22

166 7 0
                                    


CHAPTER 22

"Dolce and Gabanna, Miu Miu, Louis Vuitton, Prada, Stuart Weitzman, Walter Steiger, Jimmy Choo, Christian Louboutin, name it at meron ako pero ang Made in Marikina--"
"Meron ka na rin no'n!" sabat ni Aron habang nagmamaneho. Kanina pa ito talak nang talak at naririndi na siya. Ang tinis pa naman ng boses ni Mandy.
"I hate you!"
"But I love you."
Isang makamandag na titig ang ipinukol niya kay Aron.
"Kailan ka pa natutong paglaruan ang pag-ibig?" naiinis na tanong niya. Kaya nga hindi na siya naniniwala sa mga lalaking nagsasabi ng "I love you" dahil parang normal na lang iyon na madulas sa dila nila.
"When you started playing it," he replied.
"I never was!"
"Yes, you did!"
"I didn't!"
"At ano ang sa tingin mo nang paglaruan mo ang relasyon namin ni Julie? Kung hindi dahil sa 'yo, kami pa sana!" Binilisan ni Aron ang pagpatakbo. Naalala na naman niya ang mag eksenang minamasaker ni Mandy ang pag-attempt niyang magpaliwanag kay Julie. Kung kailan masolo niya ito, saka naman parang kabute na biglang sumusulpot ang dalaga.
"Seryoso ka pa rin sa kaniya gayong two timer siya? No wonder, you're always be a stupid man!"
"Hindi siya two timer!" giit ni Aron. "Hindi lang kami nagkaintindihan ni Julie!"
"Stupid!"
"Ikaw lang nagsasabing stupid ako!" Pinapainit na naman nito ang ulo niya. Kahit gaano katibay ang depensa niya, napipikon din siya.
"E di you're my stupid man!"
Biglang nagpreno si Aron. Inaasahan na ito ni Mandy kaya hindi siya natinag.
"Hindi ka ba titigil sa pagtawag sa akin ng ganiyan?"
"Not until hindi mo inaamin sa sarili mo na that stupidman fits you!"
"Hindi ka ba tinuruan ni Tita Cheska at ng mga guro mo na rumespeto sa kapwa mo?" May bumusina na sa likuran nila kaya muli niyang pinaandar ang sasakyan.
"Tell me, Aron, how can I respect a stupid man like you? Kung ikaw mismo, ginagawa ka nang tanga, paano pa kita irerespeto?"
"So? It makes you na mabuting tao na dahil tanga ako?"
"Wala akong sinabing ganun! My point is, tanga ka!"
"Walang taong tanga!" Tumaas na ang boses ni Aron. Sa lahat ng pinakaayaw niya, ay ang tawaging tanga at galing pa talaga sa babaeng walang ginawa kundi ang sirain ang buhay niya.
"Yes, all men are equal. But how come, you were created stupid?" Bahala ito kung sumabog. Ano pa ba ang bago? Nakakainis lang kapag bumait ito. Iyon talaga ang nakakapanibago.
"Bitch! Keep your mouth shut! Hindi ko nais na marinig 'yang bunganga mong walang ibang sinasabi kundi puro kamalian ng iba! Pakilagay sa lugar ang talas ng dila mo, Mandy!"
"You don't like my sarcasm? Fine! I also don't like your stupidity, Aron!"
Si Aron na lang ang tumahimik dahil kapag magpatuloy pa siya, baka mapatay na talaga niya si Mandy sa loob ng sasakyan niya.
Nang makarating sila sa bahay, bumaba kaagad si Mandy.
"Hoy! Ang iniyakan mong sandal!" tawag ni Aron at hinabol ito.
"Solohin mo 'yang sandal mong walang kuwenta!" sabat ni Mandy. Bumukas ang gate at lumabas sina Cheska at Oliver na naisipang maglakad-lakad sa labas.
"Magandang hapon po," bati ni Aron.
"Pasok ka muna, Aron," alok ni Cheska.
"Hindi na po. Hinatid ko lang si Mandy."
"Hindi ko ikinatuwa ang paghatid mo!" sabat ng dalaga at pumasok na sa bahay.
"Pagpasensiyahan mo na ang batang iyon," paumanhin ni Oliver. Naaawa siya kay Aron dahil alam niya kung gaano kasakit sa ulo si Mandy.
"Ito po pala, sandal niya na binili kanina." Ibinigay niya kay Cheska ang supot at nagpaalam nang umuwi.
--------
"Oh, sandal mo raw!" sabi ni Cheska at inilapag sa ibabaw ng kama ang supot.
"Pakitapon!"
"Mandy naman, binili niya 'yan para sa 'yo!"
"Mom? Alam mo ba kung magka'no ang price niyan? Kung saan gawa? My gosh!"
"Ano naman kung mumurahin lang?"
"Murahin ko ang tangang iyon, gusto mo?" baliktanong ni Mandy kaya hinampas ng ina ang sandal sa mukha niya.
"Ouch! Ang sama mo!" naiiyak na sabi ni Mandy. "Hindi mo pa aayusin 'yang pag-uugali mo, kaklabuhin na talaga kita!"
"D-Daddy!" naiiyak na sabi ni Mandy nang makita ang ama sa pintuan saka tumakbo palapit dito. "S-Sinaktan ako ni Mommy!" sumbong niya at niyakap ang ama. Ang lakas pa naman ng pagkakahampas ng ina sa mukha niya.
"Tumigil ka na sa kadramahan mo dahil kung hindi, ipapakasal kita sa ibang lalaki!" pagbabanta ni Cheska.
"Ayaw ko!" tanggi niya. "Kapag ginawa mo iyon, magpapakamatay ako! Mawawalan ka ng anak at habangbuhay kang magdusa sa impyerno!"
"Kaya maging mabait ka kay Aron!"
"Ipakasal mo ako sa iba at magpakamatay ako, okay na 'yun," sabat ni Mandy kaya nanggigigil si Cheska.
"Makipag-blind date ka sa anak ng dati kong kaklase!"
"Ayoko! Tatanda akong dalaga!"
"Lahat ng sapatos mo, susunugin ko kapag hindi mo gawin ang gusto ko!" pagbabanta ni Cheska.
"Not my shoes!"
"Mag-ayos na kayo at bumaba dahil kakain na tayo ng dinner," sabi ni Oliver at tunalikuran ang mag-ina niya. Medyo bumait na si Cheska sa kaniya pero heto ngayon ang anak, dagdag pasaway naman.
-----------
Kinabukasan, sa second subject na pumasok si Mandy dahil na-late siyang gumising.
"Bakit absent ka kanina?" tanong ni Jersel habang patungo sila sa swimming class.
"Wala ka na roon!" pagsisinuplada niya. Kagaya ng dati, nakita niyang nasa swimming pool ang team nina Aron dahil sila ang ipapadala sa Rio Olympics in Brazil next month.
"Good morning, Mandy!" bati ng swimming teacher nila.
"Morning, Jake," tinatamad na sagot ni Mandy.
"Bad mood ka yata?" puna ni Jake. Ang mga estudyante niya ay tumungo sa shower room para magpalit ng damit.
"Hindi talaga magiging maayos ang araw ko hanggat nakikita ko ang istudpidong Aron na 'yan!" sagot niya at naupo sa upuang nasa gilid ng pool.
"Naiinis ka dahil marami ang naglalaway sa katawan ng boyfriend mo?" nakangising sabi ni Jake at napasulyap kay Aron at topless at nakaupo sa gilid ng pool habang ang mga paa nito ay nakalublob sa tubig.
"For what?"
"C'mon, marami ang naghuhumaling sa katawan lalo na sa abs ni Aron. Kaya mo nga siya nagustuhan, 'di ba?"
"Walang nagkakagusto sa katawan niya!"
"Look at those girls, hindi ba't panay ang sulyap nila kay Aron?" bulong ng bakla kaya iginala ni Mandy ang mga mata. Tama si Jake, naghuhugis puso ang mga mata ng kababaihan sa paligid habang nakatitig kay Aron.
"Malandi sila! Ano ba sa tingin nila sa katawan ng Aron na 'yan?"
"Ulam!" nakangising sagot ni Jake.
Tumayo si Mandy saka lumabas ng pool sa sobrang inis.
"Alam ba niyang may pasok pa siya sa akin? Ibabagsak ko na talaga ang malditang 'yon!" naiinis na sabi ni Jake. Ang tigas ng ulo nito. Pinakiusapan na nga siya ng mga magulang nito para lang mahatak ang grades pero heto, mukhang aabsent pa yata.
"Tapos na kayo?" tanong niya sa trainor nina Aron nang mapadaan ang team sa puwesto niya.
"Yes, puwede na ninyong masolo ang pool," sagot ng lalaki. Tuloy-tuloy si Aron sa boys shower room at naligo.
"'Tol, grabe, mahal mo ba talaga si Mandy?" tanong ng katabi niyang naghubad ng swimming shorts.
"Bakit mo natanong?"
"Paano kayo nagkakasundo? No offense ha, pero 'tol, hindi ko ma-imagine na nagmamahalan kayo," sabi niya. Sa ugali ni Mandy? Wala na yatang magkakagusto pa rito. Mukhang mambubugbog lang ito ng asawa e.
"Huwag mo nang i-imagine-in," sagot ni Aron na nagsasabon na ng sarili. Ngayon pa nga lang, hindi na niya kaya ang sungay nito, paano pa kaya kapag nasa iisang bubong pa sila?
Pagkatapos nilang magpalit, lumabas na sila para bumalik sa klase.
Pagkalabas ng shower room, napatingin na naman sa kaniya ang mga nasa pool.
"Mr.Aron Rodriguez, sumama ka po sa amin," sabi ng disciplinary officer.
"Bakit?" tanong ng binata.
"May nagrereklamo sa 'yo," sagot nito kaya napabuntonghinga ang binata. Sino pa nga ba? Iisang tao lang ang kilala niyang makakagawa nito sa kaniya kaya kusa siyang sumama pero malalagot talaga ito kapag tiyempuhan niya.
"Ano ang kasalanan ko?" tanong ni Aron nang madatnan si Mandy sa disciplinary office.
"Ano nga ba ang kasalanan niya, Mandy?" tanong ng faculty dahil ang sabi ni Mandy, ipatawag daw si Aron dahil may inilabag na batas sa paaralang ito.
"Illegal possesion of naked body! Public display of abs to CTU students!" naiinis na sagot ng dalaga kaya napapikit si Aron.
"Naghubad ka, Aron?" tanong ng faculty.
"Ano na naman ba ang pinagsasabi mo, Mandy?" -Aron.
"Hindi tama na i-display mo ang abs mo sa harap ng nga estudyante!" singhal ng dalaga.
"Nasa pool ako! Ano ang gusto mo? Mag barong tagalog ako? Sumusobra ka na, ah!" sabat ng binata.
"Ay, e di huwag kayong mag-swimming sa pool!"
"Stop it!" singhal ni Aron na nanginginig na ang buong katawan sa galit.
"Ano ba talaga ang problema? Hindi ba puwedeng bigyan naman ninyo ng katahimikan ang paaralang ito?" sabat ng lalaking nakikinig lang sa kanila.
"Si Aron kasi! Akala niya bahay nila ang paaralan! Kaya marami ang hindi nakakapasa dahil sa kaniya!" depensa ni Mandy.
"Boyfriend mo ba talaga siya?"
Natahimik si Mandy.
"May relasyon ba talaga kayong dalawa?" tanong ulit ng faculty.
"Oo naman! Concern lang ako sa boyfriend ko dahil marami ang nagnanasa sa kaniya kaya mula ngayon, bawal na siyang maghubad! Warning na 'yan sa 'yo, Aron ha!" Tumutulis pa talaga ang nguso nito.
"Halika nga rito!" gigil na hinila niya si Mandy palabas ng opisina.
"Aw! Masakit! Physical abuse na 'to, Aron!" sabi niya na sinusubukang magpumiglas pero mabilis na hinila siya ni Aron papasok sa stock room bago pa may makasalubong at may makapansin sa kanila.
"Ipaliwanag mo kung ano na namang kalokohan ang ginawa mo?" Tinulak siya nito para mapasandal sa cabinet na puno ng mga lumang aklat.
"Wala-ouch!" daing niya. Aalis na sana siya pero muli na naman siyang tinulak ng binata.
"Hindi ka makakaalis hanggat hindi mo maipaliwanag ang lahat!"
"Wala akong dapat na ipaliwanag! Ang masama, dinudumihan mo ang pangalan ko dahil girlfriend mo ako!" Lupaypay ang utak ng binata sa sinabi ni Mandy.
"Talaga? Ako pa ang dumumi ng pangalan mo? Sige, tutal, alam naman nilang girlfriend kita kaya panindigan mo na lang!"
"A-Ano ang gagawin mo?" napasiksik si Mandy sa cabinet. "B-Bakit ganiyan ang mukha mo?" Seryoso ang mga mata at nakasalubong ang kilay ni Aron.
"Huwag kang gumalaw!" sabi ni Aron at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"A-Aron, l-labas na tayo," namumutlang pakiusap ni Mandy pero hindi nagsasalita ang binata. Nakatitig lang ito sa mukha niya na para bang may sinusuri. Napahigpit ang pagkahawak ni Mandy sa laylayan ng palda nang bumaba ang mga mata ni Aron sa mapupulang mga labi niya.
"A-Aron? B-Baka may pasok na ako." Hindi maganda ang kutob niya lalo na't bigla siyang kinabahan.
"Alam mo ba kung ano ang palagi naming ginagawa ni Julie?" malamig ang boses na tanong ni Aron.
"K-Kung ano man i-iyon, isarili na lang ninyo pero Aron, labas na tayo." Buong katawan niya ay nanlalamig na dahil sa takot. Silang talaga lang ang nandito kaya baka kung sinaniban si Aron at mapatay siya nito?
"A-Aron? A-Ano ang gagawin mo?" nauutal na tanong niya.
"Ang ginagawa ng mga normal couple," sagot ng binata at ngumiti sa kaniya kaya napalunok siya ng laway.
"L-Labas na tay--uhmp!" Hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin nang maramdaman ang mainit na mga labi nito habang ang mga kamay ay nasa magkabilang pisngi niya para hindi siya makagalaw. Basta parang may gumagalaw na malambot na jelly ace sa mga labi niya pero tumigil na ito.
"Ipagpatuloy mo pa ang pagiging madaldal mo, baka sakaling umabot tayo sa puntong huhubarin ko na pati panty mo!" makahulugang sabi ni Aron at tinalikuran ang dalagang nakatulala at nangangatog ang mga tuhod dahil sa pagkabigla.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon