64

166 7 0
                                    


CHAPTER 64

Unedited...
"Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo, nakaka-disappoint," bulong ni Mandy. Kagabi pa siya nag-aalburuto at naiiyak. Ne hindi nga siya maka-concentrate sa body bonding nila ni Aron.
"May problema ba, Mandy ko?" tanong ng kasintahan na kakalabas lang ng shower room. Kakatapos lang nitong maligo at tuwalya lang ang nakatapis sa bewang nito.
"Wala, may pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ni Mandy at iniwas ang mga mata sa malapad na dibdib nito. Kahit medyo payatot si Aron, kapag hubaran, kaya niyang sakupin ang buong katawan mo.
"P-Pupunta lang ako kina Blue," palusot niya. Sana ay huwag na lang itong magtanong pa o sumama.
"Ah, may bagong business pala sina Blue?" pasimpleng tanong ni Mandy at inabot ang damit ni Aron na nasa tabi lang niya. E? Parang may magnet ang abs nito, gustong pisilin ng mga kamay niya.
"Yes, may bagong business," sagot ng binata.
"Ah," sabi ni Mandy, "hindi na ako sasama, Aron ko, hindi naman ako maka-relate sa inyo. Isa pa, baka nandoon lang si Jerome at ang bruhang ex mo!"
Tumawa si Aron, ang cute nito kapag magselos but somehow, he felt relieved dahil hindi ito nangungulit. Hindi na nga nito hinihiram ang cellphone niya.
"Don't worry, Mandy ko, sa 'yong sa 'yo na ako. Wala na si Julie sa puso ko," nakangiting saad niya at tumayo sa harapan nito. Kanina pa niya napapansing panay ang iwas ng mga mata nito sa katawan niya.
"Alam ko!" naka-pout na sabi ng dalaga. Kapal ng abs nito, talagang ibinalandra pa sa harapan niya.
"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" nakangiting tanong ng binata.
"Pakialam mo? Magbihis ka na! Ang pangit mo!" Tinulak niya ang kanang hita ng binata pero ayaw naman patinag. Ang lakas kaya ng tuhod ni Aron.
"Sus? Pangit daw. E, ba't mahal mo?" tukso niya.
"Para kang durian, pangit ang amoy pero masarap tikman!" seryosong sagot ni Mandy.
"Pero kapag hindi mo ba ako natikman, hindi mo rin ako mamahalin, Mandy ko?"
"Mamahalin kita kasi ikaw ang stupidman ko!" sagot ni Mandy at pinandilatan siya, "magbihis ka na!"
Ngingiti-ngiting nagbibihis si Aron dahil sa mga sinabi ni Mandy. May times na pinapakilig siya nito nang hindi sinasadya.
"Ano ang gusto mong pasalubong mamaya?" tanong ni Aron at isinuot na ang tshirt.
"Wala. Ano ako, bata?" sagot ni Mandy.
"Vegetables? Fruits? What?"
"Durian?"-Mandy
"Pangit naman 'yon!" reklamo ni Aron, "mangga na lang o 'di kaya'y santol."
Tinaasan siya ng kilay ni Mandy, "Ikaw ang nagtanong tapos ikaw rin ang masusunod? Bahala ka! Wala akong ganang kumain ng kung ano basta puwede bang maghubad ka muna, Aron ko?"
"B-Bakit?" kinakabahang tanong niya.
"Gusto kong mag-body bonding muna tayo."
"P-Pero may usapan kami nina Blue na--"
"Magfi-finger ako kung ayaw mo!"
"Damn! Huwag!" pagpigil niya saka mabilis na hinubad ang damit. Ayaw talaga niyang makitang naggagano'n ang kasintahan kahit na alam naman niyang tinatakot lang siya. No way!
Matapos ang ritwal nila sa kuwarto, umalis na si Aron. Laking pasalamat na lang niya nang natulog si Mandy.
"Kumusta na ang groom to be?" nakangising tanong ni Blue nang makarating siya sa beach house ng isa sa mga barkada nila.
"Mukhang kanina pa kayo, ah," sagot niya nang mapansing ang mga pagkaing nasa ibabaw ng center table sa sala.
"Yes. Ang tagal mo kasi kaya kumain na kami," sagot ni Brix na high school classmate nila.
"Himala, ang aga ninyong lahat!" puna niya. Palaging late ang mga ito kapag nagkikita sila pero ngayon, siya lang yata ang na-late nang dahil sa request ni Mandy.
"Well? Graduating na tayo at kailangan na nating sumunod sa patakaran ng parents natin na be on time!" sagot ni Jimmy. Pito na ang nasa harapan niya pero parang may kulang.
"Nasaan na si Sky?" tanong niya.
"I'm here! Miss me?" sagot nito na kakalabas lang sa bathroom.
"Psh! Puwede bang magplano na tayo? Mahirap makalusot kay Mandy!" pakiusap niya nang makauwi na kaagad.
"Sure! Ikaw na lang naman ang hinihintay namin," sabat ni Black na may pupuntahan pa, "so? What's the plan?"
"Medyo maaayos na ang lahat, ganito na lang ang gagawin ninyo..." Sinimulan na niyang mag-explain sa walo ang gagawin. Bukas na siya mag-propose. Habang nasa daan kanina, tinawagan na niya ang mga in-charged sa cake, balloons at lahat-lahat. Okay na raw kaya wala na siyang dapat na ipag-alala. Ang parents na lang ni Mandy ang bahala sa food and decorations.
"Kailan no balak mag-bachelors party?" tanong ni Blue.
"Saka na kapag tapos na ang engagement. As of now, ang proposal muna ang uunahin ko dahil bukas na iyon," sagot ni Aron habang tine-text si Mandy na pauwi na.
"Basta para sa 'yo, nandito lang ang barkada, Aron. Alam mo naman kami, supportive!" nakangising sabi ni Brix.
"Sky? Okay na ba ang pinaayos ko sa 'yo?" tanong ni Aron.
"Okay naman, nakahanda na ang lahat. Medyo nagkaaberya lang ang ibang mananahi pero matatapos na raw nila before midnight," sagot ni Sky.
"Salamat mga 'tol! Uwi na ako, baka magduda pa si Mandy mamaya," paalam ni Aron.
"Huwag kang mag-alala, gawin mo lang ang gusto mong paghahanda, hindi iyon magdududa," makahulugang sagot ni Sky.
"Sa iyo na ako sasabay," sabi ni Black. Kay Sky siya kanina nakisabay dahil dumaan ito sa condo nila pero naaasiwa siya sa sasakyan ni Sky na puno ng stuffed toys.
Nang nasa daan na sila, kinausap niya si Black, "Kailan mo balak pakasalan si Nathalie?"
"After graduation. Alam mo namang sunod-sunod ang kasal ng mga kapatid ko kaya kami na lang muna ang magpaparaya," sagot ni Black, "hindi naman puwede dahil sukob."
"Oo nga pala, si Erika, ikakasal din pala kay Drei," pagsang-ayon ni Aron, "kung sabagay, maghanda na lang muna kayo. Isa pa, kahit na walang kasal basta ba't nagmamahalan kayo, okay na rin. Kaysa kasal nga pero naghihiwalay rin."
"Iba pa rin kapag may basbas mula sa Itaas," sabi ni Black.
"Oo nga, iba pa rin," pagsang-ayon niya.
"Sayang si Jigs, masyado pang maaga ang pagkamatay niya," sabi ni Aron kaya hindi kumibo si Black, "pero ganoon talaga ang buhay, may umaalis at may dumarating."
Inihinto niya ang sasakyan sa tabi nang may makitang street vendor na nagtitinda ng mangga.
Binuksan niya ang bintana at sumenyas sa matandang lalaki na bibili siya ng dalawang supot. Hindi na siya nagtanong ng presyo basta inabot na lang niya ang isang libo at muling pinaandar ang sasakyan.
"Gusto mo?" alok ni Aron.
"Marami kami niyan sa likod-bahay," sagot ni Black.
"Ah, oo nga pala. Sana nagpadala ako kay Sky," sagot niya.
Pagdating sa bahay, wala pa raw si Mandy.
"Umalis ho siya?" tanong ni Aron sa katulong. Hindi na nasunod ang schedule nilang sa mga Rodriguez sila matutulog dahil busy na sila sa pag-aasikaso rito para bukas. May mga nag-a-arranged na nga ng mga silya sa labas at naglalagay ng tent.
"Opo, pakiayos na lang daw po ng gamit ninyo dahil uuwi raw kayo sa bahay ninyo pagdating niya."
"Sige po, pakibalatan na lang po muna itong mangga at pahatid sa kuwarto, salamat," pakiusap niya at umakyat sa kuwarto para magpalit ng damit.
Kalahating oras na ay wala pa rin si Mandy kaya natulog na muna siya.
Napapitlag siya nang maramdaman ang kaluskos sa tabi niya.
"Sorry, nagising ba kita?" tanong ni Mandy na naka-panty at bra na lang.
"Kanina ka pa? Nakaidlip lang ako."
"Hindi naman, bago lang," sagot ng kasintahan at nginitian siya.
"Saan ka galing?" usisa niya.
"Sinamahan ko si Mommy na mamili ng damit niya para bukas. Aron ko? Ang ganda ng shoes na nabili ni Mommy!" puri niya at pinakita ang dalang itim na sapatos na bigay ng ina.
"Bagay sa mga paa mo," sabi ni Aron at naupo na habang tinitingnan si Mandy na isinuot ang sapatos. Napailing siya habang pinagmamasdan ito. Ne hindi man lang inalintana na wala pa itong saplot. The great model indeed! Inabit niya ang cellphone na nasa bedside table at kinunan ito.
"Kapag pangit ang kuha ko, ibura mo!" sabi ni Mandy.
"Every angle, maganda ka kaya wala kang dapat na ipag-alala," sagot niya. Ang saya nito sa sapatos kaya isang buntonghininga ang pinakawalan niya. Kapag ba isu-surprise niya ito bukas, ano kaya ang magiging reaction nito? Matutuwa ba? Magugustuhan? O magagalit? Minsan ayaw nito na i-surprise.
"Salamat, Aron ko. Pero ang mga bigay mo pa rin ang best shoes for me," sagot nito at hinubad na q g sapatos. Ganito sila kapag nasa kuwarto, walang ilangan. Kahit pareho pa silang maghubad, walang problema.
"Mandy ko?" tawag niya.
"Hmm?" Lumapit si Mandy at kumandong sa kaniya saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya.
"Ang payat mo!" biro niya saka hinalikan sa leeg, "can I leave a mark here?"
"Huwag!" pagpigil ni Mandy, "makikita sa suot ko bukas!"
"Okay, under your--"
"Huwag din! Ayokong magkaroon ng marka ang katawan ko bukas! Ano ka, vampire? Wolf?
"Okay," sabi nito at patuloy ang paghalik habang ibinababa ang black panty nito, "kaninong mangga 'yan sa table?" tanong ni Mandy.
"Pasalubong ko sa 'yo. Halika, kainin muna natin," yaya ni Aron at tumigil sa paghalik.
"Ayoko!" tanggi ni Mandy at mas niyakap ito saka isinubsob ang mukha sa malapad na dibdib ni Aron. Ang bango nito e.
"Ayaw mo ng mangga? Natikman ko na 'yan, hindi naman maasim. Lagyan natin ng bagoong," wika niya na napatingin sa manggang nang-aakit sa kaniya. Napalunok siya ng laway,ang sarap lang titigan dahil kahit kulay green, hindi ganoon kaasim.
"Ayoko!" tanggi ni Mandy, "gusto ko ng body bonding."
"What? Mamaya na, kakain muna--"
"Mangga o body boding?" seryosong tanong ni Mandy na hindi na maipinta ang mukha.
"B-Body bonding na lang. Mamaya na ang mangga," sagot niya kaya napangiti si Mandy.
"Good! Hmp? Ano ang ginawa ninyo kanina?" tanong ni Mandy habang tinatanggal ang sinturon ng kasintahan.
"Wala naman. Nag-uusap lang tungkol sa mga bagay-bagay," sagot niya at napamura sa isipan nang ipasok ni Mandy sa loob ng brief niya ang kanang kamay nito.
"Ah, wala si Bakeshop?"
"Wala kaming babaeng kasama at wala si Jerome," sagot niya saka hinalikan na ito sa leeg nang mag-umpisang gumalaw ang kamay nito.
"Good! Alam mo namang nagseselos ako," pag-amin ni Mandy. Prangka siya at kapag nagseselos siya, ibig sabihin, nagseselos talaga siya!
"Thank you for loving me, Mandy ko," bulong niya at pinahiga na ito sa kama para maumpisahan na ang kanilang body bonding.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon