7

1.6K 66 4
                                    

OH MANDY

by:sha_sha0808 ash simon

CHAPTER 7

Unedited...
"Magbihis ka na at pumasok!" sabi ni Cheska na kakapasok lang sa kuwarto ng anak. Nakaupo ito sa sulok ng kama na nakayakap sa tuhod habang nakabukas ang TV.
"Ayaw!"
"Mandy naman! Two days ka nang hindi pumasok!" singhal ni Cheska.
"Two days, three days, four days, one week, one month, one year, hindi ako papasok!" giit niya at napatingala sa ina nang patayin nito ang TV.
Pumasok si Oliver na kakabihis lang. "Mandy, pumasok ka na, baka may exam kayo." Walang problema sa pag-aaral si Mandy. Masipag itong pumasok at mataas ang grado.
"Ayaw ko! Hindi ako papasok hanggat hindi humaba ang buhok ko!"
"Gumamit ka nga ng hair extension!" Muling giit ni Cheska.
"I don't want to use a fake hair!"
"Hindi naman 'yon fake!"
"Hindi ako papasok hanggat nando'n pa ang stupidman na 'yon!" Mugto na ang mga mata niya. Two days na siyang umiiyak dahil sa buhok.
"Pagupitan mo na lang para magpantay na," suhestiyon ng ama.
"Ayoko! Ilang buwan kong pinahaba ang buhok ko tapos putulin lang niya? Ang sama niya! I hate him to death!" Umiyak na naman siya.
"Hindi naman niya puputulin kung wala kang kasalanan!" giit ni Cheska. Umagang-umaga, hina-highblood siya.
"W-Wala akong kasalanan!" giit ni Mandy at tumulo ang mga luha. "Una, sinaktan niya ako dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginawa!" Wala talaga siyang kasalanan kung bakit napunit ang swimming trunks nito kaya para may rason ang pananakit nito, pinunit na niya para patas.
"Bakit umabot kayo sa puntong pinutol niya ang buhok mo?" tanong ng ina.
"Nagalit siya dahil sinabihan kong anak sa labas!" pag-amin ni Mandy. "Bakit ba? Totoo naman na bunga siya ng kasalanan ng ama, bakit siya magagalit?"
"Eh kasi, mali ang sinabi mo!" sabat ni Oliver. Kahit siya, magagalit din naman.
"Mali? Eh 'yong pagsabihan niya akong taga squatter at nakakaawa ako? Tama ba 'yon?" Pinahidan niya ang mga luha. Hindi talaga niya matatanggap iyon.
"Pinagsabihan ka niyang taga squatter?" tanong ni Cheska. Tumango si Mandy at mas lalong napahikbi.
"Aba, sana sinapak mo!" sabi ng ina kaya napanganga si Oliver. Minsan, hindi niya maintindihan ang asawa.
"'Yun na nga, Mommy, kaya pinagsabihan kong mas kawawa siya."
Napabuntong hininga si Oliver. Mabuti na lang dahil kinuha ng mga magulang niya ang isa pa nilang anak at sa Barcelona na pinaaral kaya lumaking mabait ito.
"Pumunta kayong mag-ina sa salon at ipaayos mo ang buhok mo, Mandy. Mas bagay sa 'yo ang maiksi at ikaw Cheska, samahan mo ang anak natin para mas maganda ang mapili niyang hair style."
"Inuutusan mo ba ako?" pagsisinuplada ni Cheska na nakapamewang pa.
"Utang na loob! Late na ako! Wala ka namang ginagawa!"
"Wala akong ginagawa? Pagod ako kagabi!" sabat ni Cheska. Pagod talaga siya.
"Mas pagod ako at may trabaho pa kaya pakiusap naman, tumino naman kayong mag-ina!" pakiusap ni Oliver. Kapag makalayo siya sa mag-ina niya, saka lang siya nakakahinga nang maluwag.
"May babae ka talaga sa opisina mo!" giit ni Cheska. Palagi na lang itong nagmamadaling pumasok kaya nagdududa na siya.
"Are you fuckin' serious?" bulalas ni Oliver. Seryoso? Sa ginagawa niya, may babae pa siya?
"Yes! Sino ang babae mo?" Nawala na ang pag-iyak ni Mandy. Nandiyan na naman ang mga magulang niya. Nag-umpisa na naman sila.
"Wala akong babae!" giit ni Oliver. Sino ba ang makakahanap ng babae? Walang babae sa office niya. As in literal na wala. Kung meron man, mahigit 40 na ang edad at matatanda't matataba pa. Kahit secretary niya, lalaki. At kailangan pang dumaan sa asawa bago ma-hire.
"Siguraduhin mo lang!"
"Please, aalis na ako. Mag-shopping na lang kayong dalawa."
"Wala akong pera," sagot ni Cheska.
"Gamitin mo ang credit card ko," sabi niya at napanalangin na lang.
"Talaga/Talaga?" sabay pa ang mag-ina na parehong nagniningning ang mga mata.
"H-Huh? K-Kuwan..."
"I love you, Daddy!" masayang sabi ni Mandya at tumayo saka niyakap siya ng mahigpit. "Ikaw ang pinaka the best daddy sa buong mundo!"
"A-Alis na ako," paalam niya at napamura sa isip. Bakit ba niya nasabi iyon? Good luck sa credit card niya.
-------------------
Black hermes shoulder bag, black hermes shoes, black hermes sunglasses, and black dolce and gabbana dress. Taas noong naglakad si Mandy sa hallway ng paaralan na para bang rumarampa sa runway.
"Saan ang lamay?" Hindi na napigilan ng isang estudyanteng magtanong kaya tumigil si Mandy at hinarap ito. Kinuha niya ang sunglasses at inilagay sa ulo na parang headband.
"Tinatanong mo kung saan ang lamay? Saan mo ba gustong iburol matapos kitang ipapatay?" tanong ni Mandy. Actually, isang linggo talaga niyang balak na mag-itim dahil ipinagluluksa niya ang pagkaputol ng buhok.
"H-Ha? Namatay kasi ang t-tito niya kaya napatanong ako dahil balak naming pumunta," nanginginig ang boses na sagot nito.
"Saan ba ang lamay ng tito mo at pupunta rin ako?" tanong ni Mandy sa babaeng may namatay raw na tito pero hindi makasagot ang dalaga. "Kung walang patay sa pamilya niya, umpisahan mo nang pagbarilin ang tito niya at nang magkaroon talaga ng patay sa pamilya ng kaibigan mo!"
Lahat sila ay natahimik. Kahit ang grupo sa kabilang classroom, napapatingin sa kanila. Dalawang araw itong absent kaya dalawang araw ring medyo tahimik ang buong CTU pero heto ngayon, kakabalik lang ay may binabara na naman.
"Huwag ninyong pakialaman ang buhay ko kung ayaw ninyong mapahiya!" pagbabanta ni Mandy. Wala siyang kaibigan at wala siyang pakialam. Ang sa kaniya lang, huwag siyang pakialaman dahil nabubuhay siya na walang pakialam sa mga ito. Ang bumangga, giba!
Muling isinuot niya ang sunglasses at pinagpatuloy niya ang paglalakad. Sa kasamaang palad, makakasalubong niya si LL kasama si Aron.
"Ate Mandy!" bati ni LL pero dedma lang siya at ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ne sulyap, hindi niya ginawa sa pinsan lalo na kay Aron. Hindi pa siya naka-getover pero oras na maka-moved on na siya at maka-adjust sa maikling buhok niya na 3 inches lang ang lagpas sa tainga, lintik lang ang walang ganti kay Aron.
"Sis!" Papasok na sana siya sa classroom nang tawagin siya ni Jairah. "Mabuti naman at pumasok ka na."
"Ano ang kailangan mo?" tinatamad na tanong ni Mandy.
"Sorry na sa ginawa ni Kuya," nakangiwing paumanhin niya nang mapansin ang buhok ng kaibigan. Bagay naman dito pero alam niya kung gaano nito ka mahal ang buhok.
"Gusto mo ba talagang mapatawad kita dahil kapatid mo ang itupidong kuya mo?"
Napatikom sa bibig si Jairah. Mukhang hindi niya magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Mandy.
"Ipaalam mo sa akin kung ano ang gagawin niya mamaya!"
"H-Hindi ko alam," sagot ni Jairah.
"Puwes, alamin mo!"
Magsasalita pa sana siya pero tinalikuran na siya ni Mandy. Kapag may sabihin ito, umasa kang ikaw ang mapapasunod nito dahil wala naman itong pakialam. Kung ayaw mo, e di 'wag. Wala nga lang batian. Mandy is Mandy. Mabubuhay ito kahit na walang kausap basta mabibili lang niya ang gustong bilhin.
Hapon na, hindi pa rin nakikita ni Jairah ang kapatid kaya pinuntahan na niya ito sa swimming pool dahil may practice raw sila. Napailing na kang siya sa mga babaeng palihim na sinisilip ang katawan ng kapatid niya. Maganda ang pangangatawan ni Aron dahil swimming ang exercise nito lalo na kapag nababagot ito sa bahay nila.
"Kuya!" tawag niya kaya umahon ang kapatid. Kinuha niya ang tuwalya na nakasampay sa upuan at iniabot kay Aron para matuyo ang basang katawan. Medyo naiilang siya sa mga lalaking nagsi-swimming dahil puro abs ang nakikita niya.
"Bakit?"
"Uuwi ka na ba? Sabay na 'ko," sabi niya at nginitian ang kapatid.
"Si Daddy ang magsusundo sa inyo ni Taira, mamaya pa ako uuwi." Naupo ito sa gilid ng pool at pinagmasdana ng mga kasamang nagpa-practice.
"May pupuntahan ka pa ba? Sama ako!" Kunwari ay excited na tanong niya.
"Sunduin ko lang si Julie at kakain kami sa bar. Baka abutin kami ng hating-gabi," sagot ni Aron. May ipinatayo na siyang bar galing sa paminsan-minsang pagmo-model niya at kahit paano, kumikita naman ito.
"Gano'n ba? Hmp! Si Julie na lang parati. I-date mo naman ako," nagtatampong sabi ni Jairah.
Ngumiti si Aron, "Next week, ililibre ko kayo ni Tai-Tai, pero mamaya, Julie's night muna, okay?"
"Okaaaaaaaay..." parang batang sabi ni Jairah saka lumabas na. He loves his sisters. Mula noon, mataas ang respeto ng kambal sa kaniya kahit na half-sisters lang niya ang mga ito.
Alas sais na nang matapos ang training kaya naligo muna siya sa shower room ng paaralan at nagbihis. Pagkalabas niya, napapanganga ang mag estudyante pero wala siyang panahong tumingin sa iba. Si Julie lang ang babaeng maganda para sa kaniya. Hindi niya sasayangin ang chance na ibinigay ng dalaga para maging kasintahan niya. Hhe adores her so much. He treated her like a queen sa tuwing may lakad sila. She's a wife material para kay Aron. Masaya siya sa tuwing kasama ang kasintahan at ito lang ang babaeng isinisigaw ng puso niya. Sabi nga nila, masarap damhin ang relasyong pinaghirapan.
"Hi!" bati niya nang lumabas na ito sa gate. Hinalikan siya ni Julie sa pisngi bago sumakay sa front seat.
"You're beautiful, babe!" puri ni Aron. Walang anggulong pangit ang dalaga. He loves every angle of her.
"Thank you, ang guwapo mo rin," nakangiting sabi ni Julie habang pinagmasdan ang binata. Isa siya sa masuwerte pagdating sa kasintahan. Aron has been faithful to her. Pinatawad pa nga siya nito noong nagkaroon sila ng one week relationship ni Blue.
Eight thirty na sila nang makarating sa bar. Wala pang gaanong tao at nag-aayos pa lang sa small stage ang magbabanda kaya nag-order si Aron ng dinner nila ni Julie. Malakas ang kita ng bar niya at mga mayayaman ang costumer. Madalas ay mga artista ang dumadayo kaya marami rin ang pumupunta rito para makita ang kanilang mga iniidolo. Sa katunayan ay balak niyang mag-open ng branch nito sa Quezon City.
"Kamusta ang Westbridge?" tanong ni Aron.
"Okay naman," sagot ni Julie at ininom ang apple juice. Kakatapos lang nilang kumain.
"Hi guys!" bati ng babaeng naupo sa harapan ng magkasintahan. Dumikit bigla ang mga kilay ni Aron nang mamukhaan si Mandy.
"Boyfriend mo itong si Aron?" diretsahang tanong ni Mandy at tinitigan ng maigi ang kasamang babae ni Aron. Maganda ito, mukhang tahimik at mahinhin kung kumilos.
"Oo," sagot ni Julie kahit na medyo nagtataka siya dahil hindi naman niya kilala ito.
"Oh, ikaw pala ang girlfriend ni Aron? Nice to meet you!" nakangiting sabi ni Mandy at inilahad ang kamay kay Julie. "I'm Mandy!"
"Hi, nice to meet you too," sabi ng dalaga at nakipagkamay sa babaeng malakas ang awra. "I'm Julie.."
"Ow! Ikaw pala si Julie. You must be the model of Julie's bakeshop!" Maarteng sabi ng dalaga at ibinigay ang pinaka-plastic na ngiti kay Julie. Of course, alam ni Aron ito kaya pinandilatan niya si Mandy.
"Hindi," nakangiting sagot ni Julie.
"Oh my gosh, kayo ang may-ari?"
"K-Kapangalan ko lang!" naiilang na sagot ni Julie dahil napalakas yata ang pagkakasabi ni Mandy.
"Oh? Mabuti naman at hindi ikaw, so cheap ng name," sabi ni Mandy at napatakip sa bibig. "I'm sorry, I mean 'yung bakeshop, hindi bagay sa name mo."
Kulang na lang ay itatapon na siya ni Aron palabas ng bar nito.
"May date kayo? Nakakaistorbo ba ako?"
"Yes!" sagot ni Aron.
"Really?" she asked.
"W-Wala naman, nag-uusap lang kami ni Aron," nakangiting sagot ni Julie at pasimpleng siniko ang kasintahan.
"Ah... Kamusta pala ang pakikipagrelasyon sa kaniya? Boring ba?" prangkang tanong ni Mandy kaya natigilan si Julie. Hindi naman maipinta ang mukha ni Aron at pinipigilan lang na singhalan ang kaharap.
"Hinahanap ka na nina Tita Cheska." Madilim na ang mukha ng binata kaya tumayo si Mandy at nginitian si Julie.
"Mauna na ako, Julie, magtitirik pa pala ako ng kandila mamayang alas dose!" paalam ni Mandy at tinaasan muna ng kilay si Aron bago tumalikod. Pustahan, sira na ang date ng dalawa ayon sa hitsura ni Aron kaya uuwi na siya. Mission accomplished! Ipaghihiganti niya ang buhok niya!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon