31

158 6 0
                                    

CHAPTER 31

Unedited...
"Ate, sige na, sumama ka na!" pamimilit ni John Jacob.
"Ayoko!" tanggi Mandy. Sa mansion sila ng mga Lacson matutulog ngayon bilang family bonding.
"Mom, ayaw sumama ni Ate Mandy," parang batang sabi ni Jacob.
"E di hindi kayo makakaalis!" sagot ni Ann na inaayos ang buhok ni Anndy.
"Huwag ka na kasing sumama, Anndy!" naiinis na sabi ni John Matthew. Alas otso na ng gabi at kanina pa sila nakabihis.
"Sasama ako, Mommy!" sabi ni Anndy.
"Sabing huwag na eh!" singhal ni Lance Leonard kaya namasa ang mga mata ni Anndy.
"M-Mommy..."
"Huwag n'yo namang sigawan ang kapatid ninyo!"saway ni Ann.
"Ewan na kasi 'yan!" naiinip na sabi ni Lance Leonard. "Panira lang 'yan mamaya!"
"Palibahasa hindi kayo makaporma kapag kasama ako!" depensa ni Anndy at humarap sa pinsan. "Ate Mandy, sumama ka na kasi para pumayag na sina Mommy!"
"Ayaw ko! Hindi naman ako imbitado!" napipikon na sabi ni Mandy.
"Imbitado ka na nga kasi ikaw ang girlfriend niya," pangungumbinse ni John Jacob. "Kailangan kami ni Kuya Aron, moral support."
"E di pumunta kayo! Moral support niya mukha niya!"
"Ate Mandy naman. Sige na po," pangungulit ni Anndy. "Punta na tayo kay Kuya Aron, nandu'n naman po sina Ate Jairah e," sabi ni Anndy.
"Sige na, umalis na kayong apat! Kanina pa kayo hinihintay ng driver sa labas at maiwan ka, Anndy!"
"S-Sasama ako eh!" umiiyak na sabi ni Anndy. Ganito ba kapag bata ka pa at puro lalaki ang nakapaligid sa 'yo? Iyong wala ka nang karapatang magliwaliw lalo na pagsapit ng gabi? Curious siya sa lahat ng bagay. Iyong mga pinupuntahan ng kapatid, at naranasan ng mga kaibigan niyang hindi ganoon kahigpit ang mga magulang.
"P-Palagi na lang akong naiiwan," humihikbing saad niya.
"Oh, ano ang nangyari sa 'yo, Anndy?" tanong ni Cheska nang makababa kasama ang asawa. "Pinapaiyak mo na naman ang bunso mo, Ann?"
"A-Ayaw po kasi nila akong isama sa o-opening ng bar ni Kuya Aron..." sumbong ni Anndy at muli na namang pinahidan ang mga luha.
"Haist! Kanina pa 'yan ah! Samahan mo na kasi, Mandy!" Utos ni Cheska.
"Ayaw ko! Hindi ako imbitado ni Aron!" nakasimangot na sagot ni Mandy. Para ano pa? Si Aron lang naman, kaya hindi big deal sa kaniya. Kahit na hindi sila magkita habambuhay. Mas matuwa pa nga siya.
"Inimbitahan n'ya ako kaya ikaw ang pumunta!" sabi ni Cheska.
"Ikaw ang inimbitahan kaya ikaw ang pumunta!" pagsisinuplada ni Mandy. Bakit ba niya ipipilit ang sarili sa taong ayaw naman sa kaniya? Not her lost, anyway!
"Samahan mo lang kasi si Anndy!" Hinila siya ng ina para tumayo sa upuan. "Pagpasok ninyo, umuwi kayo kaagad kung ayaw mo talaga!"
"Pumunta pa kami roon kung ganu'n lang din lang?"
"Umalis na kayo! Samahan mo na si Anndy dahil hindi kita bibigyan ng allowance kapag hindi mo 'yan samahan!"
"Mommy?" bulalas ni Mandy. Kilala niya si Cheska kaya alam niyang hindi ito nagbibiro.
"Umalis na kayo, magpapahatid kayo sa daddy mo!"
Padabog na nagmartsa si Mandy palabas. Ne hindi na siya nagbihis pa dahil pang-alis naman ang suot niya.
"A-Ate Mandy, sorry po," paumanhin ni Anndy.
"Maging masaya ka na lang mamaya sa party ng pinsan mong hilaw!" sabi ni Mandy. Unli drinks and foods daw pero nawalan siya ng gana.
"Sumabay na lang kayo sa quadruplets umuwi, okay?" sabi ni Oliver bago sila bumaba.
Habang palapit sa Entrance, naririnig na nila si Aron na nagsasalita sa ceter stage. At pakiramdam ni Mandy, sa impyerno siya papasok.
Nang pinapasok sila ng guwardiya, saktong tapos na si Aron at nagse-serve na ang waiter ng pagkain.
"Ate Mandy, halika sa table nina Kuya!" excited na sabi ni Anndy nang hinila si Mandy palapit sa quadruplets. Nagpatangay naman si Mandy. Puno ang bar. Marami na nga ang nakatayo.
"Mandy!" bati ni Sky kasama sina Blue at Black at ang iba pa.
"Mabuti naman at nakarating ka," sabi ni Jairah na kasama si Taira sa iisang table.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni Aron nang lumapit sa table nila.
"Opo," sagot ni LL.
"Maiwan ko muna kayo, aasikasuhin ko lang ang ibang bisita ko," sabi ni Aron. Kailangan niyang makipagsapalaran sa free taste lalo na sa mga baguhan dito sa Quezon. May limit ang libreng inumin at pagkain at sigurado siyang mapapabili ang mga ito mamaya kapag maubos na.
"Nagkabalikan na ba sila?" tanong ni Sky habang nakatingin sa table na pinuntahan ni Aron na sinundan ng mga mata ni Mandy.
"Kayo na ni Kuya, 'di ba?" nagtatakang tanong ni Taira kay Mandy.
"Dalawa kayo ang girlfriend ni Kuya Aron?" inosenteng tanong ni John Jacob kaya pinandilatan siya ng mga kapatid lalo na't umuusok na ang ilong ng pinsan.
"Kaya pala ayaw niyang pumunta ako!" nakataas ang kilay ni Mandy saka tumayo. Naapakan ang pride niya.
"Excuse me," sabi ni Mandy nang makalapit at hinila ang silya sa harapan nina Julie at Aron. "Magandang gabi, Julie's bakeshop!" bati ni Mandy at inabot ang isang bote ng alak saka nilagok hanggang sa maging kalahati na. Napataas ang kilay niya nang pinagmasdan lang ng dalawa ang ginagawa niya. Ang mga pinsan sa kabilang table ay nakaabang lang kung sakaling may gulo na namang mangyayari.
"Nagkabalikan kayo?" prangkang tanong niya at mataman na tinitigan si Julie. Nang hindi ito makasagot ay si Aron ang hinarap niya. "Kaya pala ayaw mo akong pumunta kasi nandito ang special guest mo!"
"Mandy, bumalik ka na sa mga pinsan mo!" mahinahong sabi ni Aron na kulang na lang ay sipain si Mandy.
"Mamaya!" Inubos na niya ang laman ng boteng alak. "Ang pagkakaalam ng iba, tayo na pero sa halip na ako ang isama mo, ang ex mo pa ang nandito. Mabuti pa nga si Liam, kami ni Jairah ang special guest!"
"Alam mong walang tayo!" sabi ni Aron at inaalalang baka kung ano ang isipin ni Julie. Siya ang nagpumilit dito na pumunta kaya ayaw niya mapahiya ito.
"Ay, wala nga pala tayo!" nakangising sabi ni Mandy at hinarap si Julie.
"Alam mo, Bakeshop, hindi naman totoong kami ni Aron!" taas noong sabi ni Mandy. Mataas ang alcohol tolerance niya kaya walang tama ang isang bote ng mamahaling alak. "Naalala mo ba noong sa welcome party ni Loisa Gonzales? Iyong kaibigan mong galing sa Barcelona?" Napansin niyang nagulat si Julie sa sinabi niya.
"Mandy, ano ba! Umalis ka na muna!" saway ni Aron na tumaas na ang boses pero itinaas ni Mandy ang dalawang kamay para tumahimik ito. "Huwag mo akong hawakan, Aron! Mahal ang talent fee ko sa story telling kaya magpasalamat ka, libre lang 'to kasi alam kong tanga ka!"
Muling hinarap niya si Julie. "Ipinakilala ka noon ni Jerome girlfriend niya sa mga friends niya, tama?" tanong ni Mandy at tinabig ang kamay ni Aron. "Huwag mo akong hawakan, Aron! Kung ayaw mong mag-wild na naman ako at mapahiya ang bakeshop mo!"
Muli siyang humarap kay Julie at ipinagpatuloy ang kuwento. "Kayo pa ni Aron noon, 'di ba? Alam ba ng istupidong ito kung saan ka nagpunta at kung sino ang kasama mo?" sabay turo ni Mandy kay Aron, "I bet, hindi!"
Napayuko si Julie dahil alam nilang pareho na tama ang sinasabi ni Mandy. "Nandoon ako. Naging saksi ako kung paano ninyo niloloko ang isang tanga!" sabi ni Mandy.
Tumahimik si Aron at nanginginig ang buong katawan dahil sa galit sa babaeng nasa harapan. Oo, nagkamabutihan na sila ni Julie ngayon at pinag-uusapan ang mga bagay-bagay pero mukhang sisirain na naman ito ni Mandy.
"Wala akong pakialam sa tanga mong katabi dahil sarado ang tainga niyan. Tanga nga eh!" panunuya ni Mandy. Sarado ang isipan ni Aron, nakikita niya.
"Noong sa swimming pool sa CTU, pumunta lang ako nu'n kasi hindi ko hinahayaang mapapahiya ang isang estudyante sa paaralang pagmamay-ari namin sa isang outsider lang! Not in my teritory!" sabi ni Mandy. Napakagat sa ibabang labi si Julie. Alam niyang totoo ang mga pinagsasabi ni Mandy. Nakalimutan niyang marami ang tao sa paligid dahil sa labis na pag-alala. Higit sa lahat, hindi niya naalalang nasa paligid lang si Aron.
"Maliban sa monay na tinapay, ano pa ang ibinebenta mo sa bakeshop ninyo at naging dalawa ang boyfriend mo?" tanong ni Mandy bago taasan si Julie na hindi makatingin sa kaniya. "Ano ang pinapalaman mo sa monay na tinapay? Hotdog, chorizo, or both? Gaano kasarap kapag isabay?" dagdag niya. Si Aron ay napahilot sa sintido.
"Huwag kang mag-alala, wala talaga kaming relasyon ni Aron! Hindi niya ako mahal at mas lalong hindi ko siya mahal! Hindi bagay ang isang dyosa sa isang istupido!" sabi ni Mandy saka tumayo at tinalikuran ang mga ito. Gusto pa nga niya sanang sapakin si Aron kaso wala siya sa mood mag-iskandalo.
"Ate Mandy, uuwi na po ba tayo?" tanong ni Anndy nang maupo si Mandy sa kanila. Heto na naman ang mukha niyang mukhang makipagbakbakan sa mga Maute sa Marawi.
"Mamaya!" sabi ni Mandy at inagaw kay Blue ang iinumin na sana nitong alak. "Gusto ko pang uminom!"

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon