1

3.4K 94 3
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1-2-3

"Sis? Ano ang balak mo mamaya?" tanong ni Jairah. Close friends sila ni Mandy kahit na mas matanda siya sa dalaga ng dalawang taon.
"Pupuntang parlor, magpapakulay ng hair," tinatamad na sagot ni Mandy.
"Ahm... Sis?" parang natataeng tawag ni Jairah.
"Ano ang nangyari sa 'yo?" Mandy raised her right brow. She knows Jairah too well kaya alam niyang may problema ito.
"My dad knows na..."
"Knows what? You're not a virgin anymore? My ghad! Sino ang maniniwala? Sino ang pumatol?" panunuya ni Mandy na tila diring-diri pa sa kaibigan. Pinsan ito ng mga pinsan niya.
"Walang hiya ka talaga! Ang hard mo!" pagtatampo ni Jairah, she pouted.
"Yuck! Stop pouting! I'm scared!" Sabay tulak pa sa kaibigan. Siya ang babaeng walang pakialam sa mga nasa paligid. She walks like a queen. Talks like a queen. Acts like a queen. Anywhere she goes, parang may korona sa ulo niya at ang komontra, ilalampaso niya. Siya si Mandy. Walang inaatrasan. Walang kinatatakutan. Spoiled brat at palaban.
"Seryoso, alam na ng parents ko na sumali ako sa sorority," she said at bit her lower lip.
"So? Hindi naman ako kasali sa frat," sagot ni Mandy. Cresantemum University is school of fraternities and sororities. Legal sa unibersidad ang kapatiran.
"Ahm... Galit sina Daddy."
"Kapag ako ang ina mo, ibibitay kita at dila mo lang ang walang latay," sagot ni Mandy. Ang iba, sumasali lang para maging famous. Para kunwari astig. Para masabing matapang at sosyal ka.
"Ang hard mo! Hindi ka nakakatulong!" reklamo ni Jairah.
"Ano ang maitutulong ko? Mabuti naman pala dahil hindi ka pinahubad ng walang hiyang kuya mo at pinatakbo sa kalsada?"
"Iyon na nga e, galit si Kuya," problemadong sabi ni Jairah pero mas sumimangot siya nang malakas na tumawa si Mandy. As in totoong tawa pero classy.
"Kailan pa hindi nagalit ang kuya mo? He's more than Superman! You know, malayo pa lang e, alam mo nang pasan na niya ang mundo dahil sa mukha nito!" she laughed.
Tumigil siya sa pagtawa biglang umasim ang mukha.
"What the hell is he doing here?" she exclaimed. Para siyang bulkan na biglang naging active at nagbabadyang puputok.
"Yan ang nais kong ipaalam sa iyo," nahihirapang sabi ni Jairah. Kilala niya si Mandy at kilala rin niya ng maigi ang kuya Aron niya, hindi talaga magkasundo ang dalawa.
"I hate him!" Mandy shouted.
"Jairah, wala ka bang pasok?" he asked nang nasa harapan na ng dalawa. Hindi na niya pinansin ang pagsigaw ni Mandy. Obviously, he hated her more. Isa sa mga rason kung bakit niya sinumpang papasok dito sa CTU but now, he doesn't have a choice, nagloko ang kapatid niya kaya napilitan siyang lumipat.
"Kalahating oras pa po, Kuya," magalang na sagot ni Jairah. Half brother niya ito. Kapatid sa ama pero mula nang bata, itinuring nila itong buong kapatid at matindi ang respeto nila ng kambal kay Aron. Mahabang istorya pero hindi nila ipinaramdam na may kulang sa pagkatao nito.
"Why are you wearing our school uniform?" Mandy asked.
Guwapo si Aron, matangkad, maputi at may pagka-chinito kaya malayo pa lang ay napapalaki na ang mga mata mo ng kababaihan. Lamang, ubod ng suplado ito. Iyong tipo ng taong hindi mo mabiro-biro.
"I don't owe you an explanation!" he answered.
"You have to answer me dahil ako ang may-ari ng paaralang ito!" singhal ng dalaga at nakapamewang pa.
"Apo ng may-ari!" pagtatama ng binata kaya mas lalong umusok ang ilong ng dalaga. "At nasa school ka, pero ikaw mismo ang unang lumabag sa rules ninyo? What a stupid example!" Pinasadahan niya ng tingin ito. Kung may modelo man ng taong may hepa, si Mandy talaga ito. Kulay dilaw ang lahat ng gamit mula sa bag, sapatos at headband.
Palipat-lipat na ang mga mata ni Jairah sa dalawa. Mukhang umiinit na ang paligid kay naghahanda na siya ng lugar na matatakbuhan.
"Pumunta ka na sa first subject mo, Jairah," he said, wryly, trying to ignore the girl whose eyes are burning. Sanay na siya.
"Bumalik ka sa Westbridge! Hindi ka welcome rito!" Hindi talaga niya matatanggap na dito nag-aaral ang mokong na 'to. No way! Gagawa siya ng paraan para mapatalsik ito sa paaralan.
"Kuya Aron!" masiglang bati ni Jacob sa binata kasama ang mga kapatid.
"Hey!" nakangiting bati niya at nakipag-fist to fist sa apat.
"Dito ka na pala aaral," wika ni LL.
"Oo, kailangan kong bantayan si Jairah," makahulugang sagot ni Aron at sinulyapan ang kapatid na hindi makatingin sa kaniya. Delikado na ngayon sa paaralang ito. Palaging may frat war kaya natatakot ang mga magulang nila na baka madamay ang kapatid dahil sa kanilang tatlong magkapatid, si Jairah ang pinakapasaway.

"Mabuti naman at nandito kayong apat! Ibalik nga ninyo ang lalaking 'yan sa Westbridge! Nilagyan lang ninyo ng pangit ang paaralan natin!" Utos ni Mandy. Malalim na ang galit niya para sa binata dahil sa lahat ng tao, ito ang nang-insulto sa kaniya. Ito ang lalaking mababa ang tingin sa kaniya at hindi karespe-respeto.
"Huwag kang umarte na para bang ikaw ang pinakamaganda sa campus na ito!" Napupuno na rin siya kaya sinupalpal na niya ang dalaga.
Napanganga si Mandy at nanginginig ang buong katawan. "As if naman na ang guwapo mo!"
"Ate, tama na po," saway ni Lance Leonard sa pinsan dahil padami na nang padami ang mga estudyante at sila ang pinagtitinginan na para bang mga artista na gumagawa ng pelikula.
"Iyang putok sa buho ang pagsabihan ninyo!" Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kailan pa niya ginawang business ang pagiging tsismoso ng iba?
Natahimik sila at lahat ay nakatingin kay Aron na halatang pinipigilan lang ang sarili dahil maraming tao.
"K-Kuya..." wika ni Jairah at hinawakan ito sa kanang braso, trying to comfort him.
"Mauna na ako sa inyo, baka ma-late pa ako sa klase," malamig ng boses na paalam ng binata. Sanay siyang tuksuhin ng mga nakakilala talaga sa kaniyang pagkatao pero may oras pa rin na hindi siya handa. Masakit pa ring sampalin ng katotohanang produkto ka ng pagkakasala ng iyong ama.
"Ate naman. Bakit mo nasabi iyon kay Kuya?" saway ni Lee Patrick.
"Oo nga po, below the belt na iyon," pagsang-ayon ni LL.
"Duh!" she rolled her eyes. "Mas masakit pa siyang bumanat!"
"Hindi ho bang puwedeng maging friends na lang po kayo?" tanong ni John Jacob.
"Duh! Kami maging friends? Over my dead and voluptuous body!" pagsisinuplada mg dalaga. Sila? Maging magkaibigan o magkabati ni Aron? Para na rin nilang sinabing aakyat siya sa ilalim ng lupa! Impossible!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon