38

2.1K 80 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 38

Unedited...
"Taira? Si Aron po?" tanong ni Mandy nang maupo sa sofa ng sala nina Aron.
"Himala, manliligaw ka kay Kuya?" tanong ni Jairah na nakabihis kasama ni Taira. Alas kuwatro na ng hapon at may lakad silang kambal at para sabay na ring mag-dinner mamaya sa labas.
"Kaya nga ayaw talaga kitang maging kaibigan!" wika ni Mandy, "Saan na ang kuya mo?" pagmamaldita niya.
"You mean, si Stupidman?" tanong ni Jairah.
"Sinong Stupidman?" nagtatakang tanong ni Taira.
"Si Kuya, stupidman tawag niya kay Kuya," nakasimangot na sagot ni Jairah.
"So? Ano ang gusto mo?" taas noong sabat ni Mandy, "Gusto mo ring tawagin kitang Stupidgirl kasi magkapatid kayo?"
"Kita mo, ang bastos mo talagang kaibigan!" nakasimangot na sabi ni Jairah.
"Pasalamat ka, nasa bahay ninyo ako kaya matapang ka!" prangkang sabi ni Mandy, "Isa pa, pakibukas ng utak mo para isigaw sa brain cells mo na hindi kita kaibigan!"
"Kaibigan kita!" giit ni Jairah.
"Yuck! Hindi kaya!" nandidiring sabi ni Mandy.
"Kaibigan kita!"
"Hindi!" -Mandy
"Hmp! Alam mo, pasalamat ka nga dahil itinuturing pa kitang kaibigan dahil kung wala ako, sino pa ang magmamahal sa 'yo?"
Natigilan si Mandy pero nang makabawi ay nakakamatay ang mga matang tinitigan ni si Jairah.
"Kahit kailan, hindi ko hiningi na maging kaibigan ka at kahit kailan, hindi ko ihiniling sa 'yo na mahalin mo ako!" taas noong sagot ni Mandy. Para ano na mamalimos siya? Hindi niya kailangan ang pagmamahal ng kahit na sino as long na may pera ang pamilya niya at nabibili ang gusto! She was used to to it.
"Mandy, pasensiya ka na kay Jairah," paumanhin ni Taira.
"Sanay na ako sa ka-cheap-an niya!" sabat ni Mandy.
"Mas lalo na ako! Sanay na ako sa pagiging palengkera niya!" sabat ni Jairah. Natututo na nga siyang sumagot kay Mandy. Tutal, wala rin namang magbabago kahit na magpakabait siya rito.
"Nakabihis kayong kambal, umalis na nga kayo!" pagtataboy ni Mandy.
"Makapalayas ka sa amin, parang sa 'yo ang bahay ah!" pagmamaktol ni Jairah.
"Sige, hintayin mo lang si Kuya, pababa na 'yon," napailing na sabi ni Taira. Kahit minsan lang silang nagkikita ni Mandy dahil sa Westbridge siya nag-aaral, sanay na siya sa ugali nito.
"Babymine ko!" tawag ni Sky na papasok.
"Huwag na kaya akong sumama, mukhang akong alalay sa inyong dalawa!" reklamo ni Jairah.
"Mabuti at alam mong mukha kang alalay!" natatawang sabi ni Mandy para mas lalong magalit si Jairah.
"Hi, Mandy, nandito ka pala?" masiglang bati ni Sky at inakbayan si Taira.
"Ano ang problema kung nandito ako, Sky?"pagmamaldita ni Mandy.
"Kahit kailan, maldita ka talaga!" sabat ni Sky saka may ibinulong kay Taira na ikinasama ng mukha ng dalaga.
"Maldita talaga ako! Nagpakasal kayo pero ang mga magulang pa rin ninyo ang sumusuporta sa inyo? Hindi ka ba nahiya, Sky?" prangkang tanong ni Mandy. Kasal na sila, siya pa nga ang nakakuha ng bulaklak na inihagis ni Taira at si Alwyn ang nakasalo ng garter.
"Grabe ka naman, wala naman akong dapat na ikahiya dahil mahal ko ang babymine ko," nakangising sagot ni Sky na tila proud na proud pa sa sarili.
(Sky Villafuerte. Hi sa new readers. Story nina Sky at Taira ay sa My Trip Buddy, tnx.)
"Hindi nakakabusog ang pagmamahal! Kung kasing pobrr at walang kuwenta mo ang mapapangasawa ko, huwag na!" sabi ni Mandy kaya napakamot na lang sa ulo si Sky. Lahat naman sila, hinuhusgahan siya.
"Alis na kami," pag-iwas ni Taira para hindi na humaba pa ang usapan at hinila na si Sky palabas ng bahay. Sa totoo lang, tama naman si Mandy. Kahit siya, hindi niya alam kung ano ang magiging buhay nila lalo na ngayong kasal na sila ni Sky na walang ibang ginawa kundi puro kalokohan. Could laughter change their lives? Hindi niya alam pero sana, magseryoso naman ang asawa sa buhay.
"Kanina ka pa ba?" tanong ni Aron na kakababa lang ng hagdan.
"Medyo, kaya may bayad ng pizza ang paghihintay ko."
"Saan mo gusto?"
"Kahit saan basta masarap!" -Mandy.
"Sige, sa friend nina Mommy, dalhin kita mamaya after ng swimming."
"Hindi ba puwedeng magpa-deliver?"
"Hindi puwede."
"Sila lang ang nagbebenta ng pizza na walang delivery!"
"Bago pa lang kasi," sagot ni Aron at naglakad palabas sa swimming pool.
Kahit paano, natututo na si Mandy dahil takot na hindi na ni Aron turuan. Ilang weeks na lang kasi at practicum na nila.
Matapos ang dalawang oras na pagtuturo, naligo si Mandy at nagpalit ng damit.
"Wait mo 'ko rito sa sala, magpapalit lang ako ng damit. Kakain tayo sa restaurant," paalam ni Aron kaya sumimangot si Mandy.
"Ako ang babae, ako pa ang maghihintay? Pizza lang ang gusto ko! Sa Yellowcab ka na lang mag-order para maiuwi ko!"
"Nagpa-reserve na ako sa katulong kanina kaya sa restaurant tayo mag-dinner dahil gabi na."
Matapos ang sampung minuto, tapos na si Aron dahil baka pagbaba niya, wala na si Mandy kaya nagpapasalamat siya nang madatnan itong nakasimangot sa sala.
"Bakit isang oras kang nagbihis?" tanong nito.
"Ten minutes lang kaya," pagtatama niya.
"Isang oras!" giit ni Mandy kaya hindi na siya nakipagsagutan. Wala naman siyang panalo rito.
Pumasok sila sa building at sa 25th floor sila bumaba.
Ang buong floor ay sakop ng isang mamahaling restaurant. Iilan lang ang costumer na nasa paligid. Mostly ay mga mag-asawa o magkasintahan. Ito ang isa sa pinakasikat na restaurant ng mga celebrity couple dahil ang ganda ng setup at kahit mahal, sulit naman ang lasa ng pagkain. Malalaking kandila ang nagsisilbing ilaw sa buong restaurant na sa bawat mesang may tao ay may isang kandila lang. Puti ang table cloth at nakikita nila ang mga umiilaw na gusali mula sa loob dahil sa glass window.
"Bakit dito mo ako dinala? Romantic restaurant naman 'to!" nakasimangot na tanong ni Mandy.
"Maupo ka na lang at kumain!" sabi ng binata.
"Dito mo ba dinadala si Bakeshop?" tanong ni Mandy habang naghihintay ng pagkain.
"Hindi ko pa siya nadala rito. Gusto ko sana siyang dalhin kaso nag-break na kami," casual na sagot ng binata.
"E di makipagbalikan ka!" sulsol ng dalaga.
"Mahirap nang ibalik ang nasirang tiwala," sagot ni Aron na nakita ang waiter na palapit na sa kanila.
Habang kumakain, paminsan-minsan niyang sinusulyapan si Mandy na maganang kumain pero hindi nito ginagalaw ang boneless bangus.
Magiliw itong kumain at walang pakialam sa paligid lalo ma sa kaniya. Kahit ang pagsubo at bawat paggalaw ng mga kamay ay hindi maikailang galing ito sa mataas na pamilya ng lipunan.
"Labas tayo sa terraza mamaya, maganda ang tanawin," sabi ni Aron habang nagpupunas na ng bibig.
"Bahala ka," sagot ni Mandy na patapos na rin.
Inalalayan siya ng binatang tumayo at iginiya palabas ng restaurant para lumabas sa terraza ng restaurant na kaagad sumalubong sa kanila ang malamig na simoy ng hangin.
"Maganda ba?" tanong ni Aron habang nakatanaw sa buong ka-Maynilaan na napupuno ng iba't ibang kulay ng ilas mula sa matataas na gusali.
"Yes, breathtaking!" sagot ng dalaga at niyakap ang sarili nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Naka-sleeveless pa naman siya.
"Here." Naramdaman ni Mandy ang mainit na tela na dumampi sa balat niya, ang Jacket ni Aron, "Baka sipunin ka."
Inayos ni Mandy ang pagkakasuot dahil hindi niya kaya ang ginaw. In fairness, ang bango ng jacket, amoy Aron.
"Aron ko? Balik na tayo sa loob, ang ginaw!" yaya niya. Napapitlag siya nang maramdaman ang mainit na bisig nito na pumulupot sa bewang niya. Ang init ng dibdib nito sa likod niya ay nagpatanggal ng lamig sa kaniyang katawan.
"Mamaya na, maganda ang view rito. Sayang din naman kapag hindi mo ma-enjoy dahil lang sa giniginaw ka," bulong ni Aron at ipinatong ang baba sa balikat ni Mandy.
"Aron ko? Makati, City na riyan?" tanong ni Mandy at itinuro ang may pinakamataas na building.
"Yes, Mandy ko," sagot ni Aron kaya nagkasalubong ang mga kilay ni Mandy.
"Ayaw kong tawagin mo ako ng ganiyan!"
"Gusto ko, eh!" sagot ni Aron at pinaharap niya si Mandy. Sa tulong ng ilaw sa poste, napagmasdan niya ang mukha nitong sasabak na naman sa giyera.
"Uwi na tay--uhmp!" Her eyes widened when he kissed her softly. Pakiramdam niya, tumigil ang ikot ng mundo. It is very soft and passionate kiss that she couldn't resist. She closed her eyes and feel the kiss that gives her shivers down her spine. Hinapit siya nito sa bewang para mas magkalapit ang kanilang mga katawan.
She can feel his tongue knocking her lips so she opened her mouth and gladly welcomed his tongue. Hindi niya alam kung paano kaya hindi siya makagalaw. Isa pa, nangangatog ang mga tuhod niya kaya ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ni Aron. He is sipping her tongue kaya wala siyang nagawa kundi ang mapalunok ng laway.
He pressed himself more against her and deepened the kiss. Mandy has the most delicious lips lalo na ngayong nananamnam na niya ang bawat sulok ng malambot nitong mga labi. He was neither rough nor gentle but he kissed her with passion.
Tumigil si Aron at pinagmasdan ang mukha ni Mandy na nakadilat na kaya sumimangot ang dalaga.
"Nextime, magpaalam ka naman kapag halikan mo ako!" sabi niya na ang mga kamay ay sa leeg ni Aron at ang mga kamay nito ay nasa bewang pa rin niya.
"Hmmm? Kailangan pa ba 'yon kung gusto ko nang gawin?" nakangiting tanong ng binata kaya mas lalong sumimangot ang dalaga.
"Dapat lang! Hindi ako papayag na basta ka na lang gumawa ng isang bagay na walang pahintulot ko!"
"Paano kung ibang tao ang humingi ng pahintulot na halikan ka, papayag ka ba?" Ang cute nito habang naka-pout na nanlilisik ang mga mata. Until now, parang bata pa rin ang tingin niya kapag mainis ito kaya ang sarap asarin.
"Ayoko!" sagot ng dalaga, "Hindi naman malandi ang lips ko!"
"Paano kung si Liam?" naniningkit ang mga matang tanong ni Aron. Napabalitaan niyang palagi silang nagde-date.
"Ayoko! Nauna ka na eh!"
Napangiti si Aron. Ibig sabihin, siya pa rin ang nagmamay-ari ng mga labi nito. "Bakit ka nakangiti?"
"Wala lang. Masaya lang ako dahil faithful pala ang mga labi mo?" tukso niya saka napasulyap sa manipis na mga labi ng dalaga. Kanina lang, hinahalikan pa niya ito. Natutukso tuloy siyang tikman ulit.
"Asa ka!"
"Mandy?" tawag niya.
"Hmmm?" tanong ng dalaga na nakatingala sa kaniya.
"Curious lang ako. Nagmahal ka na ba?" tanong ni Aron at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Napaisip si Mandy. Nagmahal na nga ba siya maliban sa magulang niya? "Wala akong maalalang nagmahal ako maliban sa pamilya ko."
"Ayaw mo bang makapag-asawa? Iyong bubuo ng pamilya kasama ang taong mahal mo?"
"Wala akong balak na mag-asawa at mas lalong ayokong magmahal," seryosong sagot ni Mandy. Ne minsan, hindi sumagi sa isip niya ang bagay na iyan.
"Why?"
"Bakit? Kasi ayaw ko," sagot ng dalaga, "Kasi hindi naman ako kamahal-mahal," mahinang dagdag niya. Sino ba ang magmamahal sa isang kagaya niya? Maliban sa mayaman, ano pa ba ang habulin ng mga ito sa kaniya? Wala na.
Ilang segundo ang namagitan sa kanila. Pareho lang na nakatutok ang mga mata sa mga ilaw sa paligid. Tahimik dito sa itaas at kahit na may iilang magkasintahan sa paligid, wala ring ingay dahil mga nagbubulungan o 'di kaya'y malayo ang distansiya nila sa mga ito.
"Mandy?" tawag ni Aron at muli siyang hinarap, "Sabi mo, kapag may gusto akong gawin sa 'yo, magpapaalam ako sa 'yo?" seryosong tanong ng binata.
"Oo," sagot niya saka tumango-tango pa. Mukhang wala rin namang pakialam ang mga nasa paligid nila.
"Mandy? Ahm..." Hinihintay niya kung ano ang hihilingin ni Aron pero mukhang nag-aalinlangan pa ito.
"P-Puwede ba kitang mahalin?" seryosong tanong ni Aron kaya napasimangot si Mandy at itinulak siya.
"Mandy, sanda--"
"Hindi maganda ang biro mo!"-Mandy
"Gusto mo ba ng seryoso?" tanong ni Aron na nakasunod sa dalaga kaya tumigil ito at muli siyang hinarap.
"Oo, gusto ko ng seryosong usapan!"
"Fine!" Itinaas ni Aron ang mga kamay bilang pagsuko, "Seryosong tanong na."
"What?"-Mandy
Hinawakan ni Aron ang mga kamay niya at sinalubong ang mga nagbabagang mga mata ng ni Mandy, "Puwede ba kitang mahalin?"
Iniwas ng dalaga ang mga mata dahil puno ng sinsiridad ang mga mata ni Aron.
"Halika na, ihahatid na kita," yaya ni Aron kaya nagpahila siya. Paano niya ito paniniwalaan kung ito mismo ang nagsabi at nagparamdam sa kaniya na hindi siya kamahal-mahal?

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon