65

191 9 0
                                    


CHAPTER 65

Unedited...
"Bakit pa tayo uuwi sa bahay?" tanong ni Aron habang nagbibihis.
"Kasi ayaw ko rito, ang daming tao!" reklamo ni Mandy, "ang ingay nila! May mga pumupokpok at kung ano pa ang ginagawa!"
Naupo si Aron sa kama at pinagmasdan si Mandy habang nagliligpit ng mga damit sa backpack. Ang cute nito tingnan sa maluwag na puting tshirt at naka-panty lang.
"Kailangan pa ba ng mga damit?" tanong ni Aron, "sige, huwag na lang. May mga damit na pala tayo sa bahay ninyo."
Lumapit siya kay Aron at kinuha su Pooh.
"Dadalhin mo pa ba 'yan? Iwan mo na," ani Aron.
"Hindi ako makakatulog kapag wala si Pooh!"
"Palagi mo na lang siyang dala. Nandito naman ako, you can hug me anytime you want," sabi ni Aron at tumayo para kumuha ng food wrapper.
"Pero si Pooh ang karamay ko sa lahat. Siya ang tigasalo ng laway at mga luha ko kapag natutulog ako!" nakasimangot na sagot ni Mandy.
"Basta iiwan na lang natin si Pooh dahil marami ang makakaamoy sa kaniya mamaya pagbaba natin. Ang laki pa naman niya," sabi ni Aron. Ayaw pa naman nitong palabhan kahit na ang medyo madumi na.
"E ano naman? Mas mabango pa si Pooh kaysa sa kanila!" pagtatanggol ni Mandy, "dalhin na kasi natin!"
"Uuwi ka rin bukas, masanay ka namang wala siya sa tabi mo. Nandito na ako at magkakapamilya na tayo," giit ni Aron. Malapit na silang bumuo ng pamilya. Dati, kay Julie pa siya nangangaral ng ganito pero ngayon, si Mandy ang tutupad nito. Ang sama mang ikumpara pero kay Mandy siya lubusang sumaya pero ang bawi naman nito, ay sobrang sakit sa ulo ito minsan. Pero mahal niya kaya sige na lang, tanggap niya ang lahat kahit na maaga pa siyang makalbo sa pagiging pasaway nito.
"Bakit binalot mo 'yang mangga?" tanong ni Mandy.
"Sayang naman kung itapon ko. Binili ko para sa 'yo tapos ayaw mong kainin," nagtatampong sagot ni Aron at itinapon ang bagoong sa maliit na basurahan sa kuwarto. Mamaya, ililigpit ito ng mga katulong.
"E, ayaw ko nga ng mangga! Bakit mo ba ako pipilitin? Ikaw ang kumain kung gusto mo!" sagot ni Mandy at kumuha ng pantalon saka isinuot.
"Ako na nga lang ang kakain e," sagot niya. Ang tagal na niyang hindi kumakain ng mangga kaya siguro na-miss niya ito. Ang sarap isawsaw sa bagoong.
Tahimik na pinagmasdan ni Mandy si Aron na inaayos ang pagkakabalot ng mangga. Tinikman na niya ito kanina at sobrang asim talaga pero kapag si Aron ang kumain, parang papaya lang ito na walang asim.
"Let's go?" tanong ni Aron nang matapos ilagay sa backpack ang mangga.
"Aron ko?" malambing na sabi ni Mandy.
"Hmmm?" tanong ng binata na humarap sa kaniya.
"Mamaya na tayo aalis, ano muna tayo, alam mo na 'yon," sabi ni Mandy. E kasi, ang pogi talaga ni Aron ngayon. Araw-araw na lang, nadadagdagan ang kaguwapuhan nito na kaysarap halik-halikan.
"Ano ba? May gagawin ka pa ba, Mandy ko?" usisa nito, "kung meron, uubusin ko muna ang mangga."
"Kiss mo 'ko!" Utos nito.
"Mamaya na sa bahay, alis na tayo. Buong magdamag kitang hahalikan, promise ko 'yan, Mandy ko," ani Aron na nakuha ang nais ng kasintahan. Napansin niyang si Mandy na ang palaging nag-i-initiate sa kanila pero ayos lang naman sa kaniya.
"Okay," pagsang-ayon ni Mandy.
Nang makababa na sila, nakasalubong nila si Cheska kaya nagpaalam muna sila na uuwi na sila.
"Sige, agahan na lang ninyo bukas," sagot ni Cheska.
"Salamat po," magalang na sagot ni Aron. Nauna nang lumabas si Mandy at may kinakausap pa itong mga tauhan.
"Ready na po ba ang lahat, Mommy?" nag-aalalang tanong ni Cheska.
"Yes, kami na bahala rito. Basta planuhin mo na lang ang sa iyo," sagot ni Cheska. Alam niyang may masu-surpresa talaga bukas kaya lihim na napangiti siya, "siguraduhin mo lang na mamahalin ang singsing mo para hindi umurong ang bruhang anak ko," sagot niya.
"Yes po, nasa parents ko na ang singsing. Mamaya ko na po kukunin. Ang cake po pala, ako na ang bahala," ani Aron, "okay na po iyon, five layers."
"Salamat, Aron. Mabuti naman at napagtiyagaan mo ang anak ko," kampanteng sabi ni Cheska. Kahit paano, si Aron lang ang makakaunawa sa anak niya. Mas napapasunod pa nga nito kaysa sa kanila.
"Wala po iyon, mahal ko lang talaga ang anak ninyo," nakangiting sagot ni Aron. Ganoon din naman si Oliver dito, tumagal din sila ng ilang taon kahit na may mali naman talaga sa ugali ni Cheska.
"Salamat, Aron. Sige na, naiinip na siya sa kakahintay," sabi ni Mandy.
Hinalikan ito ni Aron sa pisngi saka lumapit kay Mandy, "Let's go?"
"Ang tagal mo! Nanlilogaw kanha sa mommy ko?" nakasimangot na sagot ni Mandy.
"Nag-uusap lang kami. Bakit ba parang nagseselos ka?" nakangiting sagot ni Aron.
"Nagseselos ako sa lahat ng babae na nakakasalamuha mo! Bata man o matanda!" sagot ni Mandy, "dahil sa ngayon, gusto ko lang maramdaman na akin ka at mahal mo ako!"
"Possesive?" biro niya.
"Basta! At this moment, gusto ko lang maramdaman na mahal mo ako at hindi mo ako pabayaan at iiwan," sagot ni Mandy at ipinulupot ang mga kamay sa braso niya, "'di ba Aron ko? Akin ka lang?"
Tumawa si Aron at ginulo ang buhok nito, "Sa 'yo lang ako at huwag kang mag-alala, hindi kita iiwan."
"Salamat. Basta ayaw ko lang talaga na iiwan mo ako ngayon at gusto kong palagi kang nasa tabi ko," naiiyak na sabi ni Mandy pero ayaw niyang tumulo ang mga luha. Gusto niya ng kapanatagan ng loob at seguridad mula kay Aron. If may gusto siyang nasa tabi niya parati, si Aron iyon. Ayaw niyang maramdamang inaabandona siya.
Habang nasa biyahe, si Mandy ang nagmamaneho habang panay ang kanta nito. Basta masaya siya at gusto niyang palaging kumakanta.
Kinuha ni Aron ang mangga at kinain kahit na walang asin o bagoong. Masarap naman e. Nakikinig lang siya kay Mandy at sa totoo lang, ang ganda pala ng boses nito, ang sarap pakinggan. Para lang siyang nasa Disneyland.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon