13

1.8K 67 3
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13-

Unedited...
"Good luck sa laban mo mamaya, Kuya!" masiglang sabi ni Jairah. Nasa tambayan sila ngayon at kumakain ng tanghalian. Mamayang alas tres na ng hapon ang championship da swimming competition. Ang kung sino man ang mananalo, may chance na ipapadala ng Pilipinas sa Rio Olympics.
"Thank," sagot ni Aron. Tumayo siya.
"Tapos ka na, Kuya?" tanong ni LL.
"Oo, kaunti lang ang kakainin ko para hindi mabigat sa tiyan," sagot ng binata. Sapat lang para hindi siya magutom. Babawi na lang siya after ng laban.
"Nakapasok din pala si Kuya Jerome," sabi ni John Jacob.
"Oo," sabat ni Lee Patrick. "Nakita ko siya, ang bilis din niya bilang baguhan." Racer kasi talaga si Jerome at kulang sa proper training pero okay na rin.
"Okay na rin kapag manalo siya," ani Aron. Magkaibigan naman sila at para naman sa Wedtbridge kapag manalo ito. Minsan na rin niyang ipinaglaban ang paaralang iyon pero syempre, hindi siya magpapatalo.
Naupo siya sa sala at tinitigan ang cellphone. Anim na araw ang nakaraan nang mag-cool off sila ni Julie. Sabado na ngayon pero ne minsan, hindi man lang nagparamdam ang dalaga. Kahit siya, pinipigilan din niya ang sariling 'wag mag-text o tawag. Iniiisip na lang niya na after one week, babalik na sila sa dati. Iyon lang naman ang hinihingi ni Julie, kalayaan sa loob ng isang linggo.
"I miss you, Julie," bulong niya. Kung alam lang nito na hindi siya makakatulog gabi-gabi, matitiis pa kaya siya nito.
"Jairah? May pagkain pa?" tanong ni Mandy na kakapasok lang at ibinagsak ang shoulder bag sa tabi ni Aron.
"Oo naman," sagot ng dalaga.
"Kakain ako!" ani Mandy. Kanina pa siya nagugutom pero inayos pa niya ang hair extension. Napasulyap siya kay Aron na parang nanaginip nang gising habang nakatitig sa cellphone.
"Asa ka namang ite-text ka niya!"
Napatingala si Aron sa babaeng ubod ng maldita.
Minsan, ang sarap nang tusukin ng mga mata nito at ingudngod ang nguso sa maduming sahig.
"Wala akong panahon para makipagbangayan sa 'yo, Mandy."
"Wala rin naman akong pakialam sa buhay mo!" pagsisinuplada nito saka tinalikuran si Aron. Sino ba ito para pagtuunan niya ng pansin? Nagpabili siya ng bagong sapatos sa ama niya kanina dahil pupunta raw ito sa Barcelona para bisitahin ang kapatid niya pero nag-away lang sila ng ina dahil wala na raw pera ang ama kaya badtrip siya. Walang pera pero nagpabili lang ang ina ng bagong bag?
Tumawag na ang couch ni Aron para pumunta sa pool. Ala una na kaya magsisimula na sila ng exercise bago ng kumpetisyon.
"Ready ka na ba?" tanong ng couch.
"Yes, couch!" determinadong sagot ng binata.
"Good! Sana maipanalo mo ang labang ito."
"Susubukan ko dahil mabilis din ang mga kalaban," sagot niya. Isa na rito si Jerome. Ang iba ay hindi pa niya nakalaban noon kaya hindi niya alam kung gaano kabilis ang mga ito.
Paunti-unti nang dumarami ang pumapasok sa pool side.
"Julie," sambit ni Aron saka nilapitan ang dalaga na kasama ng mga kaklase nito.
"Hi!" masayang bati ni Aron. Hindi niya alam ang gagawin. Kung hahalikan ba niya ito sa pisngi o ano?
"H-Hello..." naiilang na sagot ng dalaga.
"Hi, Aron, good luck sa 'yo!" sabi ng kasama ni Julie na matagal na ring may gusto sa kaniya.
"Mabuti naman at makapanood kayo," sabi ng binata na hindi maitago ang saya sa mukha. At least nandito si Julie, gaganahan siya sa laban.
"Oo naman, may attendance kami mamaya," sabat ng bakla nilang kasama. Kapag walang attendance, wala ring +5 sa quiz.
"Napilitan lang?" biro ng binata at napasulyap kay Julie na hindi kumikibo.
"Medyo pero bet ko pa rin na panoorin ang laban ninyo. Alam mo na, kahit taga CTU ka na, gusto ko pa ring manalo ka," natatawang sagot bg bakla. "Pero mas bet ko pa ring manalo si Jerome kahit na injured siya."
"Injured? Ano ang nangyari sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Aron.
"Naaksidente siya kahapon. Napilayan nga pero lalaban pa rin," sagot ng katabi ni Julie.
"Ah, mahirap na kasing umurong dahil championship na," sabi ni Aron at napatingin sa couch na sumesenyas para lumapit na siya dahil magsisimula na ang competition.
"Mauna na ako, mamaya na lang," sabi niya at hinarap si Julie.
"Good luck!" mahinang sabi ng dalaga at nginitian siya.
"Salamat, babes!" sabi niya kaya nagtilian ang kasama ni Julie. Bago pa makapagsalita ang dalaga, mabilis na umalis na si Aron para makapagpalit na ng isusuot.
"Kaya mo 'yan. Remember our training!" sabi ng lalaking trainor niya.
"Thanks, couch!" sabi niya. 50 meters ang lawak ng pool. Kailangan nilang gumawa ng free style at butterfly stroke. Tuloy-tuloy 'yan. Mamaya sa medley relay, tatlo sila gamit ang free style, breaststroke at butterfly stroke.
Pumila na sila sa starting area. Pito silang maglalaban. Anim ang kailangan niyang talunin pero susubukan niyang manalo.
"Good luck, Aron!" bulong ni Jerome.
"Ikaw rin," sagot ni Aron at inihanda niya ang sarili. Nakakapanibago dahil iba na ang nagche-cheer sa kaniya at iba na ang chine-cheer ng mga dating kakampi niya. Isinuot na niya ang goggles at swimming cap at hinintay ang pitong hudyat para tumalon.
Prrrrt!
Sabay-sabay na nag-dive ang pito sa swimming pool. Sa abot ng makakaya, binilisan ni Aron ang paglangoy gamit ang free style. Hindi niya ibinuhos ang buong lakas. May butterfly stroke pa siyang natitira. Ang mahalaga ay hindi siya mawalan ng hangin at hindi magkapulikat ang mga paa.
Malakas na sigawan ang naririnig niya pero focus pa rin siya sa paglangoy kahit na hindi niya alam kung nasaan na ang mga kalaban niya. Basta lalangoy siya at bahala na kung ano o pang ilan siya sa resulta. Butterfly stroke na ang ginagawa niya. Paghawak niya sa wall, ibinigay niya ang buong lakas at bilis sa paglangoy pabalik sa finishing line. Nakikita na niya ang wall kaya matindi ang hiyawan. Alam niyang may nauna o may nahuli sa kaniya. He's just trying his best.
Pagdating niya sa finishing line, agad na lumingon siya. Saka naman dumating ang taga Arellano. Ilang metro pa ang layo ng katunggali niya. Ang mga taga CTU ay ang lakas ng tili at nagtatalon na.
Napansin niya ang dating couch niya sa Westbridge na tumalon sa pool.
"Si Jerome!" sigaw ni Sky kaya napatingin si Aron. Hinihila na ito ng ibang swimmer paakyat sa pool.
Lahat ay nagsitakbuhan kaya umahon siya at nagmamadaling nilapitan ang kaibigan.
"Damn! Jerome!" tawag ng couch nito at tinapik ang pisngi.
"I-I'm fine," namimilipit sa sakit na sabi ng binata habang nakahawak sa dumudugong paa dahil sa aksidente kahapon. Hindi rin niya maigalaw ang buong binti dahil sobrang sakit ng buto. Hindi pa magaling ang dating na-fractured na buto niya noong naaksidente siya sa pagre-race.
"Relax lang," sabi ng couch nang namilipit ito sa sakit.
"Pwede bang pakidaan kami at bigyan natin ng hangin ang pasyente?" pakiusap ng rescue team na may bitbit na emergency kit at spine board. Lumayo ng kaunti ang mga estudyante.
"Jerome!" Napalingon si Aron sa kasintahan.
"Julie," sabi niya pero nilagpasan lang siya nito at dumiretso kay Jerome.
"J-Jerome... O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya saka hinawakan sa kamay ang binata.
"I'm fine, h-huwag kang mag-alala." Kahit na sumasakit na ang paa niya, sinikap niyang ngumiti sa dalaga para mabawasan ang pag-aalala niya rito.
"N-Natakot ako. A-Akala ko kung ano na ang n-nangyari sa 'yo," umiiyak na sabi ni Julie at niyakap ang binata. Akala niya, mawala na naman ito sa kaniya. Kaninang nakita niyang nahihirapan na itong lumangoy, natakot siya. Lalo na nang hindi na niya nakita si Jerome.
"M-Mahal mo talaga ako kaya natakot ka," masuyong hinaplos ni Jerome ang pisngi ng dalaga.
Nakatitig lang si Aron sa kasintahang umiiyak habang niyayakap ang kaibigan niya. Hindi niya kayang kumilos. Hindi niya kayang gumalaw. Hindi niya kayang mag-isip. Para siyang nakatali at ilang beses na sinasaksak ng matalim at mahabang punyal sa buong katawan lalo na sa dibdib.
"M-Mahal kita, Jerome. M-Mahal na mahal..."
Sa dinami-rami ng salita sa paligid, iyon pa talaga ang narinig ng kaniyang tainga. Mahapdi! Walang kasing hapdi. Pakiramdam niya, pinagtataka siya ng dalawa sa likod at harapan. Gusto niyang lapitan si Julie. Gusto niyang patayuin si Jerome at itanong sa dalawa kung ano ba ang nangyayari?
"Wala na sila ni Aron?" tanong ng babaeng taga Westbridge.
"Hindi ba't siya ang girlfriend ni Aron?"
"Ano ang nangyayari? Bakit si Jerome? Sila ba?"
"'Di ba, friends sina Jerome at Aron?"
"Kawawa naman si Aron, niloloko lang pala ng dalawa."
Seriously, gustong-gusto niyang magwala. Gusto niyang manuntok ng tao. Gusto niyanh sumigaw. Gusto niyang maawa sa sarili niya. Naikuyom niya ang kamao nang makitang hinatak ni Jerome si Julie at hinalikan sa mga labi.
Ito ba? Ito ba ang kapalit ng isang linggong kalayaan? Ito ba ang hinihingi ni Julie? Ito ba ang bunga ng isang linggong pagparaya niya? Ito ba ang dahilan? Dahil iiwan na siya nito at sasama sa iba?
Lahat ay tumihimik at nakatitig lang sa kanilang tatlo pero hindi niya kaya ang mga matang awang-awa na nakatingin sa kaniya. Naliliit siya. Naaawa rin siya sa sarili. Kung may baril lang siyang nakita, mas pipiliin niyang iputok ang lahat ng bala sa ulo.
Sana may luha siya para kahit paano, maibsan ang sakit na nararamdaman pero wala. Paano nagawang maging masaya ng dalawa habang siya, nasasaktan sa isang sulok na nakatitig sa kanila. Sa mga ngiti nila?
Natigilan si Julie nang magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito.
"Kawawa naman si Aron," bulong ng iba kaya napayuko si Aron. May mukha pa ba siyang ihaharap? Para siyang pinagtatawanan dahil naloko.
"A-Aron..." sambit ni Julie. Ngayon lang niya nakita na awa na lang pala ang dahilan kung bakit siya nito tinititigan. Nakakaawa naman talaga siya. Sino ba ang matuwa? Tama si Mandy, isa siyang dakilang tanga. Tanga dahil naging kampante at nagtiwala siya.
Naramdaman niya ang mainit na mga kamay na pumulupot sa kanang braso niya.
"Mabuti naman pala at naka-move on ka na sa pakikipaghiwalay sa iyo ni Aron?" maarteng sabi ni Mandy at tinaasan ng kilay ang kaharap. Well, bestfriend niya ang kilay sa lahat bg pagkakataon kaya nakikisimpatya ito sa kaniya. Nagtataka ang mga mata ni Julie kaya taas noo siyang hinarap ito.
"Hindi mo alam? Kaya ka niya iniwan dahil ako na ang mahal niya? Ayaw niya lang aminin dahil naaawa siya sa 'yo! But thanks God! At least magkasama na kayo ni Jerome. Oh, 'di ba? Masaya na tayo? Huwag ka nang lumapit pa sa kaniya ha, baka masaksak pa kita!"
Napansin niyang nakatulala pa rin si Aron kaya kumalas na siya sa pagkakayakap sa braso nito at tumalikod bago pa siya singhalan at mapahiya sa maraming tao. Tanga nga ito. Baka mamaya, mag-explain pa ito kay Julie na wala silang relasyon e di siya ang mapahiya. Wala siyang balak na mapasama sa listahan ng mga tanga!

A/n:
Masakit man isipin pero may mga taong nagbibigay ng standard sa pakikipagkaibigan. Kakaibiganin ka nila pero kapag malaman nilang hindi ka nila ka-level, makikipagplastikan na sila.
Ang tunay na pakikipagkaibigan, wala sa yaman, edukasyon, edad o talino 'yan. Nasa kung paano ka nila tatanggapin kahit na ganyan ka.
Hanga ako sa mga taong hindi basehan ang pinag-aralan para tanggapin ka bilang kaibigan niya.
Walang konek. Gusto ko lang i-post. 💚💖💜💗❤




 💚💖💜💗❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon