55

186 7 0
                                    

CHAPTER 55

Unedited.
"Mandy? Gumising ka na!" Pagpukaw ni Cheska sa anak. Alas singko na ng hapon nakauwi ito. Ewan niya kung saan natulog pero magkasama naman daw sila ni Aron kaya okay lang sa kanila ni Oliver. Sunod-sunod na ang pagtakas nito. Noong nakaraang gabi, doon ito dumiretso kina Aron.
"Mom? Pagod po ako," inaantok na sabi ni Mandy. Pagod siya sa ginawa nila ni Aron magdamag at pagod din siya sa biyahe.
"Pagod? Alas nuwebe na, kumain ka na!"
"Busog pa po ako," nakapikit na sagot niya at kinakapa si Pooh pero wala, "Nasaan si Pooh?"
"Isinampay ko kanina. Nasa baba pa pala!" sagot ni Cheska. Sa sobrang pagod, nakatulog si Mandy na hindi niya napansing wala si Pooh sa kama.
"Pakialamera ka talaga ng gamit, Mommy!" Tinatamad na bumangon siya at naglakad palabas ng kuwarto. Alam naman niyang hindi titigil ang ina kapag hindi siya bumangon.
Pagbaba niya sa dinning room, nasa mesa na ang ama.
"Ang tagal naman ninyong mag-ina!" reklamo ni Oliver, "Nagugutom na ako kaya nauna na akong kumain."
Naupo na rin ang mag-ina. Walang nagsasalita sa kanila habang kumakain kaya si Oliver na ang bumasag sa katahimikan, "Saan kayo natulog ni Aron kagabi?"
"Sa kama," tinatamad na sagot ni Mandy.
"Seryoso ako!"
Muntik nang mapatalon ang mag-ina nang mapahampas si Aron sa mesa.
"S-Sa beach house nila sa Tagaytay," nauutal na sagot ni Mandy. Takot lang niya sa ama. Minsan lang itong magsalita at magtanong kapag seryosong bagay na ang pinag-uusapan.
"Ikaw Mandy, matanda ka na at sanay kang mag-isa sa mga desisyon mo pero matuto kang maglagay ng mga bagay-bagay sa lugar!"
"Wala naman pong masama kung magkasama kami ni Aron sa pagtulog," depensa niya at sumubo. May naalala siyang eksena. Iyong paglabas-pasok ni Aron sa kaniya.
"Know your limits, Mandy!"
"Yes, dad."
"Marami ang lalaking mapagsamantala. Kapag makuha na nila ang gusto, basta ka na lang nila iiwan kaya mag-ingat ka!"
"H-Hindi naman po siguro ganoon si Aron," depensa ni Mandy. Subukan lang talaga ng mokong na 'yon na iwan siya't magkakasubukan na sila ng tapang.
"Anak siya ni Tyron kaya nasa dugo pa rin nila ang pagiging babaero!" ani Oliver.
"Anak naman ako ni Cheska kaya subukan lang niya! Ipapahiya ko talaga siya sa buong Pilipinas!" matapang na sagot ni Mandy kaya sinamaan siya ng tingin ng ina.
Pagkatapos nilang kumain, naupo muna sila sa living room para manood ng TV.
"Ang bata pa niya para magpatiwakal," nanghihinayang na sabi ni Oliver habang nakatutok ang mga mata sa TV. Umiiyak ang brod nila kasama ang asawa dahil natagpuang nakabigti ang anak nito sa kuwarto.
"Iniwan lang ng kasintahan, nagbigti kaagad?" naiinis na sabi ni Mandy, "Bakit nila sasayangin ang buhay nila? E, ang dami diyang may cancer na araw-araw nagdadasal para lang madugtungan ang kanilang buhay!"
"Mangyayari rin 'yan sa 'yo kapag lokohin ka ni Aron!" sabi ni Cheska.
"Bago iyon, siya muna ang ibigti ko!" sagot ni Mandy. Ba't siya magsasayang ng buhay? Hindi mangyayari iyon. Pupunta na lang din siya sa impyerno kaya damay-damay na.
"Alam mo, ang harsh mo sa boyfriend mo!" puna ni Cheska kaya napa-poker face si Oliver. Ito pa talaga ang may lakas ng loob na punain ang pagiging harsh ng anak.
"Matulog na ako, pagod ako sa biyahe," paalam ni Mandy at iniwan na ang mga magulang. Pasado alas diyes na ng gabi pero wala pa ring tawag galing kay Aron kaya tinawagan na niya si Jairah. Nagpalit sila ng number kaya alam niya ang cellphone number nito.
"Kuya, napatawag ka?" inaantok na tanong ni Jairah.
"Nasaan ang magaling mong kuya?" naiinis na taong ni Mandy.
"Bakit nasa iyo ang number ng kapatid ko?"
"Pakialam mo?" balik-tanong ni Mandy, "Nasaan na siya?"
"Nasa kuwarto niya! Istorbo ka sa pagtulog ko!" sabi nito sa kabilang linya at pinatayan siya.
"Ang bastos ng Jairah na 'yon!" naiinis na sabi ni Mandy. Sinubukan niyanv tawagan ang number niya pero out of coverage kaya natulog na siya. Humanda lang talaga kapag may kalokohang ginawa si Aron.
Kinabukasan, si Cheska ang naghatid sa kaniya dahil pupunta raw ito kina Dylan kaya nagtalo na naman sila nang dahil sa allowance niya.
"Mag-asawa ka na lang para hindi na kami ang gagastos sa 'yo!"
"Talagang mag-asawa ako! Maghintay ka lang dahil hindi pa naka-settle si Aron ko!" naiinis na sagot ni Mandy. Mas lalo pang naningkit ang mga mata niya nang tumawa ang ina.
"Alam mo, magiging pabigat ka lang sa magiging asawa mo!" -Cheska.
"Pareho lang naman tayo!"-Mandy
"May online business ako kaya may maipagmalaki naman ako kahit paano!" pagmamalaki ng ina. Wais din si Cheska. Kapag bumili ito ng sapatos, isang beses lang na isuot ay ibenta na kaagad ng higit pa sa tamang presyo.
"Sabi mo e!" nasabi na lang ni Mandy. Pagkababa niya, nakasimangot siyang naglakad patungo sa classroom nila. Hanggang ngayon, walang text o tawag mula kay Aron.
"Subukan mo nang maghanap ng lubid!" bulong niya.
"Bakit? Matapos mong makuha ang lahat sa akin, iiwan mo na ako?" singhal ng babae sa labas ng classroom na madadaanan niya.
"Hindi na kita mahal!" naiiritang sagot ng lalaki. Ang daming nakiusyoso sa dalawa dahil umiiyak na ang babae.
"Katawan mo lang pala ang habol mo? Manloloko!" sigaw nito at pinaghahampas ang lalaki sa dibdib.
"Bitiwan mo ako!" nanggigigil na sabi ng lalaki at tinulak ang babae, "Huwag mo na akong habulin dahil masaya na kami ng kasintahan ko! Move on ka na!"
Napatigil si Mandy sa tapat nila at hinarap ang lalaki.
"Ang kapal ng pagmumukha mo! Matapos mong makuha ang gusto mo, sabihan mo lang siyang mag-move on?" Napatingin ang mga tao sa kanila, "E, gago ka pala e!"
Natahimik ang buong paligid. Kagabi pa siya binubuwesit ng hiwalayan e.
"Mandy!" tawag ni Aron na papalapit sa kaniya, "Ano ang nangyari?"
Galit na hinarap ni Aron ang lalaki, "'Tol, may problema ka ba sa girlfriend ko?"
"W-Wala 'tol!" natatako na sagot nito. Mahirap makalaban ang mga ito dahil maliban sa malakas ang kapit sa gobyerno, mayaman pa ang mga Lacson at Rodriguez, "Nag-uusap lang kami ng ex ko," depensa niya.
"Matapos mong makuha, hiwalayan mo na siya? Ang kapal ng mukha mo!" galit na sabi ni Mandy at padabog na tinalikuran ang mga ito.
"Mandy," tawag ni Aron na sinundan ang kasintahan patungo sa rooftop.
Nang isara niya ang pinto, hinarap siya ni Mandy, "Nasaan ang ko, Aron? Nasaan?"
"Mandy ko, ano ba ang nangyari?" tanong ulit ng binata.
"Bakit hindi ka tumawag o nag-text sa akin pagkatapos nating magkahiwalay, Aron? Dahil ba sa ayaw mo na sa akin? Dahil ba nakuha mo na ang gusto mo kaya goodbye na ako?" umuusok ang ilong na tanong niya.
"Buong gabi ako natulog at tinanghali na ako nang gising kaya hindi ko pa na-charge ang cellphone ko," sagot niya saka ipinakita anb cellphone na galing sa bulsa. Wala talaga. Magdamag talaga siyang tulog.
"I-Iiwan mo rin ba ako kagaya nila?" naluluhang tanong ni Mandy. Paano kung iyon nga ang habol ni Aron sa kaniya, "K-Katawan ko lang ba ang habol ko?"
Napatulala si Aron sa kasintahang tumutulo ang mga luha. Hindi niya inaasahan na maisip nito ang bagay na 'yan.
"Ano? Sagot!" sigaw ni Mandy kaya nagulat si Aron.
"H-Hindi a. Haist! Ba't mo ba naisip 'yan? Hindi ko magagawa sa 'yo 'yan lalo na't may nangyari na sa atin. Huwag mong itulad ang relasyon natin sa kanila dahil iba tayo," pagpaliwanag ni Aron, "Nagmamahalan tayo at sila, isa lang ang nagmamahal kaya huwag kang mag-alala, okay? Hindi kita iiwan."
"Mahal mo ako?" nakalabing tanong ni Mandy kaya napangiti si Aron. Naalala na naman niya kung paano niya angkinin ito nang nakaraang gabi at kalahating araw habang nasa Batangas pa sila. Kahit buong buhay niya itong makasama, hindi siya magsasawa.
"Ano? Sagot!" galit na ulit ni Mandy kaya tumawa si Aron.
"Oo naman, mahal na mahal kita, Mandy ko," sagot niya at niyakap ito.
"May nangyari man sa atin o wala, mamahalin kita dahil hindi naman katawan mo ang unang minahal ko," napangiti siya kung bakit nagustuhan niya ito noon, "Ang ugali mo," dagdag niya. Oo, maganda ito pero ang pagiging jolly nito ay mas unang nakapukaw ng mura niyang puso.
"Mahal din kita, Aron ko," sabi ni Mandy at niyakap din ang kasintahan, "Pero ang abs mo talaga ang mas mahal mo."
"Abs ko lang pala ang habol mo? Ang sakit naman!" kunwari ay nasasaktan siya. Kumalas si Aron sa pagkakayakap at hinawakan ito sa magkabilang balikat, "Gusto mo bang hawakan ang abs ko ngayon, Mandy ko?" tukso niya kaya natigilan ang dalaga at paunti-unting namumula ang pisngi.
"Ano? Sagot." Paggaya niya rito kaya sumimangot si Mandy.
"Hmm? Ayaw ko!" pagsisinuplada ni Mandy at tiningala siya, "Dahil pala may nangyari na sa atin at pareho nating gustong maulit--huwag kang tumawa!" saway ni Mandy at hinampas ito sa dibdib pero hinuli ni Aron ang mga kamay niya saka dinala sa mga labi.
"Ano ang gusto mong mangyari, Mandy ko?" nang-aakit na tanong ni Aron at inilagay sa leeg ang mga kamay ng dalaga saka hinapit ito sa bewang para mas lalong magkadikit ang kanilang mga katawan.
"Dapat may schedule tayo!" nakasimangot na pagpatuloy ni Mandy. Ang landi ni Aron, inaakit ang katawan niya.
"Schedule saan?"-Aron.
"Sex day natin. Dapat Friday at Saturday lang para pagka-Sunday, pahinga na natin dahil nagsisimba pa tayo," sagot ng dalaga.
"Two days lang?"
"Nag-aaral pa tayo kaya two nights and one day lang! At sa Friday, sa bahay ka matutulog tapos pagka-Saturday, sa bahay naman ninyo!" ani Mandy.
"Ayaw mo ng school days?" pangungulit ni Aron.
"Huwag kang mag-alala, solve ka na sa Friday night to Saturday midnight!"
"Ah, puwede na rin," nakangiting sagot ni Aron at hinalikan sa noo ang kasintahan, "Iyon ang make love sched natin?"
"Sex schedule natin!" pagtatama ni Mandy.
"Ayaw mo ng make love?"-Aron
"Mas nakakadala ang sex kaya sex tayo!" kontra ni Mandy.
"Pero hindi ba't mas romantic ang make love? Kasi iyon naman talaga ang dapat sa dalawang nagmamahalan?"
"Sex!" giit ni Mandy, "Nagiging masama lang ang salitang sex kapag ang dalawang gumagawa nito ay hindi nagmamahalan!"
Tiningala niya ang kasintahan, "Huwag ka na ngang makipagplastikan, mas nalilibugan ka sa sex kaysa sa make love, aminin mo!"
Napataas ng kamay si Aron. Ano ba naman ang panama niya kapag si Mandy ang magsalita, "Fine, sex schedule na."
"Ang corny ng mga tumatawag na make love, hindi tayo corny, swag couple tayo, Aron ko!"
"Yeah, swag couple tayo!" natatawang pagsang-ayon ni Aron. Kapag talaga may kakaiba kang kasintahan, nagiging iba rin ang buhay mo kaysa sa nakasanayan.
"At Friday ay sex day natin!" paalala ni Mandy kaya lumapad ang mga ngiti ng binata.
"Yeah, Friday is sex day!" pag-ulit ni Aron.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon