53

186 8 1
                                    


CHAPTER 53

"Naalala mo ba noong pinababa mo ako sa kotse mo at pinalakad mo ako sa gitna ng daan? Ang sama mo nu'n!" pagpaalala ni Mandy kay Aron habang patungo sila sa mall para bumili ng panregalo sa anak ni Lyn.
"Sinaksak mo kasi ang upuan ng kotse ko!" depensa ni Aron. Nagre-recall silan ng kasamaan nila sa isa't isa.
Flashback...
"Shit! Bakit mo sinaksak ang upuan ng kotse ko?" galit na sabi ni Aron. Nag-away na naman sila kaya hinataj niya papasok sa kotse ang dalaga.
"Dahil ang sama mo! Ginupit mo ang buhok ko kaya dapat lang na saksakin ang kotse mo!" matapang na sagot ni Mandy. Hindi talaga niya mapapatawad si Aron dahil sa buhok niya.
"Itigil mo! Bababa ako!" hiyaw niya nang mabilis na pinaandar ni Aron ang kotse. Nagtatatalak siya pero tila bingi ang binata. Nang ilang sandali pa ay tinigil nito ang sasakyan sa gilid ng daan nang muling pagsasaksakin ni Mandy ng gunting ang inuupuan nito.
"Hindi ka ba talaga titigil?"
"Kyaaah!" sigaw ni Mandy na mabilis binuksan ang pintuan saka tumakbo.
"Bumalik ka rito!" sigaw ni Aron pero ang bilis tumakbo ni Mandy. Kudos naka-high heels pa siya hanggang sa napadpad sa coffee shop na nasa baba ng isang condo unit.
"Ate Erika!" sigaw ni Mandy nang makita si Erika.
"Mandy!" nakipagbeso beso si Mandy kay Erika.
"Coffee tayo, dali!" bago pa man makatutol ay nahila na ni Mandy si Erika papasok sa coffee shop. Tinawagan ni Erika ang kakambal kaya matapos ang ilang minuto ay dumating si Lyn.
"Hi," bati ni Lyn, "Ba't nandito kayo?" tanong niya at naupo sa harap ng dalawa saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa kakambal.
"Actually, gusto ko lang mag-coffee at nakita ako ni Mandy kaya tinawagan na kita dahil sabi mo, nasa malapit ka lang," makahulugang sagot ni Erika.
"Ah, o-oo nga, nasa kabilang street lang kasi ang bahay ng kaklase ko, magpa-practice lang sana kami," sagot ni Lyn. Mahirap nang mahalata ni Mandy ang tinatago nilang magkambal.
"Well, alam kong may tinatago kayong kambal but whatever it is, bahal na kayo sa buhay ninyo!" mataray na sabi ni Mandy. Halata naman sa sulyapan ng mga ito. Masyadong matalas ang pakiramdam niya sa mga ganitong bagay.
"Oo na, matalino ka nga pala," pagsang-ayon ni Erika. Wala naman silang problema rito dahil una, wala itong pakialam sa kahit kanino.
"Bakit ka pala napadpad dito?" tanong ni Lyn.
"Haist! May tinakbuhan lang akong asungot na akala mo, siya na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo!" napatirik pa ang mga mata nito sa sobrang inis.
Sabay na tumawa ang kambal. Kapag ganito ang reaksiyon ni Mandy, kabisado na nila kung sino ang kaaway nito.
"Hanggang ngayon, hindi pa ba kayo nagkakabati?" tanong ni Lyn.
"Walang pag-asa! Pinaglihi talaga sa sama ng loob ang mokong na iyon!" nakabusangot na sagot ni Mandy. "Bakit ba kasi lumipat siya sa CTU? Okay na siya sa Westbridge e!"
"E kasi nga, dahil kay Jairah! Pumasok kasi ang loka-lokang iyon sa sorority!" sagot ni Erika. Ang mga inorder nila ay lumamig na dahil hindi naman nila ginalaw.
"Kakausapin ko si Tita Aira at Tito Tyron na ibalik siya sa Westbridge! My ghad, he's killing me!"
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang palapit si Aron sa kanila.
"Subukan mong tumakbo at huhubaran kita!" pagbabanta ng binata kaya napatingin ang mga costumer sa kanila.
Walang pasabing hinatak siya nito patayo para lumabas. "Ibuka mo pa 'yang bunganga mo at isusumbong na talaga kita sa Mommy mo!" pagbabanta ni Aron na kulang na lang ay puputok ang ugat sa leeg kaya parang basang pusa na sumunod si Mandy.
End of Flashback...
"See? Ang sama mo talaga, Mandy ko," sabi ni Aron.
"Pero ang pagputol mo sa buhok ng isang babae, mas masama 'yon!" depensa ni Mandy kaya natahimik si Aron.
"Mandy ko? Alam kong mali ang ginawa ko sa buhok mo dahil sabi nila, mali naman talaga ang binigay nila sa akin," paumanhin ni Aron. Ang laki ng kasalanan niya rito. Matagal nang ibinigay ng staff ang uniporme niya at humingi ng paumanhin dahil nagkapalit ang ibinigay sa kaniya.
"Sabing wala talaga akong kasalanan, e!" nakasimangot na sabi ni Mandy.
"I know," nagu-guilty na pagsang-ayon ni Aron, "Paano kita mababayaran? Pero ang cute mo naman e."
"Gusto mo akong bayaran?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga kaya kinakabahan si Aron.
"L-Libre na lang kita magpa-salon ka." Inunahan na niya para walang imik.
"Ayoko!" tanggi ni Mandy.
"A-Ano ang gusto mo?" Kapag ganitong usapan, nangingig ang kalamnan niya. Unpredictable naman kasi ang trip ni Mandy.
"Kiss mo 'ko!" Utos ni Mandy kaya napatigil siya sa pagmaneho. Hindi niya inaasahan na ito ang kapalit, "Ayaw mo?" singhal ni Mandy at nagtagis ang bagang sa inis. Ayaw ba ni Aron na halikan siya?
"M-Mahal mo ba talaga ako?" nagdududang tanong ni Aron. Kahit na madalas sabihin ni Mandy ang salitang "I love you" ay hindi niya maiwasang mabahala.
"Pinagdududahan mo ba ako, Aron?"
"H-Ha? Hindi naman, Mandy ko. Ahm... Baka 'kako mahal mo lang ako dahil ako ang nakauna sa loyal na lips mo," paliwanag ni Aron. Never pa itong nagmahal kaya medyo tagilid siya. Muli niyang pinaandar ang kotse.
"Mahal kita. Ngayon ko lang 'to naramdaman kaya nagtiwala ka!" giit ni Mandy at sinamaan ito ng tingin, "Hindi pa ba sapat sa 'yo na ipangalandakan kong boyfriend kita at akin ka kahit na alam naman nating tanga ka?" Never talaga niya pinangarap na magkaroon ng kasintahang tanga lalo na sa pagmamahal.
"Hindi na ako tanga pero bakit hanggang ngayon, tanga pa rin ang tingin mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Aron. Siya lang ba ang lalaking handang tanggapin na laitin siya ng girlfriend niya?
"Gusto mong malaman ang totoo?" tanong ni Mandy.
"Oo!" sagot ni Aron.
Ilang minuto ang nakalipas, tahimik pa rin ang dalaga na tila nag-iisip kung tama bang sasabihin niya.
"Noon, naiinis ako dahil sa totoo lang, tanga ka talaga lalo na kay Julie. Kung nakasulat lang sa aklat ang buhay natin, malalaman mo kapag basahin mo ulit ang nakaraang pahina na tanga ka talaga dahil ayaw mong maniwala sa akin na niloloko ka lang ni Bakeshop!"
"Alam ko," pagsang-ayon ni Aron, "Pero nagbago na ako, 'di ba? Hindi na ako tanga?"
"Tanga ka!" Nagulat si Aron nang sumigaw si Mandy. Mabuti na lang dahil walang nasa likuran o unahan nilang sasakyan. Kung meron man ay malayo ang distansiya.
"Gusto ko mas tanga ka ngayon!" giit ni Mandy, "Gusto ko magpakatanga ka rin sa akin para malaman kong mas mahal mo ako kaysa sa ex mo! Ayokong pantay lang kami. Gusto kong mas higit mo pa akong mamahalin kaysa sa kaniya!"
Napangiti si Aron dahil lumalaki ang butas ng ilong nito.
"Oo na, tanga na kung tanga, basta mapatunayan kong mahal kita," pagsang-ayon ni Aron.
"Stupidman!" sabi ni Mandy. Nasa parking lot na sila ng mall.
Habang naglalakad, naka-holding hands ang dalawa. Magkikita sila ngayon ni KC dahil ipa-finalize ang plano nila. Dapat sa opisina pero busy ang dalaga sa boutique kaya rito na nila pinuntahan.
Pinapasok sila ng tauhan nito sa maliit na opisina ni KC.
"Hi!" bati ni KC, "Pasensiya na kung dito pa kita pinapunta, maupo kayo."
Tahimik na naupo si Mandy. Ayaw niyang makinig pero inilagay niya ang earphone sa tainga at nakinig ng music at lumayo sa mga ito. Sapat na para makita niya kung ano ang ginagawa ng dalaga mula sa kinaroroonan niya.
Matapos ang halos kalahating minuto, tumayo na si Aron kaya tumayo na rin siya at lumabas na silang dalawa.
"Kumusta? Sisimulan na ba ninyo ang pagpatayo?" tanong ni Mandy at ipinulupot ang kamay sa braso ni Aron dahil sa babaeng nakasulubong nila na kung makatitig sa binata ay parang hinuhubaran na nito.
"Hindi na matutuloy," matamlay na sagot ni Aron.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Mandy habang nakatingala sa kaniya.
"Magkipagsosyo na raw ang ex niya sa kaniya. Nagkabalikan sila," sagot ng binata.
"Yehey!" masayang sabi ni Mandy at tumalon pa, "Mabuti naman at hindi na kayo magsama ng KC na iyon!"
Ngumiti lang si Aron but inside, nasasaktan siya. Nakakapanlumo lang dahil pangarap niya ang hotel with restaurant na negosyo. Sayang ang ilang ektaryang lupa na nabili niya pero okay lang. Patayuan na lang niya ng bahay nila ni Mandy. Napangiti siya sa naisip.
"Halika," sabi niya at hinila ang dalaga papasok sa fashion and accesories store.
"Pumili ka," sabi niya kay Mandy, "Bagay sa 'yo 'to o!" sabi niya sabay turo sa malaking pearl na hikaw.
Napasulyap si Mandy sa presyo,
P50, 000. Pinakuha ni Aron at ibinigay sa kaniya, "Try mo, Mandy ko."
"Ayoko!" tanggi ni Mandy.
"Hindi mo ba gusto?" tanong ni Aron.
"Hindi!" sagot ni Mandy kaya ipinabalik ni Aron.
"Ano ang nagustuhan mo?"
"Mas gusto ko ang maliit na pearl," sagot ni Mandy at itinuro ang maliit na hikaw katabi ng kinuha ni Aron, same design pero kalahati lang ang laki nito.
"Pero medyo mura lang siya," sabi ni Aron. P25,000 lang ang presyo nito.
"Pareho lang naman ang design," sabi ni Mandy, "Miss, gusto ko 'yan."
"Isusuot mo po ba, ma'am?" magalang na tanong ng saleslady.
"Lulunukin ko at sisigaw ng Darna! Masaya ka na?" pagtataray ni Mandy kaya pinisili ni Aron ang kamay niya.
"Nagbibiro lang ako, isusuot ko na talaga 'yan ngayon dahil bibilhin 'yan ni Aron ko," malumanay na sagot ni Mandy. Ang plastic na talaga niya.
Inabot ni Aron at inilagay sa tainga ni Mandy. Napangito siya, bagay sa tainga nito ang pearl earrings. Napasulyap siya sa love bracelet na suot ni Mandy. Hanggang ngayon, pinagtatiyagaan nitong isuot ang binigay niya.
"Bagay ba sa akin?" nakangiting tanong ni Mandy.
"Bagay na bagay!" sagot ni Aron at inakbayan ito, "Kahit na basahan ang isuot mo, bagay sa 'yo."
"Talaga?" masayang sabi ni Mandy at hinarap ang saleslady, "Ate, pabili nga rin po ng basahan!"
Hindi mapigilang tumawa ni Aron. Minsan, sarap din batukan nitong kasintahan niya e. Hinapit niya ito sa bewang at niyakap, "Baliw ka talaga, Mandy ko."
Napa-poker face si Mandy, "Tanga ka kasi."
Matapos nilang bayaran ang earrings ay kumain sila sa restaurant. Nakakalahati na sila nang may kinuha si Mandy sa purse nito.
"Aron ko?" malambing na sabi ni Mandy kaya napatigil ang binata sa pagkain. Ito na naman ang boses nitong kung hindi good news, bad news ang dala sa buhay niya.
"Yes, Mandy ko?" kinakabahang tanong ni Aron.
"Here!" Inilahad nito ang puting papel. Atubiling inabot naman ito ni Aron na ang mga mata ay sa mukha ni Mandy.
Kinakabahang binuklat niya ang nakatiklop na maliit at puting papel.
.Jacuzzi with pink rose petals
.Vanilla scent
.Dim light
.Soft kama na kasing lambot ng kama ko sa kuwarto
.Expensive towels
.Soft bedsheet and comforter na may design ni Pooh
.Room with rose petals all over
.8pm-4am
Nagtatakang binasa niya ang nakasulat sa papel at halos himatayin siya sa huling nakasulat sa listahan, "Condom".
"P-Para saan 'to?" kinakabahang tanong niya pero si Mandy ay ang lapad ng ngiti.
"First sex natin," pabulong na sagot ng dalaga kaya nawalan ng kulay ang mukha ni Aron at napalunok ng laway.
"M-Matagal pa naman 'to kaya paghandaan ko," nahihiyang sabi ng binata at biglang kinabahan. Pagsulyap niya kay Mandy, mukhang lalapain na siya nito kaya napayuko siya.
"Basahin mo ang date kung kailan!"
Nanginginig ang kamay na tiningnan niya ang pinakababa ng papel. Walang petsa na nakalagay maliban sa salitang "Bukas"






Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon