Finale

3.4K 92 7
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 66( Finale )

Unedited..
"Okay na ba ang lahat?" pabulong na tanong ni Aron kay Blue. Nasa shower room pa si Mandy kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
"Oo, okay na okay na ang lahat kaya huwag kang mag-alala, kami nina Sky at Black ang bahala," sagot ni Blue, "kinakabahan ka ba?"
"Putiks! Mabuti ka at kayo lang ang tao nang mag-proposed ka kay Avery!" sagot niya. E siya, lahat ng pamilya ay inimbitahan nila.
Humalakhak si Blue sa kabilang linya, "Kalma ka lang, sisiguraduhin naming big surprise ang mangyayari mamaya."
"Aasahan ko 'yan," sagot niya. Sa ngayon, kailangan niyang magtiwala sa triplets kahit na medyo alanganin siya sa tatlo. Puro kalokohan kasi ang mga ito pero mukhang nagbago naman sila nang makapag-asawa na. Lalo na si Sky, ang laki ng pinagbago ng mokong.
"Shit! Palabas na si Mandy, basta kayo na talaga ang bahala riyan," nagmamadaling sabi niya.
"Dude! Sa likod kayo dumaan, makikita ni Mandy ang lahat," pahabol ni Blue.
"Oo nga pala, sige," sabi niya at tinapos na ang tawag.
Bumukas ang pinto saka lumabas si Mandy na nakangiti.
"Aron ko?" paglalambing ni Mandy.
"Mandy ko? Kailangan na nating umalis, kanina pa nandoon ang mga bisita at sina Mommy, nauna na," sabi niya na ikinasimangot nito. Mahigit kalahating oras na nga ito sa loob ng banyo e, iihi lang daw at mukhang alam na niya ang hihilingin nito. Nagiging agresibo yata si Mandy ngayon?
"Fine!" Padabog na sabi ni Mandy at lumapit sa closet.
"Huwag kang mag-itim," sabi niya nang makitang itim na bestida ang isususot nito.
"I want black!"
"Birthday ng mommy mo, magputi ka," bilin niya.
"Gusto ko black!" giit ni Mandy. Naiinis siya kay Aron. Halata namang ayaw siyang pagbigyan sa gusto niya.
"White na, Mandy ko. Mas bagay sa 'yo ang white," pamimilit niya. Sana lang ay pumayag ito. Kahit surprise ang gagawin niya, gusto pa rin niyang si Mandy ang pinakamagandang babae hindi lang sa paningin niya kundi sa mga mata ng lahat.
Tinitigan ni Mandy si Aron na namamawis ang noo kaya tinaasan niya ito ng kilay.
"May hindi ba ako nalalaman, Aron ko?" seryosong tanong niya.
"H-Ha? Bakit mo naman natanong, Mandy ko?" balik-tanong niya. Ang hirap magsinungaling sa taong mahal mo lalo na't matalas ang pakiramdam nito. Siya yata ang nagmana sa ugali ng Lola Patch nito.
"Wala lang. Para kasing may kakaiba sa 'yo e," sagot ni Mandy at isinuot ang itim na damit.
Naupo siya sa dresser at inayos ang buhok. Kanina pa tapos ang paglagay ng hair extension at pinauwi na niya si Icy. Siya ang magme-makeup ng sarili niya sa araw na ito.
"Mandy ko naman, bakit kailangang mag-itim ka? Birthday party iyon," nahihirapang tanong niya. Ang hirap talaga nitong kumbinsihin lalo na't kinakabahan siya sa gagawin mamaya.
"Nagluluksa ako!" nakasimangot na sagot ni Mandy habang naglalagay ng blushon. Ipagluluksa niya ang isang round na hindi pinagbigyan ni Aron.
"Mommy mo ang may kaarawan," giit niya.
"So? Scene stealer ako, pakialam nila?" pagsisinuplada niya. Kahit noong ika-13 ni Anndy, siya lang naman ang nagsuot ng pulang damit.
"Okay, maganda ka naman kahit na ano ang suot mo," pagsuko ni Aron kaya napangiti si Mandy. Ang ganda raw niya sabi ni Aron niya kaya medyo nabawasan ang pagkainis niya rito.
After ng mahigit trenta minutos, tumayo na siya sa harapan ni Aron.
"Done!" sabi ni Mandy.
Light makeup lang, black shoes, black anklet, black necklace and black dress na may mahabang slit sa left side kaya nakikita ang mahaba at maputi nitong binti. Parang nagsisi tuloy siya na hindi niya pinagbigyan si Mandy.
"Huli na para magsisi, maglaway ka!' nagtatampong sabi ni Mandy kaya inakbayan niya ito.
"Later, marami tayong time sa gabi," pilyong sabi ni Aron at bumaba na. Alas tres ng hapon ang party at quarter to three na. Male-late lang sila ng thirty minutes lalo na't medyo traffic na sa ganitong oras.
Habang nasa biyahe, panay ang sulyap niya kay Mandy. Hindi niya maiwasang hindi humanga rito. Lalo na't nasa side pa niya nakaharap ang kaliwang binti.
"Nang-aakit ka ba?" tanong niya nang hindi na niya kaya.
"Wala akong balak na akitin ka dahil mabubura ang lipstick ko kapag maghalikan tayo. Kung naaakit ka, hindi ko na problema iyon!" nakasimangot pa rin na sagot ni Mandy.
Pagdating sa mansion, ang daming sasakyan sa labas na nakaparada kaya umikot sila sa likuran ng mansion.
"Bakit dito tayo dadaan?" tanong ni Mandy.
"Marami ang tao sa harapan, baka hindi tayo makadaan," palusot ng binata.
"E? Saan ka nakakita ng party na walang tao?" pamimilosopo ng dalaga, "ibalik mo sa harapan!"
"Dito na, para walang istorbo," sagot ni Aron. Mabubuko siya kapag nasa harapan sila dumaan.
"Tinatago mo ba ako? Ayaw mong makita nilang magkasama tayo?" tanong ni Mandy kaya hindi na niya alam kung paano magpaliwanag sa dalaga at tinigil na ang sasakyan. Okay lang kapag magalit ito sa kaniya basta walang problema sa surprise niya mamaya.
"Ayaw ko lang na may kaagaw sa iba," sagot niya kaya napa-poker face si Mandy.
"Hindi ka nakakakilig, nakakabuwesit ka!" prangkang sabi ni Mandy at hindi na hinintay pa na pagbuksan pa siya ni Aron. Kilala niya ito, alam niyang lumilipad ang utak ng binata.
"Mandy ko!" tawag niya pero tuloy-tuloy lang ito. Sa kusina na sila dumaan.
"Aron, halika na!" tawag ni Blue na kanina pa siya hinihintay at hinila patungo sa itaas na kuwarto.
"Si Mandy, galit iyon sa akin. Baka magwala," nag-aalalang sabi niya nang pumasok na sila sa isang silid dito sa baba ng bahay nina Mandy.
"Sina Lyn at Erika na ang bahala sa kanila," sagot ni Black.
Hinubad niya ang damit at nagbihis ng puting tuxedo. Ipinahanda na niya ang lahat sa barkada para hindi mahalata ni Mandy. Nagpapasalamat din siya at kahit na itim ang damit nito, still she rocks! Alam niyang lilitaw at aangat ang ganda nito sa mga bisita.
"Mauna na kami, kapag marinig mo ang Oh Mandy, lumabas ka. Siguraduhin naming nasa small stage na si Mandy," bilin ni Blue. Patakbo namang sumunod si Sky sa mga kapatid.
Pabalik-balik siya sa loob ng kuwarto. Pati yata itlog niya, pinagpapawisan na sa kaba. Basta mairaos lang niya ito, masaya na siya. Dinukot niya ang pulang box sa bulsa. Napangiti siya, ilang minuto na lang ay nasa daliri na ito ni Mandy.
Ang plano,magbibigay ng mensahe si Mandy sa parents at kapag nasa stage na ito, lalabas siya habang tinutugtog ang Oh Mandy.
I remember all my life 🎶
Raining down as cold as ice🎶
Shadows of a man
A face through the window
Crying in the night goes into 🎶
Morning, just another day
Happy people pass my way🎶
"Tol? Labas na, nasa stage na si Mandy," tawag ni Brix.
"Nasaan na ang triplets?" tanong niya. Usapan nila ay nasa tabi niya lang ang mga ito para sa moral support.
"Nasa labas," sagot ni Brix at nauna nang umalis. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago lumabas sa silid.
'This is it!" sabi niya. Bahala na!
Looking in their eyes, I see a memory
I never realized
How happy you made me 🎶
Oh Mandy
Naririnig niya ang music pero walang ingay mula sa labas. Kahit sa pasilyo, walang tao kaya mas lalo siyang kinabahan.
Paglabas niya, unang nakita niya si Mandy na nakatayo sa gitna ng stage at may hawak na microphone.
"What the--" nabitin ang sasabihin niya nang mapansin ang paligid.
When you came and you gave without taking
But I sent you away 🎶
Oh Mandy
Well you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today
Oh Mandy 🎶
Yesterday's a dream I face the morning
Crying on a breeze 🎶
The pain is calling 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you came and gave without taking
But I sent you away 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you came and gave without taking
But I sent you away
Oh Mandy
Well you kissed me and stopped me from shaking 🎶
And I need you...
Tahimik ang lahat ng tao, sa kaniya ang mga mata nila na para bang kanina pa siya inaabangang lumabas. Ang tanging naririnig niya ay ang tibok ng puso niya at ang malamyos at napakasarap pakinggan na boses ng Westlife.
Ilang beses siyang kumurap pero hindi siya puwedeng magkamali sa nakikita. Itim ang suot ng lahat ng bisita na nakapalibot sa kaniya kasama na ang parents nila ni Mandy. Kahit ang five layers cake, black din. Ang blue roses na request niya, naging kulay itim na. Pati table cloths, black and white rin. Lahat-lahat. For Pete's sake, siya lang talaga ang nakaputi.
"A-Aron ko!" Halos mawalan siya ng kulay sa mukha nang tawagin ni Mandy ang pangalan niya. Heto na naman, nakalabi na naman ito na parang naiiyak. Alam niyang nagda-drama na namam ito kaya nanginginig ang tuhod na lumapit siya sa dalaga.
"A-Ano'ng nangyayari?" wala sa sariling tanong niya. Damn, siya ang dapat na tanungin niyan ni Mandy dahil siya ang may surpresa. Lahat naman ng gusto niya, nasunod pero lahat ay naging kulay itim.
"A-Aron ko?" naiiyak na sabi ni Mandy, "p-pasensiya na kung napakatsismosa ko minsan. P-Pasensiya na kung pinagdudahan kita. S-Sana pala, hindi na lang ako nag-imbistiga sa ginawa mo nitong mga nakaraang araw," naiiyak na sabi nito. Lahat ng tao ay nakikinig sa kanilang dalawa na para bang nasa theater show lang sila.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Wala na. Sinusubukan niyang ibalik ang katinuan pero lumutang na talaga at iniwan ang katawan niya. May mga nagkikislapan na na camera sa paligid. Taliwas sa inaasahan niya. Mahigpit na ipinagbabawal niya ang reporters sa event pero heto na naman sila, kumukuha ng video sa nangyayari sa kanila.
"H-Hindi ko na alam ang nangyayari," naguguluhang sagot niyang blangko ang mukha.
"S-Sorry, nalaman ko kasi na magpro-propose ka e," naiiyak na paumanhin ni Mandy kaya napahilamos sa mukha si Aron. Palpak! Para siyang sundalo na habang nakipagbakbakan sa giyera, babagsakan lang ng missile kaya wasak ang ulo at sabog ang utak.
"Aron ko?" malambing na sabi ni Mandy at ikinagulat ng lahat ang ginawa niya. Lumuhod ito sa harapan ni Aron.
"Alam kong masyado akong pasaway. Alam kong sinira ko ang plano mo ngayon at pinagsisisihan ko talaga iyon. Alam kong magtatampo ka sa lahat ng kaibigan mo. Pero wala na kasing dating kapag mag-propose ka pa sa akin, hindi na genuine ang kasiyahan ko. Ayokong makipag-plastikan kaya heto, ikaw na lang ang isu-surprise ko," mahabang sabi ni Mandy at may kinuha sa dibdib nito, maliit na black box. Nagsimula ang ingay sa paligid pero wala siyang pakialam kahit na medyo sumasakit na ang mga tuhod niya dahil sa pagluhod.
"Aron ko?" tawag niya habang nakatingala sa guwapong kasintahan.
Biglang pumutok ang mga itim na lobo na naka-desinyo sa board ng center stage at natanggal ang itim na kurtina at bumuluga sa kaniya ang pinagawa niyang tarpaulin. Sa lahat ng pinaghirapan niya, ito lang talaga ang hindi nabago.
Naluluhang humarap siya kay Mandy.
"Will you marry me?" pagbasa ni Mandy sa nakasulat sa tarpaulin, "Aron ko?"
"T-Tumayo ka riyan!" Mabilis na tinulungan niya itong tumayo at niyakap ng sobrang higpit. Iyak lang siya nang iyak. Sa halip na si Mandy ang isu-surprise, siya pa ang sinurpresa nito. Nilang lahat. Siya ang dapat na nagtatanong nito sa dalaga.
"M-Mandy ko..." sambit niya sa pagitan ng paghikbi. Sa lahat ng lalaki sa mundo, masasabi niyang siya na ang pinakasuwerte sa lahat. Ngayon lang din siya umiyak ng ganito sa harap ng mga tao dahil sa labis na kasiyahan.
Kumalas si Mandy sa pagkakayakap at tiningala siya, "Ano na, Aron ko? Will you marry me?" ulit na tanong ni Mandy kaya pinahidan niya ang mga luha. Siya ang lalaki pero siya pa itong umiiyak.
"Y-Yes, I will marry you! I will!" puno ng pagmamahal na sagot niya saka muli itong niyakap. Biglang nag-ingay ang mga bata nang nagsilaglagan ang mga itim na lobo at small black teddy bears na pinagawa kay Sky.
Pinahidan niya ang mga luha saka kinuha ang itim na box na hawak ni Mandy, "D-Dalawa na ang engagement ring natin," natatawang sabi niya. Wala na siyang mga luha.
Maingat na binuksan niya ang box. Napapikit siya nang makita ang laman nito at pagdilat niya ay napatitig lang sa mukha ni Mandy na namumula at hindi alam ang gagawin.
Paunti-unti, namasa na naman ang mga mata ni Aron at bumagsak ang mga luha saka niyakap si Mandy.
"G-Ghad!" sabi niya. Kung puwede lang yakapin ito habangbuhay, ito na lang ang gagawin nila. "Y-You made me happy, M-Mandy ko!"
Kumalas siya at sinikap na makahinga saka tinitigan ang laman ng box. Sino ba ang hindi sasaya? Sa halip na engagement ring, pregnancy kit na may pulang guhit ang laman ng box ni Mandy at may nakasulat na sa gilid na "Daddy Aron".
"I love you, M-Mandy ko!" sinabi lang niya ang kanina pang sinisigaw ng kaniyang puso.
"I love you too, Aron ko!" nakangiting sagot ni Mandy na pinipigilan lang na umiyak.
"Since scene stealer ka," sabi ni Aron kaya tumawa ang lahat ng nakapalibot sa kanila. Lahat ay nagulat sa ginawa ni Mandy. Kung sabagay, lakas ng loob ang kailangan para mag-propose ang isang babae.
Si Aron naman ang lumuhod sa harapan ni Mandy at dinukot ang pulang box sa bulsa, "Mandy ko? Will you marry me, also?"
Napatutop si Mandy ng bibig at hindi na napigilang umiyak. Sino ba ang mag-aakalang aabot sila sa ganito? Iba pa rin kapag si Aron na mismo ang umalok sa kaniya ng kasal.
"Y-Yes, I will! A-Aron ko, I will!" umiiyak na sagot niya kaya nagpalakpakan ang lahat. Ang parents nila, puno ng kasiyahan ang mga mata.
Tumayo si Aron at nangininig ang mga kamay na ipinasuot sa daliri ni Mandy ang diamond ring.
"Oh, Mandy ko," bulong niya habang nakatitig sa daliri ng fiancèe niya. Nagkatitigan sila at marahan niyang inilapit ang mukha saka inangkin ang mga labi nito na agad namang tinugon ng dalaga. Engaged na nga sila, may bonus baby pa! Sa piling ni Mandy, sigurado siyang no dull moments!


- ------------------ The END------------------

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon