16.2

351 17 0
                                    

CHAPTER 16

Unedited...
"Last mo na 'to, Mandy!" sabi ni Aron na pinigilan ang dalaga sa pagbaba.
"Last saan?" inosenteng tanong ng dalaga.
"Sa pagsira ng buhay ko!"
"Kailan ko pa sinira ang buhay mo?"
Napahilamos sa mukha si Aron. "Utang na loob! Alam mo ba kung gaano ka halaga sa akin na makausap si Julie? Alam mo bang ilang araw kong hinintay na makausap siya? Tapos ano? You ruined everything!" Napahampas na siya sa manibela. Kung kailan nagkaroon sila ng oras, saka naman umeksena si Mandy.
"Wala akong sinira," naka-pout na sagot ng dalaga.
"Wala?" he shouts, "Ayusin mo ang lahat kung ayaw mong malilintikan sa akin!"
"Aayusin ko ang mukha ni Julie? Ang hirap!" Napahawak pa ito sa dibdib na tila nahihirapan sa pinapagawa ni Aron. "Wala nang pag-asa."
"Hindi ka ba talaga aayos?"
"Maayos ako! Sinisira mo lang!" sabat ng dalaga.
"Huwag mong pakialaman ang buhay ko!" giit ni Aron.
"Open this door!" sabi ni Mandy at pinipilit na buksan ang pintuan pero sa bandang huli ay sumuko rin siya at hinarap si Aron. "If you want peace, huwag mo na akong turuan ng swimming. Huwag ka nang pumunta sa bahay tuwing sabado para turuan ako 'cause I'm allergic to your face!"
"At ano sa tingin mo? Gusto ko ang pagmumukha mo?" Wala siyang choice. Pinakiusapan siya ng mga magulang nito na kung puwede ay turuan niya si Mandy ng swimming. Actually, Sabado at Linggo. Hindi lang siya nakabalik dahil kahit paano, na-guilty siya sa ginawa niyang paglunod kay Mandy. Hindi naman niya hahayaang malunod talaga ang dalaga. Wala na kasi siyang ipang paraan para mapasunod ito. Sa lahat ng babae, iba talaga ang ugali ni Mandy.
"Lalabas na ako! Buksan mo na 'to!" sabi ni Mandy. "Hindi ako makahinga. Nasu-suffocate ako!" Hinawakan niya ang leeg saka idinihal ang dila. Blangko ang mukha ni Aron na nakatitig lang dito.
Mayamaya pa ay sinipa na ni Mandy ang brake ng saksakyan sa sobrang inis.
"Ibaba mo na kasi ako! Nauubusan ako ng hangin!" sabi niya. Hindi siya nagbibiro. She feels like she has a claustrophopia, fear of being enclosed in a small place or room and having no escape like elevator and small cars.
"Makulong ka! Hindi ka lalabas hanggang sa hindi mo aayusin ang lahat ng sinira mo!" Tinanggal ni Aron ang seatbelt at binuksan ang pinto sa kabila.
"Waaah. Aron!" Hinila niya ang laylayan ng damit ng binata kaya naisara nito ang pinto.
"Bitiwan mo nga ang damit ko!" nakasimangot na sabi ng binata.
"H-Huwag mo 'kong iwan, hindi ako makakahinga," sabi ni Mandy. Bumibigat na talaga ang dibdib niya na para bang may nakabara sa lalamunan.
"Ayusin mo ang gulong ginawa mo kanina!"
"Oo na pero palabasin mo na ako!" pakiusap niya. Natatakot talaga siya. Baka nga ikulong siya ni Aron at maranasan niya ang carbon monoxide poisoning. Uso pa naman 'yon ngayon.
"Mangako ka. Fix everything at papalabasin kita."
"What if I won't?"
"Maghapon kang manatili rito!" Nakipagtitigan si Mandy kay Aron. Seryoso nga ito. Naalala niya ang paglunod nito sa kaniya sa pool kaya biglang nanayo ang balahibo niya. Paano kung lagyan nito ng lason ang loob ng sasakyan at palabasin na aksidente ang pagkamatay niya?
"S-Sige, ayusin ko. Ano ba ang gusto mong gawin ko?"
"Ayusin mo ang mga ipinagkalat mo tungkol sa relasyon natin. Please Mandy, mahalaga sa akin si Julie," pakiusap ni Aron. Hindi pa sila tapos mag-usap ng dating kasintahan kaya umaasa pa siyang maayos din ang lahat.
"Kahit na nagmumukha kang tanga?"
"Hindi ako tanga!"
"E di stupid!"
"Mandy naman! Umayos ka o iiwan kita rito?" sagad na ang pasensiya niya kay Mandy.
"Okay. Oo na, aayusin ko bukas pero pakibukas na."
"Paano ako makasiguro?" Hindi pa rin siya puwedeng magtiwala kay Mandy.
"Hindi ako sinungaling, Aron. Kapag sabihin kong gagawin ko, gagawin ko talaga. Bukas, aayusin ko na ang lahat!"
"Asahan ko 'yan," sabi ni Aron.
Nang muli niyang subukang buksan, bumukas na ang pintuan.
"Thanks, God!" sabi niya at agad na bumaba. Para siyang ibong nakulong ng ilang taon sa isang hawla.
Dali-dali na siyang pumunta sa building niya at hindi na nilingon pa si Aron. Buong maghapon siyang nakasimangot hanggang sa nakauwi.
"Daddy!" Malayo pa lang ay sumigaw na siya at nang makarating sa pavilion ay niyakap ang ama na nakipag-usap sa kaniyang ina.
"Ano ang isinisigaw mo?" tanong ng ina.
"D-Daddy, papatayin ako ni Aron!" naiiyak na sumbong niya saka umupo sa kandungan ng ama at niyakap ito na para bang may nang-aaway sa kaniya.
"Stop it, Mandy!" saway ng ina.
"But it's true, Mom! He's going to kill me!"
"Mandy, hindi mo ba talaga titigilan so Aron?" malumanay na sabi ni Oliver kaya umalis siya sa kandungan nito saka tumayo.
"Your daugher was almost killed by Stupidman and yet, wala lang sa inyo?" she exclaimed.
"Stop calling him Stupid," saway ni Cheska.
"But he is!" she insisted.
"Paano ka hindi papatayin e ganiyan ang ugali mo? Try to respect him kung ayaw mong mapatay niya!"
"So? Hindi kayo naniniwala?"
"Magpalit ka na ng damit mo at pupunta tayo kina Tita Ann mo para mag-dinner," sagot ng ama kaya sinamaan niya ng tingin ang mga ito.
"Ayaw ko ng ganiyang tingin!" saway ni Cheska sa anak. Ang pagkamaldita nito, hindi na talaga nila mapigil lalo na pagdating kay Aron.
"Mahal ka lang ng ama ko kaya sa tingin mo, maganda ka na!" sabi niya.
"At maswerte ako sa kaniya!" taas noong sabi ng ina kaya napatingin si Oliver sa asawa. "What?" pandidilat ni Cheska.
"Wala," sagot ni Oliver at inakbayan siya.
"Pero ang malas niya sa 'yo!" paalala ni Mandy.
"Swerte kaya niya! Akalain mo 'yon? Sa lahat ng adik, siya ang minahal ko?" pagtatanggol ni Cheska sa sarili.
"Mahal mo ba talaga ako?" tanong ni Oliver. Hindi na kasi niya alam kung pinupuri siya ng asawa o nilalait?
"Oo, hindi lang halata pero mahal talaga kita," sagot ni Cheska at nginitian si Oliver. "Mahal kita kahit na mukhang adik ka."
"Yan ba ang minahal mo, Dad?" hindi makapaniwalang tanong ni Mandy.
"Wala namang masama kung mahal ko ang mommy mo?" pagtatanggol ni Oliver sa asawa. Sino ba ang hindi? Nasa hita na niya ang kamay ni Cheska.
"Ugh! Ang Corny niyo!" Padabog na pumasok siya sa bahay at dumiretso sa kuwarto. Pabagsak na inihiga niya ang katawan sa malambot na kama at napatingala sa kisame.
"Kapag mamatay na siguro ako, saka sila maniwala na gusto akong patayin ni Aron!" galit na wika niya.
"Because I am a bitch, doesn't mean na gumagawa na ako ng kuwento!" pagtatampo niya at pinagsusuntok ang unan para mawala ang galit. "I hate you, Aron!" Ito talaga ang pinag-iinitan niya sa ngayon.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumasok at tumambay sa classroom. Gusto niyang mapag-isa. Mahirap nang gumala sa hallway o kahit saan dahil may gumagalang halimaw.
"Sis?" tawag ni Jairah na kakapasok lang.
"What?" pasinghal na sagot niya.
"Sabi ni Kuya, gawin mo na raw 'yong promise mo kahapon," paalala ni Jairah.
"Ang aga-aga, binubuwesit ako ng kapatid mo!" sabi niya at pagalit na kinuha ang Iphone sa bag.
"Ano ba ang promise ninyo? Kayo ha!" tukso ni Jairah, "May pa-promise, promise pa kayo sa isa't isa."
"Ayusin ko raw ang isyu namin dahil mahal pa niya si Bakeshop!"
"Ayaw ko na kay Julie!" nakasimangot na sabi ni Jairah. Una pa lang ay hindi na talaga siya boto sa dalaga para sa kapatid niya pero sinubukan pa rin niyang tanggapin alang-alang kay Aron.
"Gusto niya 'to e di ibigay!" sabi ni Mandy habang may dina-dial na numero. "Hello, ako 'to, si Mandy. Handa na ba ang sinabi ko kagabi? Saan na kayo?" Nakikinig lang si Jairah sa dalaga. "Yes, please. Ready na ako."
Nang matapos ang tawag, humarap siya kay Jairah. "Puwedeng pakitawag kay Aron at pakisabing pumunta sa conference room? Hihintayin ko siya roon!" Tumayo siya at dinampot ang shoulder bag saka naglakad patungo sa conference room. Si Jairah ay pumunta sa classroom ng kapatid.
"Kuya, pinapatawag ka ni Mandy sa conference room," sabi ni Jairah na hindi alam ang nangyayari. Basta para siyang messenger nitong dalawa.
"Okay," sagot ni Aron at tumayo. Masyado nang magulo ang utak niya dahil kay Mandy at umaasa siyang bumawi naman ito sa kasalanan sa kaniya.
Pagpasok niya sa conference room, napakunot ang noo niya nang nagsikislapan ang mga camera at marami ang reporters na nandito sa loob mula sa iba't ibang TV station.
Lumapit siya kay Mandy na kampanteng nakaupo sa mesa na may mga mic.
"Maupo ka," nakangiting sabi ni Mandy dahil ayaw niyang asira ang poise niya.
"Ano ang ibig sabihin nito?" pabulong na tanong ni Aron.
"Magpapa-press con ako," sagot ni Mandy at humarap sa reporters. "Umpisahan na po natin ang press conference."
"Miss Mandy, ano ho ang rason kung bakit nagpatawag kayo ng press con?" tanong ng isang reporter. Walang ideya si Aron na ito ang gagawin ng dalaga.
"Well, I just want to clarify things tungkol sa amin ni Aron dahil sa pumutok na balita noong nakaraang linggo," sabi ni Mandy kaya nakahinga nang maluwag si Aron. Mabuti naman at naisipan ni Mandy na magpatawag ng ganito para hindi na sila mahirapan pang mag-explain sa taong bayan.
"Yes, we heard that," sabat ng isang showbiz reporter. Naging usap-usapan sila sa loob ng isang linggo. Hindi naman sila artista pero si Aron ay athletic star ng bansa. Ganoon din naman si Jerome kaya medyo umingay ang sports news ngayon. Dagdagan pa ni Mandy na isang Lacson.
"Is it true na may relasyon kayo ni Aron at hiwalay na sila ng rumored girlfriend nito na si Julie?"
Napasulyap si Aron kay Mandy at naghihintay ng sagot nito para malinaw na ang lahat. Ngumiti ang dalaga at ipinulupot ang kamay sa kaliwang braso niya.
"Yes, kami na!"
Napanganga si Aron at namutla sa sagot ng dalaga. Para siyang sinabukan ng bomba sa ulo sa harap mismo ng madla. Alam niyang naka-live sila sa ilang tv network.
"Woah! Really?" bulalas ng bakla. Matagal na niyang crush si Aron at ngayon lang nagkataon na makita niya ng malapitan dahil bago pa lang siya sa trabaho bilang journalist.
"Yes!" she proudly replied.
Kinuha ni Aron ang panyo sa bulsa at pinahid sa mukhang namamawis. Mahirap humarap sa lahat kapag alam mong magta-transform ka na bilang super saiyan.
Hinawakan niya ang kamay ni Mandy at pinisil na para bang baliin na niya ang buto pero agad na binawi ng dalaga.
"Mr. Rodriquez, ano ang nagustuhan mo kay Mandy?" tanong ng isa kaya natigilan si Aron. Nagsisi tuloy siya kung bakit nagtiwala pa siya kay Mandy. Ngayon, sira na ang lahat ng pagkatao niya.
"H-Ha?" Wala siyang maapuhap na sasabihin. Para siyang inilagay sa gitna ng ilog na puno ng pating at buwaya. Ang nakakainis pa ay todo ngiti naman itong nasa tabi niya habang nakatingin sa kaniya na akala mo eh, in love talaga sila sa isa't isa.

"Pasensiya na kayo, nabigla lang si Aron dahil surprise ang conference na ito," sabat ni Mandy. "Actually, he asked me yesterday if puwede raw bang ayusin ko ang lahat para malinis na ang pangalan namin at maging masaya na kami sa aming relasyon dahil nakakabit pa rin ang pangalan niya kay Julie which is hindi na dapat dahil wala na sila. Mahirap din kasing mag-umpisa ang relationship namin na ipinapaalala pa ng mga tao sa paligid ang nakalipas dahil pareho na silang naka-moved on. You know, past is past, guys!" mahabang paliwanag ni Mandy at kinuha ang mineral water sa harap dahil nanuyo ang lalamunan niya.
Nandidilim ang paningin ni Aron at nanginginig ang buong katawan dahil sa inis at galit na hindi niya kayang maipalabas dahil kapag nagkataon, pamilya nila ang mapapahiya.
"Wow! So, ilang months na kayo?"
"Secret!" pilyang sagot ni Mandy at kumindat pa.
"Sa loob ng relasyon ninyo, ano ba ang nakakakilig na moment ninyo?" kinikilig na tanong ng bakla kaya napangiti si Mandy at humarap kay Aron na alam niyang halimaw na nagngingitngit sa galit. Who cares?
Tinakpan niya ang bibig na kunwari ay natatawa at kinikilig. Nandito na rin siya kaya itodo na niya. "Noong nasa tambayan kami at alam n'yo na, topless siya at pinahawak sa akin ang abs niya." Yumuko siya na kunwari ay nahihiya pa. "Gosh, nakakahiya!" maarteng sabi ni Mandy.
Lahat ng tao sa paligid ay nawala sa paningin ni Aron at ang huli niyang narinig ay ang tilian ng nasa paligid. Hindi na niya nakaya ang mga nangyayari.
Everything went black!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon