21

1.8K 66 3
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Unedited...
"Huwag mo na akong ihatid, may pupuntahan pa ako!" sabi ni Mandy nang makasalubong si Aron.
"Saan?"
"Pakialam mo?" Ipinagpatuloy niya ang paglalakad pero alam niyang nakasunod ang binata sa kaniya. "Kailangan kong mapag-isa, Aron!"
"Samahan na kita."
"Gusto mo rin bang mapag-isa? Ba't sasama ka pa?"
"Baka ano pa ang mangyari sa pinakamamahal kong girl--"
"Tumahik ka!" sigaw ni Mandy at hindi na pinansin ang mga napalingon sa kanila. Nandidiri talaga siya kapag ganito na ang pananalita ni Aron. Basta! Hindi niya maipaliwanag.
"Nag-aaway na naman ba sila?"
Umuusok ang ilong na hinarap ni Mandy ang nagsalita. "Naglalambingan kami, gusto mo ikaw ang sakalin ko?"
"Samahan na kita, wala akong gagawin."
"Ayaw ko nga!" Tuloy-tuloy siya palabas sa gate.
"Tungkulin kong kasamahan ka dahil mula nang maging tayo--"
"Gosh! Huwag mong ipaalala, there was never an us!" she screamed. Maloloka na siya sa ginagawa ni Aron. Kung alam lang nito kung gaano kabigat sa dibdib ang pinaggagawa nito.
"Na tayo na?" tanong ng binata at alam niyang naririnig sila ng isang grupo ng sorority na nakaupo sa waitng shed. "Dine-deny mo ako? Masakit naman yata sa part ko ito, Mandy?"
Natigilan ang dalaga. Naglo-loading pa ang mga sinabi ni Aron. Matalino siya at madaling maka-pick up ng mga salita pero bakit ngayon, humina yata ang neurons niya?
"Wala akong ginawa kundi mahalin ka tapos, ikahiya mo lang pala ako, Mandy?" Ang mukha ni Aron ay seryoso na akala mo ay pinaasa pero sa bandang dulo, niloko lang niya. Kuhang-kuha talaga nito e.
"Nag-acting workshop ka?" tanong ni Mandy at tinaasan ito ng kilay.
"Sasama na ako sa 'yo. Kung saan ka, doon din dapat ako."
Naiinis man siyang kasama ito pero sa tuwing nakikita niyang nanlalaki ang mga mata ni Mandy at namumula ang pisngi dahil sa galit, natutuwa talaga siya. At least, alam niyang nakakaganti siya sa kamalditahan nito.
"Ugh!" Nang ipara ni Mandy ang taxi, mabilis na sumakay rin si Aron kaya pinaghahampas siya nito ng bag.
"Masakit, Mandy!" saway niya saka inagaw ang bag."
"Akin na 'yan!"
"Huwag ka kasing manghampas!"
"Bumaba ka kasi!" Napapasulyap ang driver sa kanila dahil sa lakas ng boses ni Mandy. "Manong, sa SM MOA po."
"Ano ang gagawin mo sa MOA?"
"Wala ka na roon! Bumaba ka nga! Baka masampal pa kita!" pagbabanta ni Mandy na tumutulis pa ang nguso.
"Subukan mo lang Mandy at hahalikan kita!"
Ilang segundo na ang nakalipas pero wala na siyang narinig na salita mula kay Mandy. Nang sulyapan niya ito, nakatitig lang ito sa labas ng bintana ang bubulong-bulong.
"Sasama-sama pa kasi!" bulong nito. Napailing si Aron nang mapansin ang kamay nitong pinagsusuntok ang bag na nasa lap. At least, ito lang ang napipikon at siya, masaya sa tuwing nakikita na ganito kaasar ang dalaga.
Pagdating sa mall, bumaba kaagad si Mandy kaya siya na ang nagbayad nv pamasahe. Sinundan niya ito. Pagala-gala lang na para bang may hinahanap.
"Ano ba ang hinahanap mo?" tanong ni Aron nang maabutan ang dalaga.
"Forever ko, pakialam mo?" singhal ni Mandy kaya nakakuha na naman sila ng atensyon. Kapag si Aron ang kasama niya, lapitin talaga siya ng mga tsismoso't tsismosa. Paano, para siyang may kasamang tao na sinipa sa impyerno.
