57

2.5K 79 8
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 57

Unedited...
"Sorry na," paumanhin ni Aron habang nakabuntot kay Mandy na naglalakad patungo sa hallway, "Mandy ko."
Tatlong araw na silang ganito. Para na nga siyang tanga na palaging nakasunod sa dalawa kung saan magpunta. Kahit sa CR, inaabangan niya itong lumabas.
"Mandy ko, sorry na," naiiyak na sabi niya. Palagi na lang nitong tinatapon ang bulaklak na bigay niya.
"Mandy ko!" sigaw niya kaya napatigil ang dalaga. Lahat ng estudyante ay natigilan habang nakatingin sa kanila.
"K-Kung mali man ang ginawa ko, gusto kong h-humingi ng patawad sa 'yo pero maniwala ka, ikaw na lang talaga ang mahal ko."
"Mahal mo? Pero inuna mo ang ex mo? Wala namang problema sa akin kung ayaw mo na sa akin! Break na nga tayo e!" singhal ni Mandy.
"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Putsa naman! Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" desperadong tanong ni Aron. Wala siyang pakialam kung pagtawanan siya ng lahat. Ngayon lang siya naghabol sa babae. Kahit kay Julie, never niya itong sinuyo ng ganito. Paano niya susuyuin? E, palaging nasa paligid si Mandy.
"Wala," naka-poker face na sagot ni Mandy, "Ayaw mo nu'n? Malaya ka na."
"Mas gustuhin kong makulong sa isang relasyon na kasama ka," sagot niya at napalunok ng laway. Naiiyak na siya.
Ipinagpatuloy ni Mandy ang paglalakad. Tuloy-tuloy lang siya sa tambayan nila kahit na marami ang mga tsismosa sa paligid. Alam na ng lahat na break na sila ni Aron dahil na rin sa panunuyo nito sa kaniya araw-araw.
"Mandy ko," tawag ni Aron nang maisara ang pinto mg tambayan.
"Aron naman, tama na."
"E, wala naman talaga kaming relasyon ni Julie! Tinulungan ko lang siya!"
"Tinulungan? Tapos may pahalik-halik ka pa sa noo niya?"
"Mand--"
"Hindi ako bulag!" singhal ni Mandy at dumiretso sa kuwarto niya. Bago pa niya naisara, nakapasok na si Aron.
"Friendly kiss lang 'yon! Kailangan ni Julie maramdaman na safe na siya! Mandy ko naman, alam mo bang takot na takot siya? Nasaksihan niya kung paano pinatay ang yaya niya! Alam mo ba ang trauma nu'n sa kaniya?" paliwanag niya. Mahina rin si Julie, mabuti na lang dahil nagawa pa nitong magtago sa basement bago pa makita ng mga magnanakaw.
"Friendly kiss, it is still a kiss!" giit ni Mandy at kinuha ang mga unan saka tinapon kay Aron. Walang ginawa ang binata. Nakatayo lang siya. Kung ito ang nakapagpagaan sa loob ni Mandy, hahayaan lang niya ito kahit na figurin pa ang itapon nito sa kaniya. Nang mapagod ay tumigil na siya at naupo sa kama.
"Ex mo siya. Minahal mo siya. Ano ang iisipin ko? Maintindihan ko naman kung nag-text o tumawag ka pero wala!"
"I know, may pagkukulang ako," pag-amin ni Aron, "But believe me, hindi ko kayang mawala ka."
"Ako, lahat ng gagawin ko, ipinapaalam ko pero ikaw, ne hindi mo man lang ako naiisip?"
"Sorry. Pero hindi ako titigil hanggat hindi mo ako napapatawad," determinadong sabi ni Aron.
Sumimangot si Mandy at napayuko saka nilalaro ang mga daliri.
"Friday ngayon," paalala ni Aron.
"So?" pagsisinuplada ni Mandy.
"Wala," mahinang sagot ng binata at naupo sa tabi niya saka hinawakan ang kanang kamay, "Mandy ko? I missed you."
"Kapag may kasalanan ka, hindi ka napapaltos sa pagtawag sa akin ng Mandy ko pero kapag wala, Mandy lang, ano?" sumbat ng dalaga na nakatitig sa mga kamay nila.
"H-Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?" naluluhang tanong ni Aron.
"Hindi!" seryosong sagot ni Mandy kaya tumulo na ang mga luha ng binata.
"Buwesit na buhay!" galit na sabi niya saka pinahidan ang mga luha, "Bakit ba ayaw mong maniwala?"
Nakikinig lang si Mandy sa katabi. Bahala ito. Basta ayaw niyang harapin ito. Pinakiramdaman ni Mandy ang katabi, pinapakalma lang ni Aron ang sarili. Mayamaya pa'y tumayo ito at lumuhod sa harapan niya.
"H-Hindi pa rin ako titigil! H-Hanggat w-wala kang ipinapalit sa akin, hindi ako susuko! Mahal kita, Mandy ko!"
"Huwag kang lumuhod sa harapan ko, hindo ako Diyos para luhuran mo!" galit na sabi ni Mandy.
"Maliban sa Diyos, ikaw ang sinasamba ko!" seryosong sabi ni Aron at hinawakan ang magkabilang kamay ni Mandy na nakaupo sa kama, "Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, Mandy ko."
"Tumayo ka! Hindi mo ako makukuha sa pagmamakaawa mo! Gano'n naman kayong mga lalaki! Luluhod para kaawaan! Pero kapag magloko, iniisip ba ninyo kaming mga babae?"
Nanlulumong tumayo si Aron at muling naupo sa tabi ng kasintahan, "Mandy ko? May nag-offer na maging business partner ko sa hotel business na ipapatayo sana namin ni KC," pagbalita niya para maiba ang tensyon, "Pero pinag-iisipan ko pa dahil balak ko nang magpatayo ng bahay natin sa lupang iyon."
Sumimangot si Mandy, "Ituloy mo ang business mo! Pangarap mo iyon!"
"P-Pero mas pangarap na kita ngayon," naiiyak na sabi ni Aron. Shit lang! Para siyang bakla pero nasasaktan talaga siya. Abot kamay na nga niya si Mandy pero hindi pa niya makuha.
"Lumabas ka na," walang kabuhay-buhay na sabi ni Mandy.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Aron bago tumayo. Makakalbo siya kay Mandy. Walang kasing tigas ang puso nito kapag magalit.
"Sana bumalik tayo sa dati, iyong masaya tayo kahit na tupakin ka. Mandy ko, nami-miss na kita." Iyong paglalambing ng dalaga sa kaniya, nakaka-miss. Na kahit tupakin ito, nagkakabati pa rin sila matapos ang araw.
"Hindi kita nami-miss!" sagot ni Mandy kaya tuluyan na siyang lumabas.
-------------------
"Hi," nahihiyang bati ni Julie sa taong seryosong nakaupo sa table. Hinila niya ang silya at naupo sa harapan nito.
"Mahal mo pa ba ang Aron ko?" tanong ni Mandy na tinaasan siya ng kilay. Hindi ito makatingin sa kaniya nang diretso at napansin niya ang pagkailang nito.
"H-Hindi na," sagot ni Julie, "P-Pasensiya ka na kung siya ang natawagan ko noong nakaraang araw, e-emergency lang kasi," naiiyak na paliwanag niya. Naalala na naman niya ang pagpatay sa dalawa nilang katulong.
"Huwag mong gamitin ang sitwasyon mo para lang makuha muli si Aron dahil alam naman nating ikaw ang unang nagloko!" sabi ni Mandy, "Ako na ang mahal niya at paniwala ka, hindi mo siya maaagaw sa akin!"
"Huwag kang mag-alala, hindi ko aagawin si Aron sa 'yo."
"Hindi naman ako nag-aalala, binabalaan lang kita! Aron is mine!" matapang na sagot ni Mandy. Kahit kailan, hindi siya magpapatalo.
"Sayong sa 'yo na si Aron, hindi ko siya aagawin sa 'yo," sagot ni Julie. Kung hindi lang siya nag-panic, si Jerome ang tatawagan niya para wala nang gulo.
"Good!" taas noong sabi ni Mandy, "Oras na umeksena ka pa sa amin, babaliin ko ang leeg mo!" pagbabanta niya.
"Huwag kang mag-alala, may kasintahan na ako," sagot ni Julie. Alam niyang warfreak si Mandy at baka mamaya, mag-iiskandalo ito.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita!" sabi ni Mandy at sinamaan ng tingin si Julie.
"Mandy?" tawag ni Aron nang pagpasok niya ay agad na nakita niya ang dalawa, "A-Ano ang ginagawa ninyo rito?"
"Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito?" balik-tanong ni Mandy.
"N-Naalala mo ang sinabi kong willing maging business partner ko, kikitain ko siya," sagot ni Aron at napasulyap kay Julie. Kinakabahan siya.
Napatingin si Mandy kay Julie na hindi alam ang gagawin, "Tapos na akong makipag-usap sa 'yo kaya umalis ka na!" pagtataboy ni Mandy.
Si Aron ang kinakabahan sa kanila. Hindi kasi niya alam kung sino ang kampihan kung mag-away ang dalawa pero mas safe kapag si Mandy na. Madali lang naman magpaliwanag kay Julie pero kay Mandy, kailangan pa niyang dumaan sa butas ng karayom. Isa pa, gusto niyang makabawi sa kasintahan.
Walang pasabing tumayo si Julie at lumabas.
"Maupo ka!" sabi ni Mandy kaya naupo si Aron.
"Mandy ko? Samahan mo akong makipagkita sa magiging partner ko," pag-iiba ni Aron. Ayaw na niyang pag-usapan ang pagkikita nito at ng ex niya.
"Para ano?" pagmamaldita ng dalaga.
"Para makilala mo siya," sagot ni Aron.
"Saan na ba siya?"-Mandy.
"Hindi ko alam e, sabi niya alas sais." Napatingin siya sa wristwatch, limang minuto na lang.
"Babae o lalaki?" seryosong tanong ni Mandy.
"Mandy ko, h-hindi ko pa siya nakita. K-Kung babae man siya, huwag kang magalit ha. H-Hindi ko pa naman napag-isipan nang maigi kung itutuloy ko ang project dahil mas gusto ko nang pagtayuan na lang ng bahay natin para kapag mag-graduate na ako this year, hindi na magagalit ang parents mo dahil nakikitulog lang tayo every Friday sa bahay ninyo." Sinubukan niyang makipag-usap ng normal na para bang walang nangyaring masama sa kanila. Kung break na sila para kay Mandy, puwes sa kaniya ay hindi. Kasalanan naman niya kaya magtiyaga siya.
"Bahala ka," sabi ni Mandy at kinalikot ang cellphone. Kinakabahan si Aron habang nakatitig kay Mandy. Bahala na. Kung babae at magalit si Mandy, iuurong na lang niya. Ilang beses siyang mapasulyap sa pintuan pero wala pang lumalapit sa kaniya.
"Ang tagal naman niya," aniya. Pasado alas sais na. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang maghintay siya.
Tumigil si Mandy sa paggamit ng cellphone at seryosong tinitigan siya.
"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Aron.
"Ano na?" tanong ni Mandy na hindi maipinta ang mukha.
"W-Wala pa kasi siya, kung gusto mo, uwi na tayo?" tanong ni Aron. Bahala na. Mas priority na niya ngayon si Mandy kaysa sa mga pangarap niya.
"Alas sais ang usapan, hindi ba?" seryosong tanong ni Mandy.
"Y-Yes..."
"Magkano ba ang budget para sa ipapatayong hotel?"
"More or less, one billion," sagot ni Aron.
"Okay, iyon lang? Ikaw ang bahala sa pagplano at sabihin mo lang kung kailan natin uumpisahan at ibibigay ko ang pera sa 'yo," sabi ni Mandy kaya nagtatakang tinitigan ito ni Aron, "What?" inosenteng tanong ni Mandy.
"I-Ikaw ang kasosyo ko?" kinakabahang tanong niya.
"Bakit? Ayaw mo?" balik-tanong ni Mandy kaya napatulala ang binata. Hindi niya kayang gumalaw. Totoo ba talaga ang narinig niya? Si Mandy ang gustong makipagsosyo sa kaniya?
"M-Mandy..." sambit niya na hindi pa rin makapaniwala.
"Nasaan ang ko, Aron? Nasaan?" -Mandy.
Hindi talaga niya kayang gumalaw. Naiiyak siya sa narinig.
"Ano? Sagot!" galit na tanong ni Mandy na tumaas na ang boses sa pagkainip. Napag-isip-isip niya na tama na. Kailangan din niyang magpatawad at intindihin ito sa katangahan niya. Isa pa, naipakita naman ni Aron na seryoso ito sa paghingi ng patawad sa kaniya, "Kasi alam mo na patatawarin na kita kaya ganiyan ka na? Tatanggalin mo na ang ko? Sabihin mo lang kung ayaw mo--"
"I love you!" malakas na sigaw ng binata kaya napatingin ang ibang costumer sa kanila pero wala siyang pakialam. Lumipat siya ng upuan saka niyakap ang dalaga, "Ghad, I love you, Mandy ko, I love you!" Sa labis na kaligayahan ay hinalikan niya ito sa mga labi. Para siyang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa.
Tumulis ang nguso ni Mandy at inirapan ito, "Pasalamat ka, mahal kita kaysa sa mga sapatos ko!"
Natulala si Aron nang mapansing tumulo ang mga luha ng dalaga.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" nauutal na tanong niya.
"A-Alam mo bang wala na akong s-sapatos sa bahay para lang sa lintik na pangarap mo?" naiiyak na sabi ni Mandy.
Napasulyap si Aron sa mga paa ng dalaga. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matatawa dahil ang sandal na made in Marikina ang suot nito.
"Halika, Mandy ko," nakangiting yaya niya at inalayan ito sa pagtayo.
"Saan tayo pupunta?" naka-pout na tanong ni Mandy.
"Ibibili kita ng sapatos," sagot ni Aron.

A/n:
Nasira tuloy ang flow ng story dahil sa bugso ng damdamin. Hahaha! Sorry. Yeah, balik tayo kina Aron at Mandy, sorry, nadala lang. Hayaan ninyo, next stories ko, wala nang port.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon