CHAPTER 11
Unedited...
"Ano ba 'yan, Mandy? Bakit ang baba ng grade mo sa P.E?" tanong ni Oliver nang makita ang class card ng anak.
"Swimming 'yon," sagot ng dalaga.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin marunong lumangoy?"
"Daddy naman e! Natatakot ako." Padabog na naupo si Mandy sa mahabang sofa sa sala.
"Hindi ka naman malulunod dahil nandiyan naman ang instructor ninyo."
"Natatakot talaga ako dahil tinuruan ako ni Mommy na hindi lumangoy!"
"Ako na naman?" sabat ni Cheska nang lumabas sa kusina.
"Ikaw naman talaga e!"
"Malay ko ba diyan sa tubig! Sa natatakot ako e!"
"Tama na," saway ni Oliver sa mag-ina niya. "Kakausapin ko na lang kung ano ang magagawa ng instructor pero prelim pa lang naman. Kailangan mong matutong lumangoy bago matapos ang first semester."
"Impossible na. Takot talaga ako sa malalim na part ng water!" maarteng sabi ni Mandy.
"Kukuha ako ng trainor mo," sabi ni Oliver.
"Ayaw!" parang batang tanggi ng dalaga.
"Mandy naman, kailangan mong makapasa." Ang aga pa yata niyang tuyuan ng dugo.
"Daddy, hanap ka po ng paraan," pakiusap nito. Si Cheska ay walang pakialam sa dalawa at binuksan ang TV.
"Kaya nga kukuha ako ng magtuturo sa 'yo," sabi ni Oliver.
"As if na may makapagturo riyan sa anak mo," sabat ni Cheska ay naupo sa tabi ng asawa. "Bakit parang iba ang amoy mo?"
"Nag-iba ako ng pabango."
"Nag-iba?" tumaas na ang boses ni Cheska kaya napatakip ng tainga si Mandy. "O may ibang babae ka?"
"Ang OA mo, mommy!" sabi ni Mandy. "Tayo kaya ang bumili niyan noong nag-shopping tayo pagkatapos kong magpagupit!"
"Ganon ba? Ang bango naman," sabi ng ina at inamoy si Oliver kaya napahilot sa sintido ang asawa.
"Alis na nga ako!" sabi ni Mandy at tumayo. Ang family driver ang maghahatid sa kaniya dahil may pupuntahan daw ang mga magulang.
First day ng PRISAA ngayon at sa school nila gaganapin ang swimming competition mamaya.
"Manong, daan muna tayo sa seven eleven, bibili lang ako ng blue water." Wala kasi sa loob ng campus kaya dumadaan siya bago pumasok.
Pagdating niya sa CTU, ang daming mga estudyanteng nakatayo sa tabi ng gate mula sa iba't ibang unibersidad.
"Tabi nga kayo!" singhal niya sa mga taga Westbridge.
"Mandy!" masayang bati ni Sky at niyakap siya.
"Hello, Mandy!" masiglang bati ni Blue at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi," tipid na bati ni Black.
"Ano ang nangyari sa buhok mo?" natatawang tanong ni Sky kaya naiiyak na naman si Mandy. Ang bully pa naman ng triplets na 'to.
"Huwag niyo na nga pong ipaalala." Nasira na ang mood niya.
"Ang cute mo," puri ni Blue. "Bagay sa 'yo."
"Oo nga, para kang si Dora," pagsang-ayon ni Sky kaya mas lalong nalukot ang mukha ng dalaga.
Si Black ay nakikinig lang sa kanila. Kagaya ng inaasahan, itong triplets ang pinagtitinginan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa sila tuwing PRISAA dahil nakikita nila ang quadruplets ng mga Lacson at triplets ng mga Villafuerte.
"Kuya!" bati ni LL na papalapit sa kanila kasama ang tatlo pang kapatid.
"Hey, kamusta kayo?" masiglang bati ni Sky at nakipagkamay sa apat. Close ang mga ito. Mataas ang respeto nina Lee Patrick sa triplets. Ito ang nagsilbing mga kuya nila mula noon. At obviously, nakababatang kapatid din ang tingin ng triplets sa quad.
"Okay lang po. Ano ang sasalihan ninyo?" tanong ni John Matthew.
"Basketball," sagot ni Blue.
"Kami rin," ani John Jacob.
"Maglalaban pala tayo? Magpatalo kayo ha," sabi ni Sky kaya ngumiti na lang ang apat. Wala rin sa utak nila ang magpatalo. Sports lang 'ika nga.
"Aron!" tawag ni Black sa kaibigan na kasama si Julie.
"Ang tagal mo nang hindi dumalaw sa Westbridge," sabi ni Sky.
"Araw-araw nasa Westbridge ako," sagot ni Aron at inakbayan ang kasintahan. Sundo't hatid niya si Julie kaya para pa rin siyang taga Westbridge.
"Araw-araw ka pala sa Westbridge?" sabat ni Cheska at napasulyap kay Julie na mukhang may ibang tinitingnan. Hindi nga siy nagkamali, si Jerome ang tinitingnan nito na papalapit sa kanila.
"Nandito na pala ang makakalaban mo mamamaya, sabi ni Blue.
"Hi, guys!" bati ni Jerome at napasulyap kay Julie na hindi makatingin sa kaniya. Nagtagis ang bagang niya nang makitang nakaakbay si Jerome sa balikat nito.
"Good luck sa atin, Aron!" sabi niya saka inilahad ang kamay na inabot naman ni Aron. "May the best man win!" makahulugan nitong sabi.
"Win saan?" sabat ni Mandy nang hindi na nakatiis. "Sa swimming? O sa ibang bagay?" Dedma niya lang ang nakakamatay na mga mata ni Aron. Pakialam niya sa tangang 'to?
"Sa swimming, of course!" nakangising sagot ni Jerome.
"Ang haba ng hair ni Julie!" wika ni Mandy kaya napatingin silang lahat sa dalaga. Hindi pa kasi ito nagpupuri ng iba.
"What?" inosente niyang tanong at isa-isang sinalubong ang mga mata nila.
"Hindi ko lang akalain na purihin mo si Ate Julie?" sagot ni Lance Leonard.
"Ah, kapuri-puri naman talaga ang mahabang buhok ni Julie, ang sarap magmura!" sagot niya at nginitian si Julie.
"T-Thank you," nahihiyang pasalamat ni Julie. Nagpaalam na ang triplets na umalis dahil sila ang first game.
"Wala iyon! Naiinis lang ako dahil may tangang pumutol sa mahabang buhok ko!" Inilipat niya ang mga mata kay Aron na walang pakialam sa inis niya at ang tanging sa isip nito ay ang laban mamya. Sana ay matalo niya si Jerome.
"Pasaway ka raw po kasi," sabi ni Jacob.
"Kung sabagay, mga two timer ang may mahahabang buhok," saad niya kaya namula ang pisngi ni Julie. Alam niyang natamaan niya ito. Napansin niya ang pagpisil ni Aron aa balikat ni Julie para ipaalam sa kasintahan na pagpasensiyahan lang siya.
"Bitter mo, Ate Mandy!" ani Lee Patrick.
"Palibhasa walang lovelife!" tukso ni Jacob.
"Kaysa naman sa mag-boyfriend ako tapos marami sila, 'di ba, Julie?" Nakipagtitigan pa talaga si Mandy kay Julie na agad namang iniwas ang mga mata sa kaniya. "Ang pangit naman kasi na babae ka tapos marami kang kasintahan? Parang ang dumi? Lalo na't matindi ang tiwala ng boyfriend mo sa 'yo kasi akala niya, matinong babae ka. Iyon pala, makati talaga!"
Hinihintay niya ang sagot ni Julie pero wala. Napakayuko lang ito kaya hindi na niya makita ang mukha.
"C-CR lang ako," paalam ni Julie saka mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
"Balak mo ba siyang sundan, Jerome?" tanong ni Mandy.
"Pakisundan naman siya, baka maligaw," pakiusap ni Aron dahil tinatawag na siya ng coach nila.
"Ako ang bahala sa kaniya," sagot ni Jerome at tumalima na.
Ang quadruplets ay umalis na rin para puntahan ang mga kaklase para mag-attendance.
"Ano ang problema mo, Mandy?" salubong ang mga kilay na tanong ni Aron.
"Maliban sa kung bakit ang ganda ko? Wala na," sagot ng dalaga.
"Bakit iyon ang sinabi mo kay Julie?" Alam niyang may ipinupunto si Mandy pero hindi lang niya matukoy. Impossible naman na para talaga kay Julie ang sinabi nito.
"Dahil dini-describe ko siya, may masama ba?" balik-tanong ni Mandy kaya naikuyom ni Aron ang kamao. Mabuti na lang dahil marami ang tao sa paligid dahil kung wala, naibalibag na naman niya ito.
"Huwag mong insultuhin ang kasintahan ko! Ano ba ang nagawa niya sa 'yo? Kung galit ka sa akin, ako na lang! Huwag mo nang idamay pa si Julie!" mahina pero may diin ang bawat salita na sabi ni Aron.
"Una, hindi ko iniinsulto ang kasintahan mo! Prangka akong tao at 'gaya ng sinabi ko, dine-describe ko siya! Pangalawa, wala siyang nagawa sa akin! Naiinis ako dahil mahaba ang buhok niya at ikaw ang salarin kung bakit maiksi ang sa akin at pangatlo, galit ako sa 'yo at hindi ko ugaling idamay ang iba! Nagkataon lang talaga na allergic ako sa malalandi katulad niya!" Hinihingal siya sa mahabang sinabi.
"Hindi malandi si Julie!" depensa ni Aron. Sa kanilang dalawa, siya ang mas nakakaalam ng tunay na pagkatao ng kasintahan. Matagal na niya itong nakasama at nakilala.
"And that what makes you stupid! Tanga!" bulyaw ni Mandy.
"Ulitin mo ang sinabi mo!" Nanggigigil na hinawakan ni Aron sa braso ang dalaga na halos ipabaon na niya ang mga kuko rito.
"Malandi siya at tanga ka!" sigaw ni Mandy kaya napalingon ang mga estuyanteng taga-Arellano. "At pwede ba, bitiwan mo ako dahil ilang beses mo na akong sinasaktan! Ipapakulong na kita!" Sabay tulak niya kay Aron at naiiyak na naman nang makita ang namumulang braso.
"Hindi ka mabuting tao! Sa lahat ng lalaki, ikaw lang ang nananakit sa akin ng ganito! Bakit galit ka? Dahil ba natuklasan ko na maharot ang kasintahan mo at tanga ka?" Wala na siyang pakialam kung sila na ang pinagtitinginan ng mga nasa paligid. E di mag-trending sila sa University Files na page. Wala siyang pakialam!
Hindi na nagsalita pa si Aron at tinalikuran na si Mandy bago pa may mag-video sa kanila. Basta alam niya sa sarili niya na hindi gagawin ni Julie iyon. Kilala niya si Mandy. Gagawa at gagawa ito ng paraan para ikasira ng kapwa.