60

2.2K 64 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 60

Unedited...
"Ano ang sinabi mo kay Tito Oliver at gusto niya akong makausap?" tanong ni Aron kay Mandy habang naghihintay sila ng chopper dito sa helipad ng hotel.
"Wala," sagot ni Mandy.
"Mandy?" galit na tanong ng binata. May kakaiba talaga sa text message ng ama nito dahil as soon as possible kapag makabalik na sila, makipagkita siya rito.
"Wala naman. Ipinaalam ko naman sa kaniya ang ginagawa natin, bakit ba?" napipikon na sagot nito.
"Ano ang sabi mo?"
"Basta! Huwag mo na kasing alamin!" sagot niya. Napipikon siya sa ama. Matanda na siya at alam naman nitong magkasama sila ni Aron pero pinilit pa rin siyang ipaalam ang aktibidadis nila.
"Ano nga!" Tumaas na ang boses ng binata.
"Ang kulit mo!"
"Akin na ang cellphone mo. Patingin ako ng mga text mo!" sabi niya sabay lahad ng kanang kamay sa katabi.
"Ayoko!" tanggi ng dalaga.
"Ibibigay mo, o magagalit ako sa 'yo?"
"E di magalit ka!" sagot ni Mandy.
Nanahimik si Aron. Pagsulyap niya rito, salubong ang mga kilay at hindi maitago ang pagkairita kaya dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon.
"Oh!" Napilitang inabot niya sa kasintahan ang cellphone, "Dapat may privacy ako!"
"Pinapakialaman mo rin naman lahat ng laman ng cellphone ko!" sagot ni Aron. Binura na nito ang mga sex scandal na naka-save sa cellphone niya at pinalitan ng scandal nila. Noong una, buburahin na sana niya pero ayaw ni Mandy kaya hinayaan na lang niya. Nilagyan niya ng password na sila lang ang nakakaalam kaya kapag mawala, walang makakabukas.
Binasa niya ang inbox. Muntik na siyang mawalan ng malay sa nabasa.
" Dad? D2 na kmi sa hotel. Nasa shower room pa si Aron. Nais q lang pong ipaalam na pglabas niya, magse-sex muna kami, 69 standing position bago mamasyal. Text q kayo ni Mommy after sex. Love you. Mwuah."
3.30 pm.
"Dad? Tpos na po kmi. Boating muna kmi."-4.30pm.
" Hello dad? Gising pa kau ni Mommy? Nligo kmi ni Aron sa beach kanina. Wla namang tao at medyo madilim kya nag-sex kmi ni Aron sa batuhan na malayo sa tao. Naka-2 rounds kami. At pagbalik namin d2, nag-sex ulit kami sa shower room."-9.30pm.
Daddy
Puta, Mandy! Wag ka nang mag-text dito! Usap tayo pag-uwi ninyo! Iharap mo sa akin yang Aron mo! -9.45pm
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Wala. Siyam. Hanggang sa hindi na maramdaman ni Mandy kung ilang minuto na ang nakalipas. Basta hindi na kumikibo si Aron kaya pasimple niyang kinuha ang cellphone sa mga kamay nito.
"Masaya ka na sa ginawa mo?" walang emosyon na tanong ni Aron kaya muntik nang mapatalon si Mandy dahil sa pagkagulat.
"Haist! Akala ko hindi ka na magsasalita!" sabi niya habang nakahawak sa dibdib.
"Masaya ka na?" malakas na tanong ni Aron kaya natigilan ang dalaga.
"S-Sinisigawan mo ako?" nauutal na tanong niya.
"Sagutin mo ang tanong ko! Masaya ka na?" mahina pero nakakatakot na tanong ni Aron. Ang boses nito ay parang sinapian ng maligno dahil sa sobrang lalim na para bang nagmula sa lupa.
"Hindi!" pagalit na sagot ng dalaga, "Hindi ako masaya dahil ayaw kong pinapakialaman nila ang buhay at bawat desisyon ko! Hindi na ako bata para ituring nilang ganiyan na para bang hindi ko kaya kapag wala sila!"
"Hindi ba?" baliktanong ni Aron, "Hindi ka pa ba isip bata sa inasal mo?"
"Walang masama sa ginawa ko!" giit ni Mandy na umuusok na ang ilong dahil sa pagkainis, "Gusto nilang malaman ang ginagawa ko, e di ipinaalam!"
"Pero mali pa rin na 'yan ang i-text mo! Matuto ka namang rumespeto sa mga magulang mo! Paano kung iyan din ang gawin ng mga anak natin? Sa tingin mo, matutuwa ako?" tanong ni Aron. Ngayon pa lang, nawawalan na siya ng lakas. Paano kung babarilin siya sa ulo ng ama nito mamaya?
"Ewan ko sa 'yo! Basta ako, masaya ako kapag ganiyan ang gawin ng anak ko sa akin. At least, open sila sa akin!" sagot ni Mandy. Ano ba ang mali kung pag-usapan nila ng mga anak ang ganito? Mas mabuti nga ang ganun para walang sikreto.
"Sana tinanong mo muna ako kung okay lang ba sa akin? Dahil Mandy, hindi!"
"Mandy ko! May ko 'yon, Aron! May ko!" pagtatama ni Mandy.
"Galit ako sa 'yo!" pag-amin ng binata.
"E di galit ka kung galit!" Nakasalubong na ang kilay niya ni Mandy.
"Mandy naman! Alam mo bang nakakahiya sa side ko? Ano na lang ang sasabihin ko sa parents mo?"
"Wala. Sabihin mo ang totoo!" sagot ng dalaga at umusod palayo kay Aron.
"Shit!"-Aron
"Nagsasabi lang ako ng totoo!" Hinarap niya si Aron at sinamaan ng tingin na para bang kinakatay niya sa isip.
"Lintik na totoo 'yan! Walang masama sa pagsabi ng katotohanan pero Mandy, may limit din! Matuto ka namang maglihim ng ginagawa natin! Hindi 'yong kulang na lang, ipaalam mo pa sa kanila ang size ko!" Iyon na lang siguro ang dapat niyang ipasalamat. Kahit paano, wala pa itong pinagsabihan kung gaano siya kahaba.
"Mahal mo ako o hindi?" tanong ni Mandy.
"Huwag mong ibahin ang usapan!" Kumukulo pa rin ang dugo niya sa dalaga.
"Mahal mo ako o hindi? Sagot!" nanggigigil na tanong ni Mandy kaya naikuyom ni Aron ang kamao.
"Oo, mahal kita! Pasalamat ka dahil kahit ganiyan ka, mahal kita! Mahal kita, mahal kita at mahal kita!" pasigaw na sagot niya kahit na galit siya, "Wala akong choice kasi mahal kita!"
Nag-pout si Mandy at umusod palapit sa kaniya, "E di tapos ang usapan!"
Tatlong sunod-sunod na buntonghininga ang pinakawalan ni Aron bago magsalita, "Ipapahamak mo ako e!"
Ipinulupot ni Mandy ang mga kamay sa braso ni Aron at isinandig ang ulo sa balikat. Pababa na ang chopper na sundo nila, "Alam kong kaya mo silang harapin kahit na si Joker at lahat ng kontrabida sa superhero stories. Ikaw si Stupidman ko, 'di ba?" paglalambing niya.
"Please, pakilagay na sa lugar ng ugali mo, nahihirapan na ako, Mandy," pakiusap ni Aron.
"Kahit na hindi kita maintindihan, oo na lang. Hindi ko na uulitin kaya sorry na, Aron ko. Huwag na tayong mag-away, please?" parang tuta ang mga mata nito na nagpapa-cute.
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Nangyari na ang nangyari, "Sige, pag-isipan mo muna bago ka magsalita, okay?"
"Okay po, Aron ko!"
"Good, Mandy!"
Nakatingala lang si Mandy na para bang asong nag-aabang kung kailan tapunan ng natirang buto ng taong kumakain.
"Fine, Mandy ko!" sabi ni Aron kaya lumapad ang ngiti ni Mandy. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi siya napapaamo.
Sumakay na sila sa chopper. Paglapag nila sa helipad ng mansion, parang napako ang mga paa ni Aron na hindi maihakbang pababa.
"Huwag kang matakot kay Daddy, alam niyang mahal kita kaya hindi ka niya papatayin," natatawang sabi ni Mandy at hinila na siya pababa.
"Saan po sina Daddy?" tanong niya sa katulong nanb makasalubong ito.
"Nasa study room po," magalang na sagot ng katulong.
"Salamat!" nakangiting pasalamat ni Mandy kaya nagtaka ang katulong. Hindi naman ito ganito sa kanila. Minsan nga, hindi sila kinakausap at madalas ay pataray pa kapag magtanong.
"Halika na, Aron ko." Hinila niya ang kasintahang namumutla na. Habang palapit sila nang palapit sa study room, pakiramdam niya ay bibitayin siya.
Pagbukas ng pinto, tumayo si Oliver kaya napahigpit ang pagkahawak ni Aron kay Mandy. Nanlalamig na ang talampakan niya.
"Good afterno--" Hindi pa niya natapos ang pagbati nang dumapo ang malakas na suntok nito sa kanang pisngi niya.
"Daddy! I hate you!" sigaw ni Mandy at sinamaan ng tingin ang ama habang inalalayan si Aron.
"A-Aron ko," umiiyak na sabi niya saka niyakap ito.
"Lumayo ka sa kaniya!" Utos ni Oliver.
"N-No!" sabi niya at humihikbing niyakap ang kasintahan, "H-Huwag mong saktan ang boyfriend ko!"
"I-It's okay," malumanay na sabi ni Aron at hinimas ang likod nito para gumaan ang pakiramdam, "Huwag kang mag-alala, Mandy ko."
"Oliver, huminahon ka!" saway ni Cheska sa asawa at pinigilan ito nang sugurin na naman sana si Aron.
"Bitiwan mo ako!" nanggigigil na sabi ni Aron.
"I h-hate you, dad! I hate you!" sigaw ni Mandy at pinahidan ang mga luha.
"Sumusobra ka na sa pagkamaldita mo, Mandy!" Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Oliver habang nakatitig sa magkasintahan.
"A-Alam kong mali ako p-pero hindi tamang saktan mo ang mahal ko!" sigaw ni Mandy at humagulgol sa pag-iyak, "S-Sinuntok mo si A-Aron ko!"
"M-Mandy ko, tahan na, please," pakiusap ni Aron. Okay lang naman ang suntok, makakaya niya pero ang umiiyak si Mandy dahil sinaktan siya, mas masakit iyon.
"Lumabas ka! Iwan ninyo kami ni Aron! Mag-uusap kami!" Utos ni Oliver.
"No!" pagtanggi ni Mandy, "H-Hindi ko siya iiwan!"
"Lumabas ka o ipapadala kita sa Barcelona bukas!" seryosong sabi ni Oliver at nakipagtitigan sa anak.
"Mandy, labas muna tayo," yaya ni Cheska. Minsan lang magalit si Oliver kaya alam niya kung kailan sundin ito.
"M-Mommy, sasaktan niya si Aron!"
"Huwag kang mag-alala, okay lang ako," sabi ni Aron at hinawakan siya sa magkabilang pisngi, "Lumabas ka na muna, susunod ako."
Umiling si Mandy. Natatakot talaga siya kaya ngumiti si Aron, "Lalabas ako nang buo at buhay. Don't worry!"
"S-Sorry, sorry, Aron ko. K-Kasalanan ko talaga 'to."
"Labas na!" dumadagundong ang boses na utos ni Oliver kaya hinila na ni Cheska ang anak palabas at isinara ang pinto.
Masamang nakatitig si Oliver kay Aron na nakayuko. Kulang na lang ay durugin niya ang binata gamit ang kamao.
"Hindi ko pinalaki si Mandy para lang lokohin ng isang katulad mo!" sabi niya na pinipigilan ang sariling sumugod.
"Hindi ko po siya lolokohin, Tito Oliver," puno ng katotohanang sabi niya.
"Dapat lang! Dahil oras na lokohin mo siya, buong angkan mo ang malalagot!" pagbabanta niya.
"Mahal ko po si Mandy at handa akong panagutan ang lahat ng ginawa nami--" Natumba siya sa solidong suntok ni Oliver sa mukha niya. Marahang tumayo siya. Hindi siya puwedeng lumaban. Mataas ang respeto niya sa magulang ng kasintahan. Isa pa, malakas talaga ito at wala siyang laban.
"Para 'yan sa pagpapak ng anak ko habang wala ako!" nanggigigil na sabi ni Aron. Nandidilim ang paningin niya sa tuwing maalala ang mga text messages ni Mandy tungkol sa ginagawa nila.
"Papakasalan ko ho--"
"Dapat lang!" mabilis na sagot ni Oliver, "Ipapatawag ko ang mga magulang mo mamaya!"
"N-No," natarantang sabi ni Aron kaya umusok ang ilong ni Oliver sa narinig, "H-Huwag po. Ayokong iparamdam sa kaniya na kaya ko lang siya papakasalan dahil pinilit ninyo ako," depensa niya, "Sa susunod na linggo, birthday na po ni Tita Cheska kaya balak ko po sanang mag-propose kay Mandy."
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Opo. Balak ko na po talaga na mag-propose sa birthday party ni Tita Cheska. Sana po, matulungan ninyo akong i-surprise si Mandy."
"Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo dahil kapag takasan mo ang anak ko, patay kayo sa 'kin!"
"Opo," magalang na sagot niya. Biglang bumukas ang pinto at patakbong lumapit si Mandy sa kaniya.
"Aron ko? B-Bakit magkabilang pisngi mo na ang namumula?" nag-aalalang tanong nito.
Walang pasabing lumabas si Oliver kaya niyakap ni Aron ang dalaga.
"Iyakin naman ang Mandy ko," nakangiting sabi niya saka hinalikan ito sa tuktok ng ulo.
"Hindi ko na papansinin ang daddy ko!" naiinis na sabi ni Mandy.
"Huwag, daddy mo pa rin siya at normal lang iyon. Kapag tayo ang magkaanak, ganoon din ang gagawin ko sa mga kasintahan nila," natatawang sabi ni Aron. Ayaw niyang ikumpara ito sa iba pero si Mandy ang babaeng alam niyang ipagtanggol siya kahit kanino lalo na sa ama nito.
"Aron ko?" Tumingala si Mandy sa kasintahan, "Gagawa tayo ng maraming babies para makaganti ka."
Ngumiti si Aron. Oo, gagawa sila kapag maging asawa na niya ito. Pero sa ngayon, ang proposal muna niya ang dapat niyang paghandaan.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon