OH MANDY
by: sha_sha0808Chapter 20
Unedited...
"Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang sakit
mo?" tanong ni Mandy nang i-park ni Aron
ang sasakyan
"Hindi kita maintindihan," naka-poker face
na sagot ng binata at tinanggal ang
seatbelt.
"Ito? Lahat ng ginagawa mo mula noong
isang araw, hindi ko maintindihan ang lahat
ng ito!" naguguluhang sabi ni Mandy. Mula
nang ihatid siya nito noong nakaraang araw,
hindi na nasundan pa ng pagtatalo kundi
puro flowers and chocolates ang binibigay ni
Aron sa kaniya. Sa tuwing magagalit siya,
kalmado lang ito. Hindi naman siya
puwedeng magwala dahil ang alam nga ng
lahat, sila.
"Girlfriend kita kaya ano ang masama kung
gawin ko iyon?" Ayan na naman, lalabas na
ang kaluluwa niya pero ito, kalmado pa rin.
"Ano ang masama? Alam kong may
binabalak ka! C'mon, tell me kung ano iyon!"
Wala namang nakakarinig sa kanila kaya
tumaas na ang boses ng dalaga.
"Wala," walang ganang sagot ni Aron.
"Boyfriend mo ako kaya ginagampanan ko
lang ang tungkulin ko."
"Damn! Kung ganun, break na tayo!"
Napasiksik siya sa upuan nang nilingon siya
ni Aron na 'sing lamig ng yelo ang mga
mata.
"Masyado ka naman yatang mabilis? Ano na
lang ang isipin nila? Ganun ka lang kadaling
makuha?"
"Wala akong pakialam basta break na tayo
at itigil mo na 'to!" singhal niya. Mas
nakakabaliw kapah ganito si Aron sa kaniya.
Kampante pa siya kapag magsigawan sila. At
least, nakakahanda siya sa mga gagawin
nito.
"Ayaw ko!"
"What?" bulalas ni Mandy. "Walang hiya ka
talaga! Break na tayo!" naiinis na sabi niya
saka papadyak-padyak pa ng mga paa.
"Next month. Hindi ka ba nag-e-enjoy sa
perfect relationship natin?"
"Fuck you! Perfect relationship mo mukha
mo!" galit na sabi niya at hinampas ng bag
ang binata pero agad naman nitong nasalo
gamit ang kaliwang kamay. Ang lakas ng
tawa ni Aron kaya mas kumulo ang dugo ni
Mandy.
"Chill! Masyadong mainitin ang ulo mo!"
"Tama na kasi! Bumalik ka na sa
Wedtbridge!"
"You know what, Mandy? Ikaw ang nag-
umpisa nito kaya panindigan mo! Ipinagkalat
mo na magkasintahan tayo kaya bilang
girlfriend ko, ayusin mo ang pag-uugali
mo!"
"Hindi mo ako girlfriend at kahit kailan, hindi
ako papatol sa 'yo!" Mula noon, hindi niya
pinangarap na maging kasintahan si Aron.
For what?
"Girlfriend na kita at Mandy? Alam mo ba
kung ano ang ginagawa ng mga
magkasintahan?" nakangiting tanong ni Aron
kaya nanayo na naman ang balahibo ng
dalaga. Para siyang nakikipag-usap sa isang
demonyo na nagbabalatkayo bilang mabait
na tao. Iyong ipagsigawan niya sa lahat ng
kampon ito ng kadiliman pero walang
naniniwala sa kaniya dahil ang nakikita nila,
ang puting pakpak nito.
"B-Bumaba ka na..." utos niya at napalunok
ng laway.
"Sinusundo at hinatid kita, nasaan ang thank
you kiss ko?" Hinawakan niya si Mandy sa
kaliwang kamay pero mabilis na tinabig ng
dalaga.
"Waaaah! Lumayo ka sa akin!" tili ni Mandy
at mabilis na binuksan ang pinto at lumabas.
"Mandy!" tawag ni Aron na nakababa na rin.
Humarap si Mandy at binigyan ito ng
masamang tingin.
"Huwag mo akong kausapin kung ayaw
mong mapahiya sa buong campus!"
pagbabanta ng dalaga.Hindi siya nagbibiro. Magwawala talaga siya
kapag hinawakan pa ni Aron.
"Fine!" pagsuko ng binata. Hinayaan na niya
si Mandy na maglakat patungo sa classroom
nito. Siya naman ay dumiretso sa classroom
nila.
"Morning, Aron!" bati ni Joyce na nakaupo
kasama ang iba pa nilang kaklase.
"Morning," tipid na sagot ng binata.
"Seryoso ka ba talaga kay Mandy? Parang
kailan lang, nagsisigawan pa kayo a!" tanong
ni Joyce.
"Oo nga! Hindi ba't pinapahiya ka pa niya?"
segunda ng kaklase nila. Mabait naman ang
mga ito. Madalas, kinakausap niya.
"Actually, ganun talaga kami ni Mandy,"
sagot niya. Para ano pa na magpaliwanag
siya sa mga ito?
Pagkatapos ng klase, naisipan niyang
magpahinga muna sa tambayan dahil kulang
siya sa tulog. May exta room naman para sa
kaniya kaya magpahinga muna siya.
"Itanong mo pa sa kaniya!" Pagkapasok niya,
bunganga kaagad ni Mandy ang nadatnan.
"Di ba, Aron, wala naman talaga tayong
relasyon? Aminin mo sa kanila ang totoo!"
Pinagmasdan niya si Mandy. Wala pa ring
pagbabago. Nandidilat pa rin ang mga mata
nito at ang nguso, 'sing haba ng suso kapag
sumbungin ng kamalditahan.
"Alam na ng lahat kaya bakit mo pa i-deny,
Mandy?" sagot ni Aron kaya pinandilatan na
naman siya nito.
"Hoy, Aron! Umayos kang tanga ka! Wala
akong gusto sa 'yo!"
"Makatanga ka sa akin ah!" sabat ni Aron. Sa
tuwing marinig niya ito kay Mandy, umiinit
ang ulo niya pero sinikap pa rin niyang
maging kalmado. Ang quadruplets ay
palipat-lipat ang mga mata sa kanilang
dalawa. "Alam kong nahihiya ka lang na
aminin sa mga pinsan mo ang
pagmamahalan natin, Mandy pero
paminsan-minsan--"
"Shutup!" she shouted. "Kahit kailan, hindi
kita mamahalin! Ayaw kong magmahal sa
isang taong walang ginawa kundi
magpakatanga!"
Kapag ganito na ang boses ni Mandy, umasa
kang hindi ka na makakasingit pa kaya naupo
siya sa tabi ni Jairah. "Kayong lima!" Tinuro
ni Mandy ang mga nakaupo sa harapan niya.
"Kung naniniwala kayo sa istupidong ito,
kalimutan na ninyo na magkakilala tayo!"
Sagad na siya! Masyado nang ginugulo ni
Aron ang utak niya. Hindi siya puwedeng
maging kampante dahil para itong ahas,
mabait kapag busog pero oras na magutom,
umasa kang kahit ang nag-aalaga rito ay
kakainin niya. Perfect timing. Iyon lang ang
inaabangan ni Aron para walisin siya sa
paningin nito.
"Buwesit kayong lahat!" galit na sabi niya
saka sinipa ang paa ng sofa bago lumabas.
"Kuya naman, mamamatay na si Mandy sa
inis sa ginagawa mo," natatawang sabi ni
Jairah.
"Kuya? Totoo bang may relasyon kayo?"
tanong ni John Jacob kaya binatukan ni Lee
Patrick.
"Tanga ka lang kung maniwala ka!" sagot ni
John Matthew.
"Hayaan n'yo siya," pagod na sagot ni Aron.
Kung galit si Mandy sa kaniya, mas galit siya
dahil sa pagsira nito ng buhay niya. Hindi na
sumasagot si Julie sa mga tawag niya.
Mukhang nagpalit na yata ito ng number.
Kahit sa Instagram, in-unfollow siya at naka-
private na ang account nito.
Pumasok siya sa kuwarto para magpahinga.
Kilala niya si Mandy. Alam niyang mababaliw
na ito sa kakaisip kung ano ang gagawin
niyang masama sa dalaga. Sino ba ang
maniniwalang totoo ang pakikitungo niya
rito?
Matapos ang isang oras, nagising siya kaya
agad na tumungo siya sa banyo para
maghilamos at kumain. Nauna na raw sina
Jairah at ang quadruplets na bumalik sa
classroom. Alas dos pa naman ang klase niya
kaya may oras pa siya.
Paglabas niya para pumunta sa swimming
trainor niya, napakamot siya sa ulo nang
makita si Mandy na may kausap na apat na
estudyante. Wala siyang choice, madadaanan
talaga niya ang mga ito.
"Okay, mayaman ka pero sa tingin mo,
maganda ka?" panunuya ng isa. Kahit na
nakatalikod, kilalang-kilala niya ang postura
ni Mandy.
"At sino naman ang nagsabing pangit ako?
Kayong apat na kahit rapist, hindi papatol
kahit takpan pa 'yang mga mukha ninyong
ipinigalihi sa langka na puro tinik sa mukha?"
nakapamewang na sagot ni Mandy pero
hindi niya napansin na papalapit si Aron.
Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa
kanila lalo na sa kaniya na papalapit sa mga
ito.
"Hoy, pango ang ilong!" panunuya ng isa kay
Mandy. "Maputi ka lang pero pango ka pa
rin!"
"Aba, hindi pango ang ilong ko!" sabat ni
Mandy. "Matangos ang ilong ninyo pero
hindi pa rin kayo maganda!" Nang mapadaan
siya, saka naman nagtulakan ang apat kaya
natapon ang dala niyang juice. Hindi siya
pango. Pustahan man, hindi talaga siya
pango! Maliit lang ang ilong niya at wala
siyang problema rito. Maliban na lang sa
mga retokadang akala mo e inborn ang
pagkatangos.
"Mandy," tawag ni Aron kaya napakagat siya
sa ibabang labi. Ayaw niyang lumingon. Mas
lalong kukulo ang dugo niya sa galit.
"Wala ka pa bang pasok? Ihatid na kita,"
sabi nito at hinawakan siya sa braso.
"Mabuti nga, kunin mo na ang girlfriend mo
para hindi na 'yan pakalat-kalat sa daan!"
pagsang-ayon ng babae. Alam ni Mandy na
matapang lang ang mga ito dahil may
sinasandalang sorority.
"Hoy kayong mga dukha kayo!
Makapagsalita parang kayo ang may-ari mg
school na 'to ah!" sabi ng dalaga. "Kapag
ako ang maging sorority queen,
ipapatanggal ko kayo sa lintik na sorority
ninyo!"
"Mandy, tama na!" saway ni Aron at hinila
na ito palayo.
"Bitiwan mo ako! Sisirain ko pa ang mga
retokeng ilong ng mga tipaklong na ito!"
Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang
pagkakahawak ni Aron sa kaniya.
"Pango!"
"Kabayo!" singhal ni Mandy. "Bitiwan mo
ako, Aron! Hindi ako nagbibiro, wasakin ko
pa ang mukha nila!" gigil na gigil ma talaga
siya pero hinawakan siya ni Aron sa
magkabilang balikat at pinaharap ito.
"Makinig ka, Mandy! Alam nating hindi ka
pango. Maliit lang ang ilong mo pero bagay
naman sa 'yo kaya huwag ka nang makipag-
away sa kanila," pakiusap ni Aron.
"Sila ang nauna!" pagtatanggol ni Mandy sa
sarili.
"Nakikita mo ang ilong ko?" tanong ni Aron
kaya napatingala si Mandy sa mukha nito.
Hindi maikailang ipinagpala ang binata
pagdating sa ilong. Matangos ang ilong ni
Aron na namana nito sa amang si Aron.
Inakbayan niya si Mandy at pinisil ang
balikat nito. "Huwag kang mag-alala, kapag
magka-baby tayo, sagot ko na ang ilong nila
at sa 'yo naman ang mukhang maganda."
Ang ibang nakarinig ay kinilig at ang iba ay
naiinggit na nakatingin sa kanila.
Gusto na talagang sipain ni Mandy ang
binata kung hindi lang marami ang
nakatingin sa kanila. Paano nito nagagawang
maging kampante kung siya ay magmawala
na dahil sa sobrnag inis?
Nanayo ang balahibo niya sa batok nang
inilapit ni Aron ang bibig sa tainga niya saka
bumulong, "Good luck na lang sa ugali nila
kapag sa 'yo pa magmana."
"Kaysa naman sa 'yo na tanga!" panunuya ni
Mandy.
