16

1.5K 60 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited...
"Dad? Nilunod po niya ako," sumbong ni Mandy sa ama.
"C'mon, Mandy, pagod ako," sagot ni Oliver. Kanina pa ito naglulupasay sa harapan niya at iginigiit na nilunod daw ito ni Aron kanina sa pool.
"I'm fuckin' serious, dad! He drowned me!" she exclaimed.
"Bakit buhay ka pa?" Hinubad niya ang sapatos at inilagay sa shoe rock.
"He saved me!"
"Ano ba talaga?" naiiritang tanong ni Cheska nang pumasok. "Nilunod ka o iniligtas?"
"He tried to drown and then saves me!" giit ni Mandy. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin siyang makahinga sa tuwing maalala ang pagkalunod.
"Ako ba'y pinagloloko mo, Mandy?" hindi naniniwalang sabi ni Cheska. Pagod na nga siya sa biyahe, dagdagan pa ng anak nila.
"I am telling the truth! Papatayin ako ni Aron!" desperadang sagot niya. Ano pa ba ang gagawin niya para paniwalaan siya ng mga ito?
"So, are you telling us na huwag ka na niyang turuang lumangoy?" Cheska asked.
"Exactly!" Mandy answered.
"So, that's it! Naghahanap ka lang ng rason para huwag kang turuan!" Halos malaglag ang panga ng dalaga sa sinabi ng ina.
"My ghad! Mommy naman! Ako ang muntik nang malunod at mamatay tapos ayaw ninyong maniwala?"
"Stop insisting things na wala namang katuturan!" ani Cheska. Si Oliver ay pumasok na sa shower room para maligo.
"What the heck, Mom? He was trying to kill me!" giit niya.
"Mandy naman! Stop this nonsense! Lumabas ka na at may gagawin pa ako!"
"Okay lang pala sa inyo na patayin ako ni Aron?" naiiyak na sabi niya. Bakit ba ayaw siyang paniwalaan ng mga magulang? Hindi siya gumagawa lang ng istorya. Muntik na talaga siyang mapatay ni Aron at kapag tumagal pa, baka mapatay na nga siya nito.
"Stop making excuses para lang hindi ka na maturuang lumangoy!" singhal ni Cheska. Ang daming alibi ni Mandy eh para naman sa kaniya ang gagawin.
"This is a serious matter so please, listen up, Mom!" she said in a desperate voice. "Mag-aaral ako pero hindi si Aron ang ang magtuturo! He's a serial killer, believe me, Mommy!"
"Lumabas ka na, inaantok na ako," pagtataboy ni Cheska.
"Hindi na kayo kakain?"
"Kumain na kami ni Oliver sa labas kaya ikaw na lang munang mag-isa ang kumain."
"Nagpakasaya kayo buong araw habang ang anak ninyo ay pinabayaan ninyong malunod dito sa bahay? How irresponsable mother you are!"
"Cut your dramas at lumabas ka na, Mandy!" Tumaas na ang boses ni Cheska kaya padabog na lumapit si Mandy sa pinto at buong lakas na isinara ito.
"I hate them!" she murmured.
Pumasok siya sa kuwarto at ipinagtatapon ang lahat ng gamit. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit lalo na kay Aron. Paano nila nagawang mas paniwalaan ang tangang iyon kaysa sa kaniya.
"Bullshit!" she cussed. Pabalik-balik siya sa loob ng kuwarto. Nag-iisip kung ano ba ang dapat na gawin. Tumigil siya sa dresser at humarap sa salamin saka tinitigan ang mukha.
"Hindi ka si Mandy kung basta-basta ka na lang sumuko sa isang tanga!" Pagkausap niya sa sarili at tinaasan ng kilay ang reflection.
Buong gabing nag-isip siya kung ano ang gagawin kay Aron para makaganti man lang pero nakatulugan na niya ang pag-iisip. Kinabukasan, laking pasalamat niya dahil hindi nakapunta si Aron kaya nagmukmok siya sa loob ng kuwarto at kumain ng chichirya.
---------
"Saan ka?" tanong ni Aron kay Julie nang sinagot nito ang tawag niya.
"Nandito sa pinakadulo ng restaurant," sagot ni Julie.
"I'm coming," sabi ng binata at pinatay na ang tawag saka inilagay ang cellphone sa bulsa. Dali-dali siyang tumungo sa parking area at lumapit sa black SUV.
Sa wakas ay nag-text si Julie sa kaniya kagabi kung puwede raw silang mag-usap. Dalawang oras pa siyang nag-isip bago nag-reply. He needs an answer. He wants to know the truth kung ano ba talaga ang nangyari kina Julie at Aron. Baka may dahilan naman si Julie at aaminin niya, umaasa pa rin siyang maayos nila ang lahat. Baka misunderstanding lang ang mg nangyari.
"Kuya, saan ka pupunta?" Tumatakbong tawag ni Jairah. "Mahatid muna sa bahay, emergency lang."
"Mag-taxi ka na lang, nagmamadali ako," sagot ni Aron.
"Kuya naman eh! Gusto ko nang umuwi, inaantok na ako," nakasimangot na sabi ni Jairah. Half day lang ito ngayon dahil nasa seminar ang isang guro niya mamayang hapon.
"Please, mahalaga lang talaga ang bagay na ito."
"Si Julie ba?" nakasalubong ang kilay na tanong ni Jairah. Si Julie lang naman ang mahalaga sa kuya niya. "Makipagkita ka sa kaniya?"
"Kailangan naming mag-usap," mahinang sagot ng binata kaya napatirik ang mga mata ni Jairah.
"Ginawa ka na ngang tanga sa harap naming lahat, magawa mo pang harapin siya?" Naiinis talaga siya kay Julie. Saksi siya kung paano ito mahalin ng kapatid niya kaya mas labis siyang nasaktan sa pangloloko nito. Akala na nga nila, ito na ang makakatuluyan ng kapatid.
"Kailangan kong malaman ang kuwento niya," seryosong sagot ni Aron kaya wala ring nagawa ang kapatid.
Sumakay na siya at nagmaneho patungo sa restaurant na sinabi ni Julie. Pagdating niya, isinuot niya ang itim sombrero para hindi mamukhaan ng ibang estudyanteng nandito. Lunch time kaya marami ang mga estudyanteng taga Arellano dahil ito ang pinakamalapit na paaralan.
Pumasok siya sa restaurant. Kaagad na nakita niya si Julie. Sa loob ng mahigit isang linggong hindi sila nagkita, pumayat ito. Nanlalalim din ang mga mata na halatang kulang sa tulog.
"H-Hi," bati ni Julie na ngumiti sa kaniya pero alam naman nilang pareho na pinipilit lang nito ang pagngiti.
"Naka-order ka na?" tanong ni Aron na naupo sa harapan ng dalaga.
"Y-Yes, nandiyan na yata," sagot ng dalaga na nakatingin sa waiter na papalapit sa kanila.
"Ako na ang magbabayad," sabi ni Aron at dinukot ang wallet sa bulsa pero pinigilan ni Julie.
"Nabayaran ko na," saad ng dalaga.
"Nag-abala ka pa," ani Aron kaya ngumiti si Julie. Ngiti na bumuhay sa puso ni Aron. He loves this woman. Of only he could make her fall in love again.
"Iyong favourite food mo pa rin ang in-order ko. Hindi ko alam kung nagbago ka na eh," naiilang na sabi ni Julie.
Malungkot na ngumiti si Aron. "Ganoon pa rin ang favourite ko, wala namang nagbago sa akin." Gusto sana niyang sabihin na kahit ang pagmamahal niya rito ay hindi rin nagbago.
Mahilig siya sa seafoods lalo na sa sinigang sa bangus kaya ito ang in-order ng dalaga. Halos lahat ng inilapag ng waiter ay isda. Pareho lang sila ni Julie, mahilig din ito sa isda.
Walang imik na kumain sila nang umalis na ang waiter pero parehong nakikiramdam lang sa isa't isa kung sino ang unang magsalita.
"A-Aron, tungkol pala sa nangyari noon sa PRISAA, s-sorry," malungkot na sabi ni Julie.
"Do you really love him?" tanong ni Aron. Hindi inaasahan ni Julie ang tanong kaya natigilan siya.
"Mahal pa kita, Julie," pag-amin ng binata. "Alam mo namang ikaw lang ang minahal ko." Hinawakan niya ang kanang kamay ng dalaga na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"P-Pero si Mandy, hindi ba't may relasyon kayo?" naguguluhang tanong ni Julie.
"Wala kaming rel--"
"So? Ano ang ginagawa ng former lovers dito?" tanong ni Mandy at naupo sa tabi ni Aron saka tinaasan ng kilay si Julie.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" mahina pero galit na tanong ni Aron. Napasulyap siya sa labas kay Jairah na pasakay na ngayon sa taxi at nag-goodbye wave pa kay Mandy.
"Sinusundan ang boyfriend ko. Tama nga sila, when the cat is away, the mice will play!" maarteng sabi niya. "So? Are you two playing when I'm away?"
"Umalis ka na," bulong ni Aron na hindi na maipinta ang mukha.
"Pinapaalis mo ako? Bakit? Dahil kaharap mo siya? My ghad! Huwag mong sabihing, gusto mong tuhugin kaming dalawa?" bulalas ng dalaga at napahawak pa sa dibdib na tila nasasaktan. Sa pagkadesperado, parang gusto na lang ni Aron na iuntog ang sariling ulo sa mesa.
"E-Excuse me," sabat ni Julie.
"Yes?" ani Mandy at ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni Aron.
"M-Mauna na ako, may pasok pa pala ako," naiiyak na sabi ni Julie kaya pumalakpak ang puso ni Mandy. Ang bigat talaga ng loob niya kay Julie mula nang makit niya ito. Siguro dahil para sa kaniya, hindi ito mapagkatiwalaan.
"Thanks, goodness! Dumiretso ka lang, 'yan ang tamang daan ng EXIT," sagot niya na parang nakahinga ng maluwag at pinaypay ang malapit na waiter.
"Yes, ma'am?" magalang na tanong nito.
"Paki-guide nitong costumer ninyo, baka maligaw sa paglabas," maarteng sabi niya. Si Aron ay hindi makakilos dahil uminit ang ulo niya. Galit siya! Pinipigilan lang niya ang sariling sumabog dahil kay Mandy.
"No need," kalmadong sagot ni Julie, "Alam ko ang tamang daan." Tumalikod na siya at ne hindi man lang sinulyapan si Aron bago lumabas.
"Are you insane?" he asked in a high voice.
"No," she answered wryly, "I am Mandy!"
Aron closes his eyes and count from one to ten to ease his anger. Sasabog na siya kay Mandy.
"Ihatid mo na ako sa school," wika ng dalaga.
"Bumalik kang mag-isa!" Tumayo siya saka tinalikuran na niya ang dalaga. Bahala ito sa buhay niya.
"Aron Rodriguez!" she shouted. Lahat ng mga estudyanteng na ay napatingin sa kanila. Sa lakas pa naman ng sigaw nito, sino ang hindi makarinig?
"Oh my, siya ba 'yan? Si Aron?"
"Hala, siya ba ang sikat na taga Westbridge at lumipat sa CTU?" napayuko siya. Sana lang ay hindi siya mamukhaan ng mga ito.
"Hoy, Aron na swimmer ng Westbridge at pambato na ngayon ng CTU, iiwan mo na lang ba ako?" Sinubukan niyang tadyakan ang sahig para lumubog dahil sa sigaw ni Mandy pero ayaw talaga. Paano niya maiwasan ang mga matang nakatitig sa kaniya kung ibinalandra na ni Mandy ang pagkatao niya?
"Nag-aaway ba sila ng girlfriend niya?"
"Ay, hindi pala siya mabuting kasintahan?"
Pagtingin niya kay Mandy, nakalabi ito na lumapit sa kaniya.
"Matapos ang lahat, iiwan mo na lang ba ako?" Kung hindi lang niya ito kilala, maniniwala talaga siya aa pagdadrama ni Mandy. Naiiyak pa talaga ito. "Ihatid mo na ako sa school, Aron."
Bago pa nila makuha ang atensyon ng lahat, hinila na niya si Mandy palabas dahil baka kung ano pa ang eksenang magawa nito.
"Sakay!" galit na sabi niya at itinulak si Mandy papasok sa front seat.
Walang pasabing pinaandar niya ng mabilis ang SUV.
Kinuha ni Mandy ang maliit na salamin sa pouch saka inayos ang sarili dahil baka nasira ang makeup niya sa pagdrama.
"Shocks! Ang sarap pala maging girlfriend ng tanga!" maarteng sabi ng dalaga kaya napareno si Aron.
"Baba!" singhal nito sa kahabaan ng Skyway.
"Ayaw!" tanggi niya at mahigpit na napakapit sa seatbelt kaya pinaandar ni Aron ng sobrang bilis ang sasakyan pero hindi man lang natinag ang dalaga. Sanay siya racing!

 Sanay siya racing!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon