CHAPTER 8
Unedited...
"Babes? Baka hindi kita masundo mamaya," sabi ni Aron nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng Westbridge.
"Okay lang," sagot ni Julie at napasulyap sa kambal na nasa likuran.
"Salamat sa paghatid, Kuya!" sabi ni Taira at bumaba na. Agad sumimangot nang makitang naghihintay sa kaniya si Sky.
"Bye!" sabi ng dalaga at humalik sa pisngi ni Aron saka lumabas na. Nang masiguradong nakapasok na sa campus si Julie, pinaandar na niya ang sasakyan.
"Mahal mo talaga siya, ano?" sabi ni Jairah nang tumigil sa pagtitipa ng keypad.
"Yes, I love her so much!" sagot ng binata. Alam ng lahat kung gaano niya kamahal si Julie at ang hirap na napagdaaanan niya bago mapasagot ang dalaga. "Sana magustuhan ninyo siya."
"I like her!" sagot ni Jairah. Kahit na hindi sila madalas na nag-uusap ni Julie dahil magkaiba sila ng school, nagustuhan niya ito para sa kapatid. Dahil kay Julie, matino ang kuya nila, walang bisyo at hindi kagaya ng iba na kahit may girlfriend na, pumapatol pa rin sa iba. Well, Julie is one of those lucky girls.
"Thank you naman," masayang sabi ni Aron. Everything is perfect. Wala na siyang mahihiling pa sa relasyon nila ni Julie. Kasal na lang ang kulang. Maybe, in God's perfect time.
Pagdating sa paaralan, kaka-park lang ni Aron ng sasakyan nang makita si Mandy na pababa sa kotse ni Lee Patrick.
"Ang ganda sana ng umaga ko, sinira lang ng walang kuwentang tao!" sabi ni Mandy at tinaasan siya ng kilay. Ano pa ba ang bago? Sa tuwing makasalubong niya ito, putak ito nang putak. Hindi rin naman mapigil ang bunganga dahil kapag ano ang nasa isip, sinasabi ng bibig. Nagmumukha tuloy na walang pinag-aralan.
"Kuya, good morning!" bati ni Lee Patrick. Mabait ang quadruplets, wala siyang problema sa mga ito.
"Morning," tipid na sagot niya at inilagay ang susi sa bulsa.
Nasa iisang building lang sila ni Mandy kaya nakasunod siya sa dalaga. Nang mapansin ng mga makakasalubong nila na nasa likuran lang siya, nagsipasok ang mga ito sa classroom. Mukhang nagtatago dahil baka madamay kapag pumutak ang armalite na bunganga ni Mandy.
Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok ito sa classroom kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
Pagkapasok niya, dumiretso siya sa upuan at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon.
"Hi, Aron!" bati ni Joyce at naupo sa tabi niya. "May practice kayo mg swimming mamaya?"
"Oo," walang ganang sagot ni Aron. Napansin niya ang pagkadikit ng dibdib nito sa kanang siko niya.
"Puwedeng manood?" malanding tanong nito kaya napabuntong hininga siya. Maganda ito. Sexy. Sa katunayan, pang FHM ang katawan dahil malaki ang balakang, maliit braso't bewang, at may katamtamang sukat ng dibdib. Kahit na naka-uniporme, mahahalata mo talagang sexy. Kahit na sino naman yatang lalaki na katawan lang ang habol, hindi ito uurungan.
"Bahala ka," sagot niya. Alangan namang sabihin niyang hindi. Isa pa 'to. Mula nang lumipat siya rito, panay ang papansin sa kaniya. Hindi lang siya mahilig sa mga babae kaya masuwerte pa rin ito dahil kapag nagkataon, mabibiktima na naman ito ng panloloko. Siyempre, loyal siya kay Julie. Bwesit lang talaga si Mandy. Minsan na nga lang silang mag-date, sinira pa nito ang modo niya noong isang gabi. Kung hindi lang niya kilala ang pamilya ng dalaga, masasabi niyang wala talaga itong pinag-aralan at laking kalye. No, talo pa yata niya ang mga tsismosa sa kalye kung pagtatalak ang pag-uusapan.
"Aron? May girlfriend ka na ba?" tanong ni Joyce.
"Yes," sagot ni Aron kaya natigilan ito. "At mahal ko siya," dagdag pa ng binata habang nakatitig sa cellphone at binabasa ang text messages ni Julie.
"Ahm, aral muna ako, baka may quiz tayo mamaya," atubiling sabi ni Joyce at tumayo para bumalik sa upuan. Mabuti na lang dahil dumating na ang guro nila.
Pagkatapos ng klase, lumipat sila sa kabilang classroom. Nang tanghalian na, mas pinili siyang sa canteen na kumain dahil baka may magwala na naman kapag sa tambayan siya nina LL kumain. Ang hirap kayang kumain na may nanunumbat sa 'yo.
May tatlong babaeng nakiupo sa table niya kaya binilisan na niya ang pagkain para makaalis kaagad. Puro no boyfriend since birth daw ang mga ito at virgin pa. Halata namang nagpaparinig sa kaniya pero wala siyang time. Si Julie lang talaga ang babaeng mahal niya at kahit na malayo sila, ayaw niyang mawala ang tiwala ng dalaga.
Alas dose 'y medya pa lang kaya naisipan niyang umakyat sa rooftop. May kalahating oras pa siya bago ang first subject sa hapon. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang tumahimik naman ang mundo niya.
"Ugh! I hate him!"
Kakabukas lang niya ng pinto, ito kaagad ang sumalubong sa kaniya. Kanino ba ang linyang 'yan? Napahilamos siya sa mukha. Nang makita ang babaeng nakaupo sa mahabang bench na nakatalikod sa kaniya.
"K-Kasalanan niya kung bakit ganito ang buhok ko!" Napahikbi ito kaya mas tinuunan niya ng pansin ang maikling buhok ni Mandy. Noong umiyak ito dahil ginupit niya, nakaramdam naman siya ng pagkaawa. Akala nga niya, susugurin siya ng mga magulang nito pero wala naman. Kapag nagkataon, hindi rin niya alam kung paano magpaliwanag. Hindi rin niya alam kung bakit niya nagawa iyon. Basta gusto lang niyang makaganti dahil sa masasakit na mga salitang sinabi nito.
"B-Bakit ganun kang stupidman ka! Wala ka nang ginawa sa buhay ko kundi ang manggulo!" sigaw ni Mandy at pinahidan ang mga luha. Dito lan siya nakapalabas ng sama ng loob sa rooftop dahil walang nakakarinig sa kaniya. Exclusive naman kasi ito para sa kanila.
"Wala naman akong kasalanan pero bakit ang buhok ko pa?" napapadyak na siya sa pagkadesperada. Kahit na ano mang gawin niyang pagtulog, maikli pa rin ang buhok niya paggising niya. Para sa kaniya, nagmumukha siyang si Dora. Okay lang kahit na sigawan siya ni Aron, pero ang putulan ng buhok? Hindi na yata tama iyon.
"I'm sorry, Mandy."
Muntik na siyang mapatalon nang may magsalita sa likuran niya kaya mabilis siyang tumayo at nilingon ang may-ari ng boses.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya at pinahidan ang mga luha.
"Gusto ko lang magpahangin sana," sagot ni Aron na nakatingin sa dalagang namumugto ang mga mata.
"Exclusive lang 'to sa amin! Bawal ka rito!" pagsisinuplada niya at iniwas ang mga mata. Baka isipin pa nito, mahina siya dahil sa pag-iyak.
"Sorry if I cut your hair."
"Sorry not sorry!" she shouted. "You cannot put my hair back!" She loves her hair. It is natural. Sa tuwing ilugay niya ang mahabang buhok, she felt that she's wearing a crown.
Pero ngayon, nagmumukha siyang si Dora lalo na't pinalagyan pa ng mommy niya ng bangs.
"Pero bagay naman sa 'yo ah," sabi ni Aron. Hindi naman ganoon katangos ang ilong ni Mandy, hindi rin pango. Sakto lang para matawag itong maganda. At least, hindi siya retokada. Iyon na lang ang tanging panangga niya sa mga haters niya.
"Iniinsulto mo ba ako?" tanong ni Mandy na hindi na maipinta ang mukha at dinuro pa ang binata.
"Hindi ah," tanggi ni Aron. "Pero bagay naman sa 'yo kahit paano!" Pinipigilan lang niyang matawa sa mukha nito. Kahit siya, sanay siyang mahaba ang buhok nito. Nakakapanibago pero ganoon pa rin ang hitsura ni Mandy. Well, nagmukhang bata lanh ito tingnan.
"Masaya ka na sa ginawa mo? Masaya ka na dahil ilang buwan kong titiisin ang maikling buhok na ito?" Ang iksi ng pagkakagupit nito. Mabuti na lang dahil hindi sa puno talaga dahil baka kapag nagkataon, magpapakalbo siya.
"Hindi kita mapapatawad!" sabi niya.
"Alam kong mali ang ginawa ko kaya humihingi ako ng tawad." Hindi niya dapat ginawa iyon. Kahit na galit siya kay Mandy, hindi tamang gupitin ang pinakainiingatang buhok nito. As in nadala lang talaga siya sa galit at masama rin ang araw niya ng time na iyon.
"Tell that to the marines!" she said, angrily.
"Mandy, hindi ka ba napapagod sa kakatalak?"
"Umalis ka sa paaralang ito para tumigil na ako," she answered.
"Hayaan mo, aalis ako next year..."
"Can't wait for that day," she replied. "Kung pwede nga lang na ngayon ka na umalis para masaya na tayo."
"Ba't ba ang maldita mo?"
"Ikaw ang nagsimula nito, Aron, baka nakalimutan mo?" taas noong sabi ni Mandy saka tinalikuran na si Aron. Nawawala ang poise niya kapag ito ang kaharap niya.
"Waah!" sigaw niya nang matapilok pero kaagad na nasalo ni Aron kaya napasubsob siya sa dibdib nito. She hates to admit pero mabango ang mokong. Masarap langhapin ang pabango nito, hindi masakit sa ilong. Lalaking lalaki.
"Lampa pala ang maldita," natatawamg sabi ni Aron kaya mabilis na itinulak niya ang binata.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?"
"Wala!"
"May sinabi ka eh!"
"Wala nga!" natatawang sagot ng binata. "Ba't parang iiyak ka? Iyakin pala si Mandy?"
"Tumigil ka! Dahil sa 'yo, araw-araw na nasisira ang buhay ko!" sumbat niya kay Aron. Sana pala, sa Barcelona na lang siya nag-aral kasama ang kapatid niya. Hindi naman niya inaasahang lilipat si Aron dito sa CTU.
"Don't worry, pareho lang na nasisira ang araw natin!" napailing na wika ni Aron.