"Nandito naman ako, bakit hahanapin mo pa?" nakangiting sabi ni Aron.
Napayuko si Mandy at pasimpleng tinakpan ng kamay ang mukha. Hiyang-hiya talaga siya sa kapal ng mukha ng kaharap.
Ipinagpatuloy niya ang paglakakad at paghahanap ng mga bags dahil may mga kolehiyala nang nakakakilala sa kanila.
"Siya ba si Aron? 'Yung swimmer?"
"Kyaaaaah. Magkasama sila ni Mandy?"
Binilisan ni Mandy ang paglalakad at sumakay sa escalator bago pa niya mabalatan ng buhay si Aron.
Pumasok siya sa isang mamahaling boutique pero wala ring natitipuhan dahil hindi niya gusto ang mga disenyo.
"Magtatanong tapos hindi rin pala bibili!" Tumulis ang tainga niya nang marinig ang bulong ng isang saleslady sa kasama kaya hinarap niya ang dalawa.
"Excuse me, hindi ko kasalanan kung hindi patok sa panlasa ko ang mga ibinebenta ninyo!" Ang ibang costumer ay napatingin sa kaniya. "Natural lang sa buyer na pumili ng bibilhin. Ano ba ang pakialam ninyo kung hindi ako bibili? It is my right to complain or not to buy your products! Try to read the consumer rights act of two thousand fifteen before complaining! Unang nakalagay roon, 'satisfactory quality' at sa kaso ninyo, hindi ako na-satisfy so I have all the rights to refuse your products!" panenermon ni Mandy.
"Pasensya na, Miss!" paumanhin ni Aron saka hinawakan si Mandy sa braso. "Halika na," yaya niya dahil sila na ang center of attraction.
"Nextime, matuto kayong rumespeto sa desisyon ng costumer ninyo! Wala naman kayong ginagawa kundi tumayo! Ne hindi nga ninyo ipinaliwanag sa akin tungkol sa ibenebenta nin-- ouch!" sabi niya nang hatakin siya ni Aron palabas ng boutique. "Awww! Ang braso ko, my gosh!" maarteng sabi niya saka hinimas ang namumula na namang braso.
"Kapag nasa public ka, will you please behave?" sabi ni Aron. Siya ang nahihiya sa mga pinaggagawa ni Mandy.
"Damn! Ako pa ngayon ang may kasalanan? Narinig mo ang sinabi nila? Nagrereklamo sila dahil hindi naman daw ako bibi--"
"Tama na!" saway ni Aron kaya napasimangot si Mandy. "Kung ganiyan ka, wala ka talagang makakasundo!"
"Wala akong pakialam sa kanila lalo na sa 'yo! Kahit habang buhay akong mag-isa!" Padabog na naglakad si Mandy papasok sa depertment store.
"Ba't pa ako sumama?" tanong ni Aron sa sarili habang sumusunod kay Mandy. Para siyang tanga. Hindi ba ito makalakad na walang binabangga? Kahit saan dalhin si Mandy, may inaaway talaga.
Dumistansiya siya rito. Hinayaan lang niyang mamili si Mandy ng mga gustong bilhin.
"Miss? May kulay itim kayo nito?" Napalingon siya nang marinig ang boses ng babae sa likuran niya.
"J-Julie?" sabi niya kaya napatingin ang dalaga sa kaniya. Lumapit siya rito. Kung alam lang nito kung gaano niya ito na-miss. "H-Hi, bibili ka?" napasulyap siya sa kulay bughaw na RRJ na damit na hawak nito.
"Y-Yes..." naiilang na sagot ni Julie na hindi makatingin sa dating kasintahan.
"Sino ang kasama mo?" tanong ni Aron. Gusto niya itong yakapin. Gusto niyang sabihin kung gaano siya nangulila rito. Ang awkward lang dahil hindi pa niya inaasahan ang pagkikita nila ngayon. Sa napapansin niya, mas lalo itong gumanda. "Magbabayad ka na ba? Ako na ang magbabayad," alok niya.
"Honey!" Naningkit ang mga maya ni Aron nang sumulpot si Jerome at inakbayan si Julie. "Tapos ka na bang pumili? Akin na, babayaran ko na!" masayang sabi nito at hinalikan pa sa pisngi ang dalaga.
"H-Hindi pa. Nagpakuha pa ako ng kulay itim," naiilang na sabi ni Julie na hindi makatingin kay Aron.
"Uy, pare, nandito ka pala!" sabi ni Jerome saka nginitian si Aron. "Nagsa-shopping lang kami ni Julie. Alam mo na, date na rin!" Naikuyom ni Aron ang kamao. Ang sakit pa lang makita ang babaeng minamahal at pinagkatiwalaan mong masaya na sa piling ng iba at sa kaibigan pa niya.
"A-Aron!" Napalingon sila kay Mandy na papalapit sa kanila. "A-Aron ko, huhuhu!" umiiyak na sabi niya na nakalabi pa na para bang aping-api ng mga tao sa paligid habang yakap ang pouch nito at medyo magulo pa ang buhok.
"A-Ayaw nilang ibenta sa akin ang sandal! S-Sabi nila, hindi ko raw mababayaran!" Umiyak na ito.
"Damn! Sa'n galing ang mga luha niya?" pagmumura ni Aron sa isip.
"A-Aron ko, b-babayaran mo naman 'yon, 'di ba?" luhaang sabi ni Mandy saka yumakap pa sa kaniya. Iyong tipong batang binully na nakahanap ng kakampi.
"M-Mauna na kami," paalam ni Julie at hinila na si Jerome palayo sa kanila.
"Ma'am, marami naman po kaming stock nito," malumanay na sabi ng salesladay at tumingala kay Aron.
"S-Sir, hindi naman po namin minamaliit ang girlfriend ninyo," paliwanag ng saleslady. Nakatayo si Mandy kanina sa puwesto niya at nakasimangot na nakatingin kina Julie at Jerome nang bigla na lang itong umiyak at ginulo ang buhok tapos nagsabing hindi raw siya bebentahan.
"Okay na, Miss, akin na 'yang hawak mo na sapatos," sabi ni Aron dahil para silang mga artista kung tingnan ng mga nasa paligid. Siya tuloy ang nahihiya sa kalokohan ni Mandy.
"Talaga? Bibilhin mo ang sandal na 'to!" Kumalas si Mandy at nakangiting tumingala sa kaniya.
"Oo," sagot niya at binulungan ito. "Pakiusap, itigil mo na ang drama dahil nakakahiya na tayo!" may gigil na sabi niya. Ito na yata ang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.
"Ang sweet naman ng boyfriend!"
"Sana makatagpo ng ganyang lalaki!"
"Halika na," hinila niya si Mandy patungo sa cashier para bayaran ang iniyakan nitong sandal.
"Ito lang ho ba, sir?" tanong ng cashier.
"Ako, babayaran pa niya ako!" pagtataray ni Mandy habang inaayos ang sarili pero siniko siya ni Aron.
"'Yan lang, Miss," sagot ni Aron at kinuha ang wallet sa bulsa. Sana lang ay hindi aabot ng sampung libo ang presyo ng sandal dahil mapipilitan talaga siyang gamitin ang debit card.
Mukhang possible ang nasa isip niya. Lahat ng gamit ni Mandy, milyon yata ang halaga. Ang dami pa namang nakapila sa likuran nila.
"One hundred pesos po, sir," magalang na sabi ng dalagang cashier.
"One hundred thousand pesos daw," sabi ni Mandy na naiinip na.
"One hundred pesos po, Ma'am," pagtatama ng cashier.
"One hundred?" bulalas ni Mandy. "Seryoso?"
"Heto na po ang isang libo." Inabot ni Aron ang buong isang libo na agad namang sinuklian ng kahera.
"Paanong--"
"Halika na!" Hinila niya si Mandy palayo sa counter na hindi pa rin naka-recover sa presyo ng sandal.
Kinuha niya ang supot kay Aron at binuksan ang nabili para malaman ang brand nito. Wala siyang ibang nakitang brand name. Ang nakita lang niya sa paanan ng sandal ay ang nakatatak na "Made in Marikina".

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon