23

338 11 0
                                    


CHAPTER 23

Unedited...
"Mandy, gumising ka na. Nasa labas na si Aron," pagpukaw ni Cheska sa anak.
"Inaantok pa ako." Kinuha niya si Pooh at itinakip sa mukha dahil nasisilaw sa sikat ng araw nang buksan ng ina ang bintana.
"Nagmamadali siya dahil may lakad pa ang tao."
"Palakarin mo na siya."
"Mandy naman. Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang nag-iinarte!"
"I'm sleepy, Mom."
"Kapag hindi ka raw bumaba, siya na ang aakyat sa 'yo para gisingin ka."
Napabangon si Mandy sa sinabi ng ina. Para itong ahas na pinasabugan ng nuclear bomb sa tainga habang natutulog.
"S-Saan na siya?"
"Sa baba. Bilisan mo na. Dalawang oras lang ang pagtuturo niya."
"Bakit ba kasi si Aron ang kinuha ninyo ni Daddy? Wala na bang iba?" reklamo niya at isinuot ang fluffy slipper saka lumapit sa closet.
"Wala na. Pasalamat ka nga, may nagtiyaga pa sa 'yo!"
"Mas na-appreciate ko kapag wala na talagang magtiyaga, Mom." Pumasok na siya sa banyo para magpalit ng pang-swimming.
"Urgh! I hate him!" Tili ni Mandy nang maalala ang nangyari sa stock room noong isang araw. Matapos nun ay hindi na sila nagkita o nagkasalubong pa ni Aron dahil todo iwas ang ginawa niya.
Long sleeve one piece na two inches above the knee ang haba ang pinili niyang isuot. Siya ang tipo ng taong ayaw i-expose ang balat sa mga tao. Unless, kung kinakailangan talaga.
"Akala ko, hindi ka na bababa!" tinatamad na sabi ni Aron na nakaupo sa gilid ng pool. Kanina pa siya naiinip.
Padabog na lumusong si Mandy sa pool at tumingala sa kaniya na hinihintay ang sasabihin nito.
"Bumaba ka na e hindi ka pa nga nakapag-warmup."
Tahimik na umahon na naman ito saka nag-aalalang umping jack. Hinayaan lang ni Aron ito sa ginagawa dahil mukhang umurong ang dila ng dalaga.
"Subukan mong mag-stretching," sabi niya nang mapansing kung anu-ano na ang pinaggawa nito. Sinunod naman ni Mandy ang sinabi niya.
"Baba na sa pool," mayamaya'y sabi ni Aron kaya mabibigat ang mga paang lumapit siya sa pool.
"Mandy? Kapag malunod ka, sumigaw ka naman para maisalba kita," bilin ni Aron dahil wala talagang balak na magsalita ang dalawa.
"Try mo munang mag-bubbling exercise."
Lumapit si Mandy sa gilid ng pool at kumapit sa hand bar. She inhales through her mouth and exhales when her face is under water.
Nang hindi makatiis, bumaba na si Aron para turuan ito ng basic floating. Iyong hinahawakan niya ang paa para lumutang. "Face down floating. Hug your feet using your both hands, lulutang ka niyan kahit three seconds lang." Ginawa naman iyon ni Mandy pero nagpa-panic siya kaya mabilis na tumayo. Hanggang dibdib lang naman niya ang tubig kaya hindi siya natatakot.
"Floating na nakatihaya na," sabi ni Aron pero hindi kumikilos si Mandy.
"Huwag kang matakot, nandito naman ako, hindi kita hahayaang malunod."
"Nilunod mo na ako minsan," sagot niya nang hindi na makatiis.
"Nandito ang parents mo kaya hindi kita lulunurin," sabi ni Aron. "Tumihaya ka, hahawakan kita."
"Ayaw--kyaaah!" Bago pa siya makatutol, hinawakan na siya ni Aron sa balikat at dalawang paa kaya napatihaya siya. Kitang-kita pa nga niya ang magandang ulap.
"Relax. Allow your shoulders and head to recline as if lying down in bed," sabi ni Aron.
"H-Huwag mo akong bitawan!" natatakot na sabi ni Mandy at tumingala sa mukha ni Aron na nakatingin sa kaniya. Umiwas siya nang mapansin ang mapupulang mga labi nito. It only reminds the way he kissed her lips.
"Hindi kita bibitawan kung magpapatino ka lang ngayon."
"N-Natatakot ako," pag-amin ni Mandy.
"You shouldn't be afraid, Mandy. I'm here to hold and save you."
Napalunok si Mandy ng laway. Natutuyo ang lalamunan niya lalo na't nararamdaman niya ang mainit na balat ni Aron na dumidikit sa kaniya.
"Now, start kicking your feet na para bang may sinisipang bola. Alternate lang," sabi ng binata kaya tumango si Mandy. "Relax. Huwag kang mag-panic, nakasuporta lang ako sa likod mo."
Kung anu-ano pa ang itinuro niya sa dalaga sa loob ng dalawang oras. Kahit paano, alam na nito kung paano mag-glide sa tubig.
"Mag-practice ka kapag may time ka para masanay ka," sabi ni Aron habang tinutuyo ang basang katawan ng puting tuwalya. Tapos na sila. Kinuha niya ang dalang bag saka tumungo sa shower room na nasa gilid lang ng pool. May mahalagang lakad pa siya ngayon.
"Mandy?" tawag ni Aron nang makitang nasa gilid pa ng pool ang dalaga at mukhang may malalim pa na iniisip. Tumingala ito sa kaniya.
"Bakit?"
"Sana sa susunod, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko, nakakapagod ka na," sabi ni Aron saka pumunta na sa garahe.
Pumasok si Mandy at nagpalit ng damit. Narinig pa niya ang pag-andar ng sasakyan ng binata palabas sa garahe nila.
Pumunta siya sa kuwarto ng ina.
"Mom? Kailangan nga ulit ang sinasabi mong blind date?" tanong niya kay Cheska habang inaayos nito ang buhok dahil may lakad sila ni Oliver.
"Dumating na siya kahapon. Kailan mo ba gusto? Ikaw lang naman ang hinihintay niya."
"G-Guwapo ba siya?" usisa ni Cheska.
"Does it matter in a relationship?" Cheska asked back.
"Of course!" Mandy replied, "Ang ganda ko tapos ipapares mo sa akin, mukhang tuko?"
"Don't cha worry, I have taste in men!" she said proudly.
"Okay. I'll go out with him later," ani Mandy kaya napataas ang kilay ng ina.
"Ano ang nangyayari sa 'yo at pumayag ka?"
"You should be happy na lang kasi pumayag ako."
"How about Aron? Hindi ba't alam ng lahat na kayo na?"
"Mabuti naman po at may utak kayo, Mommy. Sana bago mo ako i-set sa blind date, naisip mo 'yan," naiiiritang sabi ng dalaga.
"Kung gusto mo lang naman para magkaroon na siya ng katahimikan," depensa ni Cheska. Kung ma-inlove ang anak, baka sakaling bumait na ito.
"Okay!" sagot ni Mandy.
Pinatawag niya ang hair stylist niya at nagpalagay ng hair extension.
"Perfect!" puri ni Ice habang pinagmasdan si Mandy. Ang glamorosa nito tingnan sa gray sequin long dress at tinernuhan ng silver dangling earrings.
"Maganda ako, 'di ba?" pagmamalaki ng dalaga.
"Ikaw pa!" nakangiting sabi ni Ice. Idadagdag pa sana niya na "maldita nga" lang pero baka masira pa ang gabi nito at mawalan siya ng trabaho.
"For sure, yayamin si Bae," ani Ice. Pipili ba ang ina nito ng dukha lang at pangit?
"I don't know. Never ask my mom," she answered and smiles her reflection in the mirror. "But I heard, he's a CEO."
"Great!" excited na sabi ni Ice. Siya ang excited para kay Mandy. Alas siyete na ng gabi. May isang oras pa siya dahil alas otso ang usapan nila. Normal lang naman na ma-late ang babae sa date kaya hindi niya binilisan ang kilos.
Nang bumaba si Mandy, ngumiti ang ama. "Ako na ang maghahatid sa 'yo?"
"Thanks, dad, pero mas prefer ko na ang driver na. If I like him, siya na ang maghahatid sa akin but If not, tatawagan ko ang driver natin."
"Be good to him, okay?" bilin ng ama.
Pumayag si Oliver na ang driver ang maghatid kaya gamit ang black limousine, nagpahatid siya sa restaurant. Pagbaba niya, napansin kaagad niya ang black lamborghini na nakaparada sa labas nitong mamahaling restaurant dito sa labas.
"Nice car," bulong niya. Ang iba, mga pipitsuging sasakyan lang kaya nagmumukhang mumurahing laruan ang mga ito.
Ilan lang ang mga costumer na nasa loob nang pumasok siya. Mostly ay mga artistang kumakapit sa DOM.
Dim light ang gamit ng restaurant and mostly ay napapansin niyang mamahalin ang glasswares na gamit nila. May nagpa-piano pa sa gilid para mas romantic ang dating. Kahit sahig, ang kintab din na matakot ang ipis na umapak. Sanay naman siya.
"Yes, Ma'am?" nakangiting tanong ng waitress.
"Reservation for Mandy, basta Mandy!" she answered. Medyo natigilan pa ang babae nang marinig ang pangalan niya at sandaling tinitigan ang kaniyang muk. She's a fan. Mula nang malaman niyang kasintahan nito ang favourite athlete niyang si Aron, fan na rin siya ni Mandy.
"Ahm, nasa dulo po. Please follow me, Ma'am," sabi niya at iginiya ang dalaga palapit sa isang mesa. Natigilan si Mandy nang makita niya ang lalaking nakaupo sa isang table kasama ang dalawang lalaki na mukhang body guards. Nakasalamin ito ng kulay itim. Guwapo naman ang lalaki bata pa tingnan. Siyempre, mayaman.
"Why the fuck is he using a black sunglasses?" bulong ni Mandy sa waitress. "Is he blind?"
"Yes, ma'am," magalang na sagot nito kaya parang mabilis na sasakyang agad nagpreno ang kaniyang mga paa.
"Seryoso ka?" poker face na tanong niya.
"Yes, po."
Napasulyap siya muli sa binata na kumukuha na ng pagkain sa plato ng kasama pero agad namang tinulungan ng katabi na ilagay sa tama ang mga kamay sa sariling plato nito. Nanlamig ang buong katawan ni Mandy sa nakita. Para siyang isang leon na hindi nakakain ng dalawang buwan tapos papakainin lang pala ng damo kaya nanghihina siya.
"Excuse me, Miss, pakisabi sa blind date ko na sumakit ang tiyan ko kaya kailangan ko nang umuwi," nakangiwing sabi niya saka napahawak sa tiyan. Kung bahay lang nila ito, kanina pa siya nagwala at nagbasag ng gamit. Dalawang oras siyang naghanda para sa 'blind date' tapos ito lang pala ang madadatnan niya?
Ne hindi na niya hinintay na makapagsalita ang waitress at malalaki ang hakbang ang ginawa niya palabas ng restaurant.
"Fuck!" reklamo ng nakabangga niya.
"Sorry naman!" singhal niya. Kung alam lang nito kung ano ang pag-iyak ng kalooban niya, mapapa-'fuck' pa ba ang nakabangga niya? Maghahanap talaga siya ng kutsilyo sa kusina para isaksak sa walang hiyang ina niya.
"Mandy?" tanong ni Aron. Nandito siya para makipag-usap sa client niya dahil balak niyang magpatayo ng hotel at may nakipagsosyo sa kaniya.
"My ghad, Aron! Huwag ngayon!" sabi niya na nakahawak sa dibdib saka mabilis na lumabas at sumakay sa nakaparadang taxi. Lesson learned, huwag makipag-blind date!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon