CHAPTER 56
Unedited...
"Ba't ka nakangiti?" tanong ni Tyron sa anak. Nakahiga ito sa couch habang may binabasa sa cellphone.
"Wala ho." Sumeryoso ang mukha ng binata at naupo, "Saan si Mommy?"
"Naiwan kina Yna. Para kang baliw riyan!" sabi ni Aron at dumiretso sa kuwarto.
Kakapalit lang nila ni Mandy ng sim card kaya sariling number na naman niya ang gamit niya.
Sa mga nakalipas na linggo, naging maayos ang pagsasama nila ni Mandy. Minsan, sumusunod na ito sa kaniya at madalang na lang din itong makipag-away sa mga nakakasalubong. At least, hindi siya binibigyan ng sakit ng ulo.
Napangiti lang siya dahil ang sabi nito, maliligo na raw at sabay sila. Lahat ng ginagawa nito, ipinapaalam sa kaniya kaya wala siyang problema. Kampante siyang siya lang ang mahal nito.
Dahil masunurin siyang boyfriend, umakyat siya sa kuwarto para maligo.
Nakahubad na siya nang nag -video call si Mandy.
"Hi!" bati niya.
"Aron ko? Maligo na tayo?" parang batang sabi ni Mandy na nasa shower room.
"Okay, patayin mo na," natatawang sabi ni Aron.
"Baba mo ang camera, may gusto akong makita!" excited na sabi ni Mandy kaya tumawa si Aron.
"Pasaway! Maligo ka na!" napailing na sabi niya kaya sumimangot si Mandy.
"Baba muna ang camera!" giit ni Mandy. Ang upper part lang ang nakikita niya.
"Akala ko ba, gusto mo ng abs ko?"
"Ibabalik natin sa abs mo mamaya. Basta ibaba mo!" sigaw ni Mandy kaya natarantang ibinaba ni Aron ang cam.
Narinig niya ang pagtawa ni Mandy kaya itinaas na niya ang camera.
"Masaya ka na?" nakasimangot na tanong niya.
"Yes," sagot ng dalaga na malapad ang ngiti, "Aron ko? Na-miss kita!"
"Kanina lang tayo ng hiwalay, miss mo na kaagad ako?" nakangiting tanong ng binata. He loves her. From the tip of her hair to the tip of her toes.
"Oras-oras, gusto kitang makasama, Aron ko!"
"Me too, I love you, Mandy ko!" sabi ni Aron.
"Aron ko? Simba tayo mamayang gabi? Last mass," yaya ni Mandy at hinubad ang natirang saplot, "I'm naked!"
Halos malaglag ang panga ng binata sa nakita. Parang gusto tuloy niyang lumipad patungo sa kuwarto ng kasintahan.
"S-Sige, simba tayo mamaya at nang mabawasan naman ang kasalanan ko," nauutal na sagot niya.
Tinapos na ni Mandy ang tawag pumasok siya sa shower room habang nakangiti.
Paglabas niya, saktong nag-ring ang cellphone niya. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag dahil si Mandy lang naman ang palaging tumatawag sa kaniya.
"Mand--"
"H-Help!" Nanlamig ang buong kayawan niya nang marinig ang boses sa kabilang linya. Ilang buwan na rin silang walang communication.
"J-Julie, ano ang nangyari?"
"T-Tulong... P-Pinasok ang bahay namin."
"Shit! Nasaan ka? Hello? Julie!" natarantang tanong niya pero hindi ito sumagot.
Bang!
"Shit! Julie?" Dali-dali siyang nagbihis at nagmaneho patungo sa bahay nina Julie habang tinatawagan ang mga pulis.
--------
"Ba't nakabihis ka?" tanong ni Cheska sa anak.
"Nakakahiya naman pong bababa ako nang maghubad," depensa ni Mandy, "Ouch!" daing niya nang hampasin siya ng ina ng magazine sa ulo.
"Kung kinakausap kita nang maayos, sumagot ka nang maayos!" singhal ni Cheska. Palagi na lang pinapainit nito ang ulo niya.
"Mandy?" tawag ni Oliver nang lumapit sa kanila, "Saan ka pupunta?"
"Magsisimba kasama si Aron ko," sagot ni Mandy.
"Tapatin mo nga ako, may nangyayari na ba sa inyo ni Aron?" nanginginig ang kalamnan na tanong ni Oliver. Babae ang anak niya at natatakot siya para rito.
Hindi makaimik si Mandy. Kahit paano, nahihiya siyang umamin kaya pati dila niya ay umuurong din.
"Mandy, sinasabi ko na sa 'yo, ayusin mo ang buhay mo!"
"Maayos naman po, Dad!"
"Pero mali pa rin na magsama kayo! Paano kung mabuntis ka? Mandy naman, babae ka!" giit ni Cheska. Ayaw lang niyang madaanan ng anak ang napagdaanan niya noon na nabuntis at wala ang ama ni Mandy na umalalay sa kanila.
"C'mon guys, it's two thousand seventeen!" sagot ni Mandy.
"Ayaw mong makinig sa amin? Lumayas ka at doon ka magpabuhay kay Aron mo!" seryosong sabi ni Oliver at binuksan ang TV. Masakit para sa kaniya ang katigasan ng ulo ng anak.
Napatingin si Mandy sa TV nang mag-flash report.
"H-Hindi ba si Aron 'yan?" tanong ni Cheska nang makita si Aron na may niyayakap na babaeng umiiyak, "Baka kamukha lang niya."
Natigilan si Mandy. Hindi siya puwedeng magkamali, si Aron talaga at Julie ang nasa TV. Ayon sa balita, pinasok ng magnanakaw ang bahay ng mga ito at walang awang hinalay bago pinatay ang dalawang kasambahay at. Masuwerte lang dahil hindi kuwarto ni Julie ang unang pinasok ng mga ito kaya nakapagtago kaagad ang dalaga sa basement.
"T-Tinulungan lang niya ang babae kasi emergency," depensa ni Mandy pero nasasaktan siya sa nakikita. Kitang-kita sa camera kung gaano ito nag-aalala sa ex niya.
"Kawawa naman. Mabuti na lang dahil nakapagtago pa ang dalaga," sabi ni Oliver at napailing.
"Ganito na ang nangyayari sa bansa natin, talamak na ang droga!" sabi ni Cheska, "Krimen dito, krimen doon! Wala nang pahinga! Kasalanan kasi talaga 'to ng mga China! Sila ang source ng shabu!"
Tumayo si Mandy nang makitang hinalikan ni Aron sa noo si Julie. Kahit na naka-focus ang camera sa reporter, nakikita pa rin ang dalawa sa likuran nito. Wala sa sariling pumasok sa kuwarto. Nanlamig ang buo niyang katawan.
"Kalma, Mandy," bulong niya sa sarili. Nang nasa kuwarto na siya, tinawagan niya si Aron pero ring lang nang ring ang cellphone nito. Binuksan niya ang TV. Naka-live pa rin sa ibang channel. Nasa sala sina Aron habang inaalo si Julie na iyak pa rin nang iyak. Napansin niyang umiilaw ang cellphone ni Aron na nasa gitna nila ni Julie kaya hindi na siya muli pang tumawag.
"Mali naman na mainis ako pero naiinis pa rin ako!" umiiyak na sabi niya saka niyakap si Pooh pero nang maalala niyang kay Aron pala ito galing ay tinapon niya sa sahig.
Alas siyete na nang gabi pero hindi pa rin tumatawag si Aron. Hindi na rin siya nagtangka pang tawagan o i-text ito.
Buong gabi siyang hindi nakatulog at inaabangan ang tawag nito pero wala hanggang sa dumating ang umaga. Kahit na puyat, pumasok pa rin si Mandy.
"Mandy!" tawag ni Jairah pero nilagpasan lang niya ito.
"Mandy sandali!" sabi nito at hinarangan siya sa daan, "B-Bakit namumugto ang mga mata mo?"
Hindi sumasagot si Mandy kaya napabuntonghininga si Jairah, "P-Pakinggan mo muna si Kuya." Nag-text si Mandy sa kaniya kagabi. Kapag hindi pa raw tumawag ang kuya niya, maghihiwalay na sila, "Hindi rin naman tumawag si Kuya sa amin, baka na-lowbat." Nabalitaan nila ang pagsugod nito kina Julie para tumulong.
Nilagpasan lang niya si Jairah. Wala siya sa mood para makipag-usap kahit kanino. Kahit tinatawag nga siya ng guro, hindi siya sumasagot. Magtatanghali na, wala pa rin kahit na anino ni Aron.
Pumunta siya sa tambayan, habang kumakain, sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya.
"Ate Mandy, tumatawag si Kuya Aron," sabi ni Jacob nang makita kung sino ang tumatawag, "Aron ko".
Hindi kumikibo si Mandy at ipinagpatuloy lang niya ang pagkain kaya tumahimik ang quadruplets. Mukhang alam na nila ang dahilan.
Marami na ang messages pero wala siyang pakialam. Nang matapos siyang kumain, iniwan niya ang cellphone sa mesa at pumasok sa silid para matulog. A-Absent siya dahil ngayon lang siya nakaramdam ng pagkaantok.
"Mandy!" Nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog nang may kumalampag sa pinto niya, "Mandy ko!"
Naupo siya. Nagdadalawang isip kung pagbuksan si Aron pero sa bandang huli, tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan. Sobrang ingay kasi nito.
"Thanks God, Mandy ko, sorry," agad na paumanhin ng binata at hinawakan siya sa magkabilang balikat, "Pinasok ang bahay nina Julie at number ko ang napindot niya kaya pinuntahan ko siya. Sorry kung hindi ako nakapunta dahil kailangan ako ni Julie, nasa US pa ang parents niya. Nag-collapse siya dahil sa takot kaya dinala namin siya sa hospital. Naiwan ko naman ang cellphone ko sa bahay nila kaya hindi ako makatawag sa 'yo," mahabang paliwanag niya pero naka-poker face lang si Mandy, "Mandy ko, sorry talaga. Hindi ko sinasadya, masyadong mabilis lang ang pangyayari."
Napapikit si Mandy at pagmulat ay tinitigan ito sa mukha, "Kapag gusto, maraming paraan. Wala bang cellphone ang nurses at doctor sa hospital para hindi mo ako matawagan?"
"H-Hindi ko kabisado ang number mo," pag-amin niya. Hindi niya ugaling magkabisado ng cellphone number.
"Kaninong number ang kabisado mo?" walang emosyon na tanong ni Mandy, "Kay Julie?"
"M-Matagal kami ni Julie, kaya--"
"Kaya mas kabisado mo ang number niya? Kaya hinalikan mo siya sa noo habang umiiyak siya? Kaya kapag kasama mo siya, nakakalimutan mo na ako? Gano'n ba 'yon, Aron?"
Tumahimik si Aron. Walang emosyon ang mukha ni Mandy pero ang boses nito, puno ng hinanakit.
"Ano? Sagot!" sigaw ni Mandy.
"Kailangan lang talaga ako ni Julie at emergency ang nangyari," mahinang sagot ni Aron.
"Paano kung may nangyari rin sa akin? Si Julie pa rin ba ang uunahin mo?"
"M-Mandy, please, pakinggan mo naman o," pakiusap niya.
"Pinapakinggan kita, kagabi ko pa pinipilit ang sarili kong unawain ka!" singhal ni Mandy. "Tapatin mo ako, mahal mo pa ba si Julie?"
"Ikaw na ang mahal ko," sagot ni Aron.
"Hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig mula sa 'yo," mahina pero puno ng hinanakit na sabi ni Mandy, "Alam kong mahal mo si Julie. Umamin ka, minahal mo lang ba ako dahil hindi ka na niya mahal? Panakip-butas lang ba ako, Aron?"
"Mandy naman, hindi mo ako naiintindihan!" desperadong sabi ni Mandy.
"Simple question but you're giving me a conflict answer!" nanginginig na ang boses ni Mandy sa galit, "I need your fuckin' honest answer! Mahal mo pa ba si Julie?"
Itinaas ni Aron ang mga kamay bilang pagsuko, " Minahal ko si Julie at matagal na naging kami at aaminin ko, concern pa rin ako sa kaniya pero mas mahal na kita."
Tumawa si Mandy, "Kapag makipaghiwalay ako sa 'yo, ano ang gagawin mo?"
"M-Mandy, ayaw kong--"
"Answer me!" singhal ni Mandy. Naalala niya ang mukha nito habang hinahalikan si Julie sa noo para tumigil sa pag-iyak. Masakit!
"Susulat ako ng libro na kung saan, walang hiwalayang maganap sa swag couple," malungkot na sagot ni Aron. Iba ang pakiramdam niya. Sa tono ng pananalita ni Mandy, nadudurog ang puso niya. Sinalubong niya ang mga mata ng dalaga. Nanlumo siya sa nakitang pait, lungkot at galit sa mga mata nito.
"Simulan mo nang magsulat dahil mula ngayon, break na tayo! In real life, forever doesn't exist! Ang swag couple? Buwag couple na!" seryosong sagot ni Mandy saka malakas na isinara ang pinto
