29

227 11 0
                                    


CHAPTER 29

Unedited...
"Magaling ka na ba?" tanong ni Cheska nang pumasok sa kuwarto ng anak.
"Bakit? Anong meron?" tanong ni Mandy na naglilinis na ng kuko niya. "Kailangan ko na bang magpatawag ng manicurist?"
"Tumawag si Aron sa amin kanina at sinabing may lagnat ka. Magbihis ka, pupunta tayo sa doc--"
"Magaling na talaga ako, Mommy! Kumain ako at uminom na ng gamot ko!" sabat ni Mandy.
"Magbihis ka para makasiguro tayo!"
"Mom, ayaw! Seryoso ako, okay na talaga ako. Wala na akong lagnat at kumain na ako ng sopas."
"Sopas? Sino ang nagluto?"
"Si Aron. Mom, ang sarap niyang magluto!" puri niya. Pagbaba niya kanina, may natira pa kaya pinainit niya saka iyon na lang ang kinain para sa tanghalian.
"Na-inlove ka na sa kaniya?"
Namilog ang mga mata ni Mandy. "In love agad? Grabe ka naman po!"
"Bakit? Si Aron na lang kasi ang mahalin mo. Tutal, siya naman ang alam ng lahat na boyfriend mo."
Sumimangot si Mandy. "Ayaw ko nga! Kuripot siya at may sakit sa utak!"
"Baka ikaw ang may saltik sa utak?" ani Cheska.
"Basta! Hindi ko siya mahal! Wala akong gusto sa kaniya! Ewwww!" nadidiring sabi ni Mandy.
"Alam mo, wala ka ba talagang love interest?"
"Wala!" walang ganang sagot ni Mandy. Never pa siyang na-inlove at never din niyang pinangarap na magkaroon ng boyfriend o asawa balang araw. May crush siya, oo. Pero hanggang paghanga lang.
"Wala talaga?" paninigurado niya sa anak.
"Yes, wala talaga!" seguradong sagot ni Mandy kaya napabuntonghininga si Cheska at naupo sa malambot na kama.
"Wala namang masama kung subukan mong magmahal."
"Sorry, Mom, wala talaga akong balak mag-asawa," desididong sagot ni Mandy. Noon pa man, handa na siya sa possibleng mangyari na tatanda siyang mag-isa.
"Masarap ang may nagmamahal."
"Wala akong pakialam, Mom. Hindi ko kailangan ang pagmamahal!"
"Hindi mo ba talaga kailangan? O takot ka lang?" Anak niya si Mandy kaya kabisado niya ang ugali nito. Noong nagdadalaga ito, paulit-ulit nitong sinasabi na hindi siya mag-aasawa o ayaw niyang magmahal.
"Both! Just give me bags and shoes, wala kang makuhang reklamo sa akin sa buhay."
"Pero hindi ka matutulungan ng mga sapatos mo. Hindi ka niya kayang alagaan at mahalin kagaya ng tao!" giit ni Cheska. Mahilig siya sa sapatos at siya ang nagturo kay Mandy kung paano mahalin ang mga sapatos pero iba pa rin kapag may katuwang ka sa buhay na bibili nito para sa 'yo.
"But shoes are the only thing that can heal wounds na dulot ng mga tao," mahinang sambit ni Mandy sa pinagmasdan ang mga sapatos na nakapalibot sa buo niyang silid. "Sila lang ang nandiyan para pasiyahin ka kapag pinaiyak ka na ng mga tao."
Malungkot na tumingin si Cheska sa anak. Matapang ito pero kapag mag-isa lang, katulad din ito ng ibang dalaga, nalulungkot at umiiyak dahil nasasaktan. But as of now, alam niyang hindi pa talaga ito nagmamahal. Pero umaasa siya na kapag dumating ang araw na maisipan nitong magmahal, sana sa tamang tao.
"Lalabas na ako, kapag masama pa rin ang pakiramdam mo--I'm fine, Mom. Magaling mag-alaga ang mga tanga!"
"Stop calling him, Tanga!"
"Okay," pagpayag ni Mandy. "Stupidman is better!"
"Mandy!" Sinamaan niya ng tingin ang anak kaya napataas ang kamay ni Mandy bilang pagsuko.
"Maraming superheroes na istupido, Mommy!"
------------------
Bored si Mandy kaya inayos niya ang makeup, light lang. Kapag masobrahan, mas lalo ka pa ngang pumapangit.
"Dagdagan mo pa," sabi ni Jersel. "Hindi mapapasin ang foundation at hindi nakikita ang blushon mo."
Tumigil si Mandy sa ginagawa at hinarap ito. "Hindi makeup ang ibinabalandra at ipinagmamayabang ko, kundi itong pretty face ko!" wika niya na ang kamay ay nakaturo sa mukha. Kakasimula pa lang ng first subject nila ngayong hapon, sinisira na kaagad nitong bruhang kaharap niya.
"Suggestion lang naman!" pagsisinuplada ni Jersel.
"Hindi ko hinihingi ang suhestiyon mula sa babaeng makeup ang nagdadala ng kagandahan. Oops! Kahit order-in mo pa ang lahat ng products ng Avon, wala ka nang pag-asang gumanda!" panunuya ni Mandy at kinuha ang hair brush saka sinuklay ang buhok lalo na ang bangs.
"Tingin mo, maganda ka? Tingnan mo nga 'yang buhok mo!"
"Kahit magpapakalbo ako, maganda pa rin ako kaysa sa 'yo kaya layas sa harap ko!" pagtataboy ni Mandy. "Panira ka ng magandang buhay ko!"
Tinawag si Jersel ng mga kaibigan kaya lumipat na ito sa puwesto niya at nakipagkuwentuhan.
"Eh, oo na, kisser na siya!" kinikilig na sabi ni Persia.
"Totoo? Ayieee kuwento ka pa, gurl!" interesadong sabi ni Jersel. Ipinagpatuloy ni Mandy ang ginagawa pero ang tainga ay humaba patungo sa tatlong nag-uusap.
"So ayon, ang sarap niyang humalik. Hindi naman siya ang first kiss ko pero iba siya sa lahat. Expert siya!" pagkukuwento nito kaya napataas ang kilay ni Mandy habang nakatitig sa salamin.
"Ako naman, magaling din ang boyfriend ko, nakakadala. Alam mo 'yon? Akala ko, walang lasa pero iba pa rin pala talaga kapag mahal mo noh?" sabi ni Anastacia at napabuntonghininga pa na parang nangangarap.
"Ganoon kasi talaga kapag boyfriend mo. Ako nga, kisser din ang boyfriend ko," ani Jersel.
"May mga boyfriend na pala ang malalandi, nakipag-flirt pa sa iba!" bulong ni Mandy. Hindi niya gustong makinig pero ang lakas ng mga boses nila.
"Nag-torrid din kayo?" tanong ni Anastacia kay Jersel.
"Yes! Ang sarap kaya! Torrid kiss, french kiss. Ang sarap pala kapag parehong gumagalaw ang dila ninyo, nakakadala. Muntik na ngang may nangyari sa amin!" pagmamayabang ni Jersel.
Hinarap ni Mandy ang tatlo. "Hindi ba kayo tatahimik? Ang iingay ninyo!" saway niya sa tatlo.
"Bakit? Inaano ka ba namin?" taas noong sagot ni Persia.
"Hayaan mo na, inggit lang 'yan, palibhasa wala namang gustong humalik sa kaniya!" saway ni Jersel at pinagmasdan si Mandy mula ulo hanggang paa.
"Excuse me?" ani Mandy na mas lalong nagpainit ng ulo niya. "Ako? Kapal ninyo!" Nag-kiss na kaya sila ni Aron. Twice na pero mabilis lang at hindi pa niya inaasahan kaya hindi niya na-feel ang mga ipinagmamayabang ng mga ito.
"Totoo naman! Mabuti pa kami, marami ang gustong maka-kiss sa amin!"
"Ay!" Tumayo si Mandy at namewang. "Kaya ang dami kasi kahit sino, pinapatos ninyo! Ang yayabang! Ang pakipaghalikan sa iba, hindi dapat ipinagmamayabang dahil nagiging madumi kayo! Panira kayo sa mga matitinong kababaihan!"
Padabog na lumabas si Mandy. Wala siya sa mood para makinig sa kayabangan ng tatlo.
"Palibhasa may boyfriend nga, hindi naman siya pinapatulan!" Nagtawanan pa sila pero tuloy-tuloy lang si Mandy sa paglalakad.
Lahat ay napatingin sa kaniya nang pumasok siya sa classroom nina Aron. Nakipag-usap ito kay Joyce kaya sinipa niya ang tuhod nito nang tumapat siya sa binata.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Aron nang tumingala ay si Mandy ang nakatayo. Napahimas siya sa tuhod. Ang sakit pa naman ng pagkakasipa nito. "Masakit 'yon ha!"
Tahimik si Mandy na hindi maipinta ang mukha at parang susugod sa giyera pero nag-aabang lang na may maunang magpaputok ng baril para makasugod ito.
"What brings you here?" tanong ni Aron. Ang mga kaklase niya ay nag-aabang ng matinding bakbakan. Si Mandy pa naman ito at kung mukha ang pagbabasehan, gulo ang dala nito.
"Kiss mo 'ko!"
"What?" ulit ni Aron. Nabibingi na yata siya dahil parang iba ang narinig niya. Ang mga kaklase niya ay hindi nakaimik at mukhang nagulat din.
"Girlfriend mo 'ko kaya i-kiss mo na ako!" utos ni Mandy.
"Excuse me?" nakatingala pa ring wika niya.
"I-kiss mo 'ko! Iyong torrid, french tiyaka kailangan gumagalaw ang dila natin!" Utos ni Mandy na nakasimangot pa. Mukhang naistatwa naman ang mga nasa paligid at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Ouch!" daing ni Mandy nang tumayo si Aron saka hinila siya palabas sa classroom. "A-Ang kamay ko! Ayan na naman siya!" naiiyak na sabi ni Mandy habang kinakaladkad ni Aron patungo sa likod ng building.
"Maupo ka!" utos ni Aron.
"Ayaw!" tanggi ni Mandy at napahawak sa namumulang kamay.
"Maupo ka sabi eh!" singhal ng binata na para bang magpapayanig sa buong Pilipinas ang boses nito kaya mabilis na naupo si Mandy sa mahabang bench.
Ilang beses na huminga ng malalim si Aron bago naupo sa tabi ni Mandy.
"Ngayon, sabihin mo kung ano ang pinagsasabi mo kanina sa classroom," mahinahong sabi niya at napasulyap sa namumula nitong kamay. Na-guilty naman siya. Napaka-sensitive kasi ng balat ni Mandy at wala talaga siyang choice dahil hindi mo ito makausap ng mahinahon kaya ang pagkaladkad dito ang tanging solusyong naisip niya. "Ano ba ang problema, Mandy?" Hanggat maaari, ayaw niyanv magalit at magsigawan sila.
"Kiss mo 'ko, sige na, Aron ko!" nakalabing sabi ni Mandy kaya nanuyo ang lalamunan ni Aron.
Ngayong malinaw na ang boses nito, gusto niyang matumba na walang sugat.
"Ano na naman ang naisipan mo?"
"Basta kiss tayo--ouch!" reklamo ni Mandy nang mahinang sapakin siya ni Aron.
"Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo kanina sa harap ng mga kaklase ko?" Tumaas na ang boses niya. Suwerte lang dahil malayo ang pagitan ng ilang grupo ng estudyante sa kanila.
"M-May bukol na yata ako," naiiyak na sabi ni Mandy at hinampas ang braso ni Aron. "Walang hiya ka! Kiss ang hinihingi ko, hindi sapak!"
"Mandy, puwede bang umayos ka? Hindi ka na ba talaga nahihiya sa bunganga mo? Ayusin mo ang mga pinagsasabi mo sa harap ng maraming tao! Hindi na kung ano ang maisip mo ay sasabihin at gagawin mo!"
"Bakit ako mahihiya? Eh gusto ko lang naman ng kiss. 'Yung torrid at--" Tumahimik siya nang itinaas ni Aron ang mga kamay para pagbantaan siyang sasapakin na naman.
"Kaya ka iniwan ni Bakeshop kasi ang boring mo!" nagtatampong bulong ng dalaga.
"Kung ano man ang nasa isip mo, isarili mo na lang. Bumalik na tayo sa kani-kaniyang klase natin!" sabi ni Aron at tumayo dahil mukhang sinapian ng malanding multo ang kasama.
"Nakakainis ka!" padabog na nagmartsa si Mandy pabalik sa classroom nila.
"Haist! Mas isip bata ka pa kaysa sa quadruplets mong pinsan!" sabi ni Aron na pinagmasdan ang dalagang nasa uhanan. Ewan lang niya kung may mukha pa siyang ihaharap sa mga kaklase niya mamaya.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon