CHAPTER 58
Unedited
"Thanks God it's Friday!" masayang sabi ni Mandy nang lumabas ang prof nila sa last subject.
"Ba't ba palagi ka na lang nagpapasalamat kapag Friday?" tanong ni Jesel. Ganiyan 'yan kapag Friday, palaging nagpapasalamat at tuwang-tuwa pa. Hindi naman sa hindi siya nagpapasalamat pero hindi naman ganito si Mandy palagi, ngayon lang.
"Ano ba ang paki mo? E, nasisiyahan ako kapag Friday? Mind your own business!" pagsisinuplada ni Mandy at napangiti nang makita ang sundo niya sa classroom kaya kinuha na niya ang bag at patakbong lumabas.
"Aron ko!" sigaw niya kaya nagulat ang ibang kaklase.
"Hi!" nakangiting bati ni Aron nang nasa harapan na niya ang kasintahan.
"Kiss mo 'ko!" sabi ni Mandy kaya natatawang hinapit niya ito sa bewang at mabilis na ginawaran ng halik sa mga labi.
"Halika na," yaya ng binata at inakbayan si Mandy. Inilagay naman ng dalaga ang kanang kamay nito sa bewang.
"Kuya Aron, sama ka sa amin mamaya, pupunta kami sa bar mo," yaya ni Lance Leonard nang makasalubong nila.
"Hindi puwede!" tanggi ni Mandy.
"Sumama ka na rin Ate para masaya tayo," yaya ng pinsan.
"Wala naman tayong gagawin mamaya, Mandy ko, sama na tayo," pagyaya ni Aron. Nakakahiya naman sa apat na hindi siya sasama lalo na't siya ang may-ari ng resto bar.
"Marami pa tayong gagawin!" nakasimangot na sabi ni Mandy, "Susubukan pa natin 'yong helicopter style," pabulong na sabi niya. Iyon ang nakalista sa sched nila. Talagang nag-research siya para roon.
Kinuha ni Aron ang panyo saka pinahidan ang noo. Pakiramdam niya ay namamawis siya. Kainis itong si Mandy! Palagi siyang excited pagsapit ng Friday dahil sa milagrong gagawin. Actually, hindi niya alam kung paano gawin ang tinutukoy nitong helicopter style pero sige na lang. Bahala na si Mandy sa wild imaginations nito. Araw-araw, ito ang pinag-iisipan niya. Palagi nga silang nagtatalo pero wala rin siyang magawa kaya sinusunod na lang niya. Tutal, nag-ienjoy naman siya sa ginagawa nila. Mas exciting pa nga e.
"May kuwarto naman ako sa bar kaya roon na tayo matulog, Mandy ko," sabi niya. Puwede namang mag-enjoy muna bago nila gawin ang nasa plan list nila.
"Pumayag ka na po, Ate. Ang killjoy mo naman," sabi ni Lance Leonard.
"Sige na nga!" nakasimangot na sabi ni Mandy at hinila na si Aron patungo sa parking lot.
Pinagbuksan niya si Mandy ng pinto sa front seat at nang makapasok ay umikot siya patungo sa driver's seat.
"Sa bahay tayo diretso!" nakasimangot na sabi ni Mandy.
"Doon naman tayo didiretso, 'di ba?" sagot ni Aron at napasulyap sa kasintahan na hindi maipinta ang mukha.
"Gagawin natin ang helicopter bago tayo pupunta sa bar!" giit ni Mandy.
"Walang problema," sagot ni Aron, "Paano ba gagawin 'yon?" Sa lahat ng magkasintahan, sila talaga ang may schedule ng mga position at hindi nawawalan ng idea ang girlfriend niya.
"Basta umiikot-ikot ang nasa itaas na para bang pakpak ng helicopter!" sagot no Mandy.
"Nakakapagod yata 'yon. Kaya ba natin?" sagot ni Aron perp napahigpit ang pagkahawak niya sa manibela dahil sa nanlilisik na mga mata ng dalaga, "Susubukan natin mamaya kaya ayusin mo na nga ang mga mata mo, hindi ko alam kung nasasaniban ka o ano e," pakiusap niya.
"Kung hindi mo kaya, upong labandera na lang tayo." Muntik na niyang mabangga ang sasakyan sa poste.
"Ano 'yon?" curious na tanong niya.
"Upung labandera! Huwag kang mag-alala, ako ang gagawa!" naiinis na sabi ni Mandy kaya binilisan na ni Aron ang pagpatakbo ng sasakyan.
Pagdating sa bahay nina Mandy, wala ang mga magulang nito kaya diretso sila sa kuwarto niya.
"Maligo tayo, Aron ko," sabi niya at walang hiyang naghubad sa harapan ni Aron kaya naghubad na rin ang binata.
"Bawal tayo mag-sex sa shower room dahil baka mawalan ka ng lakas para sa helicopter kaya maligo lang tayo," sabi ni Mandy bago sila pumasok.
"Aron ko? Sabon mo 'ko!" parang batang paglalambing niya kaya sinabunan siya ng binata. Ganoon din siya. Matapos ang ilang minuto, buhat na siya ni Aron pabalik sa kama matapos tuyuin ng towel ang kanilang mga katawan.
Sinubukan nila ang sinasabi ni Mandy na helicopter. Nakakapagod pero okay naman si Aron. Pareho naman silang na-satisfy. Dahil pagod na ang binata, si Mandy naman ang gumawa ng upong labandera. Mas nagustuhan ito ni Aron dahil ang dalaga ang gumagawa.
Alas diyes na sila nang makarating sa resto bar. Nasa labas ng VIP room ang quadruplets.
"Bakit dito kayo sa labas?" tanong ni Aron nang maupo.
"Mas maganda rito dahil marami ang tao, baka makahuli ng chiks!" pilyong sagot ni Lee Patrick.
"Ano ang nangyari sa 'yo at para kang namatayan?" tanong ni Mandy kay Lance Leonard.
"Wala po," sagot ng binata.
"Dapat masaya ka na dahil bumalik na si GV," sabi ni Mandy.
"Oo nga! At babaeng-babae na siya, ha." pagsang-ayon ni Jacob.
"Magkasama sila ni Jiro!" salubong ang kilay ni Lance Leonard.
"Pakana mo rin ako ang lahat kaya huwag kang umakto na para kang nagseselos!" sagot ni Mandy at dumikit kay Aron. Pagod siya! Letse lang na upong labandera, nakakapagod sa tuhod! Si Aron naman, sarap na sarap pa talaga kanina. Ang lakas pa ng ungol at request na bilisan daw niya. Siya namang nahawaan ng pagiging uto-uto, binilisan din niya kaya hanggang ngayon, nanginginig pa ang mga tuhod niya. Nawalan talaga siya ng lakas. Si Aron ay parang lantang gulay na nakikinig lang sa usapan.
Nag-order sila. Si Mandy naman ay inom nang inom habang si Aron ay nakaalalay sa kaniya. Nang magsimulang mag-ingay si Mandy, binuhat na ni Aron papasok sa silid niya. Wala itong bukambibig kundi mag-helicopter daw sila. Takang-taka naman ang quadruplets kung ano ang helicopter na sinasabi nito.
-------------
"Bakit ka nakipagkita kay Liam?" galit na tanong ni Aron.
"Ano ang masama kung makipagkita ako? E, kaibigan ko siya!" sagot ni Mandy. Kakarating lang nito sa party na inihanda nina Sky dahil sa success ng business nito.
"Kahit na! Ako na ang kasintahan mo at hindi ka na dapat na sumama sa iba!" Nag-init talaga ang ulo niya kanina nang malamang wala itong pasok tapos sumama kay Liam at Jairah na mamasyal sa mall. Kung hindi pa niya tinawagan ang kapatid, hindi pa niya malamang nandoon su Mandy.
"Huwag kang mag-alala, Kuya, magkasama naman kami kanina," sabat ni Jairah.
"Hindi kita kinakausap, Jairah!" singhal ni Aron kaya natulala ang mga kaibigan sa kaniya. Kahit sina Jerome at Julie na kakarating lang ay napatingin sa kanila.
"Kuya... Huminahon ka po," pakiusap ni Taira na katabi si Sky. Nasa resthouse sila ngayon sa Batangas. Iilan lang naman ang imbitado. Silang mga Villafuerte at mga dati nilang kaibigan sa Westbridge.
"S-Sinisigawan mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Mandy, "Sabihin mo sa akin kung ayaw mo na sa akin, hindi iyong sigawan mo ako!"
Umiwas ng mga mata si Aron at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"Kung may problema ka, kausapin mo ako nang maayos! Wala naman kaming ginagawang masama ni Liam at kasama namin si Jairah!" Naningkit ang mga mata ni Mandy. Ngayon lang siya ginanito ni Aron sa maraming tao kaya hindi siya makapaniwala.
"Sorry, nadala lang ako," nahihiyang paumanhin niya dahil sila na lang ang pinapakinggan ng mga bisita.
"Uuwi na lang ako," paalam ni Mandy at tumayo pero kaagad siyang pinigilan ni Aron sa kanang kamay.
"S-Sorry kung nasobrahan ako pero Mandy ko, naiinis ako kapag may iba kang kasama."
Galit na hinarap siya ni Mandy, "Wala akong ginagawang masama!" singhal ng dalaga.
"Wala ka ngang ginagawang masama pero nagseselos pa rin ako!" singhal ni Aron kaya lahat sila ay natahimik at pinag-aralan kung seryoso ba talaga ito? Ne minsan, hindi ito nagwala. Kahit si Julie, nanibago rin sa ikinilos at sinabi ng dati niyang kasintahan. Kalmado ito sa lahat ng bagay pero sa nakikita niya ngayon, ibang Aron na ito.
"Tao lang ako at nagseselos din kapag makita kong may kasamang ibang lalaki ang babaeng mahal ko," mahinang pag-amin niya, "S-Sorry kung mali man ang magselos pero pakiramdam ko, inaagawan ako ng pagmamay-ari ko," taos-pusong paumahin niya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" nakasimangot na tanong ni Mandy at pinagmasdan si Aron. Kahit ang tainga, namumula na sa kahihiyan.
"S-Sorry, akala ko kasi, kaya kong pigilan kagaya ng dati," pag-amin niya. Sinusubukan naman niyang pigilan pero hindi na talaga niya kaya. Nagiging selfish na siya pagdating kay Mandy.
Ipinulupot ni Mandy ang kamay sa braso nito at nginitian ang kasintahan, "Nagseselos din naman ako kapag may kasama kang iba kaya patas lang tayo." Gusto niyang hilain ito para masolo sa kuwarto pero nakakahiya.
"Grabe! Tapos na ba kayo?" natatawang tanong ni Sky. Ang iba ay ipinagpatuloy na ang pagkain at pag-inom.
"Huwag mo nga silang istorbohin, minsan lang mag-moment si Aron kaya pagbigay na natin," sabi ni Blue.
"Pakialamero kasi!" tipid na sabi ni Black sa ka-triplets.
"Alam mo, may gayuma ako rito," sabi ni Sky, "Gusto ninyo? Para sure na kayong walang hiwalayan. Kapag sino ang makita mong mukha matapos mong inumin, iyon ang kaka-inlove-an mo."
"Saan galing ang gayuma? At sino ang gagayumahin mo?" galit na tanong ni Taira sa asawa.
"Babymine naman, ibinenta lang ito ng tindera sa Quaipo nang magsimba tayo. Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nagamit ito kahit kanino," paliwanag ni Sky.
"Sino ang gagamitan mo?" tanong ni Taira, "Ano? Sagot!"
"I-Ikaw sana," sagot ni Sky kaya bigla siyang binatukan ni Taira.
"B-Babymine naman, magpapaliwanag ako sa 'yo mamaya," naiiyak na sabi ni Sky.
"Hindi namin kailangan ang gayuma dahil mahal namin ang isa't isa," sabat ni Aron at pinaupo na si Mandy.
"Sus, aagawin sa 'yo ni Liam si Mandy. Bahala ka. Basta ako, gusto ko lang makatulong."-Sky
"Mahal mo ba talaga ako?" tanong ni Aron. Tumango-tango si Mandy pero hindi mawala ang pag-alala sa mukha ng mokong.
"Nadududa ka?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"H-Hindi a," tanggi ni Aron pero alam niyang hindi convincing. Kilala na siya ni Mandy. Buwesit kasi na Liam, palaging umeeksena.
"Akin na ang gayuma, Sky!" sabi ni Mandy.
"M-Mandy ko, hindi mo kailangang gawin," nauutal na sabi ni Aron.
"Tumigil ka!" sabi ni Mandy at inabot ang maliit na botilyang inabot ni Sky.
"Kailangan ubusin?" tanong ni Mandy.
"Kahit isang patak lang," sagot ni Sky.
Binuksan ni Mandy ang maliit na bote.
"M-Mandy ko..."
"Huwag mo akong pakialaman, Aron!" singhal ni Mandy at ininom ang laman ng puting bote hanggang sa maging kalahati na ito. "Mahal mo ako, Aron ko?" malambing na tanong ni Mandy. Pakiramdam niya, tumatalab na ang gayuma. Mas naging guwapo na si Aron sa mga mata niya.
"O-Oo naman, Mandy ko," sagot ni Aron. Ngumiti nang ubod ng tamis si Mandy saka niyakap ang kanang braso niya. Ang lambing yata nito sa kaniya?
"Puwes, inumin mo ang natirang gayuma," sabi ni Mandy at biglang lumungkot ang mga mata sa naging reaksiyon ni Aron, "Ayaw mo?"
"H-Ha? Nagulat lang ako, Mandy ko," sabi ni Aron saka ininom ang natirang gayuma sa bote. Matapos niyang inumin, hinalikan niya si Mandy sa mga labi.
"Halika nga ritong unggoy ka!" galit na sabi ni Taira habang hinihila ang tainga ni Sky.
"Araaaay! Babymine, matanggal ang tainga ko!" reklamo ni Sky. Malayo na sila sa barkada.
"Bakit ka may gayuma? At saan mo gagamitin? Dinamay mo pa sina Kuya sa kalokohan mo!" nakapamewang na tanong ni Taira. May iba na ba itong kinababaliwan para bumili ng gayuma?
Tumawa si Sky sa namumulang mukha ni Taira, "Nagseselos ka, Mine?"
"Hindi ako nakikipagbiruan, Sky!" singhal ni Taira kaya sumeryoso ang asawa, "Saan mo gagamitin ang gayuma mo?"
"B-Babymine, ahm..."
"Ano? Sagot?" singhal ni Taira kaya napakamot sa ulo si Sky.
"Naalala mo bang bago tayo pumunta sa Quaipo, nagpahanap ako ng bote sa katulong ninyo?" tanong ni Sky.
"O? Tapos?"-Taira.
"Humingi ako ng holy water kay Father para sana isaboy natin mamaya bilang pasalamat," sagot ni Sky.
"Hindi iyon gayuma?"
"Hindi ah! Aanhin ko ang gayuma e, patay na patay ka na sa akin!" pilyong sabi ni Sky kaya napatingin si Taira kina Aron at Mandy.
"E, bakit ang sweet na nila?"
"Malay ko?" inosenteng sagot ni Sky pero isinusumpa niya, holy water lang talaga ang laman ng bote at bindi gayuma.