14

150 8 0
                                    

CHAPTER 14

Unedited...
"Aron, pumasok ka na. Tatlong araw ka nang hindi nakapasok," malumanay na sabi ni Aira at naupo sa kama katabi ng anak.
"Tinatamad pa ho ako, Mommy," mahinang sagot ng binata. Mula mangyari ang eksena nila noong Sabado sa pool, hindi na siya lumabas ng bahay. Hindi nga niya napansin kung paano pa siya nakauwi. Basta nagmaneho lang siya. Sila rin ang laman ng social media lalo na ng mga peryudiko dahil may mga nakakuha ng video.
"Cheer up!" Inakbayan siya ni Aira at hinimas ang balikat niya. "C'mon, baby, hindi ikaw 'to. Nasaan na ba ang baby boy namin na malakas at matapang?" Bata pa ito, matapang na si Aron sa hamon ng buhay kahit na tahimik lang. Wala siyang maireklamo sa binata.
"M-Masakit lang po kasi," sagot niya at sinubukang huwag maiyak. Umiyak siya mga dalawang beses lang pero never niyang ipinakita kahit kanino. "Ang daming katanungan sa isip ko. Mom? Of all people, si Jerome pa? Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin si Julie at magtiwala sa kaniya pero bakit?" Pang ilang beses na niyang tinatanong ito da sarili mula pa kagabi.
"Ganoon talaga kapag labis kang nagmahal. Minsan, kailangan nating masaktan para malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng kasiyahan." Niyakap niya ang anak. Kahit na hindi ito galing sa sinapupunan niya, minahal niya ito na parang tunay niyang anak. Walang kasalanan Aron sa pagkakamali ng mga magulang niya. Matagal na rin naman niyang napatawad si Stephanie.
"Pero hindi ba't pwedeng magmahal na lang tayo na hindi na kailangang masaktan pa?" baliktanong ng binata.
"Hindi lahat ng relasyon, masaya. Lalo na kapag isa lang ang nagmamahal."
"P-Pero mahal ko si Julie at alam niya iyon." Kung mag-explain si Julie sa kaniya, baka sakaling maintindihan pa niya pero wala. Kahit text, wala siyang natanggap kaya hindi na rin niya ito kinontak.
"Pero may iba na siyang mahal," malungkot na sagot ni Aira. Kahit siya, hindi niya inaasahang magagawa iyon ni Julie dahil mabait naman ito sa kanila. Ang buong akala nga rin niya, mahal talaga nito ang anak nila dahil wala naman siyang nakikitang problema ng dalawa.
"Kaya mo pa ba?" seryosong tanong niya sa anak at hinawakan ito sa mga kamay. "Kaya mo pa bang ipaglaban ang babaeng sinukuan ka na?"
Napayuko si Aron. It really hurts. Kahit na hindi pa sila nag-uusap ni Julie, alam niyang ito ang dahilan. Nakikita niya sa galaw nito na labis itong nag-aalala kay Jerome. At ang masakit, kahit itanggi man niya, alam niyang takot ang nakita niya sa mga mata ni Julie. Takot na baka mawala si Jerome sa buhay nito.
"Nandito lang kami, Aron, hindi ka namin pababayaan."
Niyakap niya ang ina. Pakiramdam niya, wala nang mananakit sa kaniya dahil may nakaprotekta sa kaniya.
"Thank you, Mom."
"Sabihin mo lang kung kailan ka papasok, kakausapin ko ang family doctor natin. Hihingi ang ng medical certificate mo."
"Huwag na po, papasok na ako ngayon." Tumayo si Aron at lumapit sa closet para kumuha ng uniporme. Sapat na ang ilang araw na pagmukmok at panatili sa isang sulok ng madilim na silid na ito.
Kaka-park lang niya ng sasakyan sa CTU at pagbaba talaga niya, may mga estudyanteng pinagtitinginan siya. Alam naman niyang gusto lang nilang makitsismis.
"Sila na ba talaga ni Mandy? Mukhang mabait naman siya pero bakit hindi niya kayang kontrolin ang girlfriend niya?" tanong ng isang estudyanteng nakasunod sa kaniya.
"Akalain mo 'yon? Ipinagpalit lang niya kay Mandy ang ilang taong relasyon nila?"
Gusto sana niyang patulan ang nga ito pero wala siyang magagawa. Ito pala ang iniisip nila? Na siya pa ngayon ang masama? Siya ang nagloko at nang-iwan?
"Sabing punasan mo eh!" Malayo pa lang ay rinig na niya ang sigaw ni Mandy na mukhang may inaaway na naman. Gusto sana niyang bumalik pero baka kung ano pa ang sabihin ng grupong nasa likuran niya kaya ipinagpatuloy na niya ang paglalakad.
"Hindi ko naman sinasadya," sagot ni Jersel na kaklase ni Aron.
"Hindi sinasadya? Alam mong dadaan ako, magtatapon ka? Punasan mo ang sapatos ko!" sigaw na naman ni Mandy. Kakabili lang ng ama ng Miu Miu shoes tapos tapunan lang ng babaeng ito ng tubig? Naghaharutan ang magbarkada nang mapadaan siya kaya natalsikan siya ng tubig na hinagis nito sa isang kabarkada.
"Tubig lang naman 'yon at natuyo na. Bakit kailangan ko pang punasan?" pagsisinuplada ni Jersel kaya biglang namilog ang mga mata ni Mandy at hinila ang buhok ni Jersel.
"Tubig lang ha?" wika niya na halos tatalon na ang mga mata niya sa pandidilat.
"Bitawan mo nga ang buhok ko!" Nagpupumiglas siya kaya nabitawan ni Mandy ang buhok niya.
"Kayo!" Isa-isang dinuro ni Mandy ang apat na babaeng nasa harapan. "Hindi ako nakikialam sa buhay ninyo kaya huwag ninyo akong banggain dahil baka pagsisisihan ninyo kung ba't dito pa kayo nag-aral!" Galit na talaga siya. Araw-araw na lang ay ganito ang nangyayari sa kaniya.
"Punasan mo ang sapatos ko!" giit niya. Baka mamaya, may germs pa ang tubig.
"Ayaw ko!"
"Ayaw mo o mukha mo ang ipamunas ko?" singhal na naman niya. Kung pinunasan nito, e di kanina pa sila tapos.
"Aron!" masayang sabi ng babaeng kaharap niya kaya napatingin siya sa binatang palapit sa kanila.
"Hi," tipid na bati ng binata.
"Bakit ngayon ka lang pumasok? May sakit ka ba?" tanong ni Jersel kaya tumaas ang kilay ni Mandy. Hindi pala ito pumasok? Hindi niya alam. Kaya pala hindi niya nakikita ang binata. Kung sabagay, wala naman siyang pakilaam sa buhay nito. Kahit na hindi na ito pumasok, wala talagang problema sa kaniya.
"Gusto ko lang magpahinga," sagot ng binata at napasulyap kay Mandy. Hindi pa niya ito nakausap sa ginawa nitong pagpasok sa eksena noong Sabado.
"Kamusta ang pagluluksa? Natauhan ka na ba? O hanggang ngayon, tanga ka pa rin?" tanong ni Mandy. Alam niya ang totoo kaya sigurado siyang nagluksa talaga ito sa panloloko nina Julie at Jerome.
"Makapagsalita ka sa boyfriend mo, parang tuta lang siya ah!" pagdepensa ni Jersel kay Aron kaya napahawak si Mandy sa dibdib na kulang na lang ay kainin ang mga kaharap.
"Tama na. Pumasok na ako at kakasimula pa lang ng araw natin, nagtatalo na kayo?" Parang nagsisi tuloy si Aron na pumasok pa siya dahil sa dalawa.
"Wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ko kay Aron! Ikaw? Kung ipagtanggol mo siya, parang magkakilala talaga kayo ah!" ani Mandy.
"Kaklase ko siya!' sagot ni Jersel. Ang mga kaibigan ay naupo sa bench dahil ayaw makialam.
"Oh? Tapos? Close kayo?" pagmamaldita ni Mandy.
"Tama na, pwede?" sabat ni Aron at hinarap si Mandy. "Hindi ba talaga titigil ang bunganga mo?" Kung baril lang ang bunganga nito, marami na ang natamaan ng bala. Dinaig pa ang armalite sa kakaputak.
"Ay, tahimik akong tao, Aron!" sabat ni Mandy, "Wala akong pakialam sa pangit na 'yan pero huwag lang niyang pakialaman ang buhay ko!" Hinarap niya si Jersel at dinuro. "Punasan mo ang sapatos ko para matapos na tayo!"
"Ayaw ko nga!" tanggi ni Jersel kaya susugod na naman sana si Mandy pero hinila na siya ni Aron.
"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas siya pero malakas si Aron. "Ano ba! Ingungudngod ko pa siya sa sapatos ko!"
Subalit tila walang narinig ang binata. Tuloy-tuloy lang ito sa paghila sa kaniya patungo sa tambayan kaya sila na naman ang tinitingnan ng lahat.
"Ouch!" naiiyak na sabi ni Mandy nang isinarado ni Aron ang pinto at binitawan siya.
"Mamatay na kayong lahat!" sigaw ni Mandy sa sobrang inis habang hinahawakan ang namumula na namang braso. Okay na sana e, wala na sanang pula dahil hindi niya nakita si Aron ng ilang araw pero heto na naman. Panibagong pula na naman.
"Pwede bang pakibawas-bawasan ng pagkamaldita mo at pakitikom ng bibig mo? Nakakabingi na!"
"E di lumayas kayo sa paaralang ito!" bulalas ni Mandy. "Kung ayaw ninyo akong makasalubong, gumawa kayo ng sariling hallway ninyo!"
"Matuto ka namang makisama sa mga estudyante." Kulang na lang ay buksan niya ang ulo nito para ipasok sa utak ng dalaga na mali ang ginagawa nito.
"Para ano? Sila nga, hindi nakikisama!" Ayaw talaga niya. May allergic siya sa ibang tao. "At bakit ba ako ang pinakiusapan mo? Ako pa ang mag-a-adjust sa kanila?"
Napapikit si Aron. Masyado nang matanda ang kaharap para mabago pa ang pananaw sa buhay at baka huli na nga para ituwid ang baluktod na ugali at katwiran ni Mandy.
"Kung pati ako dinadamay mo dahil sa pagluluksa mo sa bakeshop na iyon, wala akong pakialam sa 'yo! Hindi ko kasalanan kung bakit niloko ka niya at ipinagpalit sa ibang tao!" sabi ni Mandy. Dumilat si Aron at nagbabaga ang mga matang nakatitig sa kaniya pero hindi siya nagpapatinag. "Ano? Namulat ka na sa katotohanang inihian at iniputan ka nila sa ulo? Alam mo na ngayon ang pakiramdam ni Tita Aira nang niloko siya ng tunay na mommy m--ouch!" daing niya nang puwersahang tinulak siya ni Aron sa likod ng pintuan.
"Huwag na huwag mong idamay ang nanay ko rito!" pagbabanta niya at diniinan ang pagkahawak sa mga kamay ni Mandy. "Pakisara ng bunganga mo kung ayaw mong tahiin ko!" Mahina pero puno ng galit na pagbabanta niya.
Gusto nang maiyak ng dalaga dahil sa sakit na palapulsuhan sa kamay pero sinalubong niya ang mga mata ng binata. Hindi siya natatakot dito. Sanay na siya sa pananakit ng binata kaya hindi siya magpapatalo.
"Kawawa ka naman, Aron. Habang nagluluksa ka, siya naman ay masaya na sa piling ng iba!" panunuya ni Mandy.
"Shutup!" sigaw ni Aron at mas diniinan ang paghawak sa kamay ni Mandy. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Mandy!"
"Bakit? Sasaktan mo na naman ak--uhmmmmp!" Nanlaki ang mga mata ni Mandy nang may tumakip na mainit at malambot na bagay sa bibig niya kaya hindi na niya nakaya pang magsalita.
"Sa susunod na makita pa kitang nagtatalak sa hallway o kahit saan, hindi lang halik ang matitikman mo sa akin!" pagbabanta ni Aron. Sasabog na siya. Hindi na niya napigilan pero hindi naman niya ito kayang suntukin kaya hinalikan na lang niya bilang parusa.
Binitiwan niya si Mandy na tila naistatwa sa nangyari. "Matuto kang ilugar ang pagiging maldita mo!" Iniwan na niya ang dalagang nakatulala at nakaawang ang mga labi dahil hindi pa rin pumasok sa utak nito ang mga nangyari.
.
.
.
.
.
.
.
He stole her first kiss.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon