12

183 10 0
                                    


CHAPTER 12

Ano ba magandang title neto? "Oh Mandy o My Stupidman?" Actually, wala talaga siyang title noon pero gusto ko nang magsulat kaya naging Oh Mandy na lang. Hahaha!
Unedited...
"Julie, ano ba ang problema?" tanong ni Aron habang nakaupo sila at nanonood ng basketball. Tapos na ang swimming competition at sa saturday pa ang championship.
"Wala..." sagot ni Julie.
"May problema ba tayo? May nagawa ba ako? Ano?" Para na siyang magagago dahil sa ikinikilos at ipinapakita ng kasintahan. Kanina pa ito walang imik na para bang may malalim na iniisip.
"Aron, wala talaga," sagot ni Julie.
"Pero pakiramdam ko, meron. Ano ba ang problema?"
Napatingin ang dalaga sa court. Third quarter na at lamang ng limang puntos ang Westbridge sa Arellano. Naramdaman niya ang mga kamay ni Aron na kinuha ang kamay niya.
"S-Sabihin mo sa akin ang problema para mapag-usapan natin," malumanay na sabi ni Aron kaya mas lalo siyang nagu-guilty.
"P-Pwede bang mag-usap tayo nang masinsinan?" pakiusap ni Julie. "Sa isang pribadong lugar?"
"Sige." Tumayo si Aron at iginiya ang kasintahan palabas sa gymnasium.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ng binata nang nasa parking lot na sila.
"Pakihatid ako sa bahay," tinatamad na pakiusap ni Julie.
"Akala ko ba, gusto mong mag-usap tayo ng masinsinan?" naguguluhang tanong ni Aron.
"Nahihilo lang ako, gusto ko nang magpahinga," sagot ni Julie at inayos ang seatbelt.
"Sure ka? Baka napagod ka lang dahil maraming tao," puno ng pag-aalalang wika ni Aron at sinipat ang leeg ay noo niya. "Wala ka namang lagnat."
"Kulang lang ako sa tulog," pag-amin ni Julie. Mula nang dumalo siya sa party, hindi na siya pinatulog ng isip niya.
Pagdating sa tapat ng bahay, lalabas na sana siya pero hinawakan siya ni Aron sa kanang kamay para pigilan.
"Julie, can we talk for awhile?"
"Bakit?" tanong ng dalaga.
"Tapatin mo nga ako, ano ba ang problema natin?"
"Wal--"
"Huwag mong sabihing wala dahil alam kong meron!" giit ni Aron. Bigla na lang nag-iba ang turing ni Julie sa kaniya. Parang nanlalamig ito kapag magkasama sila? Hindi naman ito ganito noon.
"Gusto mong malaman ang totoo?" tanong ni Julie at nakipagtitigan sa kaniya kaya bigla na lang kinabahan ang binata. Bakit pakiramdam niya, hindi maganda ang sasabihin nito?
"A-Ano..." kinakabahang tanong ni Aron.
"Cool off muna tayo, pwede?"
Hindi makagalaw si Aron sa narinig. Kahit ang mga daliri niya ay hindi niya kayang igalaw. Tila nabagsakan siya ng mundo nang marinig ang mga salitang binigkas ni Julie.
"K-Kasi, nahihirapan na ako. G-Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip, Aron. Sana maintindihan mo ako," dagdag ni Julie. Parang mabibiyak na ang ulo niya sa mga nangyayari. Bakit gano'n? Alam naman niyang mahal siya ni Aron at wala na siyang maipipintas bilang kasintahan niya pero bakit parang may kulang? Somehow, hindi siya masaya. Ganito ba ang perpektong relasyon? Gusto niya itong mahalin pero bakit parang napi-pressure siya? Sa tingin kasi niya, hindi niya kayang pantayan ang pagmamahal nito. Or hindi niya kayang makamit ang expectations ni Aron bilang kasintahan nito.
"M-May mali ba sa akin? May h-hindi ka ba nagustuhan?" mahinahon pero puno ng lungkot ang boses na tanong ng binata. "Hindi ka ba masaya sa relasyon natin?"
"No, huwag mong isipin iyan," umiiyak na sabi ni Julie. Paano niya nakayang saktan ito? Ayaw niya. Mahal niya si Aron. Wala siyang ibang ginawa kundi subukang maging mabuting kasintahan dito.
"Then ano ang mali ko?"
"Cool off lang naman. G-Gusto ko lang hanapin ang sarili ko." Pinahidan niya ang mga luha. Bakit ganito ang ginawa niya? Bakit sinasaktan niya ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya? Pakiramdam niya, siya na ang pinakamasamang babae sa mundo. Si Aron 'to, ang ideal man niya, husband material. Ang binatang maraming nahuhumaling at pinangarap na maging sila sa katayuan niya. Pero kailangan niyang mag-isip.
"Hindi ka na ba masaya sa relasyon natin?" tanong ni Aron na hindi nakatingin sa kaniya pero napansin niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa manibela.
"G-Gusto ko lang maliwanagan. Gusto ko lang maging malaya sa loob ng isang linggo." Ilang segundo ang katahimikan pero ilang sandali pa'y nagsalita na ang binata.
"Iyon lang ba?" kalmado nitong tanong.
"Y-Yes..."
"Julie, after one week, makakaasa pa ba akong akin ka pa?"
Hindi makasagot si Julie.
"Alis na ako, ingat ka. See you na lang after one week. Sana mag-enjoy ka," nakangiting sabi ni Aron. Inisip na lang niya na isang linggo lang naman iyon. Baka nga masyado na siyang naging mahigpit.
"Bye," paalam ni Julie at hinalikan siya sa pisngi saka bumaba. Hinintay muna niyang makapasok ito sa loob ng gate bago pinaandar muli ang sasakyan at ibinalik sa paaralan.
"One week," bulong niya. Makakaya kaya niya? Wala naman siyang choice. Kaysa naman mawala si Julie sa kaniya. Wala naman silang pinag-aawayan. Iyon lang naman ang sa hindi niya pagpayag na dadalo ito sa party pero noong nag-away sila, pinayagan na niya. Madali lang naman siyang kausapin dahil ayaw niyang mag-away sila..
Matapos niyang ipinarada ang sasakyan sa parking lot, bumaba siya. Alas tres pa lang ng hapon at marami pa ang mga laro. Napansin niyang nag-uusap at nakipagkilala ang ibang taga CTU sa Arellano at Westbridge. Ang dami ring gumagalang guwardiya para in case na magkaroon ng frat war, nakahanda ang lahat.
Pero bago pa man mag-umpisa ang PRISAA, na-meeting na nina Dylan, Oliver, Christian at iba pang alumni ang mga lideres ng iba't ibang frat at sorority at sinabi ang mga parusa kapag may makipag-away sa loob ng CTU para iwas gulo.
"Mandy!" tawag niya nang makita ang dalaga na patungo sa soccer field.
"Hep! Subukan mong hawakan ako, irereklamo talaga kita sa guidance!" pagbabanta ni Mandy. Sa mukha ni Aron, alam na niyang kakaladkarin na naman siya nito. Namumula pa nga ang braso niya.
"Puwede ba tayong mag-usap?" pagalit na tanong niya.
"Nag-uusap na tayo!"
Walang pakialam ang mga nasa paligid nila dahil abala sa pagche-cheer sa nagso-soccer.
"'Yong saktong pag-uusap!"
"Joke lang pala 'to?"
Nakipagtitikan siya kay Aron. Alam niyang sasabog na ito pero pinipigilan lang ng loko. Wala siyang balak na umurong. Hindi niya ikamatay kapag hindi sila mag-usap ng binata kaya sa huli, si Aron din ang sumuko.
"Iyong kaunti o walang tao. Please Mandy, seryoso ako."
"Nananakit ka kasi!" sagot ng dalaga. "Ipinaglihi ka talaga sa sama ng loob! Siguro noong buntis ka, marami ang nananalangin na sana mamatay ka na dahil you know..." Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa binata. "Isa kang anak sa labas!"
"Tapos ka na bang insultuhin ako? Puwede na ba kitang makausap?" Wala siyang panahon para damdamin ang pang-iinsulto ni Mandy.
"Hindi mo 'ko sasaktan?" nagdududang tanong ng dalaga.
"Para ano?"
"Nananakit ka nga!" singhal niya. Kapag kasama niya ito araw-araw, dila na lang siguro ang walang pasa sa kaniya.
"Ayusin mo kasi ang pananalita mo at nang hindi ka masaktan!"
"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Palibhasa wala kang nanay kaya ganyan ang ugali mo! Sadista!" May mga nakakarinig na sa kanila pero mga grupo lang naman ng CTU at sanay na sa kanilang dalawa.
"Mag-uusap na tayo!" napipikon na sabi ni Aron at puwersahang hinila ito. Alam niyang kakaladkarin talaga siya ng binata kapag manlaban siya kaya nagpatianod na lang si Mandy patungo sa parking area. Kaunti lang ang tao kaya makapag-usap sila ng masinsinan.
"Namumula na naman ang kamay ko!" singhal ng dalaga nang bitawan siya ni Aron. May gigil talaga ang paghawak nito e.
"Tapatin mo nga ako, ano ba ang pinagsasabi mo kay Julie?" panimula ng binata.
"Hindi kami nag-uusap."
"Huwag mo nang i-deny! Alam kong may kinalaman ka sa ikinikilos niya!" Tumaas na naman ang boses ni Aron. Napasandal si Mandy sa kotse nito.
"At ano ang kinalaman ko sa kalandian ng babae mo?" pagsisinuplada ni Mandy.
"Hindi ganun si Julie!" pagtatanggol ni Aron.
"Hindi? E di kayo na! Ipagtanggol mo siya! Ayaw mo namang maniwala sa akin na may iba siya kaya mo pa ako kinausap?"
"W-Walang iba si Julie," sagot ng binata. Hindi magagawa ng kasintahan ang lokohin siya. Hindi talaga!
"E di wala na kung wala!"
"Ano ba ang sinabi mo?" muling tanong niya.
"Wala nga! Letse ka ah!" sigaw ni Mandy. Bahala na ang mga nasa paligid kung ano ang iisipin nila. "Kung may problema ka sa malanding iyon, siya ang kausapin mo! Wala akong pakialam sa buhay ninyo! Wala akong pakialam sa kalandian niya at sa pagkatanga mo!"
Magsasalita pa sana si Aron nang makitang palapit si Jerome.
"Hey, dude! Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan ninyo ah!" sabi nito at napasulyap kay Mandy. "Hi, Mandy, ang ganda mo pala sa malapitan."
"Alam ko na 'yon kaya hindi ko kailangan ang puri mo!"
"Oh, tama nga ang naririnig ko tungkol sa 'yo, matalas ang dila mo." Nakangiting sabi nito na hindi naman na-offend kay Mandy.
"So? Tama nga rin ang naririnig ko sa 'yo, matinik ka sa babae. Kita mo, pati syota ng kaibigan mo, sinusulot mo?" makahulugang sabi ni Mandy pero tumawa lang si Jerome. Of course, alam niyang nandoon si Mandy sa party ni Loisa.
"Binabawi ko lang ang tunay na akin," sagot ni Jerome at humarap kay Aron. "'Tol, nakita mo ba si Julie?"
"Hinatid ko na sa bahay nila. Jerome? Pwede bang makiusap sa 'yo?" tanong ni Aron. Wala na siyang choice. Ito na lang ang tanging paraan niya para masigurong okay lang si Julie.
"Ano 'yon?"
"Pwede bang pakibantayan si Julie sa akin ng isang linggo?" pakiusap niya. Tutal, magkaibigan naman sila ni Jerome.
"What the fuck, Aron?" singhal ni Mandy na namumula na sa inis. Naghahanap siya ng bato para ipampukpok sa ulo ng binata pero walang mahagilap ang mga mata niya.
"Ako ang bahala kay Julie." Tinapik ni Jerome ang balikat ni Aron, "Mauna na ako, may gagawin pa ako."
Malayo na si Jerome pero galit pa rin si Mandy. "Tiwalang-tiwala ka talaga kay Julie, ano?"
"Huwag mong pakialaman ang buhay ko," tinatamad na sagot ni Aron.
"Wala naman akong pakialam sa pagiging istupido mo!" Ano ba ang mapapala niya? Mas pabor sa kaniya na masaktan ito pero ang makatagpo ng ganito katanga? Ewan lang niya.
"Good!" wika ni Aron.
"Hindi mo ba naisip na baka may relasyon sina Jerome at Julie?"
Natigilan si Aron at nagtagis ang mga bagang.
"Ganoon na ba kalawak ang imahinasyon mo, Mandy? Kung ganoon kababa ang tingin mo kay Julie para patulan ang kaibigan ko, mas mainam pang atupagin at ayusin mo 'yang pag-uugali mo!" Ang tiwala niya kay Julie, sobra-sobra para lang maniwala siya sa maling akusasyon ni Mandy. Sanay na siya sa palengkera ng dalaga pero ang paratangan ang kasintahan niya, hindi na yata tama.
Biglang kumulo ang dugo ni Mandy at umakyat sa ulo niya. Ang bata pa niya para magkaroon ng hypertension.
"Gumawa ka ng pelikula! Laos na sina Batman, Superman at Spiderman! Palitan mo na, baka sakaling mag-blockbuster si Stupidman!" gigil na gigil na sabi ni Mandy at tinalikuran ito.
"Stupid ka, Aron! Istupido!"

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon