OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
"Tita? Ibalik mo po si Aron sa Westbridge," pakiusap ni Mandy habang kumakain sila sa mahabang mesa ng mga Lacson.
"Hindi mo ba talaga ititigil 'yang bunganga mo, Mandy?" bulyaw ni Cheska dahil kanina pa siya naririndi sa anak.
"I hate him!"
"We all know that. The whole universe knows that!" Cheska answered and rolled her eyes.
Ang mga pinsan ay walang imik na kumakain dahil kahit sila, nabibingi na rin sa bunganga ng pinsan.
"Tita Ann? Bakit sa CTU talaga lumipat si Aron? Puwede namang sa Arellano o sa ibang school!"
"Sa CTU kasi si Jairah," mahinahing sagot ni Ann. Anak ng kapatid niya si Aron kaya pamangkin niya ito a fb siya ang nag-alaga mula pa noong bata nang namatay ang ina ng binata.
"Tito Dylan? Puwede ho bang palayasin mo si Aron sa school natin?" paglalambing ni Mandy sa kapatid ng ina.
"Kumain ka na lang kaya? Wala pang bawas 'yang kanin mo!" saway ni Cheska at kinurot ang anak sa gitna ng hita.
"Ouch!" daing ng dalaga at napahawak sa hita. "Daddy, si Mommy, nangungurot!" naiiyak na sumbong niya sa ama. Ang sakit talaga ng pagkakakurot nito dahil ang haba pa ng kuko ni Cheska.
"Kumain ka na kasi! Gumaya ka sa kapatid mong tahimik!" wika ni Cheska at napatingin sa bunsong anak.
Pabulong-bulong na kumain si Mandy. Napabuntong hininga na lang si Oliver. Hindi naman siya nagkulang sa mag-ina niya pero ilang beses na niyang inihiling na sana ay mawala ang pagmamahal niya sa dalawang babae pero wala talaga. Mahal pa rin niya ang dalawang maldita sa buhay niya. Mabuti na lang ang bunsong babae dahil medyo tahimik ito pero sina Cheska at Mandy, sila lang ang tama. May pagkukulang ba siya? Ano ang mali niya? Paano, kapag magalit siya, isang salita pa lang niya, nakasampu na si Cheska kaya natatahimik na lang siya at umalis sa bahay para magpalipas ng oras.
"Tita Ann? Sasali ako sa search for sorority queen ha," pag-iiba ni Mandy. Ayaw talaga niyang mapunta sa iba ang maskarang pinakaiingatan ng Lola Patch nila. Mahigit kumulang sa 1 trillion ang halaga ng maskara na mamanahin ng sorority queen plus siya pa ang hahawak sa buong sororities ng bansa.
"Kung may pera ka," sabat ni John Jacob. Ang katabi nitong sina Lee Patrick at Lance Leonard ay parehong may earphone ang tainga habang kumakain dahil alam na nila ang pakay ng pagpunta ng pinsan, tungkol na naman kay Aron.
"May pera ako! Kaya kong makipag-compete at matatalo ko silang lahat sa search!" may kampiyansa sa sarili na sagot ni Mandy.
-------------
"Galit ka pa rin ba?" tanong ni Aron kay Julie at hinawakan ang kamay nito. Nakaupo sila sa sala ng bahay ng kasintahan. Pinuntahan na niya ito dahil hindi talaga nito sinasagot ang tawag niya.
"Masama lang ang pakiramdam ko."
"Babe? Sorry na, ayaw ko lang na sumama ka sa party na iyon na hindi ako kasama." Hindi niya ito pinayagan kaya nagtatampo si Julie sa kaniya.
Hinarap siya ng dalaga at hinila ang kamay niya kay Aron.
"Hindi na ako bata, Aron. Sana maintindihan mo na kailangan ko rin ng social life bilang normal na teenager! Hindi iyong nasa bahay lang ako palagi! Nagsasawa na ako! Mas sobra ka pa kina Daddy!"
Napatulala si Aron kay Julie. Mahal niya ito. Tahimik, maganda at mahinhin. Ilang buwan din siyang nanligaw sa dalaga bago siya sinagot nito.
"Nagbago ka na," malungkot na wika ni Aron. Mula nang lumipat siya sa CTU, naramdaman niya ang panlalamig ng kasintahan.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Julie. "Hindi ako nagbago, gusto ko lang makisalamuha. Gusto ko lang maging masaya," sagot ni Julie. Naiinggit siya sa ibang kaibigan at kaklase niya na pumupunta sa party dahil mukhang masaya ang mga ito. Pero hinid ibig sabihin nun, nagbago na siya. Mahal pa rin niya si Aron, walang magbabago.
"Hindi pa ba ako sapat?" Muling kinuha ni Aron ang kamay niya. He really loves this woman. Ilang taon na lang, pagka-graduate niya, papakasalan na niya ito.
"Babe, sapat na sapat ka. Mahal kita at alam mo kung gaano kita kamahal pero sana maintindihan mo na hindi lang sa iyo umiikot ang buhay ko. I have friends, I have family. Kailangan din nila akong makausap at makasama."
Wala namang problema sa ugali ni Aron. Mabait ito, faithful at husband material. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit na marami ang babaeng umaaligid at tumitili rito, nanatili itong tapat sa kaniya. Hindi ito nagkulang. Ang ayaw lang niya ay ang sobrang strikto ito pagdating sa kaniya.
"Ganoon na ba ako kahigpit sa 'yo, Julie? Sabihin mo lang, papayagan naman kita. Noong isang araw lang talaga e hindi puwede dahil hindi kita masundo." Kailangan niyang sunduin si Jairah sa Baguio dahil sumama sa barkada at hindi nagpaalam.
"Hindi naman. Okay na, hindi na ako galit sa 'yo, bati na tayo." Hindi naman niya kayang tiisin si Aron.
"Ehem!" Napahiwalay ang dalawa nang tumikhim ang ama ni Julie sa likuran nila.
"Magandang umaga ho," bati ni Aron.
"Magandang umaga naman. Kumain ka na?" tanong ng matanda.
"Opo, bago ako umalis sa bahay, kumain na ako."
"O siya, maiwan ko muna kayo, may meeting pa kami! Julie, dito na muna kayo. You know your limits," makahulugang paalala ng ama.
"Opo," sagot ni Julie. Kahit na hindi na ipaalala ng ama, mapagkatiwalaan si Aron. Maliban sa pagiging tapat, may respeto ito sa kaniya. Bagay na ipagmamalaki niya.
Nagkuwentuhan muna sila, nagtawanan at nag-merienda pero nagpaalam si Aron na uuwi muna dahil may ipanapakiusap ang ina.
"Ihatid kita bukas sa Westbridge at tatawagan kita kapag nasa bahay na ako," bilin ni Aron saka hinapit ito sa bewang. "Can I kiss you?"
"Nagpapaalam ka pa--uhm!" Mariing hinalikan siya ni Aron sa mga labi na hindi naman siya tumanggi. Kahit na siya ang first girlfriend ni Aron, alam niyang hindi siya ang first kiss ng binata. He is a kiss expert! Alam nito kung ano ang tamang timpla ng halik ang ibibigay sa kaniya. Tama lang na mawala ang galit niya.
"Alis na 'ko," nakangiting paalam ni Aron saka mabilis na ginawaran ng halik sa kaliwang pisngi ang kasintahan.
"Nakailan ka na!" natatawang sabi ni Julie saka hinampas ito sa dibdib pero mahina lang naman.
"I wish I could kiss you all over," he said in a husky voice.
"Alis na! Baka magalit pa si Tita Aira," pagtataboy niya. Mabait ang parents ni Aron at wala siyang problema sa mga ito. Sa kambal nitong kapatid, medyo naiilang siya kay Jairah. Naging kaklase niya si Taira kaya okay naman siya rito.
"Sige, alis na ako. I love you, babe!"
"I love you too, Aron," sagot ni Julie saka hinatid ito sa gate.
Nasa biyahe na si Aron nang tawagan ng ina na papunta ito kina sa kakambal na si Ann. Kahit na hindi niya tunay na ina si Aira, ne minsan, hindi ipinaramdam ng step-mother na hindi siy nabibilang sa pamilya. Mas mahal pa nga siya ni Aira kaysa kay Tyron. Ganun din sa kambal na kapatid, sobrang close silang tatlo.
Dumaan muna siya sa mga Lacson para sabay na sila ng ina.
"Magandang hapon po," bati niya kina Ann na nakaupo sa veranda at nag-uusap kasama sina Cheska at Aira.
"Aron! Na-miss ko ang panganay ko!" bulalas ni Ann at tumayo saka yumakap sa kaniya.
"Panganay ko siya," biro ni Aira.
"Panganay ko siya!" giit ni Ann. "Ako kaya ang naghuhugas ng pitotoy niya noon."
Namula si Aron sa sinabi ng tita. Ilang linggo matapos siyang ipinanganak ng mommy Stephanie niya, namatay ito kaya si Ann na ang nag-aalaga sa kaniya dahil ang daddy niya ay busy sa paghahanap kay Aira. Hindi naman masama ang loob niya kahit alam niyang hindi minahal ni Tyron ang tunay niyang ina. Masuwerte pa rin siya dahil minahal siya ng Mommy Aira niya. Akala nga niya noon, ito ang tunay niyang ina kaya naging malungkot siya nang ipinagtapat sa kaniya na patay na ang tunay niyang ina.
"Mommy, swimming lang po kami!" paalam ni Anndy na nakaputing swimming suit. Ang quadruplets ay nasa pool na.
"Mom? Ano ang ginagawa niya rito?" bulalas ni Mandy na nakasunod kay Anndy.
"Here we go again," Cheska exclaimed.
"Hindi ka na ba talaga mabubura sa mga mata ko, Aron?" nakapamewang na tanong ni Mandy kaya natahimik ang tatlong babae sa harapan nila.
"Palagi mo akong nakikita?" he asked back at sinulyapan ang dalaga para makita ang mukha nitong nasira nang makita siya.
"Malamang!" Pinandilatan siya ni Mandy.
"Baka palagi mo akong iniisip?" walang ganang sagot ni Aron kaya kahit na hindi siya nakatingin, nakikita niya peripheral vision ang mukha nitong kasing tapang ng tigre sa gitna ng laban. Napayuko siya nang mapansin ang lumilipad na tsinelas nito.
"My ghad!" hindi makapaniwalang sabi ni Cheska at tumayo. "You're insane, Mandy!" Kahit sina Ann at Aira ay napanganga rin.
"Hindi mo ba kayang turuan ng leksyon ang anak mo?" nakasimangot na sabi ni Ann nang hindi na makatiis. Mahal niya si Aron kaya nasasaktan siya kapag may umaaway rito.
Hindi maipinta ang mukha ni Cheska nang hinarap si Ann. "Marunong akong magdisiplina sa anak ko kaya huwag mo akong husgahan!" Uminit bigla ang ulo niya sa sinabi ni Ann. Sino ba ito para husgahan ang pagiging ina niya?
"Ikaw? Maliban sa pagluluto ng lason, ano pa ang alam mo?" taas noong pang-iinsulto ni Cheska. Kahit paano, alam niyang makain naman ng aso ang luto niya pero ang kay Ann? Mas masahol pa sa aso si Dylan dahil ito lang ang nakakasikmura ng luto ng asawa.
"Masarap akong magluto!" giit ni Ann na tumaas na rin ang boses. Laitin nito na pangit siya pero huwag lang ang luto niya.
"Yeah! Masarap kang magluto! Itanong ko pa kay Dylan, kay Dylan at kay Dylan!" Napahilot na lang sa ulo si Aira sa dalawa. Mula noon, hindi talaga magkasundo ang dalawa.
"Tita Ann, okay lang po, hindi naman ako natamaan," sabat ni Aron. Dahil sa kaniya, mag-aaway na naman yata ang dalawa.
Sinipa muna ni Cheska ang upuan bago sumunod sa anak na ngayon ay palabas na ng mansion.
"Habang tumatagal, humahaba na ang sungay ng malditang iyon!" bulong ni Aron. Huwag lang talagang sagarin ni Mandy ang pasensya niya.A/n:
Lalaki ba yung kapatid ni Mandy? Hahaha! Wala yata talagang apelyido si Mandy e. Damn!
Nagkakabaliktad to minsan ung pangalan nina Cheska at Mandy e. Hahaha
Ann+Dylan-"Fraternity King"
Aira+Tyron- "Ang Ambisyosang Palaka"
Cheska-Oliver- "Fraternity King"(extra lang)
Si Ann at Yna magkambal at kapatid nila si Tyron.-Rodriguez family.
Si Tyron-asawa si Aira-anak nila ang kambal na sina Jairah at Taira. Si Aron naman, anak sa labas ni Tyron kaya mas matanda lang ng isang buwan si Aron kina Jairah at Taira.
Sina Ann at Dylan Lacson-anak nila ang quadruplets na lalaki at si Baby Anndy.
Mag bestfriends sina Aira, Kimberly, Ann, at Yna na nagsimula ang story nila sa "Ang Ambisyosang Palaka" o pwede rin kayong dumaan sa "Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom pa".