59

280 12 0
                                    


CHAPTER 59

Unedited....
"Ano ang gusto mong ipahanda natin?" tanong ni Mandy sa kasintahan. Talagang pinuntahan pa niya ito sa classroom nila dahil tumawag ang ina niya na i-invite nila ang parents ni Aron mamayang lunch time.
"Kahit ano," sagot ng binata. May klase pa sila pero lumabas lang siya para makausap ito.
"Seryoso ako!" -Mandy.
"Bakit mo natanong? Kung ano ang nandiyan sa tambayan, iyon na 'yon," sagot ng binata.
"Pupunta ang parents mo mamaya, inimbitahan ng maldita kong ina!" naiinis na sabi ni Mandy kaya napa-poker face si Aron. Ang lakas ng loob ng kasintahan niyang laitin ang pagkamaldita ng ina.
"Ah, kahit ano naman, okay kina Mommy. Alam mo naman, sanay sa hirap ang mommy ko," sagot ni Aron.
"Ikaw? Ano ang gusto mong kainin mamaya? Ipapahanda ko," tanong ni Mandy. Wala naman siyang pakialam sa parents nila basta mabusog lang si Aron niya.
"Ikaw," nakangiting bulong ng binata, "Ikaw lang naman ang pinakamasarap sa panlasa ko."
"Ah? So? Papainitin ko pa ba ang vagina ko? O huhugasan na lang?" tanong ni Mandy na nagtagis ang mga bagang. Badtrip na nga siya sa ina, dagdagan pa nitong kaharap niya.
Tumawa si Aron at niyakap ito. Para siyang tanga. Tawa pa rin siya nang tawa kahit na naiinis na si Mandy.
"Isda na lang sa akin, Mandy ko," sabi niya saka kumalas sa pagkakayakap.
"Isda? Gusto mo ng isda?" walang ganang sagot ni Mandy.
"Yes, Mandy ko."-Aron
"Fresh o dried tilapia?"-Mandy
"Bangus!" nakangiting sagot nito, "Mandy ko? After nito, may swimming kami. Tuturuan ko ang mga kalahok para sa U-week," paalam niya. Hindi siya natuloy sa pagsalita sa Rio Olympic dahil ayaw ni Mandy kaya mga kasamahan na lang niya ang ipinadala ng bansa at nakasungkit ng silver medal ang Pilipinas.
"Okay."-Mandy
"M-Mga babae ang tuturuan ko," sabi ni Aron. Mahirap na, baka magtatalo pa sila kapag malaman nito na hindi lalaki ang tuturuan niya.
Nakatitig lang si Mandy sa binata. Ilang sandali pa, sumimangot ito.
"Okay!" pagpayag niya kahit na labag sa kalooban. Pero naalala niyang nakainom pala ito ng gayuma kaya wala siyang dapat na ikabahala. Alam niyang sa kaniya lang si Aron at hindi ito gagawa ng kalokohan dahil siya lang ang mahal nito kahit na ilang libo pa ang maglalandi rito.
"Sige, balik ka na sa classroom mo, Mandy ko."
"Aron ko?" paglalambing ni Mandy na umiba na ang boses saka niyakap na naman ang braso niya. Kapag ganito kalambing si Mandy, alam niyang may sasabihin itong hindi niya magustuhan o minsan, good news din.
"Yes, Mandy ko?"
"Wala akong pasok. Okay lang bang samahan ko si Liam na kumain sa labas ng--"
"Bakit kailangang ikaw pa ang sasama?"
"Dahil may pasok ang kapatid mo kaya ako ang sasama sa kaniya. Isa pa, friends kami ni Liam!" salubong na ang kilay ni Mandy. Siya nga, pumayag e.
"S-Sige, basta sa matao lang kayo," pagpayag ni Aron. Kahit paano, may tiwala na siya kay Mandy. Ang tanga man pero parang totoo naman ang gayuma. Pero baka may expiration date? Tatawagan niya mamaya si Sky. Minsa kasi, wala ring kuwentang kausap si Sky.
"Salamat, Aron ko! I love you!" sabi ni Mandy habang nakatingalang nagpapa-cute sa kasintahan. Ginulo ng binata ang medyo mahabang buhok nito. Kahit ang bangs, puwede na nitong isabit sa magkabilang tainga.
"I love you most, Mandy ko. Punta ka na sa classroom mo, baka pagalitan tayo," sabi niya kaya nagmartsa na ang dalaga matapos siyang ginawaran ng halik sa kanang pisngi.
Bumalik na rin siya sa loob ng classroom. Napasulyap ang guro sa kaniya pero wala naman itong sinabi. Sino ba ang maniniwalang pupunta lang siya ng restroom? E, nakita nilang dumaan si Mandy. Marami na siyang kalokohang nagawa sa buhay buhat nang maging sila ni Mandy. Mga kalokohan ng kasintahang nag-ienjoy siyang sakyan at pagbigyan. Tama nga siguro sila, ang perpektong buhay ay masyadong boring. Nasanay siyang gawin ang isang bagay dahil iyon ang tama sa tingin ng lahat. Masyado siyang naging righteous kaya may pagkatao siyang hindi naipakita. At nandiyan si Mandy na nagpakita sa kaniya na hindi perpekto ang buhay. Hanggat wala silang inaapakang tao, magpakasaya sila. Ipakita nila ang totoo nilang pagkatao. But of course, may limit at nandiyan ang isa't isa para i-balance ang lahat.
---------
"Kumusta ang pagsama ninyo ni Kian?" tanong ni Aron habang nagmamaneho.
"Nagseselos ka?" tanong ni Mandy habang dinidilaan ang lollipop na binili nito sa 7/11.
"Hindi naman. May tiwala naman akong mahal mo ako at hindi mo ako lolokohin," sagot ni Aron.
"Good!" sabi ni Mandy, "Hmm sarap nitong lollipop!" sabi niya at pinaikot sa loob ng bibig tapos dinilaan. Napasulyap siya kay Aron na nasa unahan ang mga mata.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan!" salubong ang kilay na sabi ng binata pero hindi nakatingin kay Mandy. Alam niyang may kalokohan itong gagawi kaya binilisan niya ang pagpatakbo.
"Bagalan mo ang pagpatakbo!" Utos ng dalaga.
"Nandoon na ang parents ko!" sagot ni Aron at mas binilisan pa ang pagpatakbo.
"Sabing bagalan mo!" singhal ni Mandy kaya dahan-dahang humina ang pagpatakbo ni Aron.
"Damn!" sambit ng binata nang gumapang ang mga kamay ni Mandy sa hita niya patungo sa sinturon.
"Friday ngayon, sex day natin kaya umpisahan na natin," sabi ni Mandy, "Tented naman ang sasakyan mo kaya okay lang kapag may gagawin tayo. Magmaneho ka na lang at ako na ang bahala sa 'yo!"
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi naman siya makatanggi. Pabor pa nga sa kaniya ang gagawin nito. Ganito sila, hindi nawawalan ng ideya si Mandy lalo na sa usapang sex kaya palagi na lang silang na-iexcite sa mga susunod na gagawin. Hindi lang lugar kundi pagkatao nila ang ini-explore nila lalo na kapag silang dalawa na lang.
Sakto lang na natapos ito nang dumating sila sa mansion. At mabuti na lang dahil may tisyu si Mandy dahil kung hindi, baka sa iba pa niya pinasabog ang dapat na sumabog.
"Alam mo, nagiging malibog na tayo," sabi ni Aron habang papasok na sila sa mansion.
"Lahat ng tao, may libog sa katawan. Nandito na lang din tayo, bakit hindi pa natin i-explore para may thrill? Ayaw mo na ba?" tanong ni Mandy at piniga ang kaliwang kamay ni Aron dahil sa inis.
"H-Ha? Okay lang naman. Masaya nga e," atubiling sagot ni Aron, "Tiyaka, ikaw lang naman ang kasama ko kaya mas okay sa 'kin."
"Mabuti naman! Upong panda naman tayo mamaya, ha!" parang batang sabi ni Mandy kaya nawalan ng kulay si Aron. Heto na naman si Mandy, sa tuwing sumapit ang Lunes, para siyang zombie sa mga pinaggagawa nito. Madalas, para siyang stuntman dahil sa mga posisyong pinapagawa ng dalaga.
"Bahala ka," sabi na lang niya.
"At sixty nine na nakatayo!" dagdag ni Mandy kaya muntik na siyang matumba. Ngayon pa lang, nahihirapan na siya sa 69 nitong sinasabi.
"Mabuti naman at nandito na kayo!" masayang sabi ni Aira na naghihintay sa sitting room kasama ang parents ni Mandy.
"Hello po, maganda kong biyanan!" masiglang sabi ni Mandy at humalik sa pisngi nina Aira, Tyron at sa mga magulang.
"Kumain na tayo, kanina pa kayo namin hinihintay," yaya ni Cheska.
"Susunod lang po ako, magmumumog lang po ako," sabi niya, "Para kasing uubuhin ako, lagyan ko ng asin ang mainit na tubig," dagdag niya nang pandilatan siya ni Aron.
Naunang naupo sa mesa sina Aron.
"Usapang lalaki, seryoso ka ba talaga kay Mandy?" seryosong tanong ni Oliver.
"Opo, seryoso po ako sa anak ninyo at anumang oras ay handa akong pakasalan si Mandy," seryosong sagot niya habang nakatitig sa mga mata ni Oliver. Noong una, natatakot pa siya pero ngayon, wala na. Tapat naman siya at malinis ang kaniyang hangarin.
Napangiti si Aira. Napalaki nila nang maayos si Aron at may paninindigan.
"Siguraduhin mo lang dahil oras na lokohin mo ang anak ko, masisira ang ugnayan ng pamilya natin!" pagbabanta ni Oliver.
"Daddy?" tawag ni Mandy nang maupo sa tabi ni Aron, "Pupunta ho kami mamaya sa Palawan, Sabado naman bukas. Magpapahatid kami sa family chopper natin," paalam niya. Iyon ang destinasyon nila ni Aron ngayon.
"Palagi na lang kayong nag-a-out of town!" puna ni Oliver.
"Daddy naman. Gusto ko lang mag-enjoy kasama si Aron ko," naka-pout na sabi ni Mandy at nginitian ang kasintahang nilagyan ng pagkain ang plato niya.
"Basta kapag dumating na kayo, mag-text lang kayo sa amin para alam naman namin kung nasaan na kayo at ano ang ginagawa ninyo nang hindi kami mag-alala," bilin ni Oliver kahit na labag sa kalooban niya. Namimihasa na itong si Aron sa pagtakas ng anak niya. Wala naman siyang magagawa dahil nagpapaalam ang mga ito sa kaniya.
"Thank you, daddy!" masayang sabi ni Mandy at napasulyap sa am ni Aron. Dito nagmana ang kasintahan niya, guwapo at matikas. Ang sweet din nito dahil ito rin ang naglalagay ng ulam sa plato ng asawa.
Matapos nilang kumain, nag-usap muna ang parents nila sa terrace lalo na sina Tyron at Oliver tungkol sa mga negosyo. Tinawagan ni Cheska ang Tita Ann niya kung available ang isang chopper at piloto. After 30 minutes pa raw dahil papunta pa lang ang private pilot nila.
"Excited na ako sa Palawan adventure natin," bulong ni Mandy at kumandong kay Aron pero agad namang pinakiusapan ng binata na umayos dahil baka mapalo sila ng ama ni Mandy kapag lumingon at makita sila sa ganoong ayos.
Matapos ang mahigit kalahating oras, dumating ang chopper sa helipad.
"Dad? Alis na po kami ni Aron ko," paalam ni Mandy. Umuwi na rin ang parents ni Aron.
"Mag-text ka kung nakarating na kayo at kung ano ang gagawin ninyo. Baka mamaya, malunod kayo o mawala sa isla!" bilin na naman ni Oliver.
"Dad? Matanda na po ako at si Aron ang kasama ko!"depensa ni Mandy.
"Kahit na! Paano kung pareho kayong mawala? Saan namin kayo hahagilapin?" giit ni Oliver.
"Kailangan ba talagang magpaalam kami?" nakasimangot na sabi ni Mandy.
"Dapat lang! Kung ayaw mo, huwag kayong umalis!" Nakipaghamon ng titig si Oliver sa anak na mas matigas pa sa ulo ni Cheska.
"Fine! Ite-text kita kapag makarating na kami!" napilitang sabi ni Mandy at pumunta na sa chopper kasama si Aron.
"Matutuyuan ako ng dugo sa anak mo!" sabi ni Oliver na nakatingala sa chopper na papalayo.
"Hayaan mo na, mabuti nga 'yan at mas makilala niya si Aron. Ngayon lang 'yan naging masaya," depensa ni Cheska. Wala siyang makitang mali sa relasyon ng dalawa. Kung gaano sila ka aso't pusa noon, iba naman ang sweetness nila ngayon.
"Pero ama pa rin ako," depensa ni Oliver. Parang kailan lang, kalong pa noon ni Cheska si Mandy kapag pumunta sa CTU.
"Ganoon talaga. Magkakapamilya sila at suportahan na lang natin," sabi ni Cheska. Umaandar ang kabaitan niya ngayon. Pumasok na sila sa kuwarto at ginawa ang body bonding.
Mahigit isang oras nang umalis sina Mandy pero wala pa ring text. Ang himbing na ng tulog ni Cheska na nakaunan sa braso niya pero siya ay hindi pa. Hinihintay niya ang tawag ng anak.
Tumunog ang cellphone kaya maingat niyang inabot sa bedside table. Napangiti siya nang mula kay Mandy ang text.
Ilang segundo matapos niyang mabasa ay tinapon niya ang cellphone.
"Putsa! Mapapatay ko kayo!" galit na sabi niya kaya napabangon si Cheska.
"Ano ang nangyari?" kinakabahang tanong niya.
"Ang anak mo! Huwag lang talagang magpakita si Aron sa akin!" galit na sagot niya habang nanginginig ang kalamnan. Ramdam talaga niya ang pagtaas ng kaniyang blood pressure. Ang bata pa niya para maging hypertensive.
"Huminahon ka nga!" saway ni Cheska na kinakabahan. Namumula na si Oliver kaya patakbong kumuha siya ng tubig at pineapple juice sa mini-ref. "Uminom ka muna."
Nanghihinang inabot ni Oliver ang tubig dahil sa pananakit ng batok at nandidilim ang kaniyang paningin.
Napasulyap si Cheska sa cellphone na nasa sahig. Gumagana pa naman ito kaya tiningnan niya ang nabasa ni Oliver na mensahe mula kay Mandy. Halos mawalan siya ng kulay sa message ng anak.
" Dad? D2 na kmi sa hotel. Nasa shower room pa si Aron. Nais q lang pong ipaalam na pglabas niya, magse-sex muna kami, 69 standing position bago mamasyal. Text q kayo ni Mommy after sex. Love you. Mwuah."

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon