9

141 8 0
                                    

CHAPTER 9

Unedited...
"Bakit ba kasi pinalagyan mo ng banggggggs!" sigaw ni Mandy sa ina. Sa tuwing haharap siya sa salamin, bangs talaga ang una niyang nakita.
"Bagay naman sa 'yo ah. Ang cute mo kaya," puri ni Cheska. Ang cute ni Mandy. Nagmumukha itong high school student.
"Ugh! I have known you na may extravagant sense of fashion but this?" Hinila pa niya ang bangs na baka sakaling humaba pa kapag araw-araw niyang hinihila. "This is so ew!"
"You know what? Imbes na magreklamo ka, why don't you enjoy your hair?"
Napaupo si Mandy at pinaghahampas ang upuan dahil sa inis.
"I hate you all na!"
"Reklamadora ka talaga! Kung ayaw mong magka-bangs, e di sana ikaw ang kumausap do'n sa parlor!" sabi ni Cheska na naiirita na.
"Kasi akala ko magaling kang pumili!"
"Oh? Magaling naman ah. Nagmumukha ka ngang bata."
"Mommy naman! Pinamukha mo nga akong bata pero parang kinder naman!" She hates short hair, she hates bangs!
"Pareho lang kayo ni Aron!" singhal niya. Kung hindi dahil sa paratang ng binata, hindi sana ganito ka letse ang buhok niya.
"Oh, I love Aron!" Cheska answered. Wala siyang maireklamo sa binata.
"E di kayo na ang magpakasal!" bulalas ni Mandy. "Iwan mo na si Daddy, mas matuwa pa kami ng kapatid ko!" sabi niya. At least, wala nang problema ang ama nila. Kahit paano, gusto rin naman niyang makahinga ang ama. Siya ang nasasakal para kay Oliver.
"Masyado na ba ako kasama para magkaroon ng anak na demonyita?" bulalas ni Cheska. Palagi na lang nitong isinisigaw na iiwan na niya ang ama nito. O minsan, si Oliver ang kinukumbinse ni Mandy na iwan na raw siya.
"Mabuti ka namang tao, Mommy, pero bilang asawa? Wala akong masabi. My dad marries the worst wife ever!"
"Mahal ako ni Oliver!" she shouted and throws a pillow pero nasalo ni Mandy. "Ikaw Mandy, kapag ganyan ang ugali mo, wala talagang mag-aasawa sa 'yo!"
"Great! I don't need a husband either!" Kung mag-aasawa man lang siya na siya pa ang gagastos? Huwag na. Mas mabuting tatanda na lang siyang dalaga. Ang dami diyan, may asawa nga pero wala namang silbi. Sila pa ang bumubuhay sa asawa nila. Ne ultimong sigarilyo, sila pa ang bibili. Tapos ano? Nagawa pang mambabae. Huwag na!
"Ano na naman ang sinisigaw ninyo? Ang aga pa," tanong ni Oliver na kakababa lang.
"Itong anak mo, ang arte!" sagot ni Cheska.
"Araw-araw na lang ba kayong ganito?" walang kabuhay-buhay na tanong ni Oliver.
"Sawayin mo ang anak mo!"
Napatingin si Oliver kay Mandy na hindi maipinta ang mukha. Kahit siya, naninibago sa hitsura ng anak. Hindi lang siguro siya sanay na ganito kaiksi ang buhok nito pero cute pa naman.
"Mandy, hindi kita mahatid ngayon. Tinawagan ko ang driver, siya ang maghahatid sa 'yo."
"Bakit hindi mo siya mahatid?" tanong ni Cheska. "May date ka sa iba?" Tinaasan ni Mandy ng kilay ang ina. Sa ugali nito, magawa pa bang mambabae ng ama?
"Masama ang pakiramdam ko," sagot ng asawa.
Lumapit siya sa asawa saka inilagay ang likod ng kamay sa leeg nito.
"May sinat ka, uminom ka na ba ng gamot?" nag-aalalang tanong ni Cheska.
"Hindi pa," sagot ni Oliver. Masyado lamg siyang napuyat nitong nakaraang gabi dahil panay ang selos ng asawa. Sa tuwing sumuko siya, kung anu-ano ang pinagsasabi nito na kesyo may iba na raw siya, kaya pinagbigyan na niya.
"Kumain ka muna, ipagluluto kita. Ano ang gusto mong ulam? Sinigang? Pochero? Basta 'yong may sabaw ha." Pinaupo niya si Oliver saka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.
"Dad? Masama mang hilingin pero sana araw-araw, nagkakasakit ka," bulong ni Mandy kaya napangiti si Oliver. Kahit siya man, mas gustuhin ding magkakasakit pero hindi puwede. Kawawa naman ang mag-ina niya kapag hindi siya magtatrabaho. Nakakatulong din naman si Cheska dahil sa boutique nito at online shop ng mga sapatos at bags. Kapag makaisang suot, agad na ibinebenta niya ito at ang dami namang bumibili. Wala pa ngang 24 oras na nai-post, may um-order na kaagad. Kilala na kasi siyang isang beses lang magsuot ng gamit at authentic ang mga ito. Kung magkano ang price, iyon din ang binebenta niya. Minsan mahigit pa. Ang rason nito, sa ibang bansa pa niya binibili at kapag may sumupalpal sa kaniya, palagi niyang sinasagot na sila na ang pumunta sa ibang bansa para bumili. Wala siyang problema sa asawa. Madiskarte naman ito kahit paano. Iyon nga lang, pera niya ang pinambili nito at ang kita, hindi niya alam kung saan napupunta. Pinapanalangin na lang niya na sana nasa savings account nito. Kapag tanungin niya, nagagalit ito. Huwag daw siyang umasa na magse-save ito para sa kanila.
"Mauna na ako, Dad, nandiyan na si Manong Dante," paalam ni Mandy at humalik sa pisngi ng ama.
"Aalis ka na? Mabuti naman!" sabi ni Cheska na may dalang tubig at ibinigay sa asawa. "Hihiwa lang ako ng baboy para ipansigang ko."
"Alis na ako, Mom, didiretso ako sa party mamaya ha," paalam niya at humalik sa pisngi ng ina saka tinalikuran ang mga ito.
"Ngingiti-ngiti mo, Oliver? Magluluto ako dahil gusto kong kumain ng sinigang!" Narinig pa niyang sabi ng ina. Oh well, kabisado na nila ang ugali ng ina.
Nagpahatid siya kay Manong Dante at sinabihang may pupuntahan silang party mamaya. Anak ng senador ang nang-imbita sa kaniya kaya hindi niya matanggihan. Dating kaklase niya sa Barcelona na umuwi rito sa Pinas. Well, ganoon talaga kapag sikat, gustong maging kaibigan ka para masabing mataas din ang level nila kaya pinagbigyan na niya. Tutal, mabait naman ito.
Maghapon na busy siya sa klase.
"Pupunta ako mamaya sa party ni Loisa. My gosh! Para sa mamayayaman lang 'yon, girl!" tili ni Jersel at humarap kay Mandy. "Invited ka rin ba?"
"Invited nga ka nga na pulubi, ako pa kaya?" sagot ni Mandy. Ang lakas din ng tama nitong si Jersel. Gusto siyang masapawan. Nakikipagkaibigan ito sa kaniya noon pero nang tinanggihan niya, ayun, nakipag-compete na ang bruha.
Palabas na siya at tinawagan ang driver. Nakahinga siya nang maluwag nang nakasakay siya sa black limousin.
"Dala mo po ba ang damit ko?" tanong niya. Ibinilin niyang kunin nito sa bahay nila. Tinawagan niya ang inang ihanda ang isusuot niya.
"Yes, Ma'am," sagot ni Manong kaya sa makeup artist ng mommy niya sila dumiretso.
Nagpalagay na rin siya ng hair extension dahil ayaw niyang magmukhang si Dora na napadpad sa welcome party ng mga mayayaman.
Sa Five Star hotel idinaos ang party.
"Mandy!" tili ni Loisa Gonzaga nang makita siya.
"Hi," bati niya at nakipagbeso-beso rito. Nagkasalubong ang mga mata nila ni si Jersel na nakatingin sa kanila kaya tinaasan niya ng kilay.
"Kamusta ka na Mandy? Ang tagal nating hindi nagkita!" tanong ni Loisa.
"Okay lang," sagot ni Loisa na hindi niya matantiya kung mabait ba ito o hindi? Hindi naman sila nag-uusap talaga.
"May boyfriend ka na ba?" nakangiting tanong nito. Gusto niya sanang taasan ng kilay kaso tinatamad na ang kilay niya. Sa araw-araw ba naman itong nakataas, napapagod din si Kilay.
"Wala pa akong nakitang lalaki na pumasa sa standard ko," sagot niya. Wala pa talaga. May mga nanliligaw pero sa tuwing masupalpal niya, umuurong ang mga ito. Puro yabang lang naman na kesyo may kotse, may resort o ano, pero kapag siya na nga ang magsalita, umuurong ang mga dila ng mga ito. Lahat ng pinagmanayabang ng mga ito, meron din ang mga Lacson. So, paano siya papatol kung pera lang ang habol niya?
"May ipapakilala ako sa 'yo," sabi ni Loisa at hinila siya palapit sa table ng mga kakilala.
"Hey guys," bati niya kaya tumingala ang mga ito sa kaniya. "Si Mandy pala, former classmate ko sa Barcelona," pagpakilala niya sa mga ito.
"Hi, Mandy! Bagay pala tayo, my name is Sunday!" pilyong pagpakilala ng isa nitong kaibigan pero mukhang nagising ang kilay niya kaya biglang umakyat ito.
"Really? How come na Sunday name mo? You look like Black Saturday!"
Nagtawanan ang mga kasama nila kaya napakamot na lang ang binata dahil sa pagkapahiya.
"Nagbibiro lang si Mandy, ganito talaga siya," sabat ni Loisa at nginitian ang mga ito para hindi ma-offend si Sunday.
"Yeah! Ganito talaga ako, biro lang 'yon, huwag kang ma-offend." Mahinhin na tumawa siya pero sa kaloob-looban, totoo talaga ang sinabi niya.
"Jerome!" masayang sabi ni Loisa sa lalaking palapit na may kasamang babae.
"Pre! Okay ka na! Mabuti naman at ligtas ka!" bati ng mga kasama at napatingin sa babaeng nakayuko na mukhang nahihiya.
"Magre-race ka pa ba?"
"Hindi na," natatawang sagot ni Jerome at inakbayan ang babae. "Ngayong binigyan ako ng second chance para mabuhay, hindi ko na sasayangin para makasama ang babaeng mahalaga sa akin."
"Woah! New girlfriend mo?" tanong ni Sunday na kina Jerome na naka-focus.
"Yes!" proud na sagot ni Jerome at inakbayan ang dalaga na namumula ang mukha. "My former girlfriend and soon to be my bride, Julie!" pagpakilala niya kaya napatingin si Mandy sa mukha ng babae.
Kaya pala familiar ito sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang Julie na kasintahan ni Aron. Kahit na nakayuko, alam niyang ito 'yon eh.
"Wow! Ang playboy na world racer, tumino?" Tumawa ang magbarkada.
Tumalikod siya bago pa siya makita at mamukhaan ni Julie. Napangiti siya habang palayo sa mga ito.
"A faithful boyfriend with a cheater girlfriend!" bulong ni Mandy. "Kawawang Aron!"

A/n:
Oo na, si Jerome na siya. Hindi na si Alwyn. Hahaha. Si Jerome talaga ung ex. My ghad! Nakalimutan ko e


Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon