30

1.6K 69 0
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited....
"Tumabi ka sa daan ko!" mataray na sabi ni Mandy nang pumasok sa tambayan. Palabas na si Aron at nagkasalubong sila.
"Ang lawak naman ng space!"
"Wala kang pakialam e sa gusto kong maglakad ng diretso!" Tiningala niya si Aron para salubungin ang mga mata nito.
"Nag-umpisa ka na naman," mahinang sabi nito.
"Hindi ako ang nag-uumpisa! Ikaw ang nagsimula!"
"Ano na naman ba ang problema ninyong dalawa?" sabat ni Jairah bago pumasok sa silid dahil gusto niyang magpahinga.
"Huwag mo akong kausapin dahil kumukulo ang ulo ko!" sabat ni Mandy at pinandilatan si Aron.
"Galit ka ba talaga sa nangyari kahapon?" tanong ni Aron kaya umiba ang timpla ng mukha ng dalaga.
"Hindi naman kasi tama ang ginawa mo kahapon. Pareho tayong napapahiya!" sumbat ni Aron.
"Napahiya? Mas nakakahiya ang ginawa mong pagtanggi sa akin sa harap ng kaklase mo! Ano ba ang masama kung halikan mo ako?" sumbat din ni Mandy. Para siyang tanga. Sila na tuloy ang pinag-uusapan ng mga taga CTU. "Hindi na ako ulit hihingi sa 'yo ng kiss!" Masama talaga ang loob niya kay Aron. Iniwan siya nito sa ere.
"Sa susunod kasi na humingi ka mg gano'n, 'yong tayong dalawa na lang. Sino ba ang magugulat sa 'yo? Bigla-bigla ka na lang hihingi ng kiss sa akin? Ano ba ang pumasok sa utak mo, ha?"
Tumawa sina LL na nakikinig lang sa kanila kaya sinimangutan ni Mandy. "Labas kayong apat dito!" Utos ni Mandy na nakaturo ang kamay sa pinto.
"Ate Mandy--"
"Sabing labas!" sigaw na niya kaya nataranta naman ang quadruplets na lumabas. Sasama sana si Aron kaso hinila ni Mandy ang laylayan ng damit niya.
"Maiwan ka!" Ang maliit na mata nito ay biglang lumubo kaya napabuntonghininga na lang si Aron bilang pagsuko.
"Ngayong tayong dalawa na lang, baka puwedeng kiss mo na 'ko!" parang batang sabi ni Mandy kaya napanganga si Aron at hindi makakilos sa kinatatayuan. Hindi ba talaga ito nagbibiro?
Lumapit si Aron sa dalaga nang mahimasmasan at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Gusto mo ba talaga ng kiss?" tanong ni Aron saka bumaba ang mga mata niya sa mapupulang labi ni Mandy. Tumango-tango ito kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha palapit sa mukha ng dalaga. Wala naman sigurong masama kung pagbigyan niya ito?
Maingat na hinawakan niya ang baba ni Mandy para masalubong nito ang mga labi niya.
"Torrid, please!" pumupungay ang mga matang pakiusap ni Aron kaya hindi niya mapigilang mapangiti. Sa lahat ng babae, ito lang talaga ang naging prangka na halikan niya. Wala siyang ideya kung ano ang pumasok sa utak nito pero okay lang.
Napapikit si Mandy nang maglapat ang mainit na mga labi ni Aron.
"Ano ang ginagawa ninyo?"
Natulak niya bigla si Aron dahil sa pagkagulat nang bumukas ang pinto ng silid ni Jairah.
"Haist!" ani Aron. Nagkatinginan sila ni Mandy at parehong hindi alam ang gagawin.
"Ano ang ginagawa ninyo? Nasaan na ang quadruplets? May itatanong pa naman sana ako kay Lee Patrick," sabi ni Jairah.
"Mauna na ako, may klase pa ako," paalam ni Aron na hindi sinagot ang kapatid.
"Kuya, sabay tayong uuwi mamaya?"
"Mag-taxi ka!" walang ganang sagot ni Aron saka lumabas na.
"Ano ang nangyari kay Kuya? Nag-away na naman ba kayo? Sinaktan ka na naman ba niya?" usisa ni Jairah at tiningnan ang mga braso at kamay ni Mandy pero hindi naman namumula. "Bakit ganiyan ang mukha mo?" Salubong ang kilay ni Mandy na nakatitig sa mukha niya at para bang lalamunin siya ng buhay.
"M-Mandy, okay ka lang?" natatakot na tanong ni Jairah, "M-May nagawa ba akong kasalanan?"
Padabog na naglakad si Mandy patungo sa sofa at pabagsak na naupo kaya lumapit si Jairah.
"Mandy, ano ang ginawa ni Kuya? May masama na naman ba siyang ginawa sa 'yo?" Naupo si Jairah sa tabi niya pero kaagad namang tumayo si Mandy at namewang sa harapan niya.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" singhal ni Mandy na kanina pa niya pinipigilan ang sariling pumutok.
"A-Ano ang ginawa ko?" inosenteng tanong ni Jairah.
"Magtatanong ka pang walang hiya ka? Hindi talaga kita tunay na kaibigan!" sigaw ni Mandy na nandidilat ang mga mata. Kulang na lang ay mabasag ang lahat ng babasagin sa buong silid.
"Ouch!" daing ni Jairah at napahawak sa tuhod na sinipa ng kaharap.
"Ano ba ang problema mo?" Tumayo siya at hinarap si Mandy.
"Problema ko? Ang pakialamera mo!"
"Ate!" tawag ni Lance Leonard nang mapakasok at mabilis na pumagitna sa dalawa. "Huwag kayong mag-away."
Pumasok na rin ang tatlo pang mga kapatid at tumulong sa mga pinsang malapit nang magsabunutan.
"May bisita tayo," wika ni Lee Patrick na kasunod si Liam kaya huminahon ang dalawang babae.
"Magandang hapon!" bati ng binata sa dalawang sinusubukang humupa ang galit sa mga katawan.
"Maupo ka, Kuya!" sabi ni Jacob kaya naupo ito sa couch na nakaharap sa dalawang babae.
"Bakit nandito ka?" Unang nakabawi si Jairah at nginitian niya ang binata.
"May pasok pa kayo?" tanong ni Liam.
"Wala na ako," sagot ni Jairah. Si Mandy ay salubong pa rin ang kilay.
"Ah, ikaw, Mandy?" hinarap niya ang dalaga na naka-crossed arms at mukhang may malalim na iniisip.
"Meron, bakit?" pagtataray ni Mandy. Mainit ang ulo niya at wala nang pag-asang lalamig dahil sa ginawa ni Jairah.
"Sayang, imbitahan sana kita sa isang event kaso may klase ka pa," nanghihinayang na sabi ni Liam.
"Si Jairah na lang!" sagot ni Mandy at sinamaan ng tingin ang katabi.
"Ano ba iyon?" tanong ni Jairah. Bored naman siya at balak niyang mamasyal muna sa mall kaso walang kasama dahil ang mamaya pa raw ang uwian ng kakambal niyang si Taira.
"Opening kasi ng branch namin sa SM City at magka-cut ako ng ribbon kaya gusto ko sana kayong imbitahan."
"May pasok pa po kami e," sagot ni John Matthew. "Si Ate Jairah na lang po."
"Shoes ninyo?" tanong ni Mandy na bumalik na sa katinuan ang boses.
"Yes," sagot ni Liam.
"Sama ako!" excited na sabi ni Mandy. Ngayon pa lang siya makakadalo ng cutting of ribbon sa opening ng shoe business.
"Talaga?" Lumiwanag ang mukha ni Liam. "Sama ka na rin, Jai."
Napasulyap si Jairah kay Mandy kung okay lang ba rito dahil ito naman yata ang dine-date ni Liam. Baka magiging chaperone lang siya sa dalawa.
"E di sumama ka, hindi ko naman 'yan Liam!" wika ni Mandy. Makatingin itong katabi niya, akala mo e boyfriend na niya si Liam.
Sumama silang dalawa. Sa unahan si Mandy at si Liam ang nagmamaneho samantalang si Jairah at natutuyuan na ng laway sa backseat na nakikinig lang sa dalawa.
"Magaganda ba ang designs? Latest edition ba ang mga nando'n?" usisa ni Mandy kaya napangiti si Liam.
"Oo, merong bago pero meron din namang old designs pero bagong gawa," sagot ni Liam at sinulyapan si Jairah sa likuran. "Okay ka lang, Jai?" tanong niya. Kung ikumpara niya ang dalawa, mas mabait si Jairah. Akala nga niya noon, maldita rin ito dahil kaibigan ni Mandy at isa pa, isa itong Rodriguez.
"I'm fine!" sagot ni Jairah at inilagay ang earphone sa tainga. Kagaya ni Mandy, mahilig din siya sa shoes.
Pagdating sa mall, umakyat sila sa second floor. Pagkapasok nila sa puwesto nina Liam, marami-rami na rin ang mga bisita at may iilang reporters. Papalago na rin kasi ang Navarro shoes kaya lumilikha ng ingay sa industriya.
"Okay ka lang?" bulong ni Liam kay Jairah. Si Mandy ay busy sa pagtingin sa mga bagong sapatos na naka-display. "Huwag kang mahiya, kapag may magugustuhan ka, sabihin mo lang."
"I'm fine," sagot ni Jairah at tipid na ngumiti sa batang negosyante. Aaminin niya, may hitsura ito. Kahit na naka-light blue polo shirt, alam niyang maganda ang pangangatawan ng binata.
"Good!" sabi ni Liam at pinuntahan si Mandy.
Ilang sandali pa ay tinawag na si Liam para mag-cut ng ribbon. Inimbitahan naman niya sina Mandy at Jairah para tumayo sa tabi niya bilang special guests.
"Congrats pala, napakabata mo pa para ma-achieved ang ganitong buhay," puri ni Jairah na nakaupo na sila sa isang sulok. At the age of twenty four, hindi niya nakikita ang sarili na magiging ganito ka successful.
"Sipag at tiyaga lang," sagot ni Liam at sumenyas sa staff na dalhin ang regalo niya sa dalawang dalaga.
"Shoes ba ito?" tanong ni Mandy.
"Obviously, yes!" nakangiting sagot ni Liam.
Sabay na binuksan ng dalawa ang box at pareho ring namangha. Light blue ang kay Jairah at red shoes naman ang kay Mandy.
"Let me help you," sabi ni Liam at kinuha ang hawak na sapatos ni Mandy saka lumuhod sa harapan nito at ipinasuot ang sapatos.
"Oh my! Para akong si Cinderella!" masayang sabi ni Mandy at tinitigan ang mga paang may sapatos na.
Inilagay ni Liam ang kaninang suot nito sa box.
"I want to wear it too," sabi ni Jairah at pinalitan ang LV shoes. Parang sinukat lang sa kaniya ang sapatos.
"Salamat at nagustuhan ninyo," ani Liam.
Habang nagme-merienda, tinawagan ni Jairah si Aron para daanan siya.
"Ihatid ko na kayo," offer ni Liam.
"Susunduin ako ni Kuya, si Mandy na lang," sagot ni Jairah.
"Sasabay na ako kina Jairah," sabi ni Mandy kaya hinatid na lang sila ni Liam sa parking area dahil ayaw talaga magpahatid ni Mandy.
"Bakit hindi kayo nagpahatid kay Liam?" nakasimangot na tanong ni Aron.
"Ayaw ko!" sabat ni Mandy na nasa tabi niya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo akong ihatid at bababa ako!"
"Kuya, binigyan kami ng shoes ni Liam. Opening kasi nila ngayon sa SM," pagku-kuwento ni Jairah. As usual, nasa likuran na naman siya dahil ayaw maupo ni Mandy sa backseat.
"Oo nga! Kapag talaga shoes ang negosyo, ang ganda lang lalo na't lalaki ang may-ari," segunda ni Mandy, "Bilang na lang kaya ang mga lalaking mahilig sa sapatos."
"Ah..." tanging nasabi lang ni Aron.
"Kuya, kailan ang opening ng branch ng resto bar mo sa Quezon? Hindi po ba, this week na?"
"Mag-oopen ka rin ng another branch? Puntanako!" excited na sabi ni Mandy.
"Huwag na! Panggulo ka lang!" sagot ni Aron na nakasalubong ang mga kilay.
"Grabe ka naman! Ano ba ang masama kung pupunta ako?" nakasimangot na tanong ni Mandy.
"Walang sapatos sa negosyo ko!" sagot ni Aron at pinabilisan ang pagpatakbo ng sasakyan. Hindi na rin nakipagtalo pa ang dalawang dalaga dahil mukhang mainit ang ulo ni Aron kanina pa.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon