24

1.7K 72 0
                                    

OH MANDY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited...
"Aray!" reklamo ni Mandy nang pinaghahampas ng ina ng mga sapatos niya.

"Waaah.. Daddy, si Mommy--Ouch!" Napabangon siya sa kama at lumayo kay Cheska.

"What the hell is your problem?" naiiyak na tanong habang hinihimas ang brasong natamaan ng takong ng mga sapatos. "A-Ang shoes ko, m-masira!"

"Bakit hindi mo sinipot ang ka-blind date mo kagabi, ha?" singhal ng ina.

"So? Ano ang gusto mo? Kakausapin ko siya? My ghad! Ne hindi mo man lang sinabi sa akin na bulag pala ang ipa-date mo sa akin? No offense pero sana nagpajama na lang ako! Alam mo 'yon? Gumastos pa ako para sa mamahaling damit at pa-makeup para lang maganda sa paningin nila pero ano? Bulag naman pala siya?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Badtrip siya. Kung puwede nga lang na hampasin niya ang ina, ginawa na niya ito kagabi pa bago matulog.

"Wala namang problema kung bulag siya dahil mukhang guwapo at yayamanin naman pero iyong hindi ako na-informed?"

"Sino ang nagsabi sa 'yong bulag siya?" tanong ni Cheska naha-highblood siya sa anak.

"Alam mo bang kakatawag lang niya na ginawa mo siyang tanga? Lahat ng lakad niya, pina-cancel niya para lang pagbigyan ako na i-date ka niya tapos ano? Sinayang mo lang bata ka!"

"Bulag nga siya, Mom!"

"Kailangan pa naging bulag si Liam?"

"Liam who? Siya ba ang bulag kagabi?"

"Sino'ng bulag ang sinasabi mo?"
"Si Liam, hindi po ba bulag--ouch!" daing niya nang dumapo ang unan sa mukha niya.

"Hindi mo kilala si Liam Navarro?" bulalas ni Cheska. "My ghad, Mandy!"
Ilang segundong natigilan si Mandy.

"Si Liam Navarro? Ang anak ni Vhong Navarro?"

"Hindi ka seseryoso?" singhal ni Cheska.

"Hindi po ba may anak si Vhong? Siya ba 'yun?"

"Tanga! Liam Navarro! CEO ng Navarro enterprises at may-ari ng Navarro shoes!"

"Waaah. Sure ka, Mommy? Siya 'yung ka-date ko kagabi? Eh sino 'yong blind?" tili ni Mandy. Number one fan siya ng mga sapatos ng Navarro dahil matibay ang mga ito. Kakapatayo pa nga lang kaya hindi pa ganun ka boom ang pangalan.

"Malay ko sa 'yo!"

"M-Mommy naman, b-bakit hindi mo sinabi?" naiiyak na sabi niya. Nakita na niya minsan sa magazine ang mukha ng binata at nagaguwapuhan siya. Sa edad na bente kuwatro, naging successful na ito sa larangan ng negosyo.

"Kaya nga blind date eh!" sabi ni Cheska.

"Mom? Set mo ulit," pakiusap ni Mandy. Baka mali lang ang tinutukoy niya. Oo nga pala, sabi ng waitress, sa dulong table. E second to the last lang pala ang nakita niyang nakaupo sa restaurant.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon