39

157 7 0
                                    




CHAPTER 39

Unedited...
"Ano ang problema mo?" tanong ni Cheska sa anak. Pababa ito ng hagdan na bitbit ang ilang pares ng sapatos.
"Dadalhin ko 'to sa stock room," sagot ni Mandy na ingat na ingat sa pagbitbit ng mga sapatos dahil nakilang beses na siyang tumigil para pulutin ang nahuhulog.
"Matalino ka naman bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Puwede mo namang ilagay sa paperbag 'yan!" wika ni Cheska.
"Okay na para exercise," nakangiting wika ni Mandy kaya napataas ang kilay ng ina.
"At ano ang pumasok sa kukote mo para ilagay sa stock room 'yang mga sapatos?"
"Kasi marami na akong shoes sa kuwarto kaya ang medyo matagal na, ilalagay ko sa stock room para magkaroon naman ng space ang mga bagong parating."
Tinawag niya ang katulong at ibinigay ang mga sapatos para dalhin sa stock room.
"Kumuha na rin kayong mga katulong ng tig-isang pares na sapatos. Basta ang sa stock room lang dahil kapag sumpungin ako, ipapabenta ko 'yan kay Mommy," sabi niya na ikinatuwa ng mga katulong. Ang mahal kasi ng pares ng sapatos kaya binebenta nila online para pagkakitaan.
"May napuna ako sa 'yo. Sumipag ka yata? Ano'ng nakain mo?" usisa ni Cheska nang silang dalawa na lang.
"Wala," sagot ng anak at pumunta sa sala. Sinundan naman ito ni Cheska.
"Maglilihim ka ba sa akin?"
Pasalampak na naupo si Mandy sa sofa at nagdadalawang isip kung sasabihin sa ina ang problema pero sa bandang huli ay pinili niyang ipaalam dito ang totoo.
"Kasi mommy, atin-atin lang po ito, ha. Ahm... A-Ano... Kasi." naiilang na wika niya.
"Ano na?" Mukhang malaki ang problema nito. Ganito si Mandy kapag may iniisip, nagiging masipag at madalas ay nagiging mabait.
"S-Si Aron kasi Mommy!" naka-pout na sumbong niya.
"Ano na naman kay Aron?"
"Kasi sabi niya, mamahalin daw niya ako!" Tumahimik si Cheska. Sinisikap niyang i-absorb ang inaalburuto ng anak.
"Sabi ko na nga ba, naka-drugs siya e!" ani Mandy nang mapansing natigilan ang ina.
"Kaya pala sumisipag ka. Baka ikaw ang naka-droga nang mag-usap kayo kagabi?" Nagdududa pa rin siya. Minsan, may pagkasinungaling din 'tong anak niya para lang paniwalaan siya e.
"Grabe ka naman, Mommy! Mukha ba akong nagdu-druga?"
"Seryoso? Sinabi ni Aron 'yon?"
"Opo."
"Hindi ka nagbibiro?"
"Ikaw na lang po ang magsabi tapos ako ang maniniwala."
"Grabe ka naman. Pero Mandy, seryoso? Nanliligaw sa 'yo si Aron?" masayang tanong ni Cheska. Kung si Aron ang makatuluyan ng anak, masaya rin siya. At least, alam niyang mabait ang binata. Iyon nga lang, kawawa ito sa anak niya.
"Hindi naman siya nanliligaw. Nagtanong lang naman siya kung puwede akong mahalin!" pagsisinuplada ni Mandy.
"Baliw ka! Gano'n din 'yon. Sagutin mo na para magka-boyfriend ka na!" sulsol ni Cheska.
"Ayoko nga! Boyfriend ko na siya, alam ng lahat 'yan!"
"Iba pa rin 'yong official talaga. Iba pa rin 'yong may kiss at love," wika ni Cheska.
"Okay ako sa kiss," wika ng Mandy, "Pero ang love, solohin niya!"
"Uy, ang sama mo! Friends with benifits lang? Huwag kang ganiyan!" saway ni Cheska.
"Bahala ka nga, Mommy! Marami pa akong gagawin!" wika ni Mandy saka tinalikuran ang ina. Half day sila ngayon kaya mag-aayos na siya ng sarili para mamayang hapon.
"Ghad, Mandy, kiligin ka naman!" pahabol ni Cheska pero mas lalong nainis si Mandy.
----------
Naglalakad siya sa hallway nang makitang makakasalubong niya si Aron kaya tumalikod siya.
"Saan ka pupunta?" Bigla na lang sumulpot ito sa harapan niya para humarang.
"M-May kukunin ako sa tambayan," sagot niyang nakayuko.
"Samahan na kita."
"Huwag na, mamaya ko na lang pala kukunin," sagot niya na nakayuko.
"Iniiwasan mo ba ako, Mandy?" tanong ng binata kaya tiningala niya ito, "Galit ka pa rin ba sa sinabi ko sa 'yo kagabi?"
"A-Ano'ng sinabi mo?" inosenteng tanong niya saka iniwas ang mga mata.
"Na kung puwede kitang mahalin," sagot ng binata kaya humaba na naman ang tainga ni Mandy sa inis.
"Ayaw kong mahalin ng isang tanga!" wika niya saka tinalikuran si Aron pero hinabol siya nito at hinawakan sa kanang braso.
"Baka hindi ako makapunta sa Saturday kaya pumunta ka mamaya sa swimming pool, tuturuan kitang mag-swimming."
"Alas singko 'y medya matapos ang klase ko," sagot ni Mandy.
"Hintayin kita. Tatawagan ko si Tito Oliver, ako ang maghahatid sa 'yo."
"Magpapasundo na lang ako kay Daddy."
"Kaya kitang ihatid. Pumunta ka na sa klase mo," sabi ng binata kaya nagmartsa si Mandy patungo sa classroom nila.
Wala pa ang guro nila kaya nag-open muna siya ng Instagram account at in-upload ang ilang pictures ng sapatos. In fairness, may 1 million followers na siya. Mostly ay shoe lovers kagaya niya. Ang ibang foreigner ay nagtatanong kung bakit may shoes na siya na wala pa sa market at ang iba ay kung saan niya binili pero dine-dedma lang niya.
"Hmmm? Ano kaya ang account ng tanga?" bulong niya saka tinype ang Aron Rodriguez tapos ang daming lumabas. Ang iba ay fansclub pa nito.
"Ano kaya ang real account niya?" Dalawa lang ang fina-follow niya, ang mommy at kapatid niyang sa Barcelona dahil walang Instagram ang ama. Ayaw niyang i-follow ang mga pinsan at iba pang kamag-anak dahil ang daming arte ng mga ito.
Binuksan niya ang Instagram ng ina at tiningnan ang fina-follow nito. Napangiti siya nang makita ang account ni Aron kaya binuksan niya. Bumulaga ang mga litrato nitong nagsi-swimming.
Sumingkit ang mga mata niya nang makita niya ang mga litrato nila ni Julie kaya pinindot niya ang message.
"Stupidman!!!!!!!!!!!!! Follow mo 'ko!"
Habang inisa-isa niya ang mga litrato, nag-reply ito.
[Hmmm?]Aron.
[Follow mo na ako!!!!!!!!!!"]Mandy
"Kyaaaaah. Follower ko na siya!" tili niya nang makita ang notif niya kaya napatingin ang mga kaklase sa kaniya pero inirapan lang niya.
"Hindi ko siya ifa-follow," sabi niya saka itinago na ang cellphone dahil dumating na ang guro.
Maaga pa silang pinauwi ng guro. Alas singko pa lang kaya pinuntahan na niya si Aron pero wala pa raw ito kaya hinanap na naman niya.
Narinig niya ang tilian sa soccer area kaya lumapit siya. Ang dami ng tao. Nasalubong niya sina LL na puno ng pawis.
"Nasaan si Aron?" tanong niya.
"Nasa field, nagpapahinga pa po," sagot ni Jacob at nilagpasan siya kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Ang hot talaga ni Aron!"
"Oo nga, ang swerte ng mga naging karelasyon niya!"
Kumulo na naman ang dugo ni Mandy sa mga narinig. Napaisip siya kung bakit ganito na naman ang pinagsasabi nila.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nakaupo sa net na walang damit pang-itaas.
"Kyaaaah. Bakit ganiyan ka?" tili niya. Tumayo si Aron at lumapit sa kaniya.
"Ang aga yata natapos ang klase mo," sabi ni Aron saka kinuha ang damit saka isinampay sa kanang balikat.
"Isuot mo ang damit mo! Bawal maghubad dito!" Hinampas na niya ito sa balikat. Kaya pala pinagkakaguluhan ang mokong dahil idinisplay ang katawan sa mga estudyante.
"Basa na kasi ng pawis," sagot ni Aron. Nakipaglaro siya sa quadruplets pero siya lang naman ang gumagalaw sa team niya kaya naliligo siya sa pawis.
"Basta isuot mo sabi!" singhal ng dalaga kaya dumistansiya ang mga babae sa kaniya.
"S-Sige." Kahit na basa, isinuot ni Aron ang damit. Iba na kasi ang awr ni Mandy. Dilat na dilat na naman kasi ang mga mata nito at nanggigigil ang mukha na para bang gusto siya nitong tirisin.
"Sa susunod, huwag mo nang ulitin ito, maliwanag?"
"Opo!" nakangiting sagot ni Aron saka inakbayan ang dalaga, "Huwag ka nang magalit, umiiksi ang bangs mo."
"Huwag mo nga akong akbayan!" Siniko niya si Aron, "Loyal ang lips ko kaya turuan mo ring maging loyal ang abs mo!"
Natawa si Aron. Kung hindi lang niya ito kilala, baka isipin niyang nagseselos ito. "Uy, natagpuan mo ang Instagram account ko? Salamat sa effort," bulong ni Aron saka hinawakan ang kanang kamay niya habang naglalakad patungo sa swimming area.
"Hindi ah! Napindot ko, alam mo na, pagod at puyat, kaya aksidente lang," sagot ni Mandy.
"Hmmm? Ang sabihin mo, binuksan mo talaga ang account ko at tiningnan ang pictures ko," tukso niya sa dalaga kaya mas namula ang pisngi nito dahil sa inis.
"Oo na!" pag-amin ni Mandy. "Nakita ko nga ang mga litrato mo eh, in fairness, may ipagmamalaki ka naman! May mga na-upload ka ngang hindi dapat i-upload eh!" makahulugang sabi niya, "Dahil din ba iyon sa pagod plus puyat kaya aksidente mong napindot?"
"Ang alin?" inosenteng tanong ng binata. Wala naman siyang ibang na-upload.
"Magtatanong ka pa?"
"Sorry kung may mali man akong na-upload sa paningin mo," paumanhin niya kahit na hindi naman talaga niya alam kung ano ang tinutukoy nito.
"Huwag kang humingi ng sorry, may maipagmalaki ka naman eh, kahit na medyo baluktot pero may maipagmalaki ka naman!" makahulugang wika ni Mandy kaya tumigil si Aron at hinawakan siya sa mga balikat.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang mali sa Instagram ko, hindi kita maintindihan," naguguluhang sabi niya, "Ano ang na-upload ko na hindi ko dapat i-upload?"
"Magtatanong ka pa?" singhal ng dalaga, "Walang hiya ka! Ang mg pictures ninyo ni Bakeshop! Proud ka pa talagang i-upload ang mukha ng babaeng 'yon gayong ako naman ang girlfriend mo? Kung sabagay, baluktot naman ang pag-iisip mo dahil tanga ka!"
"Mandy, matagal na ang litratong iyon, kami pa noon," paliwanag niya.
"Kahit na! Kapag ex, dapat binubura na! Burahin mo!" Utos ni Mandy na nagiging dragon na. Gusto sanang matawa ni Aron dahil ang cute nito pero baka magta-transform na naman.
"Hayaan mo na iyon, hindi naman mahalaga sa akin--"
"Burahin mo sabi!" sigaw ni Mandy kaya ang mga madaanan sila ay umiba ng daan.
"Ano ba ang ikinagalit mo? Wala naman iyon. Isa pa, naging bahagi rin naman si Julie ng buhay ko." Hindi siya iyong tipo ng taong kapag maghiwalay, lahat ay kakalimutan at lahat ay itatapon o susunugin.
"Ah, ayaw mong i-delete? Sige, solohin mo ang bakeshop mo! Paki-unfollow na rin sa akin!"
"Na-follow na kita kay hindi na kita puwedeng ma-unfollow."
Tumahimik si Mandy saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Mandy, galit ka ba? Bakit ba gusto mong ipabura?"
"Hindi na kita pipilitinv burahin. Hindi naman big deal sa akin. Bahala ka sa buhay mo! Huwag mo akong ihatid, magpapasundo ako kay Liam!"
Napatingin si Aron sa dalagang pumasok sa shower room. May mga estudyanteng pang nagsi-swimming ngayon pero sa pinakagilid ay may space para sa kanilang swimmer.
Nagbihis na rin siya. Mali ang paglalaro ng soccer tapos mag-swimming siya dahil mapapasma siya pero kailangan pa niyang turuan si Mandy.
Paglabas niya ng shower room, nakasimangot si Mandy na nakahawak sa cellphone at mukhang may tatawagan.
"Fine!" pagsuko ni Aron, "Buburahin ko na kaya huwag kang mag-alburuto diyan!" Dinampot niya ang cellphone at naupo sa tabi nito saka isa-isanv binura ang mga litrato nila ni Julie. Aaminin niya, habang binubura niya, nasasaktan pa rin siya. Ilang taon din niyang minahal si Julie. Nangarap na kasama ito pero biglang naglaho dahil kay Jerome.
"Masaya ka na?" tanong niya sa dalagang nakatitig sa cellphone niya.
"May isa pang natira!" Tinuro ni Mandy ang picture nila ni Julie na naka-kiss si Julie sa pisngi niya. Ito ang birthday niya noong nakaraang taon kaya mahirap sa kaniyang burahin ito.
"Hindi naman kita pinipilit," sabi ni Mandy pero napindot na niya ang delete.
"Malinis na ang Instagram ko, wala na si Julie," may sama ng loob ang boses ni Aron kaya napa-poker face si Mandy.
"Aron ko?" tawag ni Mandy saka ipinulupot na naman. Ang mga kamay sa braso niya. Kapag ganito, nananayo ang balahibo niya dahil panigurado, may kalokohan na naman itong naisip.
"Yes?"
"Kiss mo 'ko!" parang batang sabi ni Mandy na nakatingala sa kaniya.
"What?" bulalas niya. Baka namali lang siya ng pandinig.
"Kiss mo 'ko sa lips, dali!"
Natigilan siya. Marami pa naman ang mga estudyante sa paligid na nakatingin sa kanila.
"Mandy k-kasi..."
"Ayaw mo? Okay lang! Hindi naman lahat ng oras, loyal ang lips ko."
Napilitan siyang hawakan ang baba nito saka ginawaran ito ng halik sa mga labi. Medyo matagal dahil gumanti si Mandy. Tinigil niya kaagad dahil sa suot na swimming trunks. Baka masyadong mahalata kapag tumagal pa.
"Okay na?" tanong niya sa dalaga na nakatingala pa rin sa kaniya.
"Aron ko?" tawag na naman nito.
"Bakit?"
"Isa pa!" hirit ni Mandy kaya para siyang himatayin. Ang dami pa namang tao.
"Mandy, tama na, mamaya na naman kapag masa kotse na tayo."
"Ayoko! Gusto ko ngayon na!" pagsisinuplada ni Mandy kaya napilitan siyang halikan na naman ito.
"Good. Upload mo 'to!" Utos ng dalaga sa nakuhang litrato nilang naghahalikan.
"M-Mandy, baka magalit ang parents natin ..." pagtutol niya.
"So? Ayaw mong i-upload ito sa account mo?"
"S-Sige, i-bluetooth mo na lang," napilitang sabi niya. Ang background pa nila ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila sa swimming pool. Hindi siya showy. Hindi siya mahilig mag-PDA kaya pustahan, patay na naman siya nito sa mga kapatid lalo na sa mga barkada sa Westbridge. Ang lakas pa naman mang-asar ng triplets lalo na sina Sky at Blue pero heto siya ngayon, sinusunod ang utos ni Mandy

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon