52

191 8 0
                                    




CHAPTER 52

Unedited...
"Hello po, Tita, Tito!" natutuwang bati ni Mandy at humalik sa dalawa.
"Hello, Mandy! Naku,napakagandang bata!" puri ng ina ni Liam. Kung puwede nga lang na si Mandy na ang mapangasawa ng anak nila, masaya siya. Pero napanood niya ang live interview nito at may kasintahan na pala ito. But who knows? Marami siyang naririnig tungkol dito lalo na ang magaspang na ugali ng dalaga pero mabuti naman ang pakikitungo sa kanila.
"Naku, salamat po at ni-remind mo sa akin!' natatawang pasalamat ni Mandy at naupo sa hinilang upuan ni Liam para sa kaniya. Kanina pa niya tinatawagan si Aron pero hindi nito sinasagot. Patay na naman 'yon mamaya sa kaniya.
"Let's order," sabi ng ama ni Liam at sumenyas sa waiter para dalhin ang menu list, "Ano ang gusto mo, hija?"
"Kahit ano po,Tito. Masarap naman ang pagkain dito," sagot niya. Sa mamahaling Italian restaurant sila at madalas din na dito kumakain sila ng ama.
"Mamili ka ng gusto mo," sabi ni Liam na binigay ang isang list sa kaniya.
Busy si Mandy sa pagpili nang mapasulyap sa pinto. Ilang beses pa siyang napakurap para masigurado ang nakita. Si Aron at KC ay magkasamang pumasok. Wala namang problema sa kaniya dahil nagpaalam ito kanina bago siya nilayasan. Ang nakakagigil lang ay ang kamay ng babae na nakapulupot sa kamay ng Aron niya.
"Aron!" tawag niya kaya napatingin din ang pamilya ni Liam sa dalawa.
"Mandy! Nandito pala kayo?" tanong ni Aron na hinila si KC.
"Oo, dito rin kami. Mabuti naman at nandito kayo!" sagot ni Mandy na pinipigilan lang na sumigaw dahil sa mga magulang ni Liam.
"Hello po, Tita, Tito!" bati ni KC at humalik sa mag-asawa.
"Hija, hindi ka napunta sa bahay last day, may pasalubong ako sa 'yo!" sabi ng ina ni Liam.
"Talaga po? Busy kasi e," masayang sabi ni KC.
"Maupo na kayo. Sumabay na kayo sa amin para makapag-usap naman tayo," sabi ni Mr.Navarro.
"Tito, si Aron Rodriguez po, business partner ko sa hotel na ipapatayo namin," pagpakilala ni KC.
"Boyfriend ko rin po siya," sabat ni Mandy at pinandilatan si KC. Bruha nito, hindi sinabing magkasintahan sila ni Aron.
"Ikaw pala ang kasintahan nitong si Mandy?" sabi ni Mrs.Navarro.
"Opo," sagot ni Aron at hinila ang upuan para kay KC tapos mabilis na tumabi kay Mandy. Kaya napagitnaan silang magkasintahan nina KC at Liam.
"May napili ka na?" tanong ni Liam kaya hinarap siya ni Mandy.
"Kahit ano. Kakainin ko rin naman e," sagot ni Mandy.
"Huwag lang maraming seafoods, medyo allergic siya," sabat ni Aron. Palagi itong nagrereklamo kapag seafoods ang i-order niya.
"Kayo, pumili rin," sabi ni Mrs. Navarro at ibinigay ang menu list.
Pinakiramdaman ni Mandy ang katabi. Hindi puwedeng makalusot ang KC na 'to lalo na't nasa paligid lang siya.
Ilang sandali pa ay muli nilang tinawag ang waiter at nag-order.
Habang kumakain, pasulyap-sulyap si Aron sa katabi niya.
"Kumain ka pa, Mandy," sabi ni Liam at nilagyan ng steak ang plato ni Mandy.
"Kumain ka rin ng bangus, masarap 'to," sabi ni Aron at hindi na hinintay ang sagot ng dalaga. Nilagay na niya ang isang hiwa ng tiyan ng isda sa plato nito, "Kumain ka nang marami, Mandy ko, masarap 'yan."
"Hindi ako mahilig sa seafoods," sagot ni Mandy.
"Subukan mo kahit kaunti lang para magkaroon ka ng lakas," sabi ni Aron na hindi na maipaliwanag ang mukha.
"Sige, kakainin ko kasi sabi mo e," pagpayag ni Mandy. Kahit paano, ayaw naman niyang mapahiya si Aron kaya kinain na niya.
"Hija, salamat pala sa pag-mention ng Navarro's shoes sa family interview ninyo, na-appreciate namin," pasalamat ni Mrs. Navarro. Sa totoo lang, hanga siya sa tapang at pagiging prangka ni Mandy. Hindi lahat ng mayaman ay kagaya nito.
"Wala po iyon, magkaibigan kami ni Liam at walang halong echos, gusto ko po ang sapatos ninyo," nakangiting sagot ni Mandy. Ang sarap din sa pakiramdam kapag may mga taong gusto ka at na-appreciate ang efforts mo. Higit sa lahat, tanggap ang ugali mo.
Nahila niya ang kamay nang maramdaman ang mainit na bagay na pumatong dito. Napansin niyang naningkit ang mga mata ni Aron habang nakatitig sa kinakain. Nagulat lang naman siya sa kamay nito e. Hindi niya sinasadyang hilain nang tangkainmg hawakan ni Aron.
"Aron? Kumusta na ang manggagawa natin? Okay na ba ang engineer?" tanong ni KC na nakangiti pa kay Aron.
" Nilalandi talaga niya ang boyfriend ko!" bulong ni Mandy at inapakan ang paa ni Aron.
Napatingin si Aron sa katabing kasintahan. Napalunok siya ng laway nang pasaksak na tinusok nito ang isang hiwa ng karne sa plato. Kahit hindi nakatingin, alam niya ang nais ipahiwatig ng dalaga.
"Ang sarap namam pong kainin ng karne, ang lambot po," nakangiting sabi ni Mandy sa mag-asawang kaharap pero nang mapansin niyang napasulyap si Aron, tumagis ang bagang niya. Actually, iniisip niyang sina Aron at KC ang karne na tinutusok.
"Oo, masarap talaga ang pagkain nila rito," pagsang-ayon ni Mrs.Navarro.
Napaubo si Mandy kaya tumalikod sa kanila pero inilait ang mukha sa tainga ni Aron sabay bulong, "Usapang business lang, walang landian!"
Nang humarap siya sa mga ito, busy ang mag-asawa sa pagkain. Naramdaman niya ang kamay ng binata sa kaliwang kamay niya kaya hinayaan na niya nang mag-holding hands sila at ang isang kamay na lang ang ginamit para makakain.
Paminsan-minsan ay pinisipil iyon ni Aron kaya napapangiti siya sa isip. Mabuti naman at alam nito kung sino ang dapat na hawakan niya.
Matapos silang kumain, nagpaalam ang mag-asawa na mauna na dahil may meeting pa silang dadaluhan kaya naiwan silang apat.
"May pupuntahan pa kayo?" tanong ni Liam.
"Yes, usapan namin na magde-date kaming dalawa after ng family lunch ni Mandy sa inyo!" Hindi matago ang pagkairita ni Aron sa binata.
"Pinsan, samahan mo akong bumili ng cake para sa inaanak ko," yaya ni KC kay Liam.
"Paano? Maghiwalay na tayong apat?" paalam ni Liam.
"Sige, kasama ko naman si Aron kaya okay na," sagot ni Mandy at ipinulupot na naman ang kamay sa braso sa kasintahan.
Sanay na si Aron sa ganitong gesture ni Mandy lalo na kapag maglambing o maramdaman nitong may aagaw sa kaniya. Tila isa itong sawa na palapit pa lang ang ibang hayop ay pinuluputan na siya ang daga para ipaalam sa mga itong nauna na siya. He finds it cute.
"Manood tayo ng movie," yaya ni Aron. Palabas na sila ng restaurant.
"Ano ang magandang panoorin?" tanong ni Mandy pero himig ng pagtatampo.
"Kita-Kita? Maganda raw ang preview ng movie," sagot ni Aron at inakbayan ito nang tanggalin ang kamay sa braso niya.
"Alessandra at Empoy? Sige," pagpayag niya. Hindi siya fan ng pinoy movies at kahit na anong movie. Nanonood lang siya kapag si Blue ang bida.
Mahaba-haba ang pila. Napasikat ng good preview ang pelikula kahit na walang solidong endorsement.
Pagpasok nila, sa unahan gitna sila naupo. Hindi na sila bumili ng pagkain dahil kakatapos lang nilang kumain.
Napangiti si Aron nang biglang tumawa si Mandy, " Gosh, ang tanga ni Empoy, parang ang boyfriend ko!" natatawang sabi ni Mandy nang mabunggo si Empoy sa mesa dahil nilagyan ni Alessandra ng panyo ang mga mata nito kaya iginala ni Aron ang paningin. 'Buti na lang dahil walang pakialam ang nasa paligid nila.
Mayamaya pa'y tumahimik si Mandy.
"Aron ko? Pahiram ako ng cellphone mo."
"Ha? Bakit?"
"Manood na lang ako ng pictures mo."
"K-Kuwan. Hindi mo ba papatapusin ang--"
"Akin na! Ibibigay mo hindi?"- Mandy
Mabilis na dinukot ni Aron sa bulsa ang cellphone at ibinigay kay Mandy. Mahirap na dahil malapit na itong sumigaw. Ang dami pa namang tao.
"Ito na," sabi niya at napasulyap sa dalaga na salubong ang kilay.
"Bakit kay password?" mahina pero may panganib sa boses ng kasintahan.
"N-Nilagyan k--"
"Alam kong nilagyan mo pero bakit nilagyan mo?" Kumukulo na ang dugo ni Mandy. Noong isang araw, wala pa itong password, "May tinatago ka ba sa akin?"
"Wala ah!" tanggi ng binata. Wala naman talaga. Kaya lang naman niya nilagyan dahil ang kulit ni Mandy. Ayaw lang niyang panood ito ng malaswang bagay sa cellphone niya.
"Anong wala? Nagkita lang kayo ni KC kanina, may password na?" Malapit na siyang mapikon pero hanggat kaya, pinipigilan niya ang sarili dahil maraming tao. Pero hindi talaga maganda ang kutob niya sa paglagay nito sa password.
"Hindi naman Mandy. Kaya ko lang naman nilagyan--"
"Nasaan ang ko sa pangalan ko? Nawala na ba? Ano? Ipapalit mo sa akin ang KC na iyon?" Nang mailpikon ay hinampas niya si Aron sa balikat. Bahala na kung marinig sila ng katabi niya.
"Mandy ko, calm down," pabulong na pakiusap ng binata at hinuli ang kamay niya, "Walang masama sa paglagay ko ng password. Para wala nang away, akin na, tatanggalin ko ang password."
"Bakit? Nagu-guilty ka? Hindi ka maglalagay ng password lalo na kapag wala kang tinatago! Si KC ba? O baka nagkabalikan na naman kayo ng Bakeshop mo na nagtitinda ng lamayo?" Kinurot niya sa braso si Aron. Nanginginig pa nga ang mga daliri dahil sa gigil.
"Ouch!" daing ni Aron, "Maniwala ka, wala talaga." Inagaw niya ang cellphone at iginuhit ang lock pattern na letter "M". Pumunta siya sa setting at tinanggal ang lock screen.
"Ito na, wala nang password 'yan."
Nagdududang binuksan ni Mandy ang messages at inbox. Wala nang laman kahit isa kaya isinauli niya ito kay Aron, "Wala na dahil binura mo na!"
"Wala naman akong binura, ikaw ang bumura niyang kanina paggising natin," depensa ng binata.
"Wala kang binura dahil wala na akong nakita! Kita mo, ang tagal mong ibigay dahil binura mo muna ang sikreto ninyo!" Nagpapasalamat talaga si Aron dahil ang ingay rin sa paligid dahil sa pagpakilig ni Empoy.
"Mandy naman--"
"Nasaan ang ko?" singhal ni Mandy kaya napalingon ang dalawa sa kanilang unahan pero wala siyang pakialam.
"Mandy ko, wala talaga. Tinanggal ko lang ang password pattern para hindi ka na magalit."
"Huwag mo akong lokohin! Kung ayaw mong aminin, bahala ka!" Tumayo siya para lumabas. Sinundan maman siya ni Aron.
"Mandy ko naman, wala akong tinatago," paliwanag nito habang sinasabayan ang dalaga palabas. Nang mapikon ay hinila na niya ito sa braso at hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Maniwala ka, wala talaga kaya pakiusap, huwag na tayong mag-away." Hindi sumasagot si Mandy kaya hinalikan niya ito sa mga labi pero mabilis lang dahil may mga taong dumadaan. Medyo madilim lang sa parteng ito dahil malapit na sila sa pintuan, "Tama na, okay? Wala talaga akong inililihim sa 'yo, ayaw ko lang talaga na panoorin mo ang nasa Gallery ko pero buburahin ko na ang videos. Kung gusto mo, exchanged tayo ng sim para maniwala kang wala akong tinatago sa 'yo." Firstime niyang gagawin ito pero sa tigas ng ulo ni Mandy, mahirap itong mapaniwala.
"Okay! Exchange tayo ng sim. Pasensiya ka na, mainit lang talaga ang ulo ko," pagsang-ayon ni Mandy at ipinulupot ang kamay sa braso ng kasintahan.
"Bati na tayo?" nakangiting tanong ni Aron. Medyo okay na ang modo nito.
Tumango si Mandy at tiningala ang guwapong kasintahan, "Kiss mo 'ko!"
Napangiti si Aron at hinapit ito sa bewang saka ginawaran ng halik sa mga labi, pagkatapos ay lumabas na.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon