OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Unedited...
"Makakalbo talaga kita!" Dumiretso si Oliver
sa kusina para kumuha ng malamig na tubig
dahil natutuyo ang lalamunan niya para sa
mag-ina niyang kanina pa nagsisigawan.
"Mommy naman! Believe me, papatayin niya
ako. Inamin na niya iyon kanina sa hospital.
Hindi mo ba narinig?" giit ni Mandy,
"Itinulak niya ako sa pool! He tried to lock
me in the car! Ano pa ba ang hindi ninyo
maintindihan?"
"Ano ang hindi namin maintindihan? Walang
ginagawa ang tao sa 'yo pero sinira mo ang
buhay niya!" galit na sabi ni Cheska. Siya
ang nahihiya para sa kalokohan ng anak. Ang
pinakaayaw niya ay inuunahan ang pamilya
niya pero at this time, si Mandy ang nakikita
niyang may kasalanan.
"Walang ginagawa? Hinuhusgahan niya ako!
Namumula pa ang mga kamay ko dahi sa
kakahatak niya sa akin palagi! Can't you get
it?" she screamed. Sayang lang dahil nawala
na ang pamumula ng braso at kamay kaya
wala siyang patunay na sinaktan siya ni
Aron. "I will file a case against him! Assault
ang battery! Magpapa-blotter na rin ako, he
threatened to kill me!"
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin
kung ayaw mong isumpa kita!" pagbabanta
ng ina.
"And what if he will kill me?"
"Ano ba ang problema mo? Sinira mo na
ang buhay niya! Paano pa sila magkabalikan
nung mahal niya kung ganiyan ang ginawa
mo? Subukan mong magpa-blotter at
gumulo ang buong Pilipinas dahil sa
pinaggagawa mo! Life is not a game,
Mandy!" Mauubusan siya ng dugo sa anak.
Hindi naman siya ganito kababaw noon. Sa
mga gamit, oo. Pero ang sirain ang
kinabukasan ng ibang tao, hindi niya linya
iyon. Si Oliver lang talaga ang kalaban niya
palagi dahil mukhang adik talaga ang asawa
dahil sa hikaw nito. Napasulyap siya kay
Oliver na nakaupo sa mesa at tinititigan ang
baso. Alam niyang naririndi na ito sa
kanilang mag-ina pero mahaba ang
pasensiya ng asawa. Kaya kahit na ayaw man
niyang aminin, mahal niya ito. Kahit na
palagi niyang inaaway, bumabawi naman siya
sa ibang paraan lalo na kapag patay na ang
ilaw. She loves him so much. Lalo na ang
well, katawan nito. Subukan lang nitong
humanap ng iba at buong mundo ang
magugulo.
"Niloko lang siya kaya hindi na rin sila
magkabalikan! Kung nasira man ang buhay
niya, kasalanan niya 'yo dahil tanga siya!"
depensa ni Mandy at napasimangot. "Mom,
for the first time, please believe me, tanga
talaga si Aron. I swear!" Tinaas pa niya ang
kanang kamay bilang panunumpa.
"Mandy naman! Alisin mo ang pagmumukha
mo sa harapan ko dahil aatakihin ako sa
puso nang dahil sa 'yo!"
"Salamat at pinaalis mo na ako!" Padabog ni
Mandy. Hindi naman sa wala siyang galang
sa ina. She respects her mom pero sa ibang
paraan. Ganito na talaga silang mag-ina
kapag si Aron ang pag-uusapan.
Pagdating niya sa kuwarto, patihaya siyang
nahiga sa malambot na kama at nakatitig sa
kisame. Sinusubukan niyang ihipan ang
bangs na nakatakip sa noo niya para kahit
paano, maaliw naman siya.
"Ang bangs ko na lang ang nandito para sa
akin," naiiyak na sabi niya saka nilalaro ang
bangs at pinapaikot-ikot sa kanang mga
daliri. Naalala naman niya ang nangyari pool
at ang pagtangkang pagkulong ni Aron sa
kaniya sa sasakyan. Nakaramdam siya ng
pagkabahala para sa sarili lalo na nang
sariwain niya ang namumula at nanlilisik na
mga mata ng binata. Paano kung sa
susunod, papatayin na siya nito? Ang bata
pa niya para mamaalam kaagad sa mundo.
Kinabukasan, maaga pa siyang bumangon.
Kailangan niyang mag-ayo ng sarili ng
maaga dahil baka matagalan siya. Gusto
niyang magpalagay ng hair extension kaya
maaga pang dumating ang tagaayos niya ng
buhok.
"Kailan mo ipakilala sa akin ang jowa mo?"
tanong ng bakla habang inaayos ang buhok
niya.
"Wala akong jowa," sagot ni Mandy.
"Inamin na nga ninyo kahapon, 'di ba?"
Close sila. Isa ito sa mga hindi natatakot
kapag sumigaw ang dalaga dahil mula noon,
siya na ang nag-aayos kay Mandy. Kabisado
na nga niya ang ugali nito.
"Duh! As if na totoo 'yon!" pag-amin niya.
Alam naman ni Ice ang totoong estado nila
ni Aron.
"Loka ka talaga! Tiyak, nag-aalburuto na
'yon!"
"Well, he got what he deserved!" maarteng
sabi ni Mandy kaya tumawa si Ice.
"Nice, knowing you, ayaw mong magpatalo!"
Mula noon, nasaksihan niya kung paano
lumaban si Mandy at hindi nito ugaling
magpatalo. In that, mas humanga siya rito.
Ito ang tipo ng taong kapag maging
kaibigan mo, umasa kang hindi ka maaapi.
"Naman! Kapag binato ka ng bato, gumanti
ka, barilin mo!" sagot ni Mandy. Hindi na
uso ang maging mabait. Sa mundong ito,
kapag unahan ka nilang i-bully, gantihan mo
ng mas matinding pambu-bully. Kapag
sampalin ka, suntukin mo. Bakit ka
magpapatalo kung alam mong kaya mo sila?
Mabu-bully ka lang kung hayaan mong i-
bully ka nila.
"Kaya nga kaibigan kita!" proud na sabi ni
Ice.
"Ayaw kitang maging kaibigan! Wala lang
akong choice dahil pinutulan ni Stupidman
ang buhok ko!" reklamo niya kaya napailing
na lang si Ice. Mandy is Mandy!
"Ano pala ang apelyido mo?" tanong niya.
Ang alam lang niya ay Lacson ito. Kahit sa
pahayagan, Mandy lang talaga ang
nakasulat. Kung meron man, Mandy Lacson
ang pagkakilala ng mga journalists sa kaniya.
"Hindi ka magkakapera sa apelyido ko kaya
huwag mo nang abalahin ang sarili mo!"
pagsisinuplada ni Mandy. Kung meron mang
nakakaalam ng tunay na apelyido niya, sila
lang 'yon. Basta siya si Mandy. Tapos!
"Gusto mo ng makeup?"
"Ayaw ko!" sagot niya. Hindi siya mahilig
maglagay ng makeup. Minsan lang kapag
sipagin siya. More on bags, shoes, and
clothes ang trip niya.
"Nose line?"
"I hate you! Ano ba ang problema mo sa
nose ko?" nakasimangot na sabi niya. Alam
naman niyang hindi matangos ang ilong niya
pero wala na siyang magagawa. As long na
hindi ikasira ng ganda niya, wala siyang
problema sa ilong. Maliit lang talaga ang
nose niya na bumagay sa heart shape niyang
pisngi.
"Biro lang. Ang iba kasi, todo makeup and
well, alam mo na, plastic surgery." Bilib din
siya kay Mandy. Kahit mapera, hindi ito
retokada.
"My ghad! I am confidently beautiful! No
need to undergo plastic surgery! You know,
I hate plastics!" she proudly answered.
Matapos niyang magpaayos ng buhok,
bumaba na siya tapos nagpatid sa ama.
"Mandy, puwede bang walang gulo muna
ngayon?" pakiusap ni Oliver sa anak.
"Hindi naman po ako nanggugulo," sagot
niya. Hanggat walang bumabangga sa
kaniya, walang gulo na mangyayari. Siya ang
tipo ng taong hindi nag-uumpisa ng away
pero oras na hamunin, wala siyang
inuurungan. Isa sa mga rason kung bakit
ayaw niyang ipagalaw ang katawan niya.
Para kapag may mang-away sa kaniya,
handa siyang makipagsampalan. Hirap naman
nun. Makipag-away ka tapos hindi mo
namalayan, nasa noo mo na ang ilong mo o
di kaya'y nasa puson ang boobs? Huwag na!
"Hindi mo ba kayang tiisin na hindi inaaway
si Aron?"
"Correction, daddy! Siya ang nag-uumpisa
ng gulo, hindi ako!" pagtatama niya.
"Okay pero please, walang gulo."
"Ayaw kong mangako." Baka mamaya, may
susuntok sa kaniya. Hindi naman yata
puwedeng palampasin lang niya 'yon?
"Mandy? Walang shoes!"
"Daddy naman!"
"No fight, with shoes."
"Okay, geez! I'll try!" pagsuko niya. Bahala
na. Iiwasan na lang niya si Aron dahil ito
lang naman ang nagbibigay ng kamalasan sa
buhay niya.
Pagtigil ng kotse, humalik siya sa ama at
bumaba na. Habang naglalakad,
pinapanalangin niya na sana wala siyang
Aron na makakasalubong.
Pagpasok niya sa classroom, agad na
sinalubong siya nina Jersel.
"Kamusta si Aron?" nag-aalalang tanong
nito kaya tinaasan niya ng kilay.
"Still stupid!" Mandy answered. "Why?"
"Anong klaseng girlfriend ka?" bulalas ni
Persia dahil sa sagot ni Mandy.
"Beautiful, rich, sexy and hot!" she raised
her brows, "Any problem with that?"
"My gosh! Paano naging kayo ni Aron kung
ganiyan ang ugali mo?" hindi
makapaniwalang sabat ni Jersel.
"Ugali lang ba ang dahilan kung bakit naging
kami? E di sana naghanap siya ng madre!"
pagsisinuplada ni Mandy. "Tumabi kayong
dalawa! Huwag ninyong sirain ang umaga
ko!"
She sat on the chair and crossed her legs.
Doing nothing.
"What a boring day," she murmured
Ayaw niyang lumabas at gumala sa hallway.
Less people, less catfight.
Nang lunch time, palinga-linga pa siya sa
palibot na para bang hinahabol ng mga
goons. Bahala na kung ano ang isipin ng
mga makakasalubong niya basta kailangan
niyang magsakripisyo pata sa latest edition
ng Louis Vuitton.
"Bakit ganiyan po ang mukha mo?" tanong
ni Lee Patrick nang makapasok siya sa
tambayan.
"Dahil na naman 'yan kay Kuya!" sabat ni
Jairah na tumabi kay John Matthew.
"Haist! Huwag ninyo akong pansinin,"
naiiritang sabi ni Mandy at inayos ang
buhok.
"Ate, kalat na kalat na na kayo ni Kuya
Aron," sabi ni Lance Leonard.
"Hayaan mo sila! Basta ang mahalaga,
kalmado tayo, family natin, relatives, and
friends."
"Kahapon ko pa narinig 'yang linyang 'yan,"
sabat ni Jairah. Ito rin ang sinabi ni Mandy
kahapon sa reporters nang lumabas sa
kuwarto ng hospital.
"Psh! Hindi updated!" ani Mandy saka
dumiretso sa kusina. "Jairah, saan kakain ang
istupido mong kuya?"
"Huwag kang mag-alala, hindi rito." Naupo
siya sa tabi ni Mandy habang sine-serve ng
cook ang pagkain.
"Good news," sagot niya.
"What's your plan?" tanong ni Jairah. Hindi
niya masasabing pabor siya sa ginawa ni
Mandy at hindi rin na hindi. As of now,
50.50 siya. Ayaw niya kay Julie pero ayaw rin
niya sa ginawa ni Mandy dahil naaawa siya sa
kapatid. Hindi ito umiimik pero alam niyang
napupuno na ang kuya.
"Nothing," Mandy replied, "I want to collect
more bags and shoes!" Bakit ba? Shoes is
life!
Matapos nilang kumain, bumalik na siya sa
classroom hanggang sa abutin siya ng last
subject.
"Hindi na ako sasabay, susunduin ako ng
boyfriend ko," kinikilig na sabi ni Persia.
Tumayo si Mandy at inayos ang sarili. Kanina
pa niya hinihintay ang text a tawag ng ama
pero wala.
Tatlo na lang silang natira kaya lumabas na
siya. She stepped backward while her eyes
widened when she saw Aron sa tapat ng
pinto ng classroom nila na tila naiinip sa
hinihintay. Napayuko siya nang
magkasalubong ang kanilang mga mata.
"Papa Jesus, I know I am dyosa pero ano po
ang kasalanan ko ngayon?" she prayed. Wala
talaga siyang nagawamg kasalanan. Patapos
na e. Uwian tapos heto ngayon,
naramdaman niyang nasa harapan na niya si
Aron.
"Kyaaah!" tili niya saka muling itinikom ang
bibig nang hawakan siya ni Aron sa kanang
braso. "Bukas na lang, Aron, please,"
pagmamakaawa niya pero sila lang ang
nakakarinig.
Naramdaman niya ang pagkuha nito ng
shoulder bag niya kaya napatingala siya rito.
Inilagay ni Aron ang bag niya sa right
shoulder nito at hinawakan siya sa kaliwang
kamay.
"Let's go, ihahatid na kita sa inyo,"
mahinahong sabi ni Aron at hinila na siya
para maglakad palabas ng gate. Kahit ang
mga nakakasalubong nila ay napapasulyap sa
kanila. Nagulantang ang utak niya kaya
nagpahila siya rito hanggang sa makarating
sa parking lot. "Hindi ka masundo ni Tito
Oliver dahil ang sabi ko, ihahatid kita
ngayon."
Para siyang naging manniquen na nakatitig
lang kay Aron at pagkurap lang ang tanging
nagawa.
"Anyare?" bulong ni Mandy.