61

194 7 0
                                    

CHAPTER 61

Unedited...
"Aron ko? Okay lang ba ang lasa niya?" tanong ni Mandy na pinakialaman ang kusina ng mga Rodriguez. Silang dalawa lang ang tao ngayon dahil day off ng mga katulong at wala rin ang pamilya dahil binisita si Taira kina Sky.
"Kulang lang asim pero okay na," sagot ng binata nang tikman ang niluluto nitong sinigang na bangus.
"Dagdagan ko pa ng sinigang mix," sabi ni Mandy.
"Mga isang kutsara," ani Aron na sinunod naman ni Mandy.
Naupo siya sa silya habang pinagmasdan ito sa ginagawang pagluluto ng tanghalian nila. Ang cute nito sa suot ng white shorts at white tshirt niya.
Kapag may free time sila, nagpapaturo si Mandy kung paano magluto lalo na sa bangus. Sabi nito, kailangan niyang matutunan ang lahat tungkol sa bangus dahil paborito niya ito.
Tumayo siya at lumapit sa dalaga saka niyakap ito mula sa likuran, "Thank you," bulong niya at hinalikan ang batok nito saka inamoy ang mahabang buhok ng dalaga.
"Saan?"-Mandy.
"Sa lahat. Kahit na madalas tayong nagtatalo, napapasaya mo pa rin ako," sagot niya at hinigpitan ang pagkakayakap. Kapag ipaalam niya sa iba na nagluluto si Mandy, hindi siya paniniwalaan ng mga tao. Madalas ay ito na rin ang nagtitimpla ng kape niya sa umaga. Noong una, halos masuka siya sa sobrang pait pero sa kalaunan ay nakuha na ni Mandy ang panlasa niya. Parang pagmamahal nila, sa una ay hindi maganda pero habang tumatagal, paunti-unti nilang niyayakap ang kakulangan ng bawat isa. Kahit sa ugali, sinusubukan nilang mag-adjust para makasabay sa isa.
"Ang dami namang isda riyan, bakit bangus pa?" tanong ni Mandy at humarap sa kaniya at ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya.
Hinapit niya sa bewang ang dalaga, "Hindi ko rin alam. Basta nang tikman ko, gusto ko na siya. Parang ikaw, maraming babae pero ikaw ang pinili kong maging kasintahan at makasama."
Naalala niya ang planong proposal, ilang araw na lang ang paghahanda nila. Sana lang ay magustuhan ni Mandy. Mataas pa naman ang standards nito sa lahat ng bagay.
"Bolahin mo pa ako, Aron ko!"
"Hindi kita binolola, Mandy ko. Mahal kita kahit na madalas ay ang corny na natin!" natatawang sabi niya at mabilis na ginawaran ito ng halik sa mga labi. "Okay na 'yang niluluto mo. Baka mamaya, ma-over cook ang kangkong."
Si Mandy ang naghanda ng mesa at si Aron ang nag-serve ng pagkain. Minsan clumsy ang dalaga kaya hindi niya ito pinapabitbit ng mainit na bagay dahil baka mapaso.
"Aron ko?" tawag ni Mandy habang kumakain sila, "Ayaw kong maglaba at hindi ako marunong magsampay. Wala rin akong tiyagang mamalantsa at higit sa lahat, ayaw kong magwalis."
"Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng iyan dahil minahal kita sa pinakatamad na ikaw, Mandy ko," biro ni Aron kaya sumimangot ang dalaga.
"'Yung pinakatamad talaga ang magdadala sa 'yo sa kapahamakan e!" Nanggigigil na kinain niya ang kangkong.
"Biro lang, Mandy ko. May katulong naman tayo kaya huwag kang mag-alala, hanggat nasa tabi kita, hindi ka magtatrabaho nang hindi mo kaya."
"Pero gusto ko pa ring matuto lalo na sa pagluluto. Gusto ko maging katulad ni Tita Aira na palaging pinagluluto kayo at ang daddy mo. Hindi kagaya ng mommy ko, lahat inaasa sa katulong," nakasimangot na sabi niya. Isa pa, masarap sa pakiramdam na nakikita niyang natutuwa si Aron sa pagluto niya.
"Iba-iba rin kasi ng trip kayong mga babae pero kung ano ang gusto mo na hindi natin ikapapahamak pareho, papayagan kita. Basta ba maging mabuti kang asawa sa atin at ina sa mga anak natin," napangiti siya at napasulyap kay Mandy. Ano kaya ang sasabihin niya kapag mag-propose na siya? Kung puwede lang talagang i-skip ang buhay niya sa proposal, ihiling niya sa Diyos na mag-skip na lang siya at kasalan na kaagad. Hindi siya sweet at hindi siya mahilig magplano ng mga ganito. Sa kanilang dalawa, si Mandy lang ang planner. Aasa na lang talaga siya sa tulong ng pamilya at mga kaibigan.
"Aron ko? Gusto kong magka-baby, dapat first born, twins! Isang babae at isang lalaki!" excited na sabi ni Mandy at ipinagpatuloy ang pagkain ng bangus. Sa katagalan, nagustuhan na niya ang paboritong isda ni Aron. Basta 'yong sa belly ng bangus para walang tinik. Kapag buntot, pinapatanggalan niya kay Aron.
"Kahit ano, basta ikaw ang ina ng mga anak ko," sagot ng binata. Parang nakikita na niya ang sariling nakipaghabulan sa mga anak sa hardin. Damn! Ang saya siguro nila ni Mandy. Kahit ganito lang 'to, may pusong mamon din minsan.
"Basta babae at lalaki!" giit ni Mandy.
"Sige, babae at lalaki!" pagsang-ayon na lang ni Aron at ipinagpatuloy na nila ang pagkain.
Si Aron ang naghugas ng plato at naunang pumanhik sa kuwarto si Mandy para mag-ayos ng sarili. Birthday ni Jerome kaya imbitado sila. Ayaw sana niya pero baka isipin pa nila na bitter pa rin siya. Si Mandy lang naman ang inaalala niya. Sana lang ay umayos ito mamaya.
Pagkapasok niya sa kuwarto, napansin niyang tulala ang kasintahan na tila ang lalim ng iniisip.
"Mandy ko?" tawag niya kaya ngumiti ito sa kaniya, "Mukhang nakarating ka na sa ibang mundo ah, ang lalim ng iniisip mo."
"W-Wala..." sagot ni Mandy at naupo sa kama.
"Hmm? Nag-aalala ka ba para mamaya? Huwag mong problemahin iyon, uuwi tayo kaagad. Magpakita lang tayo," sabi niya at naupo sa tabi nito.
"Okay," tinatamad na sagot ni Mandy kaya hinalikan niya sa noo. Isa sa problema nila ay ang pagseselos nito kay Julie. Kahit hindi nito aminin, sigurado siyang nag-aalala ito kaya mamaya, aayusin na niya ang lahat.
"Magbihis ka na, ayokong tumagal sa party! Ang ingay lang ng mga tao roon!" Utos nito kaya nagbihis na siya.
Alas tres ay nasa biyahe na sila. Panaka-nakang sinusulyapan niya ang tahimik na kasintahan. Habang magmamaneho, nag-iisip din siya.
"Kung puwede lang talagang huwag nang mag-propose," bulong niya. Marami ang tao dahil birthday ni Cheska iyon pero para kay Mandy, tanggalin muna niya ang hiya.
Nakarating lang sila sa bahay nina Jerome, hindi sila nag-usap ni Mandy pero napapansin niyang may iniisip din ito.
"Huwag kang lumayo sa akin," bulong niya at inakbayan ang dalaga habang papasok ng mansion.
"Aron! Long time no see!" bati ng dati niyang kaklase sa Westbridge.
"Hi, guys!" bati niya sa table ng mga ito. Pool party kaya sa gilid ng pool inilagay ang mga mesa.
"Ipakilala mo naman kami sa magandang girlfriend mo. Kaya pala baliw na baliw ka na riyan e, ang ganda!" puri ng girlfriend ni Jack na fan ni Mandy dahil buyer siya ng sapatos na ipinabenta ni Mandy sa ina. In fact, ang old Prada shoes ni Mandy ang suot niya ngayon.
"Si Mandy pala, girlfriend ko!" pagpakilala ni Aron na nakaakbay pa rin sa dalaga.
Matapos niyang maipakilala, nagpaalam siyang lilipat sa kabilang table kina Jerome at Julie na kasama ang triplets.
"Mandy ko? Ba't ang tahimik mo?" bulong niya.
"Marami ang tao, naiirita ako!" tinatamad na sagot ni Mandy. Ayaw talaga niyang pumunta rito dahil hindi siya sanay makipagplastikan kina Julie pero dahil inimbitahan nila si Aron, heto siya, suportado ang boyfriend niya.
"Mandy! Himala, sumama ka!" natatawang sabi ni Sky kaya napa-poker face si Mandy.
"Kung alam ko lang na nandito ka, hindi na sana ako sumama!" prangkang sagot ni Mandy pero alam naman niyang dito talaga ang triplets dahil kaibigan nga nila si Jerome. Kumukulo pa ang dugo niya kay Sky. Noong isang araw lang pinaalam ni Aron na holy water daw ang sinasabi nitong gayuma.
Naupo sila sa tabi ni Sky.
"Mandy?" bulong ni Sky at kinalabit siya sa balikat, "Huwag ka nang magalit, nalinis naman ng holy water ang masamang pag-uugali mo--ouch!" mahinang daing niya nang bumaon ang kuko ni Mandy sa braso niya, "A-Aron, si M-Mandita, shit! T-Tulong!" pakiusap niya.
"Mandy ko, tama na," pakiusap ni Aron at nakipagpalit ng puwesto sa kasintahang namumula sa galit.
"Mabuti naman at nakapunta kayo, dude!" sabi ni Jerome kay Aron at inakbayan si Julie.
"Oo, matagal-tagal na rin tayong hindi nakapag-bonding," sagot ni Aron at sinulyapan si Mandy na nakasimangot.
"Mabuti naman at masaya ka na sa maging girlfriend mo," sabi ni Jerome.
"Oo naman," nakangiting sabi ni Aron at inakbayan si Mandy, "Araw-araw ay masaya kapag siya ang palagi kong kasama."
"Kapag balikan ko ang nakaraan ninyo noong bata pa tayo, nasusuka ako!" sabat ni Kean kaya tinaasan siya ng kilay ni Mandy.
"Sinabi mo pa!" ani Blue. Si Sky ay hindi na umimik at hinihimas ang brasong kinurot ni Mandy.
"Ingatan mo si Julie," seryosong sabi ni Aron kaya parang may punyal na tumarak sa puso ni Mandy. Concern pa rin ang mokong sa ex nito. Siguro mas mahal pa nga nito si Julie kaysa sa kaniya, "Dahil hindi ko na iyon makakaya dahil sa babaeng mahal na mahal ko, si Mandy," dagdag ni Aron.
"I will! Salamat at isinauli mo ang ex ko," pasalamat ni Jerome kaya natahimik sila sa mesa.
"Hindi ko naman 'yan inagaw sa 'yo," seryosong sagot ni Aron, "Okay na 'yon na nabawi natin ang first love natin."
"First love mo si Mandy?" tanong ni Sky sa katabi, "Akala ko si Julie!"
"Manhid ka kasi!" sabat ni Black na katabi si Nathalie. Noon pa man ay napansin na niya pero ayaw niyang manghimasok. Isa pa, bata pa sila noon.
Ayun, naging okay naman ang lahat hanggang sa nagpaalam na si Aron na umuwi nang mapansing inaantok na si Mandy. Inabot din sila ng alas siyete ng gabi.
Alas otso na nang makarating sila sa bahay. Nandito na ang parents ni Aron na kumakain sa dinning room kaya dumiretso sila ni Mandy sa kuwarto. Pagkasara ng pinto, niyakap siya ni Mandy.
"H-Hindi mo na ba talaga mahal si Julie?" naiiyak na sabi nito kaya tumawa siya. Akala niya kung ano na.
"Matagal na, Mandy ko. Kaya pala ang tahimik mo kanina. Iyan ba ang bumabagabag sa 'yo?" tanong niya at hinimas ang malambot na buhok nito.
"M-Medyo... Salamat," pasalamat niya. Nakita naman niya ang sinceridad sa mga mata ni Aron kanina habang nakipagsagutan kay Jerome.
"Nagsasabi lang ako ng totoo kaya huwag kang magpasalamat, Mandy ko," sagot niya at kumalas sa pagkakayakap nito tapos hinawakan ito sa magkabilang balikat, "Ako ang dapat na magpasalamat kasi pinasaya mo ako."
"Tse!" sabi ni Mandy.
"Hmmm? Dito ka lang, may kukunin lang ako sa baba," paalam niya at lumabas. Nagbihis si Mandy dahil kanina pa siya inaantok.
Paglabas niya ng bathroom, saka naman pumasok si Aron na may bitnit na paper bag.
"Ano 'yan?" tanong ni Mandy.
"Buksan mo," nakangiting sagot ng binata at inilapag sa ibabaw ng kama ang dala.
Tinatamad na nilapitan ni Mandy ang paperbag at binuksan para matingnan kung ano ang laman.
"Kyaaaah!" tili niya at napatingala kay Aron.
"You like it?"-Aron
"Para ba sa akin 'to?" nagdududang tanong niya.
"Oo naman! Mabait ka naman nitong nakaraang araw kaya deserved mo 'yan."
"Gosh! Hindi masama ang loob mo?" tanong niya habang niyayakap ang black louis vuitton high heel shoes.
"Hindi, basta para sa 'yo, Mandy ko."
"Hindi ka mamulubi?" nagdududang tanong ni Mandy pero ang totoo, bahal na kapag mamulubi ito basta hindi niya isasauli.
"Hindi. Basta minsan lang, ha. Huwag mo akong araw-arawin. Mga once in two months lang," nakangiting sagot niya kaya napangiti si Mandy.
"Sige! Kahit once a years lang, Aron ko!" masayang sabi niya, "Magtitiis na lang ako sa Rusty Lopez na binibili mo!"

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon