OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 48
Unedited...
"Ate Mandy, seryoso ka ba sa sinabi mo? Ang galing mo po! Kaya idol kita!" sabi ni Anndy kaya napa-poker face si Mandy tapos tinaasan ito ng kilay.
"Ayaw ko ng fan! Hindi kita kilala!" tanggi niya kaya napasimangot si Anndy. Sanay naman siya sa pinsan kaya hindi na siya nasaktan. Ganito talaga ito.
"Mandy, sumabay ka na sa amin," sabi ni Cheska na hindi niya alam kung matuwa o mainis sa anak. Ipinagmamalaki naman niya ito kahit paano pero ang mga drama nito kanina, hindi niya maintindihan. Madalas nagiging irrational din ang anak.
"Ayoko!" tanggi niya. Nagtatampo siya sa ina dahil sa pag-iwan nito kanina.
"Magtatampo ka na? Alam mo bang late na tayo kung hindi ka pa namin? Marami pa ang inasikaso namin ng daddy mo bago mag-umpisa ang interview!"
"Pero iniwan ninyo ako!"
"Ang tagal mong lumabas sa kuwarto. Kanina pa kita kinakatok!" depensa ni Cheska. Isang oras na niyang kinakatok pero hindi pa rin ito lumalabas.
"Hindi mo lang kasi alam ang emosyong dumapo sa dibdib ko. Alam n'yo 'yon? Pati buhay ko, dinamay ng katangahan ni Aron!" naiinis na sabi niya. Wala na ang studio audience, nag-uusap lang muna sila.
"Ate? Ano ba talaga ang real score ninyo ni Kuya Aron?" nalilitong tanong ni Lee Patrick.
"Wala."-Mandy.
"Kayo na ba ni Aron?" masayang tanong ni Ann. Pero may kung ano pa ring pagkabahala sa puso niya para sa pamangkin. Kilala niya si Mandy, kasing maldita lang ito ni Cheska. Parang kawawa naman yata si Aron?
"Oo, kami na ni Aron!" nakangiting sagot ni Mandy.
"Kailan pa po?" tanong ni John Jacob, "Walang halong biro?" Napaatras siya nang kasing talim ng espada ni Zorro ang mga mata ng pinsan nang humarap sa kaniya.
"Tingin mo sa akin, joker? Magbibiro lang ako, ang pakikipagrelasyon pa sa tangang pinsan mo?"
"Mandy, bunganga mo!" saway ni Cheska.
"Mom? Hindi mo lang alam but believe me, ganoon nga siya. Hindi lang halata pero tanga talaga siya!" giit niya. Iyan ang laban na hindi niya kayang atrasan at kahit saan man siya dalhin, ipaglalaban niyang tanga si Aron.
"Do you think, sumusobra ka na? Watch your mouth, young lady!" makapangyarihang sabi ng ama. Lalaki siya at kahit siya ang pagsabihan ni Cheska ng ganito, magtatampo siya. Okay lang naman na palagi siyang insultuhin ni Cheska na adik pero ang tanga, medyo nakakababa na yata ang ganito? Isa pa, hindi ganito si Cheska sa harap ng ibang tao. Sa pamilya lang, oo. Pero ang ipahiya siya sa iba, mukhang hindi naman yata ginawa ng asawa? Or baka nabulag lang din siya kaya wala siyang maalala?
Sina Ann at Dylan ay nakikinig lang sa kanila. Mahirap nang makialam dahil may kakaibang ugali ang magpamilyang ito.
"It's okay, sanay na po ako sa anak ninyo."
Napalingon sila sa nagsalita, si Aron.
"Aron ko!" tili ni Mandy at mabilis na lumapit sa kasintahan, "Nandito ka, Aron ko." Ipinulupot niya ang mga kamay sa kanang braso nito at isinandig ang ulo rito.
"Good evening po," magalang na bati niya sa mga kaharap.
"Diyan ka na sumabay kay Aron!" sabi ni Cheska at niyaya na si Oliver na umuwi.
"Ikaw na ang bahala kay Mandy, huwag mong pabayaan ang anak ko," bilin ni Oliver.
"Opo, ako na po ang bahala," magalang na sagot ni Aron at iginiya palabas si Mandy. Umuwi na rin ang mga Lacson.
Tahimik na nakasunod si Mandy pero nang sulyapan ni Aron, kumikibot ang labi nito na para bang isang mangkukulam na binubulong ang ritwal.
Binuksan niya ang front seat. Walang imik na pumasok si Mandy.
Habang nagmamaneho, panaka-nakang sinusulyapan niya ito pero tahimik pa rin ang dalaga.
"Mali ang daan na tinatahak mo!" sabi ni Mandy kaya napakunot siya ng noo.
"Ito naman ang daan patungo sa bahay ninyo, 'di ba?" Hindi siya puwedeng magkamali. Kailan pa siya naligaw?
"Wala akong sinabing uuwi ako sa bahay namin!"
"H-Ha?"
"Kung sa amin lang pala ako uuwi, bakit pa ako magpapasundo sa 'yo? E, kasama ko parents ko? Tanga lang, Aron? Nandadamay ka e!"
"Sorry na. Saan tayo pupunta?" Mahirap nang kalabanin si Mandy ngayon. May kasalanan pa naman siya rito. Pero hindi naman niya kasalanan 'yon e. Ang gulo! Basta masaya siya kahit papa'no. Sapat na ang pag-amin nito na magkasintahan sila. At least, mukhang hindi naman yata nito sinagot si Liam?
"Sa kuwarto mo!" -Mandy.
"A-Ano?"-Aron.
"Bingi ka ba? Sabi ko, sa kuwarto mo tayo didiretso!" Tumaas na naman ang boses ni Mandy.
"A-Ano ang gagawin mo sa kuwarto ko?"
Kinuha ni Mandy ang sandal na binigay ni Aron, "Nakita mo ang sandal na 'to?" Itinaas niya para makita ng binata, "Ito ang dadapo sa mukha mo kung ipagpatuloy mo ang pagiging tanga!" Uminit bigla ang ulo niya sa binata. Badtrip lang!
"Sige, iuuwi na kita," sabi na lang niya. Mabuti na lang dahil hindi na ito nagsalita pa kaya naka-concentrate siya sa pagmamaneho. Kinakabahan siya. Si Mandy pa naman ang babaeng kapag may naisip, ginagawa at walang pakialam sa sasabihin ng iba.
Pagdating nila sa bahay, tulog na ang mga tao. Siya na lang ang bumukas ng gate para hindi na magising ang mga katulong at pamilya.
"Huwag kang maingay," bulong ni Aron habang maingat na binuksan ang main door. Patay na ang ilaw pero naaninag naman nila ang buong bahay dahil sa liwanag na lumulusot sa glass wall.
"Bakit? Ano ang nanakawin natin sa bahay ninyo?" tanong ni Mandy na naka-crossed arms na nakasunod sa binata, "Magnanakaw lang tayo, dito pa sa bahay ninyo? Mas mahal pa ang mga sapatos ko kaysa sa alahas ninyo!"
"Baka kasi magising sila," sabi ni Aron at naglakad na nang maayos. Baka kapag makipagsagutan pa siya, sumigaw na ang dalaga.
"Aron?" Kinalabit niya ang kasintahan.
"Hmm?" Tumigil siya at hinintay si Mandy na nakapaa na lang. Iniwan nito ang sandal sa sasakyan niya, "Bakit iniwan mo ang sandal mo?"
"Mas masarap pang apakan ang sahig ninyo kaysa sa apakan ng Marikina shoes mo!" panunuya ni Mandy, "Hawakan mo nga kamay ko, baka madulas ako sa hagdan," sabi niya at inabot ang kamay ni Aron kaya sabay silang umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto ng binata.
"Bakit naisipan mong dito umuwi?" tanong ni Aron. Madalas talaga niyang hindi niya mabasa ang utak nito, unpredictable.
"Mas mabuti nang paggising ko, nasa kama mo ako kaysa sa pagmulat ko ng mga mata, nasa kama ako ng taong hindi ko kilala!" sabi ni Mandy at sinamaan ito ng tingin, "Maldita lang ako, Aron, pero kahit kailan, hindi ako naging malandi!"
"Mabuti naman," sabi ni Aron at binuksan ang pinto. Naunang pumasok si Mandy at iginala ang mga mata nang buksan ni Aron ang ilaw. Malinis at maayos ang kuwarto nito. Amoy lalaki rin at 70% ng mga gamit ay kulay itim. Kahit ang makapal na kurtina, itim din.
Naglakad patungo sa closet si Mandy, "Saan ang damit pambabae mo?"
"W-Wala e. Hiraman na lang kita kay Jai--"
"Huwag! Ayaw kong magsuot ng basahang damit ng kapatid mo. Bigyan mo 'ko ng tshirt mo!" parang donya na utos niya.
Kumuha si Aron ng puting tshirt at ibinigay kay Mandy. Napatalikod siya nang maghubad ito ng damit sa harapan niya at nagtapis ng tuwalya.
"Dito ka ba talaga matutulog?" paninigurado niya nang makaharap na sa dalaga.
"Oo, ayaw mo?" pagtataray ni Mandy.
"Siyempre gusto."-Aron.
"Psh! Pasalamat ka, kuwarto mo ang pinili ko kaysa sa kuwarto ni Liam!"
"Okay na nga e! Dito ka na matulog, kahit gabi-gabi pa, welcome ka rito! Basta huwag lang kay Liam!" naiinis na sabi ni Aron.
"Galit ka, Aron?" -Mandy
"Hindi a," todo tanggi ng binata, "Nagseselos lang," pabulong na dagdag niya. Bakit ba kasi pinapaalala pa sa kaniya si Liam? Kitang nasasaktan ang siya e.
"Maliligo lang ako, dito ka lang," sabi ni Mandy at binuksan ang pinto ng shower room. Paglabas niya, suot na niya ang puting tshirt ni Aron. Nasa sofa ang binata, nakaupo at naghihintay sa paglabas niya. Manipis pa naman ito kaya napalunok ng laway si Aron. Wala kasing suot na bra si Mandy kaya naaninag niya ang pinkish nipples nito kaya napatingin siya sa sahig.
"Tapos ka na ba? Ako naman," mahinang tanong ni Aron. Sarap tuktukan ng ulo nito.
"Maliligo ka rin pala?" tanong ni Mandy, "Sana sumabay ka na sa akin."
Napatitig si Aron sa dalaga. Seryoso ito. Pero nang mapasulyap siya sa dibdib nito, agad na tumingin siya sa baba. Mahirap talaga iwasan ang tukso lalo na't hindi naman nanunukso ang kaharap.
"Aron? Bakit hindi ka makatingin? Mas maganda ba ang sahig kaysa sa akin?" inosenteng tanong ni Mandy. Napatitig siya rito. Ang cute ng mga mata ni Aron, gusto
"Mas maganda ka, Mandy."
Siya na ang umiwas. Tumayo siya at kumuha ng tuwalya para maligo. Namamawis siya at kasalanan ni Mandy!
Hinayaan lang niya ang sariling mabasa ng tubig mula sa shower. Nasa labas lang si Mandy at matutulog ito sa kama niya. For Pete's sake, wala pang babaeng nakatulog sa kuwarto niya. Kahit si Julie, hindi pa niya nadala sa loob nitong kuwarto niya. Kinabahan tuloy siya. Paano kung may mangyari sa kanila? Paano kung mabuntis niya si Mandy?
"Haist! Kung ano na ang iniisip ko!" sabi niya at agad na tinapos ang paliligo.
Paglabas niya, patihayang nakahiga na ito sa kama. Kinuha niya ang isang unan, sa couch siya matutulog.
"Aron ko?" mahinang tawag ni Mandy, "Tabi tayo."
Napasulyap siya rito, nakapikit na ang mga mata.
"Sa couch na lang ako."
"Gusto ko tabi tayo!" Napaupo si Aron sa kama nang dumilat ito ng mga mata. Kapag ito na ang mga titig nito at sabayan pa ng tumutulis na nguso, umuurong ang dila niya.
"S-Sige, tabi na tayo." Umusod si Mandy kaya nakahiga siya. Share sila sa iisang kumot. Napatingala si Aron sa kisame nang yumakap si Mandy sa bewang niya at isiniksik ang mukha sa malapad niyang dibdib.
"Aron?" inaantok na tawag ni Mandy at inamoy ang binata. Wala si Pooh pero sapat na ang katawan ni Aron para hilain siya ng antok.
"Hmmm?"-Aron.
"Hindi ka ba manonood ng porn sa iPhone mo?" nakangiti niyang tanong kaya napangiti rin si Aron. Sa ganitong sitwasyon, naalala pa talaga ni Mandy ang nasa Gallery niya.
"Hindi na," mahinang sagot niya at niyakap din si Mandy. It feels good. Tila naging isa ang pagtibok ng kanilang mga puso nang magdikit ang kanilang mga dibdib.
"Bakit?" mahina at antok na antok na tanong ni Mandy.
"Aanhin ko ang porn movies kung nandito ka na? Just a sight of you, makes me feel hot, Mandy," natatawang sagot niya pero hindi na sumagot si Mandy, tulog na ito.
Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga. Kapag ganitong nakapikit ang mga mata, nagmumukha itong mabait na Anghel.
"Good night, Mandy ko," bulong niya at hinalikan ito sa noo saka mahigpit na niyakap. Nakahinga siya nang maluwag, masaya siya dahil siya ang pinili nitong makatabi ngayong gabi. Parang kailan lang, malaki na sila, "I love you."
"I love you too, Aron ko," bulong ni Mandy sa panaginip. Parang may narinig kasi siyang nag "I love you" si Aron pero hindi lang siya sure.