--ouch!" daing niya nang isinandal siya ni Aron sa locker.
"Oras na gawin mo pa ito, makikita mo ang hinahanap mo, Mandy!" nagtagis ang mga bagang ng binata at diniinan ang pagkahawak sa magkabilang balikat ng dalaga.
"Wala nga akong kinalaman dito!" Itinutulak niya ang binata pero ang tigas ng katawan nito. "Lumayo ka nga!"
"Isa na lang Mandy at mapapatay na talaga kita!" 'Sing bangis ng tigre ang mga mata ni Aron na nanginginig na ang mga kamay. Nangangati na amg kamao niya na masuntok si Mandy pero ayaw lang niyang manakit ng babae.
"Bakit hindi mo gawin ngayon? Kill me!" hamon ni Mandy at nakikipagtitigan kay Aron na para bang ang mga mata nila ang naglalaban. "Hindi mo kayang gawin? Natatakot ka?" Hindi siya uurong sa binata dahil this time, mali ang ipinaparatang nito.
"Isa na lang at isinusumpa kong magbabayad ka!" Kahit na gustuhin man niyang mapatay si Mandy, talo pa rin siya dahil babae ito kaya pinakawalan na niya ang magkabilang balikat nito.
"Isa pang paratang at magbabayad ka rin sa akin, Aron!" Naiinis na sabi ng dalaga at padabog na lumapit sa pinto. Paglabas niya, ang daming estudyante sa labas na kaniya-kaniyang iwas ng mga mata dahil hindi nila inaasahan ang paglabas ni Mandy.