6

213 11 0
                                    

CHAPTER 6

Unedited...
"Wala akong pera para 'pang shopping mamaya," sabi ni Jairah at kinuha ang wallet sa bag. "See? Ito na lang ang natira sa akin. Ito na lang ang bagay na meron ako," malungkot na sabi niya sa tatlong libong pisong laman ng pitaka. Kapag si Mandy ang kasama niya, pagkain lang ang magkakasya sa tatlong lima.
"Oh, don't forget your stupid brother! Count him in sa yaman mo!" nakapamewang na sabi ni Mandy. Hanggang ngayon, namumula pa ang kamay niya sa pagkahatak ni Aron kahapon.
"Mag-uimpisa ka na naman ba?"
"Siya ang nag-umpisa ng lahat! See? See this!" Ipinakita pa niya ang namumulang kamay.
"Sinaktan ka ni Kuya?"
"Yes! He is stupid! He is bullshit! He is the long lost son of satan!" nanginginig ang buong katawan ng dalaga dahil sa galit.
Napanganga si Jairah habang pinagmasdan ang kamay ni Mandy. Alam niyang dahil sa kamay ang pamumula nito pero kamay ng kuya Aron niya?
"Impossible!" Napayuko siya nang makasalubong ang nagbabagang mata ni Mandy.
"Impossible? Ano sa tingin mo, ako ang sasakit sa sarili ko? Baliw lang? Kaibigan ba talaga kita, Jairah?"
"Hindi naman sa--"
"Shutup, bitch! Oh well, stupid brother mo pala siya kaya siya ang kakampihan mo!" Now, she hates her bestfriend. Wala siyang pakialam kung mawalan man siya ng kaibigan kung si Aron lang din ang dahilan. How could people defend him despite sa pinaggagawa nito sa kaniya? Hindi ba nila napapansin na ang sama ng binata?
"He is so sadistic!" Napahawak siya sa kamay. Kagabi, ayaw rin siyang paniwalaan ng ina. Kesyo siya raw ang may kasalanan kaya napuno na si Aron at kung ano pa kaya nagkulong na lang siya sa kuwarto.
"Ako na ang humihingi ng tawad, sorry," paumanhin ni Jairah. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Mandy. Kahit na ganito si Mandy, masaya siyang kasama ito. Ewan ba niya, siguro nasanay na siya sa ugali nito.
"So? Ikaw rin ang sasampalin ko, gano'n ba 'yon?" pagsisinuplada ni Mandy.
"Grabe ka naman! Hindi naman sa--"
"E di huwag kang humingi ng tawad! Kahit siya pa ang humingi ng patawad, walang kapatawaran na mangyayari. I hate him! To the highest level, I hate him!"
Napabuntong hininga na lang si Jairah. To the nth power, ilang beses din niyang narinig ang mga linya nitong "I hate him". Araw-araw na nga yata mula nang lumipat ang kapatid niya, iyon din ang isinisigaw ni Mandy.
"I don't know if what happened to Tita Aira kung bakit nagpalaki siya ng batang stupid paglaki! Sooooooo stupid! And I hate him! I hate him! I hate him!" Si Jairah na lang ang natatakot para sa ugat nitong nagmamakaawang puputok. Kung may bayad lang ang pagbilang niya ng "I hate him", malapit an siyang mag milyonarya. Pangtawid gutom din ang kikitain niya araw-araw kay Mandy.
"Talagang hinahamon niya ako ha!" galit na sabi niya at tinalikuran si Jairah.
"Saan ka pupunta, Sis?" tanong ni Jairah at sinundan si Mandy.
"Huwag mo akong sundan!" singhal ni Mandy na patungo sa locker room.
"Mandy naman, huminahon ka," saway ni Jairah at patakbong hinabol ang kaibigan. Hindi maganda ang kutob niya sa gagawin nito dahil ang hitsura nito ay parang susugod sa Marawi at gustong ubusin ang maute.
Pagpasok ni Mandy sa locker room ng mga boys, agad na hinanap niya ang locker ni Aron.
"Nasaan ang locker ni Aron?" tanong niya sa mga lalaking nakaupo sa sahig at nagkukuwentuhan.
"Hindi namin alam," sagot ng isang nakapula.
"Walang aamin?"
"Iyong pang apat mula sa nasa dulo, iyong sa itaas," sagot ng isang kagrupo ng qudruplets. Padabog na lumapit si Mandy sa locker ni Aron pero muling hinarap ang mga lalaki.
"Pakibuksan!" Utos niya.
"Wala kaming susi."
"Wala akong sinabing gumamit kayo ng susi kaya buksan ninyo ito sa kahit na anong paraan dahil kung hindi, papatalsikin ko kayo sa paaralang ito!" singhal niya sa limang binata kaya mabilis na tumayo sila at kinuha ang mga gamit sa locker nila.
Ang iba ay may gunting at martilyo. Pinukpok nila nang pinukpok hanggang sa mabutas.
"Mandy naman, magagalit si Kuya," saway ni Jairah at hinihila ang kaibigan palabas.
"Walang oras na hindi galit ang stupid kuya mo!" sabat ni Mandy. "Akin na 'yang gunting mo!" sabi niya sa binatang may hawak na gunting. Kinuha niya ang damit ni Aron at nangigigil na ginunting ang lahat ng damit sa locker.
"Tama na!" saway ni Jairah na inaagaw ang gunting kay Mandy.
"Huwag mo akong pigilan kung ayaw mong buhok mo ang guntingin ko!" pagbabanta niya at idinuro pa ang dulo ng gunting kay Jairah.
"Ang pinakaayaw ko, ang pinaparatangan ako ng hindi ko ginagawa!" Namumula na ang mga daliri niya sa kakagunting dahil medyo mapurol pa ang gunting.
"Sa susunod na magbigay ka ng gunting, 'yong matalim naman! Letse! Mas mapurol lang 'to sa utak ninyo eh!" sabi niya sa mga lalaki na pinagmamasdan lang ang ginawa niya.
"E di sira kayong lahat!" sabi niya sa mga damit na nasa sahig at inapak-apakan pa.
"K-Kuya..." Nanlaki ang mga mata ni Jairah nang pumasok si Aron at madilim ang mukhang nasa mga damit nakatingin.
"Tapos ka na ba sa ginawa mo?" mahina pero puno ng galit na tanong ni Aron.
"Oo! Ayan, may rason ka na para magalit sa akin! Hindi 'yong pagbintangan ako ng kung ano mang hindi ko ginawa!" taas noong sabat ni Mandy.
"Hindi ka na ba talaga titigil sa kamalditahan mo?" Wala siyang pakialam sa mga damit! Ang kinaiinisan lang niya ay sobra na ang ugali nito. Sobra na na hindi niya maisip ang dahilan kung bakit tino-tolerate ito ng mga nasa paligid niya
"Umalis ka sa teritoryo ko kung hindi mo na kaya!" Nakipagtitigan si Mandy rito. Galit ito, puwes, mas galit siya! Galit na galit!
"Mayaman ka nga pero ugali mo naman pang squatter! Walang disiplina!" singhal niya at ikinuyom ang kamao. Ang mga lalaki ay napanganga sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi? Siya lang ang lalaking nakapagsagot ng ganito kay Mandy. Napuno na siya!
"Mas wala kang disiplina! Ke lalaki mong tao, mananakit ka?" sagot ni Mandy. Si Jairah naman ay napakagat sa ibabang labi. Kilala niya ang kapatid, kapag ganito ang mukha, sukdulan na ang galit nito. Hindi nga niya inasahang masasagot nito si Mandy sa harap ng maraming tao.
"Alam mo Mandy, nakakaawa ka!"
"Excuse me? Ako? Nakakaawa? Sino ang walang ina? Sino ang anak sa labas? Sino ang anak na gawa lang sa pagkakamali ng ama?" Nanginginig na siya sa galit. Hindi niya hahayaang ipapahiya siya ni Aron sa harap ng ibang tao. "Ngayon, sabihin mo sa akin, Aron, sino ang nakakaawa sa atin?"
Napatulala si Jairah sa narinig. Hindi niya inaasahang masasabi ito ni Mandy sa kapatid niya. Ne minsan, hindi nila ito nasabi kay Aron. Never nilang pinaramdam na hindi ito bahagi ng kanilang pamilya. Napatingin siya kay Aron. Nakita niya kung paano naging blangko ang mga mukha nito. Kung paano nabalot ng kalungkutan ang mga mata nito.
"Enough, Mandy!" saway ni Jairah. "H-Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang kapatid ko dahil mahal namin siya! Kapatid namin siya ni Taira at Kuya ko siya!" naiiyak na sabi niya.
"Wala naman akong sinabing hindi kayo magkapatid!" sagot ni Mandy at tinaasan ng kilay si Jairah.
"Hindi ko maintindihan kung paano kita naging kaibigan sa kabila ng kagaspangan ng iyong pag-uugali," sumbat ni Jairah.
"Hindi rin naman kita kailangan bilang kaibigan! Magsama kayo niyang stupidman mo!" sabi ni Mandy at lalabas na sana pero nahawakan ni Aron sa braso at mabilis na naagaw nito ang gunting na hawak.
"Huwag mong sagarin ang pasensya ko!" Napadiin ang kamay ni Aron sa braso ng dalaga na halos bumaon na ang mga kuko niya. Walang ne isang lumapit sa kanila. Walang gustong sumaway dahil sa takot na baka mapatalsik kapag nakialam.
"Bakit? Papatayin mo ako gamit 'yang gunting na hawak mo?" nakangising sabi ni Mandy. Hindi siya magpapatalo rito.
"Hindi!" sagot ni Aron.
"Waaah. Not my hair!" tili ni Mandy nang hinawakan ni Aron ang buhok niya at ginupit ang dulo nito. "Tama na! Ano ba!" sigaw niya at itinulak ito palayo.
Tumulo ang mga luha niya nang makita ang naputol na buhok sa sahig. Mahal niya ang buhok niya kaya hindi niya ito pinapagupitan pero nang makitang nasa sahig na ito, nadurog ang puso niya.
"A-Ang sama mo! Ang sama, sama mo!" Sinugod niya ito at pinaghahampas sa dibdib. Ngayon lag siya umiyak sa harap ng ibang tao pero wala siyang pakialam! Galit siya kay Aron. "A-Ang sama mo! I hate you! A-Ang sama, sama mo!" Napaupo siya at pinulot ang buhok.
"Sana magtanda ka na at kagaya ng buhok mo, mabawasan na ang pagkamaldita mo!" wika ni Aron at tinapon ang gunting sa harap ni Mandy saka lumabas.
"M-Mandy..." tawag ni Jairah. Ne sa panaginip, hindi niya maisip na magagawa ito ng kapatid niya. Palaging kalmado ito sa lahat ng bagay. Iyak nang iyak si Mandy habang pinapahidan ang mga luha. Kahit ang makeup nito ay sira na, wala itong pakialam. Kilala niya si Mandy at alam niya kung gaano nito kamahal ang mahabang buhok.
"Sisiguraduhin kong magbabayad ka, Aron!" bulong ni Mandy at naikuyom ang kamao. Sinira nito ang buhok niya, puwes, by hook or by crook, sisirain din niya ang buhay ni Aron!


Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon