10

1.6K 59 4
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...
"Kamusta ang party ng friend mo?" tanong ni Aron nang sinundo niya ito para ihatid sa school bago dumiretso sa CTU. Sina Jairah ay ang ama na ang naghatid at si Taira ay kanina pa itinakas ni Sky. "Pasensya ka na, ginabi kami. Alam mo namang malapit na ang PRISAA kaya busy na kami sa pagpa-practice." Hanggang alas nuwebe ang training nila.
"O-Okay lang," sagot ni Julie at pinagmasdan ang mga sasakyang nakakasabay nila.
"Nag-enjoy ka pa? Pasensya na, hindi kasi ako party goer eh," paumanhin niya. Gustuhin man ni Aron, hindi siya makakaabot sa party. Kaibigan daw nito ang pupuntahan.
"W-Wala iyon. Nandoon naman ang mga kaibigan ko," sabi ni Julie para hindi na mag-alala ang binata.
"Sino pala ang mga sasali sa Westbridge sa swimming? Sila pa rin ba?" Nakakalungkot isipin na makakalaban na niya ang mga dating kasama.
"Oo, pero may mga dumagdag din," sagot ni Julie.
"Sino ang team captain nila? Sino ang pumalit sa akin?"
Napayuko si Julie at napakagat sa ibabang labi.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ng binata at pinabagalan ang pagpatakbo.
"W-Wala naman. Si Jerome ang pumalit sa 'yo." Maliban sa pagiging racer, swimmer din si Jerome. Minsan na silang nagkalaban noon ni Aron pero mas mabilis pa rin ang binata.
"Siya pala ang pumalit. Mabuti at magaling na ang sugat ng mokong na iyon!" sabi niya. Kaibigan ng triplets si Jerome kaya naging kaibigan na rin nila. Naaksidente ito sa huling drag race na muntik na nitong ikinamatay.
"O-Oo," tipid na sagot ni Julie.
"Babes? Kapag graduate na tayo, saan mo gustong ipatayo natin ang bahay?" tanong ng binata. Malaki na ang naipon niya dahil malaki ang kita ng bar niya. Tinitipid din niya ang allowance dahil balak niyang magpatayo ng restaurant.
"A-Aron? Puwede bang sa sunod na lang natin 'yan pag-usapan?" pakiusap ni Julie. Iyan na lang palagi ang pinag-uusapan nila, ang tungkol sa future nila bilang mag-asawa.
"Sorry, babes, excited lang ako na bumuo na tayo ng pamilya." Wala naman siyang nakikitang mali sa pagplano niya para sa kanila ni Julie. Mahirap nang magpakasal na wala pang ipon. Iba na ang handa. Hindi naman biro ang magkapamilya. Nasanay lang siguro siya sa amang si Tyron na double kayod noong bata pa siya para sa kapag bumalik ang Mommy Aira nila, mabubuhay na nito ang buong pamilya. Nakita naman niya kung gaano pinagsisisihan ng ama ang kasalanan at nagpapasalamat siya dahil naging buo ulit ang pamilya nito at kasama pa siya. Napahigpit ang pagkahawak niya sa manibela nang biglang narinig ng utak ang sinabi ni Mandy sa kaniya.
"Aron? Paano kung hindi ako ang babaeng makatuluyan mo?" tanong ni Julie na nakaharap sa binata. Mahal niya si Aron. Ideal man niya ito. Sino ba ang tatanggi da binata? Husband material 'ika nga. Guwapo, habulin ng babae, mayaman, masipag at higit sa lahat, faithful.
"Kung hindi ikaw, sino?" tanong ni Aron at nag-U-turn. "Hindi ko nakikita ang sarili kong may pinapakasalang ibang babae. Ikaw lang ang gusto kong mapangasawa, Julie. Ikaw lang ang pangarap kong maging ina ng mga anak ko," seryosong pahayag ng binata. Lahat ng katangiang gusto niya sa babae, kay Julie niya nakita.
Hindi na nakaimik pa ang dalaga. Kung tutuusin, wala na siyang hahanapin pa sa ibang lalaki dahil lahat ng katangiang gusto niya, nasa kay Aron na pero bakit gano'n? Bakit parang may kulang?
Ilang sandali pa, inihimpil niya sa tabi ng kalsada ang sasakyan.
"Ingat ka, sunduin kita mamaya," sabi ni Aron nang pagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Good morning, Julie!" bati ni Jerome na papalapit sa kanila na may bitbit na pagkain.
"'Tol, ikaw na muna ang bahala sa girlfriend ko," bilin ni Aron.
"Sure!" nakangiting sagot ni Jerome. "Ako ang bahala kay Julie," makahulugang sabi nito kaya napayuko ang dalaga.
"Mauna na ako, Aron," paalam ni Julie at mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi ang kasintahan. Hindi na niya hinintay na may magsalita pa sa dalawang binata at mabilis na siyang pumasok sa gate.
"Mauna na ako, Jerome, may pasok pa ako," paalam ni Aron at muling sumakay sa sasakyan.
Pagdating niya sa CTU, ipinarada niya ang sasakyan.
"Hi, Aron! Good morning!" bati ni Joyce na nakangiti sa kaniya.
"Morning," tipid na sagot niya.
"Papunta ka na sa classroom?"
"Yes," sagot ng binata.
"Sabay na tayo. Iisa lang naman ang silid-aralan natin," masayang sabi ng dalaga. Kahit na sinusupalpal siya minsan ng supladong binata, hindi niya maiwasan ang paghanga rito.
"Jerome? Kamusta ang practice ninyo kagabi? Kasama mo ang pinsan ko, si Karlo!" pag-uumpisa ni Joyce. Lihim na napangiti siya nang makita ang inggit sa mga mata ng kababaihang nadadaanan nila.
"Okay lang, pinsan mo pala siya? Hinimatay siya kagabi," sagot niya.
"Yes, may hika kasi 'yon kaya ayaw payagan ni Tita na sumali dahil baka sumpungin," sagot ni Joyce.
"Oo nga, tinanggal na siya. Bawal daw sabi ni couch," sagot ni Aron. Naging madaldal yata siya ngayon at nasa mood na kausapin si Joyce. Mabait naman ito. May times lang na nilalandi siya ng dalaga.
"Mabuti naman. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya," pagsang-ayon ng dalaga. Nag-aalala rin naman siya para da hikaing pinsan. Kahit na may gamot ito, wala rin namang eksaktong oras dumadating ang hika.
Pagpasok nila ng classroom, dumiretso si Aron sa upuan dahil nag-a-attendance na ang guro.
Pagkatapos ng klase, nahuli siyang lumabas.
"Kuya!" tawag ni Jairah habang papalapit sa kaniya. Isa pa 'tong kapatid niya. Nahawa na ng ugali ni Mandy na kapag sumigaw, parang sila lang ang tao sa paaralan.
"Ba't ka ba sumisigaw? Para kang taga bundok!" aniya.
"Kuya, nakalimutan ko ang baon ko, pahiram ako," naiiyak na sabi ni Jairah. Wala talaga siyang pera.
"Magkano ang kailangan mo?"
"Isang libo."
Dinukot ni Aron ang pitaka sa bulsa. "Ito dalawang daan." Inabot niya ang buong pera.
"Kuya naman!" nakasimangot na reklamo ng dalaga.
"Ang sabihin mo, isa-shopping lang ninyo ni Mandy!" napipikon na sabi niya. Libre lang ang pagkain nito kapag nandito sa loob ng CTU kakain. Hindi naman ito nagta-taxi dahil magkasama sila at kung hindi sinusundo naman ng ama nila.
"Narinig ko yata ang pangalan ko?" maarteng tanong ng babaeng sa likuran ni Aron. Hindi na niya kailangang lumingon pa. "Ano ang kinalaman ko sa usapan ninyo?"
"Pwede bang huwag mo nang yayain si Jairah na mag-shopping o bumili ng mamahaling gamit? Kaya nauubos ang pera niyan eh!" sabi ni Aron. Natututo na ring magsinungaling ang kapatid sa mga magulang nila para lang sa luho. Madalas ding tumakas ito at pumunta sa kung saang party.
"Kuya naman, tama na," pakiusap ni Jairah. Mabuti na kang dahil sa pinakadulo ang classroom sila ng hallway kaya walang gaanong estudyanteng nakakarinig.
"At ano ang kinalaman ko sa pinaggagawa ng kapatid mo?" nakapamewang na tanong ni Mandy.
"Dahil sa 'yo, nauubos ang savings niya!" sagot ni Aron. Wala nang natira sa account ng kapatid dahil naubos sa pag-shopping. Malaki rin ang babayaran ng ama sa credit card nito.
"Ikaw Aron, sumusobra ka na ha!" sabi ni Mandy na kumulo ang dugo. "Ano ang gusto mong gawin ko? Magpakabait at kunyari, ako ang pinakamatinong babae sa buong mundo?" Shopping is life para sa kaniya. Kahit na wala nang lovelife basta may pang-shopping siya.
"Magtipid kayong dalawa!" suhestiyon ni Aron. Ayaw talaga niya sa babaeng maluho. Alam niyang hindi ganoon si Jairah pero biglang naging gastadura nang lumipat dito sa Pinas si Mandy.
"Tipid mo mukha mo! Tatay ba kita? Magreklamo ka kung pera mo ang pinambayad ko! Itong kapatid mo ang pagsabihan mo at huwag ako dahil hindi ko problema kung bakit mas mayaman kami kaysa sa inyo!" pagmamayabang ni Mandya kaya natahimik na lang si Jairah. Heto na naman ang sigawan ng dalawa at kapag ganito na, wala nang makakapigil sa mga ito.
"Kaya nga huwag na kayong magsamang dalawa!"
"At sino ang isasama ko? Ang girlfriend mong kunwari, anghel pero nagpapatira naman sa iba?" panunuya ni Mandy.
"Huwag mong salitaan ng ganiyan si Julie!" Tumaas na ang boses ni Aron. Insultuhin lang siya nito pero huwag ang babaeng pinakamamahal niya.
"Bakit? Hindi mo matanggap na ganyan ang girlfriend mo?" Ayaw niyang magpatalo. Bakit ba? Tama naman siya.
"Hindi mo kilala si Julie kaya huwag mo siyang bastusin sa harapan ko!"
"Really? Bakit ikaw? Gaano mo kakilala ang malanding kasintahan mo?"
Palipat-lipat ang mga mata ni Jairah sa dalawa. Alam niya kung gaano kamahal ni Aron si Julie kaya ramdam niya ang galit ng kapatid kay Mandy.
"Hindi siya malandi at hindi siya kagaya mo!" Pikon na siya! Kilala niya si Julie at alam niyang mali ang ipinaparatang ni Mandy sa kasintahan.
"Hindi naman talaga siya kagaya ko dahil hindi ko ugaling magpatuhog kahit kanino!"
"Tama na Mandy! Huwag mong idamay si Julie sa usapan natin!" sabi ni Aron. Hindi niya kaya. Mataas ang respeto niya sa kasintahan para lang insultuhin ng kapwa babae. Ne sa panaginip, hindi niya naisip na lolokohin siya ni Julie dahil hindi ito kagaya ng ibang babae.
"Sinasabi ko lang sa 'yo ang totoo! Kung ayaw mong maniwala, bahala ka! Pakialam ko sa buhay ninyo! Mabuti nga sa 'yo! Kaya ka niloloko dahil ang boring mo! Para kang tatay magsalita! Ang sama pa ng ugali mo!" mahabang litanya ni Mandy at tinalikuran ito. Para ano na ipaalam niya ang nalalaman? Hindi naman siya paniwalaan nito. Isa pa, masaya naman siya kapag masaktan si Aron. Karma 'ika nga. Ang sama rin naman ng ugali nito kaya dapat lang na lokohin ito ni Julie. At least nakakaganti siya na iba ang gumawa.
"Kung balak mong sirain ang relasyon namin, huwag mo nang ituloy, Mandy! Hindi kita mapapatawad kapag nagkataon!" pagbabanta ni Aron kaya ngumisi si Mandy.
"Kung masira man ang relasyon ninyo, hindi ako ang dahilan kundi ang katangahan mo! Stupidman!" panunuya niya saka humakbang na palayo sa magkapatid. Mula ngayon, stupidman na ang itatawag niya sa binata dahil isa itong dakilang tanga!

 Mula ngayon, stupidman na ang itatawag niya sa binata dahil isa itong dakilang tanga!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon